“Granny, the best po talaga kayo!”Sabik na binigay ni Aura ang box kay Granny Lynch. “Tingnan niyo po, Granny Lynch. Isa po ito sa mga design ni Mr. Y. Sa parehong koleksyon po ito ng necklace na nasa sa leeg niyo. Maganda po ba?”“Maganda siya.” nagustuhan ni Granny Lynch ang necklace. Hindi niya alam kung bakit, pero biglang narinig niya ang mga sinabi ng katulong.‘Pero, ang pekeng necklace sa leeg niyo ay wala pa po sa halagang isang milyon, hindi po ba?’Kumunot ang noo ni Granny Lynch at tumingin siya ng hindi komportable kay Aura. “Aura.. peke ba ang necklace mo?”Si Mr. Y ay isang jewelry designer na sumikat sa ibang bansa sa nakaraan na dalawang taon. Kasunod lang siya sa kasikatan ng sikat na designer na si Moon. Ngunit, biglang umalis si Mr. Y sa jewelry industry. Hindi na siya gumagawa ng mga design, kaya’t tumaas ang presyo ng mga alahas niya mula sa unang isang milyon, at naging higit sampung milyon na dolyar.Nakita ni Granny Lynch ang balita, ito ang rason kung b
Gayunpaman, habang iniisip na si Granny Lynch ang huling pag asa niya para manatili si Joshua sa tabi niya...Ginitgit ni Aura ang kanyang ngipin at pinadyak niya ang kanyang mga paa. “Tulungan mo akong hanapin ‘yun.”“Hindi na kailangan.” nagbuntong hininga ang babaeng nasa kabilang linya. “Sa simula pa lang, wala masyadong mga design si Mr. Y, at binili na natin ang lahat ng peke ng mga set na wala pang may-ari, at ang iba ay nasa kamay na ng ibang tao. Narinig ko na ang President ng Quinn Group na si Malcolm Quinn ang mayari ng isang set ng alahas. Tutulungan kitang magtanong.”“Sige.”…Sa Blue Bay Villa.Umulan kagabi ng tuloy tuloy. Malamig ang umaga, kaya’t buong umaga na inayos ni Luna ang aparador ni Nellie. Nilabahan at tinabi niya ang mga damit pang tag init.Kahit na saglit na panahon pa lang na magkasama sila Nellie at Joshua, sa loob ng isang buwan, ang bilang ng bagong damit ni Nellie ay higit na sa lahat ng mga damit niya noong nakalipas na taon.Napagod si Luna
Pagkatapos ng tawag mula kay Malcolm, humiga si Luna sa kama at nagpahinga siya dito ng ilang saglit. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya.Nagkaroon siya ng panaginip.Ang panaginip na ito ay ang panahon na unang nakilala niya si Joshua. Sa isang manit at maaraw na tanghali.Nakaupo siya sa ilalim ng puno ng cherry blossom, hawak niya ang isang drawing board habang siya ay nag-sketch. Pagkatapos lumipad ng maraming cherry blossom, nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng puti.Makisig ang lalaking ito at maganda ang mukha niya. Naging mas malamig at marangal ang lalaki dahil sa puti niyang damit.Nagbabasa ang lalaki sa ilalim ng puno sa nalalayo habang paminsan minsan na kumukunot ang noo nito.Hindi nag iisip na drinawing ni Luna ang lalaking ito.“Hindi na masama.” nung lalagyan niya na ito ng kulay, biglang narinig ni Luna ang mababang boses ng lalaki.Nanginig ang kamay ni Luna. Nakulayan niya ng itim ang mukha ng lalaki.Nabigla si Luna, hindi niya alam kung tata
Malamig siyang siningitan ni Joshua, “Nagdesisyon akong bawiin ang engagement ko kay Aura sa darating na tatlong araw sa birthday party ni lola.”Nanginig si Luna.Tumingin siya ng gulat kay Joshua. “Bawiin ang engagement?”Bakit niya planong bawiin ang engagement? Dahil ba ito kay Nellie, o dahil alam niya na buhay pa si Luna Gibson?Kakaiba ito kung paano siya tumigil sa wala pagkatapos ng pagpatay kay Luna para lang makuha niya si Aura sa nakalipas na anim na taon.Bakit niya binawi ang engagement matapos ang anim na taon, pagkatapos dumating ni Nellie?Hindi ito makatuwiran. May ibang rason siguro.Gayunpaman...Kinagat ni Luna ang mga labi niya at maingat siyang tumingin kay Joshua. “Dahil ba… sa akin?”Nitong mga nakaraan, tila laging dumidikit sa kanya si Joshua, kaya’t kung hindi ito dahil kay Nellie, ang tanging rason ngayon ay tinatrato siya ni Joshua na ang bago niyang pag ibig. Pagod na siya kay Aura Gibson.Tumawa ng mahina si Joshua. Hindi niya sinagot ang tanon
Pag alis ni Joshua, nagising si Nellie at bumaba rin siya ng hagdan.Nakasuot pa rin siya ng pink cartoon na pajama. Nakaupo siya ng awkward sa dining table.“Bakit po umalis ng maaga si Daddy?”Kumunot ang noo ni Luna. “Nellie.”“Hmm?”Tumingin si Luna sa paligid. Nang masigurado niya na walang ibang tao sa bahay, huminga siya ng malalim at nagsalita siya ng mahina, “Kapag wala si Mommy dito sa susunod, dapat mong alagaan ang sarili mo. Naiintindihan mo ba?”Nabigla si Nellie at binaba niya ang hash browns. “Mommy, bakit po kayo mawawala? Pinapalayas po ba nila kayo?”Hindi pinansin ni Luna ang tanong. “Gusto ko lang matutunan mo na maging independent.”Ngumuso si Nellie.“Ayaw ko po maging independent. Kapag independent po ako, hindi na po ako aalagaan nila Mommy, Neil, at Nigel,” ang bulong ni Nellie habang galit siyang ngumunguya ng hash browns. “Ayaw ko po maging independent! Ayaw ko po maging masunurin. Ayaw ko pong lumaki!”Nakaupo si Luna sa harap ni Nellie, tumingin
“Napunta ako sa hospital dahil galit na galit ako sayo. Hindi mo pa ba sinisante ang katulong na ‘yun?”Kumuha ng upuan si Joshua at elegante siyang umupo sa tabi ni Granny Lynch. “Gaano po kabuti ang pagtrato sa inyo ni Aura? Sapat po ba na gawin ang lahat ng ‘to para sa kanya?”Hindi natutuwa si Granny Lynch sa mga sinabi niya. “Joshua, anong ibig sabihin mo? Sa tingin mo ba ay pinepeke ko ito? Ang lahat ng ito ay dahil sayo!”Kinaway ni Joshua ang kamay niya. “Kukuha po ang ng mga pinakamagaling na doctor sa ibang bansa para tingnan kung may sakit po talaga kayo, pero wala po kayong sakit.”Lumingon si Joshua para tumingin kay Aura na nakatayo sa tabi ng pinto. “Namamaga ang mga mata mo mula sa pag iyak. Sa tingin mo ba ay sapat ito?”Yumuko si Aura at kinagat niya ang kanyang labi. “Nag aalala lang ako kay Granny…”Ngumisi si Joshua at hindi niya pinansin si Aura. Lumingon siya para muling tumingin kay Granny Lynch. “Matanda na po kayo. Ang pinaka masama po na gawin ay ang ba
“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area…”Nasa ground floor ng nirentahang bahay si Neil at sinubukan niyang tawagan si Luna. Walang signal.Sinubukan niyang kausapin si Nellie gamit ang necklace, ngunit wala rin itong sagot.Nataranta si Neil. Nung nakaraan na kalahating oras, tinawagan siya ni Luna para tulungan silang hanapin ang isang sketch sa kanilang bahay na nirentahan. Pumunta siya dito mula kila Anne, ngunit bakit biglang hindi niya matawagan sila Luna?Kumunot ng malalim ang noo ni Neil dahil sa problema.Kahit pa nasa Blue Bay Villa sila o papunta pa lang, walang lugar dapat na walang signal.Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili, kinuha niya ang susi at umakyat na siya. Nang makarating siya sa taas, napansin niya na may taong nakatayo at nagbabantay sa entrance ng bahay. Tumingin sa kanya ng malupit ang nagbabantay.Agad na nagpanggap si Neil na siya ay pupunta sa kapitbahay. Tumayo siya sa pinto ng kapitbahay at muli niyang sinub
Hindi tinanong ni Yuri si Neil at binakay niya na lang ito sa likod niya habang paakyat ng hagdan.Dahil isang bata at malakas siya na bodyguard, nakarating sila sa ika-siyam na palapag sa loob lang ng ilang minuto.Nang makarating na sila sa ika-siyam na palapag, nag ring ang phone ni Neil. “Boss, nasusunog na ang bahay na pinapabantan niyo sa akin. Maraming tao ang nakabantay sa bahay. Hindi ko sila malalabanan lahat, kaya’t hindi na ako lumapit, pero gumawa na ako ng report. Ano ang susunod kong gagawin?”Halos mahimatay si Neil.Hindi naghihintay ang panganib sa mga tao.May mga nagbabantay sa pinto, ngunit nasusunog ang bahay. Makakaabot ba siya kapag hinanap niya si Joshua?Papunta na si Neil sa ward ni Granny Lynch. Ginitgit niya ang kanyang ngipin at inutos niya kay Zach, “Kunan mo ng litrato at video. Kumuha ka ng malinaw na litrato ng bawat tao na nagbabantay sa pinto!”Kahit anong mangyari, pagbabayarin niya ang mga ito!Samantala, sa loob ng ward...Nasa kama pa ri