โAng sinasabi ko po ay hindi namin mahanap ang taong โyun, pero sigurado po kami na inarkila ng mga organizer ang mga part-time janitor ngโฆ mababang presyo lang po. Ang mga taong gagawa po ng ganitong madumi at mahirap na trabaho sa mababang presyo ay nasa pinakababa ng lipunan.โPagkatapos, kumunot ang noo ni Lucas at tinanong niya, โSir, bakit niyo po hinahanap ang ganitong klaseng tao?โโWala lang.โ Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. Isang part-time janitor, mula sa pinakamababang katayuan sa lipunan.Kahit na kung may sakit sa pag iisip si Luna, hindi niya yayakapin at sasamahan ang isang taong ganitong uri. Kaya naman, ang taong โyun kagabi ay hindi kasing simple ng nilarawan ni Lucas.โMagpatuloy kayo sa paghahanap. Ilang part-time janitor ang inarkila ng mga organizer, hanapin ang bawat isa sa kanila.โKailangan niyang matuklasan kung sino ang taong โyun kagabi!Tahimik ng ilang sandali si Lucas. Gayunpaman, sumagot siya sa huli, โMasusunod po, sir!โโฆPag alis ng restaur
Takipsilim.Pagsapit ng alas sais ng gabi, nakatanggap si Luna ng tawag mula kay Joshua. Gusto siyang sunduin ni Joshua papunta sa Orchard Manor. Sinabi ni Luna ang address ni Anne, hindi nagtagal, dumating ang kotse ni Joshua.Pagpasok ni Luna ng kotse, kumunot ang noo ni Joshua at tumingin ito sa maliit na bag na hawak ni Luna. โAnong dala mo?โNgumiti si Luna. โIsang regalo.โKumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya sa mga regalo. Umupo ng komportable si Luna sa backseat. โJuice lang ito na ginawa ko.โNgumiti si Luna. โNasugat si John, kaya binisita ko siya. Naghahanap ng paraan kung paano gumawa ng iced tea at fruit juice si Anne, kayaโt nakisama ako at gumawa na rin ako.โMedyo kumalma si Joshua. โMeron ba para sa akin?โNgumiti si Luna. โHindi. Mula sa pagkakaalam ko, ayaw mo sa ganitong mga bagay, Mr. Lynch. Kayaโt naghanda lang ako para kela Nigel, Nellie, Granny Lynch, at Ms. Blake.โTumaas ang kilay ni Joshua. โGumawa ka rin para kay Fiona?โโBakit? Hindi ba dapat
Sa likod ni Nellie ay Nigel, na papalapit sa kanila.Sa likod nila ay si Granny Lynch at si Fiona, na kinamuhian ang isaโt isa. Kinarga ni Luna si Nellie habang inabot niya ang maliit na bag kay Nigel.โNigel, dinala ko ito lahat para sa inyong lahat. Ibigay mo sa kanila lahat. Ang peach juice ay para kay Nellie, para sayo ang orange juice. Ang herbal tea ay para kay Granny Lynch, at ang lemon iced tea ay para kay Aunty Fiona.โTumango si Nigel. Dala niya ang maliit na bag at lumapit siya kela Granny Lynch at Fiona.Tinikom ni Nellie ang mga labi niya habang karga siya ni Luna. โBakit po dalawang salita lang ang pangalan ng inumin namin, pero tatlo kay Aunty Fiona? Hindi po patas!โBumaba si Nellie mula sa braso ni Luna at pumunta siya kay Nigel. โSa tingin ko po ay si Granny Lynch ang dapat respetuhin kumpara sa lahat, kayaโt siya po dapat ang may inumin na may pinakamahabang pangalan!โPagkatapos, ngumuso si Nellie at tumingala siya para tumingin kay Granny Lynch. โLola, hindi
Lumingon si Luna kay Fiona, tapos ngumiti siya ng matikas. "Mabuti na ang mga bata ay may sariling opinyon. Tutol man sa akin ang anak ko o hindi, hindi mo kailangang mag-alala, Ms. Blake." Sabi ni Luna habang sinusukat si Fiona, โKung may oras ka para guluhin ako, dapat mong gamitin ito para pangalagaan ang sarili mong kalusugan. Nabalitaan ko na mayroon kang nakamamatay na sakit at wala pang isang taon upang mabuhay?" Kinaway-kaway ni Luna ang kanyang mga daliri, kunwari ay taimtim. โSayang naman. Kung hindi kayo magmamadali ni Joshua, baka hindi na kayo magkaanak bago ka mamatay." Agad na namutla ang mukha ni Fiona. Pinikit niya ang kanyang mga mata at malamig na tumingin kay Luna. May iba pa siyang gustong sabihin nang tumigil si Granny Lynch sa di kalayuan at sinalubong ng malamig na tingin si Fiona.โDiba sabi mo gusto mong ipakita sa amin ang galing mo sa pagluluto? Huli na. Hindi ba dapat simulan mo na?" Napaawang ang labi ni Fiona. Napilitan siyang lunukin ang mga sal
