“Napunta ako sa hospital dahil galit na galit ako sayo. Hindi mo pa ba sinisante ang katulong na ‘yun?”Kumuha ng upuan si Joshua at elegante siyang umupo sa tabi ni Granny Lynch. “Gaano po kabuti ang pagtrato sa inyo ni Aura? Sapat po ba na gawin ang lahat ng ‘to para sa kanya?”Hindi natutuwa si Granny Lynch sa mga sinabi niya. “Joshua, anong ibig sabihin mo? Sa tingin mo ba ay pinepeke ko ito? Ang lahat ng ito ay dahil sayo!”Kinaway ni Joshua ang kamay niya. “Kukuha po ang ng mga pinakamagaling na doctor sa ibang bansa para tingnan kung may sakit po talaga kayo, pero wala po kayong sakit.”Lumingon si Joshua para tumingin kay Aura na nakatayo sa tabi ng pinto. “Namamaga ang mga mata mo mula sa pag iyak. Sa tingin mo ba ay sapat ito?”Yumuko si Aura at kinagat niya ang kanyang labi. “Nag aalala lang ako kay Granny…”Ngumisi si Joshua at hindi niya pinansin si Aura. Lumingon siya para muling tumingin kay Granny Lynch. “Matanda na po kayo. Ang pinaka masama po na gawin ay ang ba
“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area…”Nasa ground floor ng nirentahang bahay si Neil at sinubukan niyang tawagan si Luna. Walang signal.Sinubukan niyang kausapin si Nellie gamit ang necklace, ngunit wala rin itong sagot.Nataranta si Neil. Nung nakaraan na kalahating oras, tinawagan siya ni Luna para tulungan silang hanapin ang isang sketch sa kanilang bahay na nirentahan. Pumunta siya dito mula kila Anne, ngunit bakit biglang hindi niya matawagan sila Luna?Kumunot ng malalim ang noo ni Neil dahil sa problema.Kahit pa nasa Blue Bay Villa sila o papunta pa lang, walang lugar dapat na walang signal.Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili, kinuha niya ang susi at umakyat na siya. Nang makarating siya sa taas, napansin niya na may taong nakatayo at nagbabantay sa entrance ng bahay. Tumingin sa kanya ng malupit ang nagbabantay.Agad na nagpanggap si Neil na siya ay pupunta sa kapitbahay. Tumayo siya sa pinto ng kapitbahay at muli niyang sinub
Hindi tinanong ni Yuri si Neil at binakay niya na lang ito sa likod niya habang paakyat ng hagdan.Dahil isang bata at malakas siya na bodyguard, nakarating sila sa ika-siyam na palapag sa loob lang ng ilang minuto.Nang makarating na sila sa ika-siyam na palapag, nag ring ang phone ni Neil. “Boss, nasusunog na ang bahay na pinapabantan niyo sa akin. Maraming tao ang nakabantay sa bahay. Hindi ko sila malalabanan lahat, kaya’t hindi na ako lumapit, pero gumawa na ako ng report. Ano ang susunod kong gagawin?”Halos mahimatay si Neil.Hindi naghihintay ang panganib sa mga tao.May mga nagbabantay sa pinto, ngunit nasusunog ang bahay. Makakaabot ba siya kapag hinanap niya si Joshua?Papunta na si Neil sa ward ni Granny Lynch. Ginitgit niya ang kanyang ngipin at inutos niya kay Zach, “Kunan mo ng litrato at video. Kumuha ka ng malinaw na litrato ng bawat tao na nagbabantay sa pinto!”Kahit anong mangyari, pagbabayarin niya ang mga ito!Samantala, sa loob ng ward...Nasa kama pa ri
Lumalabas ang usok.Amoy usok na ang buong bahay. Nakakasakal ang usok nito.Puno ng madaling masunog na bagay ang bahay, at aabot sa sampung kilo ang mga sketch.Mabilis na dumating ang apoy.Walang oras si Luna para isipin kung sino ang gustong pumatay sa kanya, ang alam niya lang ay gusto niyang mabuhay! At least dapat mabuhay si Nellie!Binalot niya ng basang tuwalya si Nellie.Nakahanap ng tali si Luna sa kwarto at tinali niya ito kay Nellie. “Naaalala mo pa ba ang survival skills na itinuro sayo ni Uncle Malcolm noon?”“Opo.” niyakap ni Nellie si Luna ng luhaan. “Pero, Mommy, kung hindi po kayo sasama, mas okay na po sa akin na mamatay kasama kayo!”“Makinig ka sa akin. Iisip ako ng paraan.”Huminga ng malalim si Luna. “May mga tao sa labas. Ilalabas kita pababa sa bintana. Tatlong palabag sa baba natin ay may mabait na mga matatanda. Ibababa kita sa balkonahe nila. Magpa alaga ka sa kanila. Pagkatapos, tawagan mo ang kapatid mo at tumawag kayo ng pulis. Tandaan mo, bago
