Habang tinitingnan ang ibang laman ng tablet, may ilang mga video at litrato ng mga nangyari sa amusement park. Lahat nito ay nandoon si Aura.Kumunot ang mga kilay ni Joshua habang napuno ng gulat ang mga mata niya. “Nakuha mo ang lahat ng ito?”Isang anim na taong gulang bata lamang si Neil.Ang isang normal na bata niya ay dapat umiiyak sa loob ng isang kindergarten, ngunit ang batang ito ay hindi lamang nagsasalita ng mature, kaya niya rin kumuha ng mga sapat na ebidensya?Hindi kaya ng maraming matatanda na gumawa ng pribadong imbestigasyon na tulad nito. Paano ito nakamit ni Neil sa ganitong murang edad?“Tinulungan po ako ni Zach at Yuri, pero may hangganan po sila. Ilan lang po ang kaya nilang kolektahin.”Halos nabasa ni Neil ang iniisip ni Joshua. Kalmado siyang nagkibit balikat “Kung ako lang po, hindi ko po makukuha ang ganito karaming ebidensya, pero…”Tumingin si Neil kay Joshua habang nakasingkit. “Bata lang po ako, at mga bodyguard lang po sina Zach at Yuri. Kaun
Tumingin si Neil ng seryoso kay Joshua. “Sana po pala ay hindi niyo ako biguin, Mr. Lynch.”Nilabas ni Neil ang kanyang phone at binura niya ang ebidensya na nakasave sa cloud storage.Sumusugal siya. Sumusugal siya na haharapin ni Joshua si Aura para kay Nellie at sa Mommy niya.Naguluhan din siya sa mga bagay na nakita niya sa computer ni Joshua.Baka ngayon, makikita niya mismo kung mahal talaga ni Joshua si Luna o kung nagsisinungaling lang ito sa sarili niya.Nang makita ni Joshua na binura ni Neil ang ebidensya, ngumiti ng bahagya si Joshua. “May tiwala ka talaga sa akin, ‘no?”Tumingin ng tuso si Neil kay Joshua. “Sinasabi niyo po ba na hindi kayo katiwa-tiwala, Mr. Lynch?”“Naiintriga lang ako. Kung nagsisinungaling lang ako sayo at wala akong ginawa kay Aura, ano ang gagawin mo?”Kinuha ni Neil ang fruit juice at uminom siya dito. “Kung ganun, naniniwala po ako na maraming maaaring mawala sa inyo, Mr. Lynch.”Nilapag ni Neil ang cup niya at bumaba na siya sa upuan. “K
Ang nakakalito ngayon ay naglaho si Aura nitong mga nakalipas na araw. Walang impormasyon tungkol sa kanya.May mga balita nagsabi na may sakit siya, kaya’t kailangan niyang magpahinga mula sa trabaho.Hindi rin siya dumalo sa mga award ceremony, na pinapahalagahan niya dati.Ang balita na binigay ng mga tauhan ni Malcolm ay nagtatago si Aura sa bahay, at pinoprotektahan siya ng mga tao ni Joshua.Nabigla si Luna nang marinig niya ang balita.Ang mga tao ni Joshua, pinoprotektahan si Aura? Bakit? Natatakot ba sila na may taong mananakit sa kanya?Para namang hindi si Aura ang may gawa ng lahat ng ito.Habang iniisip ito, ngumiti ng mapait si Luna. Naging panlalait ang pait niya.Tila maingat ang pag aalaga ni Joshua sa mga tao na gusto niya.Kahit na sinubukan ni Aura na patayin ang anak ni Joshua ng ilang beses, nag aalala pa rin siya kay Aura. Higit pa dito, kinansela pa ni Joshua ang trabaho ni Aura para lang mabantayan siya.Ang pag uugali ni Joshua ngayon ay parang ang l
Agad na sumagot ng malakas si Natasha, “Nandito ako.”Alam ni Luna na dapat na silang umalis ni Nellie. Hindi dapat siya makipagtalo kay Aura sa harap ni Natasha, ngunit kasing bigat ng bakal ang mga binti niya. Hindi siya makagalaw.Anim na taon niyang hindi nakita si Natasha. Ang matandang babae sa harap niya ay ang nanay niyang hindi niya nakita ng anim na taon.Parang sumikip at natuyo ang lalamunan ni Luna. Gusto niyang magsalita, pero wala siyang mabuo na salita.“Anong nangyari?” sa mga sandaling ito, dumating na si Aura. Agad niyang napansin na nakatayo si Nellie at Luna sa harap ni Natasha.Ngumiti ng mapanglait si Aura. “Pagkakataon nga naman.”Nilagay siya sa house arrest ni Joshua nitong mga nakalipas na araw. Pero sa huli, ginamit niya si Natasha bilang dahilan para makapag shopping siya.Hindi niya inaasahan na makita si Luna at Nellie habang nag shoshopping sila.Nagulat si Natasha. “Aura, magkakilala kayong dalawa?”“Higit pa doon,” umubo ng malakas si Aura. “M