โHindi ko sinusubukang tingnan ka ng mababa. Sa tingin ko lang, kahit ang isang taong may magandang memorya ay hindi maalala ang lahat ng mahahalagang punto nang sabay-sabay. Isa pa, hindi ako papayag na turuan ka sa pangalawang pagkakataon, Ms. Blake. Inilagay ko ang telepono dito para i-record ang proseso para mag-refer ka dito sa hinaharap." Natigilan si Fiona. Hindi matatawaran ang dahilan ni Luna sa sandaling iyon. Kinagat niya ang labi, medyo pangit ang ekspresyon niya. โT-tama ka. Dapat nating i-record ito." Pagkatapos, tumalikod siya at nagsimulang maghugas ng mga gulay. Sa isang anggulo kung saan hindi siya nakikita ni Luna, naging may sama ng loob ang mga mata ni Fiona. Si Luna, ang bruhang ito! Paano niya nalaman na dapat maglagay ng camera sa kusina! Ang gustong gawin ni Fiona noong gabing iyon ay i-droga si Granny Lynch at isisi ang lahat kay Luna! Gayunpaman, sa pagkuha ng video doon ng telepono, hindi na niya ito magagawa! Sa isiping iyon, palihim na napasulya
Matapos makabili ng mga prutas, hindi na nag-alala si Luna na bumalik. Tahimik siyang naglakad sa kalsada dala ang mga gamit niya. Sinamantala pa niya ang pagkakataong tawagan si Samson, na nagbigay sa kanya ng ilang patnubay. Sa huli, nakatanggap siya ng balita mula kay Nigel, tinitiyak na nagawa ni Fiona ang gusto niyang gawin sa kusina, pagkatapos ay dahan-dahan lang siyang bumalik. "Luna, ang tagal mong wala." Sa sandaling bumalik si Luna sa Orchard Manor, lumabas si Fiona mula sa kusina na may hawak na apron. Ngumiti siya ng husto. โMuntik ko nang palabasin si Joshua para hanapin ka. Akala ko nawala ka!" Napangiti ng mahina si Luna. "May tawag ako sa telepono sa daan pabalik, kaya mas mabagal ang lakad ko." Tinanggap ni Luna ang apron mula kay Fiona. Isinuot niya ito habang papasok sa kusina. Naiwan ang kusina sa parehong estado nang umalis si Luna. Maging ang camera na ginamit sa pagre-record ay tahimik pa ring nakalagay doon. Sinulyapan ni Luna ang Grilled Cajun Shrimp
โHindi ganoon kagaling ang memorya ko. At saka, matagal ko nang hindi nakikita si Granny Lynch." Pagkatapos, napabuntong-hininga si Luna. Ipinagpalit niya ang Grilled Cajun Shrimp sa ulam sa harap ni Fiona. โGranny, eto, subukan mo na lang. Masarap din ito. Ginawa ko sila lalo na para sa iyo." Medyo lumuwag ang mga ekspresyon ni Granny Lynch. "Kain na , kain na tayo. Nagugutom na ako!" Nang makitang nakatitig pa rin si Joshua kay Luna na may madilim na ekspresyon, agad na ngumiti si Nellie at naglagay ng pagkain sa ulam ni Joshua. โDaddy, subukan mo ang Skinny Orange Chicken na ginawa ni Mommy. Ito ay talagang matamis at masarap!" Kumunot ang noo ni Joshua at tumawa ng bahagya. โOo naman.โ Si Fiona naman sa gilid ay napatingin sa eksenang nasa harapan niya. Lalong nanlamig ang mga mata niya. Tinawag ni Nellie si Joshua na Daddy at si Luna na Mommy. Idiniin pa niya ang mga salitang iyon. Malinaw niyang sinusubukang igiit ang pangingibabaw ni Luna! Parehong si Joshua at
"Mr. Lynch, pagkatapos ng paunang pagsusuri, nagpapakita sila ng mga palatandaan ng pagkalason." Nang dumating ang doktor ng pamilya, chineck up niya si Granny Lynch at inobserbahan ang dalawang bata. Ang kanyang konklusyon ay, โKahit hindi sila nalason, tiyak na nakakain sila ng pagkain na gumagawa ng mga lason. Ang kanilang mga sintomas ay isang reaksyon sa pagkalason sa pagkain. Napakunot ng noo si Joshua. nalason? Pagkain na nakakagawa ng mga lason? Paano ito nangyari?Sina Fiona at Luna ay sabay na naghanda ng pagkain. Hindi man magaling magluto si Fiona, propesyunal si Luna. Paano nangyari ang ganoong bagay? "Ito ay ayon sa aking diagnosis. Tumawag na ako ng ambulansya, ngunit ito ay ang labas ng bayan, kaya kailanganin nating maghintay ng ilang sandali." Pagkatapos, tiningnan ng doktor ang handa sa hapag kainan. "Naghahapunan ba kayo ngayon?" Tumango si Joshua. "Oo." "Kung gayon, hayaan mo akong gumamit ng oras upang tingnan ang pagkain sa mesa." Bumuntong-hinin
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya