Nung umalis na si Granny Lynch, pumunta agad si Nellie sa ward ni Luna. Nilock niya ang pinto at pumunta siya sa yakap ni Luna habang umiiyak.“Mommy, ayaw ko pong malayo sa inyo. ‘Wag po kayong pumayag sa sinabi ni lola. Hahanap po ako ng paraan para hindi kayo umalis!”Umiling na lang si Luna. “‘Wag mo na sayangin ang panahon mo dito.”Hinimas niya ang mukha ni Nellie. “Lalaki ka rin naman, hindi ba?”Suminghot si Nellie, ngunit wala siyang sinabi.“‘Wag kang mag alala, hindi kita hahayaan mapunta sa panganib. Kapag natapos na ang mga bagay sa susunod na ilang araw, pwede ka nang mabuhay ng ligtas sa mga Lynch. Kahit na maraming masama tungkol sa Daddy mo, maganda ang pagtrato niya sayo, at ganun din ang lola mo sa tuhod. Nakikita ko na mahal ka niya talaga.”Kinagat ni Nellie ang kanyang labi. “Hindi niya po ako mahal! Kung mahal niya po ako, bakit hindi niya po ako pinapayagan na makasama kayo?”“Matanda na kasi siya, kaya’t marami siyang iniisip.”Naiintindihan ni Luna ang
Anim na taong gulang lang si Neil, ngunit nagsasalita na siya na parang 26 na ang edad niya.Nagbuntong hininga si Luna at sumagot siya, [Balak kong umalis sa Blue Bay Villa pagkatapos ng birthday party ni Granny Lynch.][Hahayaan niyo lang po na maiwan si Nellie?][Oo.][Dapat muna pala nating probemahin si Aura Gibson.]Mabilis na sumagot si Neil, [Pinakuha ko po si Zach ng mahalagang ebidensya. Kahit po walang gagawin ang masamang lalaki na ‘yun, dadalhin ko po ito sa pulis. Mapupunta po sa kulungan ng ilang taon si Aura.]Nagbuntong hininga si Luna. Laging mature at mahusay ang anak niya.[Subukan mong aliwin si Nellie sa mga susunod na araw; ayaw niya na iwanan ko siya. Dahil ikaw ang nagdala sa kanya pabalik kay Joshua, ikaw dapat ang may responsibilidad dito.]Tahimik ng ilang saglit si Neil bago niya sinabi na bumalik na si Anne para tapusin ang pag uusap nila.Matapos ang mahabang sandali, muling nagring ang phone ni Luna. Ngayon naman, ito ay isang message mula kay N
Sinundan ni Luna si Lucas papasok sa loob ng kwarto.Nakasandal si Joshua sa ulunan ng kama. Elegante niyang nilapag ang mga dokumento sa tabi bago niya tinaas ang mga kilay niya habang nakatingin kay Luna. “Labing dalawang minuto ka nang nakatitig sa akin mula sa labas,”Ngumiti ng maliit si Luna. “Mr. Lynch, maganda po ang itsura niyo kaya’t nabighani po ako.”Hindi tinanggap o itinanggi ni Joshua ang pamumuri niya.Kinuha lang ni Joshua ang mainit na baso ng tubig mula sa tabi gamit ang malaki niyang mga kamay at uminom siya dito.“Sa sobrang ganda ng itsura ay sumisilip ka dito ng ganitong oras?”Tumingin siya kay Luna. “Gusto mo ba?” ang tanong ni Joshua habang basa ang mga labi.Ngumiti ng malamig si Luna at lumapit siya para tanggapin ang baso. Ininom niya ng isang lagukan ang laman ng baso. “Salamat po, Mr. Lynch.”Dumaloy ang mainit na tubig sa lalamunan niya, uminit ang katawan niya, ngunit malamig pa rin ang puso niya.“Narinig ko na nangako ka kay lola na aalis ka
Habang tinitingnan ang ibang laman ng tablet, may ilang mga video at litrato ng mga nangyari sa amusement park. Lahat nito ay nandoon si Aura.Kumunot ang mga kilay ni Joshua habang napuno ng gulat ang mga mata niya. “Nakuha mo ang lahat ng ito?”Isang anim na taong gulang bata lamang si Neil.Ang isang normal na bata niya ay dapat umiiyak sa loob ng isang kindergarten, ngunit ang batang ito ay hindi lamang nagsasalita ng mature, kaya niya rin kumuha ng mga sapat na ebidensya?Hindi kaya ng maraming matatanda na gumawa ng pribadong imbestigasyon na tulad nito. Paano ito nakamit ni Neil sa ganitong murang edad?“Tinulungan po ako ni Zach at Yuri, pero may hangganan po sila. Ilan lang po ang kaya nilang kolektahin.”Halos nabasa ni Neil ang iniisip ni Joshua. Kalmado siyang nagkibit balikat “Kung ako lang po, hindi ko po makukuha ang ganito karaming ebidensya, pero…”Tumingin si Neil kay Joshua habang nakasingkit. “Bata lang po ako, at mga bodyguard lang po sina Zach at Yuri. Kaun
Tumingin si Neil ng seryoso kay Joshua. “Sana po pala ay hindi niyo ako biguin, Mr. Lynch.”Nilabas ni Neil ang kanyang phone at binura niya ang ebidensya na nakasave sa cloud storage.Sumusugal siya. Sumusugal siya na haharapin ni Joshua si Aura para kay Nellie at sa Mommy niya.Naguluhan din siya sa mga bagay na nakita niya sa computer ni Joshua.Baka ngayon, makikita niya mismo kung mahal talaga ni Joshua si Luna o kung nagsisinungaling lang ito sa sarili niya.Nang makita ni Joshua na binura ni Neil ang ebidensya, ngumiti ng bahagya si Joshua. “May tiwala ka talaga sa akin, ‘no?”Tumingin ng tuso si Neil kay Joshua. “Sinasabi niyo po ba na hindi kayo katiwa-tiwala, Mr. Lynch?”“Naiintriga lang ako. Kung nagsisinungaling lang ako sayo at wala akong ginawa kay Aura, ano ang gagawin mo?”Kinuha ni Neil ang fruit juice at uminom siya dito. “Kung ganun, naniniwala po ako na maraming maaaring mawala sa inyo, Mr. Lynch.”Nilapag ni Neil ang cup niya at bumaba na siya sa upuan. “K
Ang nakakalito ngayon ay naglaho si Aura nitong mga nakalipas na araw. Walang impormasyon tungkol sa kanya.May mga balita nagsabi na may sakit siya, kaya’t kailangan niyang magpahinga mula sa trabaho.Hindi rin siya dumalo sa mga award ceremony, na pinapahalagahan niya dati.Ang balita na binigay ng mga tauhan ni Malcolm ay nagtatago si Aura sa bahay, at pinoprotektahan siya ng mga tao ni Joshua.Nabigla si Luna nang marinig niya ang balita.Ang mga tao ni Joshua, pinoprotektahan si Aura? Bakit? Natatakot ba sila na may taong mananakit sa kanya?Para namang hindi si Aura ang may gawa ng lahat ng ito.Habang iniisip ito, ngumiti ng mapait si Luna. Naging panlalait ang pait niya.Tila maingat ang pag aalaga ni Joshua sa mga tao na gusto niya.Kahit na sinubukan ni Aura na patayin ang anak ni Joshua ng ilang beses, nag aalala pa rin siya kay Aura. Higit pa dito, kinansela pa ni Joshua ang trabaho ni Aura para lang mabantayan siya.Ang pag uugali ni Joshua ngayon ay parang ang l
Agad na sumagot ng malakas si Natasha, “Nandito ako.”Alam ni Luna na dapat na silang umalis ni Nellie. Hindi dapat siya makipagtalo kay Aura sa harap ni Natasha, ngunit kasing bigat ng bakal ang mga binti niya. Hindi siya makagalaw.Anim na taon niyang hindi nakita si Natasha. Ang matandang babae sa harap niya ay ang nanay niyang hindi niya nakita ng anim na taon.Parang sumikip at natuyo ang lalamunan ni Luna. Gusto niyang magsalita, pero wala siyang mabuo na salita.“Anong nangyari?” sa mga sandaling ito, dumating na si Aura. Agad niyang napansin na nakatayo si Nellie at Luna sa harap ni Natasha.Ngumiti ng mapanglait si Aura. “Pagkakataon nga naman.”Nilagay siya sa house arrest ni Joshua nitong mga nakalipas na araw. Pero sa huli, ginamit niya si Natasha bilang dahilan para makapag shopping siya.Hindi niya inaasahan na makita si Luna at Nellie habang nag shoshopping sila.Nagulat si Natasha. “Aura, magkakilala kayong dalawa?”“Higit pa doon,” umubo ng malakas si Aura. “M
Bumaba ang tingin ni Natasha. “Si Nellie ang anak ng panganay kong babae. Hindi ko alam kung buhay pa siya o patay na. Gusto ko lang makilala ang apo ko. Pwede ba?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya. “Sige po.” dapat siyang tumanggi, ngunit hindi niya makuha ang lakas ng loob na tumanggi sa nanay niya.“Bakit pa kayo nagpapaalam sa kanya?” gumulong ang mga mata ni Aura. “Katulong lang naman siya, at ikaw ang lola ni Nellie. Bakit mo kailangan ng permiso na kumain kasama ang apo mo?”Lumingon si Natasha at tumingin siya ng masama kay Aura. “Trabaho niya ito, kaya’t tama lang na magtanong ako!”Tumingin siya na parang humihingi ng tawad kay Luna. “Pasensya na. Laki sa layaw ang anak kong ito simula pa nung bata siya…”Nahihiyang tumingin si Luna kay Natasha habang nakatayo lang siya sa lugar.Minsan ding pinalaki sa layaw at minahal ni Natasha si Luna, ngunit isa lamang siyang katulong ngayong sandaling ito.Pagkatapos makuha ang permiso ni Luna, niyakap ni Natasha si Nellie at pu