Bumaba ang tingin ni Natasha. “Si Nellie ang anak ng panganay kong babae. Hindi ko alam kung buhay pa siya o patay na. Gusto ko lang makilala ang apo ko. Pwede ba?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya. “Sige po.” dapat siyang tumanggi, ngunit hindi niya makuha ang lakas ng loob na tumanggi sa nanay niya.“Bakit pa kayo nagpapaalam sa kanya?” gumulong ang mga mata ni Aura. “Katulong lang naman siya, at ikaw ang lola ni Nellie. Bakit mo kailangan ng permiso na kumain kasama ang apo mo?”Lumingon si Natasha at tumingin siya ng masama kay Aura. “Trabaho niya ito, kaya’t tama lang na magtanong ako!”Tumingin siya na parang humihingi ng tawad kay Luna. “Pasensya na. Laki sa layaw ang anak kong ito simula pa nung bata siya…”Nahihiyang tumingin si Luna kay Natasha habang nakatayo lang siya sa lugar.Minsan ding pinalaki sa layaw at minahal ni Natasha si Luna, ngunit isa lamang siyang katulong ngayong sandaling ito.Pagkatapos makuha ang permiso ni Luna, niyakap ni Natasha si Nellie at pu
Napuno ng pagsisisi ang mga salita ni Natasha. “Sayang talaga. Napakabuting anak ni Lulu...”“Ma.” Sumimangot si Aura sa tabi niya. “Naghihintay na ang waiter sa order niyo.”Hindi gusto ni Aura na pinag-uusapan si Luna.Simula pa nung bata sila, ipinagmamalaki na ni Natasha si Luna. Nakatira lang lagi si Aura sa anino ni Luna, kaya’t simula pa dati, masama na ang pakikitungo ni Aura kay Luna.“Ah, tutuloy na ako sa pag order.” Bumalik sa kasalukuyan si Natasha nang marinig niya ang mga salita ni Aura.Nagbuntong hininga si Natasha. Tinanong niya ang gusto ni Nellie habang umoorder. Minsan, tumitingin siya kay Luna. “Miss, kumakain ka ba ng maanghang?”“Opo,” ang sabi ni Luna habang nakayuko. Hindi niya kayang tumingin kay Natasha.Bayolente siyang nanginginig sa loob, anim na taon niyang inasam ito.Hindi niya kayang makipagkasundo sa nanay niya, na siyang nasa harap niya lang. Pwede lang niyang gampanan ang ibang pagkakakilanlan.Ang sakit na nadarama niya ay dahil kay Joshu
Pagkatapos, tumalikod si Natasha at nagpatuloy siya sa pakikipag usap kay Nellie.Habang nakaupo sa sulok, humigpit ang mga kamao ni Luna sa ilalim ng mesa habang nakikinig sa pag uusap ng dalawa.Hindi ganun ang nangyari! Hindi ganun! Hindi niya kailanman nakalimutan ang mga magulang niya. Lagi niyang namimiss ang tahanan nila.Noong gusto niyang pakasalan si Joshua, ayaw niya rin naman awayin ang mga magulang niya!Si Aura ang dahilan!Sa mga oras na ‘yun, minahal at pinagkatiwalaan niya talaga si Aura!Sinabi niya kay Aura, “‘Luna, ‘wag kang mag alala. Pakasalan mo na lang si Mr. Lynch. Nandito pa rin ako sa tahanan natin.”“Sinabi ni mama at papa na gusto na nilang humiwalay sayo, pero tinatakot ka lang nila. Mahal ka parin talaga nila, hindi mo ba naaalala?”“Gawin mo lang ang gusto mo. Tutulungan kita kay mama at papa.”Sa mga oras na ‘yun, paano paghihinalaan ni Luna ang kapatid niya, na siyang lumaki kasama niya?Kaya naman, masaya siyang nagpakasal kay Joshua at lumi
Paghihiganti.Naging bayolente ang reaksyon ni Aura dito.Gustong maghiganti ni Luna Gibson? Para saan? Para kanino? Sa akin ba siya maghihiganti?Ang lakas ng loob niya.Pinatay niya na dapat si Luna Gibson gamit ang sarili niyang mga kamay!Noong sinipa ng driver si Luna Gibson papunta sa dagat, naging mas mabuti ito para kay Luna! Kung si Aura na mismo ang kumilos, hindi sana buhay ngayon si Luna Gibson, at hindi rin sana ipinanganak ang bwisit na batang ‘yun!May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Aura. Inirapan niya si Luna, “Sinasabi mo na parang may taong nanakit sa kapatid ko.”Eleganteng nilagay ni Aura ang buhok niya sa likod ng kanyang tainga. “Siya ang umalis ng walang pasabi. Pinagtaksilan niya pa si Joshua. Walang gumawa ng masama sa kanya, kanino siya maghihiganti?”Pagkatapos, tumingin ng malamig si Aura kay Luna. Puno ng paghamak at panganib ang mga mata niya. “Hindi mo pa siya nakita dati, anong karapatan mo para magsalita tungkol sa kanya?”Hindi matanggap ni Ne