Sa panaginip lang ni Luna makikita ang mapagmahal at mapag alaga na si Joshua.Minahal niya ng maraming taon si Joshua, ngunit hindi nito binalik ang pagmamahal sa kanya.Ngunit sa panaginip niya, nararamdaman niya ang pagmamahal at alaga ni Joshua.“Magiging ayos ka lang.”Habang may malay pa siya ng kaunti, narinig niya ang paulit ulit na salita ng lalaki sa kanya.Ngumiti ng mapait si Luna. Ang ganda siguro kung patuloy lang siya sa panaginip at hindi na siya gumising mula dito...…Pag gising ni Luna, dumating na ang umaga. Bago pa niya ibukas ang kanyang mga mata, napuno ng amoy ng disinfectant ang ilong niya.Kumunot ang noo niya at nahirapan siyang idilat ang kanyang mga mata, pinilit niya ang sarili niya na gumising.Nasa loob siya ng ospital. At nasa loob siya ng ICU.May kasama siyang isang tao sa loob ng kwarto—isang lalaki. May suot itong oxygen mask habang nakahiga ito sa isang kama sa tabi niya.Nakapikit ang mga mata nito, makikita ang matulis na kilay at maha
Muling dinala pabalik si Luna si ICU.Puno ng mga doctor ang ICU. May isang lalaki na nakasandal sa kama. Puno ng galit ang mga mata niya.“Dalhin niyo siya dito!”Kahit na nanghihina ang boses niya, ang tono niya ay istrikto at malakas pa rin.Dahan dahang bumaba si Luna sa kanyang kama. Sa tulong ng nurse, mabagal siyang lumapit.“Mr. Lynch, hinahanap niyo po ba ako?” sumimangot si Joshua nang marinig niya ng boses ni Luna.Tumalikod si Joshua at tumingin siya kay Luna. Sa sobrang lamig ng mga mata niya ay tumagos ito kay Luna.“Ikaw ba ang nagsabi nun kanina?”“Opo.”“Anong ang ibig sabihin nun? ” Sa sobrang galit ng mga mata ni Joshua halos lumiyab ito. “Alam mo ba kung nasaan si Luna Gibson?”Humalukipkip si Luna at tumingin siya sa malamig na mukha ng lalaki ng walang pakialam. “Hindi ko po alam. Sinabi ko lang po ‘yun para mas mabilis po kayong gumising.”Pagkatapos, tumaas ang mga kilay ni Luna. “Mukhang epektibo naman po.”“Ikaw…!”Agad na bumaba si Joshua mula sa
Ngumiti ng bahagya si Luna sa nurse at bumalik na siya sa kama, muli na siyang tinulak palabas ng ICU.“Opo.” nagbuntong hininga ang nurse at tumango ito, “Matagal ko na pong narinig mula kay Mr. Lynch na mahal na mahal niya pa rin po ang ex-wife niya, at akala ko po nung una na peke lang ‘yun. Dahil engaged na po agad siya sa kapatid ng ex-wife niya nung kakamatay lang po ng ex-wife niya. Gaano kalalim po kaya ang pagmamahal niya? Ngayon, mukhang… totoo po talaga na mahal niya ang ex-wife niya.”Nakasandal si Luna sa kama habang nakikinig siya sa mga sinasabi ng nurse. Hindi niya mapigilan ang pag-irap.Iniisip niya na ito ang resulta na hinahanap ni Joshua. Gusto ni Joshua na isipin ng lahat na mahal na mahal niya si Luna Gibson. Sa sobrang tagal niya nang nagsisinungaling ay nasanay na siya dito.Lagi niyang sinasabi na ‘walang makakapanakit kay Luna Gibson, kahit sa salita o pagbanggit lang.Ngunit noon, siya ang nanakit sa kanya ng lubos.Pumikit si Luna at nagbuntong hining
“Lola!”Kinagat ni Nellie ang labi niya. Humawak siya sa daliri ni Luna gamit ang maliit niyang mga kamay. “Sinabi ko na po na si Auntie lang ang gusto kong mag alaga sa akin! Lola, kapag ganyan po kayo, hindi ko na po kayo gusto!”Pinilit ni Granny Lynch na bawasan ang lamig niya at pinilit niyang ngumiti. “Nellie, sinabi ko na sayo. Isa ka sa mga amo. Hindi ka dapat umaasa masyado sa isang katulong.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig sa butler. “Dalhin mo sa labas si Little Princess para maglaro. Gusto kong kausapin ng pribado si Ms. Luna.”Kinagat ni Nellie ang labi niya. Alam niya na walang magandang mangyayari sa pag uusap na ito. Agad niyakap ng payat na kamay niya si Luna.“Hindi! Gusto ko pong makasama si Auntie. Kung sino pong maghihiwalay sa amin, habang buhay akong magagalit sa kanila!”Pumangit ang ekspresyon ni Granny Lynch sa mga walang ingat na salita ni Nellie.Hindi naging malapit si Joshua sa ibang babae sa mga nakalipas na taon. Akala rin ni Granny Lynch na
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya