Share

Kabanata 97

Tumingin si Neil ng seryoso kay Joshua. “Sana po pala ay hindi niyo ako biguin, Mr. Lynch.”

Nilabas ni Neil ang kanyang phone at binura niya ang ebidensya na nakasave sa cloud storage.

Sumusugal siya. Sumusugal siya na haharapin ni Joshua si Aura para kay Nellie at sa Mommy niya.

Naguluhan din siya sa mga bagay na nakita niya sa computer ni Joshua.

Baka ngayon, makikita niya mismo kung mahal talaga ni Joshua si Luna o kung nagsisinungaling lang ito sa sarili niya.

Nang makita ni Joshua na binura ni Neil ang ebidensya, ngumiti ng bahagya si Joshua. “May tiwala ka talaga sa akin, ‘no?”

Tumingin ng tuso si Neil kay Joshua. “Sinasabi niyo po ba na hindi kayo katiwa-tiwala, Mr. Lynch?”

“Naiintriga lang ako. Kung nagsisinungaling lang ako sayo at wala akong ginawa kay Aura, ano ang gagawin mo?”

Kinuha ni Neil ang fruit juice at uminom siya dito. “Kung ganun, naniniwala po ako na maraming maaaring mawala sa inyo, Mr. Lynch.”

Nilapag ni Neil ang cup niya at bumaba na siya sa upuan. “K
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status