“Kung hindi, baka makonsensya lang ako habang nagtatrabaho para sayo.”Agad na sumimangot si Aura sa mga sinabi ni Luna. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba siya dito.Naglakad siya palapit kay Luna. “Sige, magsalita ka pa!”Tumingin sa kanya ng malamig si Luna. “Pareho rin naman kahit anong sabihin ko.”Ginitgit ni Aura ang kanyang ngipin.Isang katulong lang si Luna na walang make-up sa mukha. Mukha siyang mahirap at miserable. Ang lakas ng loob niya na tumingin ng ganito kay Aura!Naramdaman ni Aura na mas mababa ang katayuan niya kumpara kay Luna dahil sa lamig ng mga mata nito. Ang nanunuya at malamig na mga matang ito ay parang kapareho ng mga mata ni Luna Gibson dati!Habang nakatingin kay Luna, naramdaman muli ni Aura na nasa ilalim lang ulit siya ng anino ni Luna Gibson. Habang iniisip ito, nagalit si Aura.Hindi niya mahanap o maharap si Luna Gibson. Hindi niya ba kayang harapin ang isang ordinaryong katulong?Kinagat ni Aura ang kanyang mga labi. Lumap
Nang mapansin niya na hindi kumikilos si Nellie, kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kung saan nakatingin si Nellie.Nakatayo sa tabi ng pinto, hitsurang pagod sa byahe si Joshua.Mukhang galing siya sa lugar na malayo. Gusto-gusot ang damit niya na mukhang pang matalino. Magulo rin ang buhok niya.Gayunpaman, nakakaakit at makisig pa rin siya.Napansin ni Luna ang maliit na kahon sa kamay ni Luna. Pamilyar ang kahon kay Luna, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.“Daddy, saan po kayo galing?”Nilapag ni Nellie ang kutsara at tinidor at tumakbo siya papunta sa kusina. Nagsandok siya ng isang plato ng kanin. “Sakto po ang pag uwi niyo. Kumain po tayo ng huling tanghalian ng magkasama.”Pagkatapos, naramdaman ni Nellie na parang may mali. “Hindi po ang huling tanghalian, ang huling tanghalian bago po umalis si Auntie.”“Hmm.”Tumingin si Joshua kay Luna at nilapag niya ang kahon. Niluwagan niya ang necktie niya at sinabit niya ang kanyang coat.Tinupi niya
Pagkatapos magdalawang isip ng mahabang panahon, nagpasya si Luna na iwanan ang dress sa maliit niyang bahay na may 10 metro kwadrado.Matagal na panahon na ang lumipas. Nakalimutan na ni Luna na minsan niyang ginawa ang ganitong dress.Naalala niya ang mga panahon na ginagawa niya ang dress na ito.Ang Luna Gibson noon ay puno ng pangarap na magkaroon ng masayang buhay kasama si Joshua. Pagkatapos nilang ikasal, si Luna na ang pinaka swerteng babae sa mundo.Gayunpaman, isang malaking sampal sa kanya ang katotohanan, halos mamatay pa siya dahil dito.“Auntie.” bumalik sa kasalukuyan si Luna dahil sa boses ni Nellie.Suot na ni Nellie ang maliit na dress habang nakatayo sa harap ni Luna. Masayang tinaas ni Nellie ang dress at winagayway niya ito, ngumiti siya ng masaya. “Maganda po ba ang itsura ko?”Ang eksena kung saan nakatayo si Nellie sa harap niya ay bumura sa imahe na iniisip niya mula sa kanyang alaala.Para bang may mabigat na bagay na dumurog sa puso Ni Luna. Pilit ni
“Daddy, Auntie, ano po ang pinag uusapan niyo?”Napansin ni Nellie na nakatingin sina Luna at Joshua sa kanya. Lumapit siya at ngumiti siya ng mas maliwanag pa sa araw.Tumingin si Joshua kay Luna. Tumaas ang kamay niya at hinimas niya ang ulo ni Nellie. “Wala naman. Nagustuhan mo ba ang dress?”“Opo!” kasing saya ng bell ang boses ni Nellie. “Ginawa po ito ni Mommy para sa akin. Gustong gusto ko po ‘to!”Habang gumagalaw si Nellie, may maliit na dekorasyon mula sa likod ng dress niya na nalaglag.Kumunot ang noo ni Luna. “‘Wag kang kumilos ng basta basta.”Sumunod si Nellie at tumigil siya sa pagkilos.Pinulot ni Luna ang nalaglag na dekorasyon. “Dalhin mo sa akin ang kahon.”“Hmm!” tumakbo si Nellie para kunin ang kahon.“Dapat ko po bang tanggalin ang dress?” ang inosenteng tanong ni Nellie nakatabingi ang ulo.“Hindi na kailangan.” Inilabas ni Luna ang karayom at sinulid sa ilalim ng kahon ng walang problema.“Tumalikod ka.” sumunod naman si Nellie.Mahusay na pinasok n
Binaba ni Joshua ang tingin niya. Habang nakatingin sa kumikinang na mga mata ng anak niya, lumambot ang puso niya.Niyakap niya si Nellie na nasa mga kamay niya. “Masyado ka pang inosente.”Paano magiging malungkot si Luna dahil aalis na siya?Siya ang nagpilit na aalis na siya. Hindi naman siya tinganggalan ni Joshua ng pagkakataon na manatili dito. Naghintay si Joshua para sa kanya kagabi, pero hindi siya nagpakita.Bakit siya nagpapanggap ngayon na ayaw niyang umalis at bad mood siya ngayon?Habang iniisip ito, nagbuntong hininga siya. “Kumain na tayo. Pagkatapos ng tanghalian, tatawagin ko si Lucas para pumili ka ng bago mong katulong, okay?”Kinagat ni Nellie ang mga labi niya at tumango siya. “Okay po.”Pag umalis na ang Mommy niya, kailangan niya na ng tao na mag aalaga sa kanya. Kahit na pakiramdam ni Nellie na independent na siya, pinilit ng mga kapatid at Mommy niya na magkaroon siya ng mag aalaga sa kanya.Pagkatapos ng tanghalian, dinala ni Lucas pababa si Nellie p
Nung dinala ni Nellie si Lily pabalik ng kwarto niya, pumunta si Luna sa hardin sa backyard para tawagan si Malcolm.Nung sinagot na ni Malcolm ang tawag, tumawa siya mula sa kabilang linya ng phone. “Nakita mo si Lily?”Nagbuntong hininga si Nellie, “Hindi ko inaasahan na ikaw mismo ang magdadala dito sa kanila.”“Nagkataon lang na may business meeting ako sa bansang ito, kaya’t dinala ko rin sila. Hindi ko sila sadyang dinala dito.”“Nagkataon lang?”Tahimik ng ilang saglit si Malcolm. Pagkatapos, tumawa siya. “Hindi, hindi talaga. Namiss ko lang si Neil at si Nellie. Namiss din kita ng kaunti.”Tumibok ng mabilis ang puso ni Luna.Pagkatapos manahimik ng matagal, nagbuntong hininga siya, “Pupunta ka rin ba sa birthday party ni Granny Lynch mamayang gabi?”“Hmm.” Ngumiti ng bahagya si Malcolm. “Gusto kong makita ang mga tao na umaapi sayo dati.”Pumikit si Luna. Marami siyang gustong sabihin kay Malcolm, ngunit nung sinagot nito ang tawag, wala siyang mabuo na mga salita.M
Nung binuhat siya sa mga balikat ni Joshua, napagtanto ni Luna na seryoso na ito.Nanglaban siya gamit ang buong lakas niya, pero sa isang galit na lalaki, ang panlalaban niya ay nagpapalakas lang sa kagustuhan nito na pangibabawan siya.Dinala siya ni Joshua sa kwarto nito.Ito ang unang pagkakataon na pumasok si Luna sa kwarto ni Joshua makalipas ang anim na taon. Nagulat siya dahil ang lahat ng nasa kwarto ni Joshua ay pareho pa rin noong nakalipas na anim na taon.Pati ang mga halaman sa bintana ay pareho pa rin sa uri ng halaman na minsang itinanim ni Luna.Gayunpaman, maraming taon na ang lumipas, matagal na dapat namatay at nalanta ang mga halaman niya. Ang halaman na ito ay buhay pa rin at mabuti ang kondisyon, kaya’t paminsan minsan bang pinapalitan ni Joshua ang halaman na ito?Marami siguro siyang oras sa mga kamay niya.Subalit, hindi ito ang tamang panahon para isipin ito.Bang!Sumara ang pinto ng kwarto.Nabigla pa rin si Luna habang tinulak siya ni Joshua sa l
Naging tahimik si Lucas. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.“Sir, hi-hi… hindi ko pa po nakita si Ma’am dati.”Napahinto ng ilang saglit si Joshua sa paghihilamos ng mukha.Matapos ang ilang saglit, tumawa siya ng mapait. “Pasensya na.”Lilimang taon pa lang pala na nagtatrabaho si Lucas para sa kanya.Anim na taon nang wala si Luna Gibson. Natural lang na hindi pa siya nakita ni Lucas dati.Nang mapansin ni Lucas ang pagkabigo sa mga mata ng boss niya, nagbuntong hininga siya. “Sir, sa tingin niyo po ba na dahil pakiramdam niyo na pareho sina Luna at si Ma’am, kaya’t tinatrato niyo po siya ng mas mabuti kaysa sa iba?”Sinubukan ni Lucas ang lahat para gumaan ang loob ni Joshua. “Kung ganun po, wala po kayong ginagawang masama. Hindi niyo po dapat saktan ang sarili niyo…”Pumikit si Joshua. Wala na siyang sinabi.May pagkakapareho ba sa Luna na katulong at kay Luna Gibson?Oo.Maraming beses itong naramdaman ni Joshua dahil kay Luna. Tulad ni Luna Gibson. Gayunpaman, alam