“Aura, kumain ka.”Habang pinapakain ni Natasha si Nellie, naglagay siya ng prosciutto ang plato ni Aura. “Pumapayat ka na.”Walang pakialam si Aura sa pagmamalasakit ni Natasha. Hindi man lang niya pinasalamatan si Natasha at kinuha niya lang ang kutsara at tinidor para kumain ng mabilis.Yumuko si Luna at pinigilan niya ang pagtulo ng kanyang luha. Naubos na ang lahat ng lakas niya para makipagtalo kay Aura.Ito pala ang tingin sa kanya ng nanay niya. Pagkatapos niyang umalis ng anim na taon, nagbago na ang lahat.Ang nanay niya, na minsan siyang minahal ng walang hanggan, ay nakontrol na ni Aura. Hindi na naniniwala kay Luna ang nanay niya.Bakit?Kung nagtiwala lang lalo ang nanay niya sa kanya, kaya sanang mapagtanto ng nanay niya ang pakana nila Aura at Joshua.Kung kumapit lang ng mas matagal ang nanay niya, magkakaroon sana siya ng lakas ng loob para makipagkasundo ulit dito.Masyadong niyang matagal na iniwan ang nanay niya. Gusto niyang pumasok sa yakap ng nanay niya
Hindi na alam ni Luna kung paano siya nakauwi sa Blue Bay Villa. Nabasag ang puso niya, masakit ang ilong niya. Ang utak niya ay blanko talaga.Pagsapit ng gabi, nagbigay si Neil ng instruction sa pagbunyag kay Aura sa sumunod na araw kapag inannounce ni Joshua ang pagkakakilanlan ni Nellie.“Mommy.” sa kabilang dulo ng video call, sumimangot si Neil. “May iniisip po ba kayo?”Huminga ng malalim si Luna. “Wala naman.”“Nakita niyo po si lola kanina, tama po ba?”Yakap ni Nellie ang teddy bear at sinabi niya, “Umiyak din siya.”Pagkatapos, medyo galit si Nellie. “Kahit na mabait si lola sa akin, sumama pa rin ang loob ni Mommy sa mga sinabi niya. Gusto ko nung una si lola, pero hindi ko na siya gusto ngayon. Parang sa lola sa tuhod natin. Sa tingin ko…”“Nellie!” kumunot ang noo ni Luna at siningitan niya si Nellie. “Matulog ka na.”Kahit na walang tiwala kay Luna si Natasha, siya pa rin ang nanay niya. Hindi niya hahayaan na pagsalitaan siya ng masama ng iba. Kahit na si Nellie
Walang masabi si Neil.“Hmph! Ako pa rin ang paborito ni NIgel!” nilagay ni Nellie ang mga kamay niya sa kanyang baywang at mukha siyang mapagmataas. “Kapag gumaling si Nigel, isasama ko siyang magshopping at kakakin kami ng masarap ng pagkain!”Sumama ang loob ni Neil. “Mommy, tingnan niyo po ‘yung anak niyo!”Ngumiti na lang si Luna. Niyakap niya si Nellie at nagpatuloy siya sa pakikipag kwentuhan kay Neil sa video call habang kausap si Nigel sa necklace.Sa loob ng maliwanag na kwarto ni Nellie, magandang eksena ito kung saan nakayakap si Luna kay Nellie.Sa hardin sa backyard, tumingin si Joshua sa hugis sa loob ng bintana. Bahagyang kumunot ang noo niya.Habang nakasandal sa poste ng gazebo, pinatay niya ang sigarilyo sa kanyang kamay.Ito na ang panlima niyang sigarilyo.Hindi niya alam kung bakit, pero habang iniisip niya na aalis na bukas si Luna sa Blue Bay Villa, nakaramdam siya ng pagkairita.Matagal na panahon na siyang nakatayo doon at nakatitig kila Luna at Nelli
Halos dalawang oras nang naghihintay si Joshua sa study room para kay Luna.Makalipas ang dalawang oras, hindi niya na ito matiis. Sinara niya ang dokumento at tinakpan ang kanyang mukha dahil sa pagkairita.Hindi pumunta si Luna. Ayaw niya na talaga magpatuloy sa pagtatrabaho dito. Marami lang talagang iniisip si Joshua.Tinawanan ni Joshua ang sarili niya at lumabas na siya ng study room.Gusto niyang maglakad sa paligid ng villa. Hindi niya napansin na nakarating na pala siya sa pinto ng kwarto ni Luna.Patay na ang mga ilaw sa loob ng kwarto. Tulog na siguro siya.Nagbuntong hininga si Joshua at pumunta siya sa kwarto ni Nellie. Natutulog na rin ng mahimbing si Nellie.Tila si Joshua lang ang hindi makatulog sa buong villa. Siya lang ang nag aatubili na magpaalam bukas.Bumalik si Joshua sa kwarto niya. Nilabas niya ang litrato ni Luna Gibson sa ilalim ng kama niya. Paulit ulit niya itong hinimas.Matapos ang ilang saglit, tumawa siya ng mapait. “Dalian mo na ang pagbabali
“Kung hindi, baka makonsensya lang ako habang nagtatrabaho para sayo.”Agad na sumimangot si Aura sa mga sinabi ni Luna. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba siya dito.Naglakad siya palapit kay Luna. “Sige, magsalita ka pa!”Tumingin sa kanya ng malamig si Luna. “Pareho rin naman kahit anong sabihin ko.”Ginitgit ni Aura ang kanyang ngipin.Isang katulong lang si Luna na walang make-up sa mukha. Mukha siyang mahirap at miserable. Ang lakas ng loob niya na tumingin ng ganito kay Aura!Naramdaman ni Aura na mas mababa ang katayuan niya kumpara kay Luna dahil sa lamig ng mga mata nito. Ang nanunuya at malamig na mga matang ito ay parang kapareho ng mga mata ni Luna Gibson dati!Habang nakatingin kay Luna, naramdaman muli ni Aura na nasa ilalim lang ulit siya ng anino ni Luna Gibson. Habang iniisip ito, nagalit si Aura.Hindi niya mahanap o maharap si Luna Gibson. Hindi niya ba kayang harapin ang isang ordinaryong katulong?Kinagat ni Aura ang kanyang mga labi. Lumap
Nang mapansin niya na hindi kumikilos si Nellie, kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kung saan nakatingin si Nellie.Nakatayo sa tabi ng pinto, hitsurang pagod sa byahe si Joshua.Mukhang galing siya sa lugar na malayo. Gusto-gusot ang damit niya na mukhang pang matalino. Magulo rin ang buhok niya.Gayunpaman, nakakaakit at makisig pa rin siya.Napansin ni Luna ang maliit na kahon sa kamay ni Luna. Pamilyar ang kahon kay Luna, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.“Daddy, saan po kayo galing?”Nilapag ni Nellie ang kutsara at tinidor at tumakbo siya papunta sa kusina. Nagsandok siya ng isang plato ng kanin. “Sakto po ang pag uwi niyo. Kumain po tayo ng huling tanghalian ng magkasama.”Pagkatapos, naramdaman ni Nellie na parang may mali. “Hindi po ang huling tanghalian, ang huling tanghalian bago po umalis si Auntie.”“Hmm.”Tumingin si Joshua kay Luna at nilapag niya ang kahon. Niluwagan niya ang necktie niya at sinabit niya ang kanyang coat.Tinupi niya
Pagkatapos magdalawang isip ng mahabang panahon, nagpasya si Luna na iwanan ang dress sa maliit niyang bahay na may 10 metro kwadrado.Matagal na panahon na ang lumipas. Nakalimutan na ni Luna na minsan niyang ginawa ang ganitong dress.Naalala niya ang mga panahon na ginagawa niya ang dress na ito.Ang Luna Gibson noon ay puno ng pangarap na magkaroon ng masayang buhay kasama si Joshua. Pagkatapos nilang ikasal, si Luna na ang pinaka swerteng babae sa mundo.Gayunpaman, isang malaking sampal sa kanya ang katotohanan, halos mamatay pa siya dahil dito.“Auntie.” bumalik sa kasalukuyan si Luna dahil sa boses ni Nellie.Suot na ni Nellie ang maliit na dress habang nakatayo sa harap ni Luna. Masayang tinaas ni Nellie ang dress at winagayway niya ito, ngumiti siya ng masaya. “Maganda po ba ang itsura ko?”Ang eksena kung saan nakatayo si Nellie sa harap niya ay bumura sa imahe na iniisip niya mula sa kanyang alaala.Para bang may mabigat na bagay na dumurog sa puso Ni Luna. Pilit ni
“Daddy, Auntie, ano po ang pinag uusapan niyo?”Napansin ni Nellie na nakatingin sina Luna at Joshua sa kanya. Lumapit siya at ngumiti siya ng mas maliwanag pa sa araw.Tumingin si Joshua kay Luna. Tumaas ang kamay niya at hinimas niya ang ulo ni Nellie. “Wala naman. Nagustuhan mo ba ang dress?”“Opo!” kasing saya ng bell ang boses ni Nellie. “Ginawa po ito ni Mommy para sa akin. Gustong gusto ko po ‘to!”Habang gumagalaw si Nellie, may maliit na dekorasyon mula sa likod ng dress niya na nalaglag.Kumunot ang noo ni Luna. “‘Wag kang kumilos ng basta basta.”Sumunod si Nellie at tumigil siya sa pagkilos.Pinulot ni Luna ang nalaglag na dekorasyon. “Dalhin mo sa akin ang kahon.”“Hmm!” tumakbo si Nellie para kunin ang kahon.“Dapat ko po bang tanggalin ang dress?” ang inosenteng tanong ni Nellie nakatabingi ang ulo.“Hindi na kailangan.” Inilabas ni Luna ang karayom at sinulid sa ilalim ng kahon ng walang problema.“Tumalikod ka.” sumunod naman si Nellie.Mahusay na pinasok n