Ngumiti ng bahagya si Luna sa nurse at bumalik na siya sa kama, muli na siyang tinulak palabas ng ICU.“Opo.” nagbuntong hininga ang nurse at tumango ito, “Matagal ko na pong narinig mula kay Mr. Lynch na mahal na mahal niya pa rin po ang ex-wife niya, at akala ko po nung una na peke lang ‘yun. Dahil engaged na po agad siya sa kapatid ng ex-wife niya nung kakamatay lang po ng ex-wife niya. Gaano kalalim po kaya ang pagmamahal niya? Ngayon, mukhang… totoo po talaga na mahal niya ang ex-wife niya.”Nakasandal si Luna sa kama habang nakikinig siya sa mga sinasabi ng nurse. Hindi niya mapigilan ang pag-irap.Iniisip niya na ito ang resulta na hinahanap ni Joshua. Gusto ni Joshua na isipin ng lahat na mahal na mahal niya si Luna Gibson. Sa sobrang tagal niya nang nagsisinungaling ay nasanay na siya dito.Lagi niyang sinasabi na ‘walang makakapanakit kay Luna Gibson, kahit sa salita o pagbanggit lang.Ngunit noon, siya ang nanakit sa kanya ng lubos.Pumikit si Luna at nagbuntong hining
“Lola!”Kinagat ni Nellie ang labi niya. Humawak siya sa daliri ni Luna gamit ang maliit niyang mga kamay. “Sinabi ko na po na si Auntie lang ang gusto kong mag alaga sa akin! Lola, kapag ganyan po kayo, hindi ko na po kayo gusto!”Pinilit ni Granny Lynch na bawasan ang lamig niya at pinilit niyang ngumiti. “Nellie, sinabi ko na sayo. Isa ka sa mga amo. Hindi ka dapat umaasa masyado sa isang katulong.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig sa butler. “Dalhin mo sa labas si Little Princess para maglaro. Gusto kong kausapin ng pribado si Ms. Luna.”Kinagat ni Nellie ang labi niya. Alam niya na walang magandang mangyayari sa pag uusap na ito. Agad niyakap ng payat na kamay niya si Luna.“Hindi! Gusto ko pong makasama si Auntie. Kung sino pong maghihiwalay sa amin, habang buhay akong magagalit sa kanila!”Pumangit ang ekspresyon ni Granny Lynch sa mga walang ingat na salita ni Nellie.Hindi naging malapit si Joshua sa ibang babae sa mga nakalipas na taon. Akala rin ni Granny Lynch na
“Gusto ko lang po si Nellie.”“Gusto mo siya?” Umubo ng malakas si Granny Lynch. “Ang tatay niya ang gusto mo! Noong hindi ko pa alam ang tungkol kay Nellie, hindi ko alam na magaling ka palang mag manipula. Ginamit mo ang pagmamahal ni Nellie para tumira ka sa Blue Bay Villa ng walang problema. Pinaamo mo si Nellie habang inaakit mo si Joshua. Maganda ang mukha mo pero pangit ang puso mo!”Matagal nang hinulaan ni Luna na ito ang sasabihin ni Granny Lynch. Tumawa siya ng mahina. “Granny Lynch, makatuwiran po ang hula niyo, pero mali po ang lahat.”Pagkatapos ay tumingin si Luna sa necklace sa leeg ni Granny Lynch. “Binigyan po ulit kayo ni Ms. Gibson ng regalo?”Ang necklace ngayon ay sa parehong koleksyon ng nakaraang necklace. Syempre, peke rin ito.Gumulong ang mga mata ni Granny Lynch at tumingin siya ng malamig kay Luna. “Binigay ito sa akin ni Aura. Maganda ang panlasa niya sa mga ganito. Mas maganda pa kaysa sayo! Higit pa dito, si Aura ang tita ni Nelie! Wala kang laban d
Nung umalis na si Granny Lynch, pumunta agad si Nellie sa ward ni Luna. Nilock niya ang pinto at pumunta siya sa yakap ni Luna habang umiiyak.“Mommy, ayaw ko pong malayo sa inyo. ‘Wag po kayong pumayag sa sinabi ni lola. Hahanap po ako ng paraan para hindi kayo umalis!”Umiling na lang si Luna. “‘Wag mo na sayangin ang panahon mo dito.”Hinimas niya ang mukha ni Nellie. “Lalaki ka rin naman, hindi ba?”Suminghot si Nellie, ngunit wala siyang sinabi.“‘Wag kang mag alala, hindi kita hahayaan mapunta sa panganib. Kapag natapos na ang mga bagay sa susunod na ilang araw, pwede ka nang mabuhay ng ligtas sa mga Lynch. Kahit na maraming masama tungkol sa Daddy mo, maganda ang pagtrato niya sayo, at ganun din ang lola mo sa tuhod. Nakikita ko na mahal ka niya talaga.”Kinagat ni Nellie ang kanyang labi. “Hindi niya po ako mahal! Kung mahal niya po ako, bakit hindi niya po ako pinapayagan na makasama kayo?”“Matanda na kasi siya, kaya’t marami siyang iniisip.”Naiintindihan ni Luna ang
Anim na taong gulang lang si Neil, ngunit nagsasalita na siya na parang 26 na ang edad niya.Nagbuntong hininga si Luna at sumagot siya, [Balak kong umalis sa Blue Bay Villa pagkatapos ng birthday party ni Granny Lynch.][Hahayaan niyo lang po na maiwan si Nellie?][Oo.][Dapat muna pala nating probemahin si Aura Gibson.]Mabilis na sumagot si Neil, [Pinakuha ko po si Zach ng mahalagang ebidensya. Kahit po walang gagawin ang masamang lalaki na ‘yun, dadalhin ko po ito sa pulis. Mapupunta po sa kulungan ng ilang taon si Aura.]Nagbuntong hininga si Luna. Laging mature at mahusay ang anak niya.[Subukan mong aliwin si Nellie sa mga susunod na araw; ayaw niya na iwanan ko siya. Dahil ikaw ang nagdala sa kanya pabalik kay Joshua, ikaw dapat ang may responsibilidad dito.]Tahimik ng ilang saglit si Neil bago niya sinabi na bumalik na si Anne para tapusin ang pag uusap nila.Matapos ang mahabang sandali, muling nagring ang phone ni Luna. Ngayon naman, ito ay isang message mula kay N
Sinundan ni Luna si Lucas papasok sa loob ng kwarto.Nakasandal si Joshua sa ulunan ng kama. Elegante niyang nilapag ang mga dokumento sa tabi bago niya tinaas ang mga kilay niya habang nakatingin kay Luna. “Labing dalawang minuto ka nang nakatitig sa akin mula sa labas,”Ngumiti ng maliit si Luna. “Mr. Lynch, maganda po ang itsura niyo kaya’t nabighani po ako.”Hindi tinanggap o itinanggi ni Joshua ang pamumuri niya.Kinuha lang ni Joshua ang mainit na baso ng tubig mula sa tabi gamit ang malaki niyang mga kamay at uminom siya dito.“Sa sobrang ganda ng itsura ay sumisilip ka dito ng ganitong oras?”Tumingin siya kay Luna. “Gusto mo ba?” ang tanong ni Joshua habang basa ang mga labi.Ngumiti ng malamig si Luna at lumapit siya para tanggapin ang baso. Ininom niya ng isang lagukan ang laman ng baso. “Salamat po, Mr. Lynch.”Dumaloy ang mainit na tubig sa lalamunan niya, uminit ang katawan niya, ngunit malamig pa rin ang puso niya.“Narinig ko na nangako ka kay lola na aalis ka
Habang tinitingnan ang ibang laman ng tablet, may ilang mga video at litrato ng mga nangyari sa amusement park. Lahat nito ay nandoon si Aura.Kumunot ang mga kilay ni Joshua habang napuno ng gulat ang mga mata niya. “Nakuha mo ang lahat ng ito?”Isang anim na taong gulang bata lamang si Neil.Ang isang normal na bata niya ay dapat umiiyak sa loob ng isang kindergarten, ngunit ang batang ito ay hindi lamang nagsasalita ng mature, kaya niya rin kumuha ng mga sapat na ebidensya?Hindi kaya ng maraming matatanda na gumawa ng pribadong imbestigasyon na tulad nito. Paano ito nakamit ni Neil sa ganitong murang edad?“Tinulungan po ako ni Zach at Yuri, pero may hangganan po sila. Ilan lang po ang kaya nilang kolektahin.”Halos nabasa ni Neil ang iniisip ni Joshua. Kalmado siyang nagkibit balikat “Kung ako lang po, hindi ko po makukuha ang ganito karaming ebidensya, pero…”Tumingin si Neil kay Joshua habang nakasingkit. “Bata lang po ako, at mga bodyguard lang po sina Zach at Yuri. Kaun
Tumingin si Neil ng seryoso kay Joshua. “Sana po pala ay hindi niyo ako biguin, Mr. Lynch.”Nilabas ni Neil ang kanyang phone at binura niya ang ebidensya na nakasave sa cloud storage.Sumusugal siya. Sumusugal siya na haharapin ni Joshua si Aura para kay Nellie at sa Mommy niya.Naguluhan din siya sa mga bagay na nakita niya sa computer ni Joshua.Baka ngayon, makikita niya mismo kung mahal talaga ni Joshua si Luna o kung nagsisinungaling lang ito sa sarili niya.Nang makita ni Joshua na binura ni Neil ang ebidensya, ngumiti ng bahagya si Joshua. “May tiwala ka talaga sa akin, ‘no?”Tumingin ng tuso si Neil kay Joshua. “Sinasabi niyo po ba na hindi kayo katiwa-tiwala, Mr. Lynch?”“Naiintriga lang ako. Kung nagsisinungaling lang ako sayo at wala akong ginawa kay Aura, ano ang gagawin mo?”Kinuha ni Neil ang fruit juice at uminom siya dito. “Kung ganun, naniniwala po ako na maraming maaaring mawala sa inyo, Mr. Lynch.”Nilapag ni Neil ang cup niya at bumaba na siya sa upuan. “K