“Ang katawan mo ang pinakamahalagang bagay ngayon. ‘Wag mo hayaang maapektuhan ang mood mo dahil sa mga taong hindi mahalaga, baka maapektuhan ang katawan mo.”Dahil sa mga sinabi ni Joshua, kinagat ni Fiona ang mga labi niya ng mapagkumbaba at sumagot siya, “Pero… Mahalagang tao si Ms. Luna. Kayong dalawa ay…”“Wala akong kahit anong relasyon sa kanya mula noong anim na taon na ang lumipas. Kung hindi dahil may mga anak pa rin kami, hindi na dapat kami nag uusap.”Tumingin ng malambing si Joshua kay Fiona, “Kaya, ‘wag mo nang banggitin ang mga bagay na hindi kailangan.”Nakatayo pa rin si Luna sa labas ng pinto, nabasag ang puso niya.Ito ang mga tapat na salita ni Joshua, hindi ba? Galing ito sa puso niya.Si Jude lang ang gumawa ng istorya na malalim ang pagmamahal ni Joshua. Tanga lang talaga si Luna para maniwala sa kanya.“Luna?”Lumabas si Lucas ng elevator na may hawak na mga dokumento habang nakatayo pa rin si Luna sa labas ng opisina ng tulala. Kumunot ang noo niya na
Sumingkit ang mga mata ni Luna at tumingin siya kay Fiona, na siyang nakaupo sa sofa at pula ang mukha.Kahapon, dinala ni Joshua si Fiona sa hospital. Sinabi niya na pinaso ni Arianna si Fiona, kaya’t kailangan nito magpacheck up.Ano naman meron ngayon?Si Fiona ang sadyang naglagay ng dinurog na bitamina sa baso niya kanina para gumawa ng maling pagkakaunawaan.Higit pa dito, kahit na nagkamali ang lahat sa ginawa ni Fiona, walang gumawa ng aksyon laban sa kanya. Wala mang humawak sa kanya.Dadalhin pa rin siya ni Joshua sa hospital, dahil lang doon?Gaano ba kahalaga si Fiona sa kanya? Dahil lang nabalisa siya at mali ang pagka intindi ng iba sa ginawa niya, kailangan niyang pumunta sa hospital?Habang iniisip ito, ang sugat sa braso ni Luna, na nahiwa kanina ng painting equipment, ay biglang sumakit.Tila nakalimutan niyang lagyan ng gamot ang sugat niya pagkatapos masaktan.Hinawakan ni Luna ang masakit na parte ng braso niya at hindi siya nagsalita, ngunit nakita ni Jos
Habang naglalagay ng disinfectant si Joshua, tumigil siya saglit.Pagkatapos ng ilang sandali, lumingon siya para tumingin ng malalamig kay Luna. “Hindi mo naman kailangan sabihin ng ganun. Mahalaga si Fiona sa akin. Normal lang na pahalagahan ko siya.”Pagkatapos itong sabihin, tinuro ni Joshua ang upuan sa tabi niya. “Tara, umupo ka dito.”Walang tigil ang pagdugo ni Luna, masakit siguro ito.Ang gusto lang gawin ng babaeng ito ay makipagtalo sa kanya. Wala ba siyang pakialam sa nararamdaman niya?Hindi gumalaw si Luna.“Mr. Lynch, hindi ba’t sinabi mo na wala tayong kinalaman sa isa’t isa simula pa noong anim na taon na ang lumipas? Dahil normal lang tayo na boss at empleyado, sino ang boss na gumagamot ng sugat ng empleyado niya?”Tumingin ng malupit si Luna kay Joshua.“Mr. Lynch, pinapunta mo ako dito. Sa tingin ko ay hindi lang ito para gamutin mo ang sugat ko, tama ba?”Tila hindi komportable si Joshua dahil malamig na pag uugali ni Luna.Kumunot ang noo niya at tumin
Kumulo ang dugo ni Luna dahil sa sagot ni Joshua.Humigpit ang kamao niya at nagngalit ang ngipin niya. Tila may intensyon pa siya na patayin si Joshua.Paano naman naging ganito kawalang puso at kawalang hiya ang isang tao?Kailangan niya bang gumamit ng malamig na paraan ng pagsasalita ng masama tungkol sa sarili niyang anak?Bakit siya nahulog sa lalaking ito mula pa sa simula?Gayunpaman, naiintindihan ni Luna na hindi niya pwedeng galitin si Joshua.Humigpit ang mga kamao ni Luna, pagkatapos ay bumitaw siya. Inulit niya ito ng ilang beses.Sa huli, tumingala siya.“Naiintindihan ko, Mr. Lynch.”Para sa mga anak niya, matitiis niya lahat ito.Hirap na pinilit ni Luna na ngumiti. Sa huli, ngumiti siya at tumingin siya kay Joshua.“May kailangan ka pa ba? Kung wala na, babalik na ako sa trabaho.”Hindi na niya binigyan ng pagkakataon si Joshua na magsalita at agad siyang tumalikod at umalis.Ayaw nang manatili ni Luna sa harap ni Joshua. Natatakot siya na baka hindi niya
Gusto ni Christian Moore na matuwa si Joshua. Natural na susubukan rin niyang matuwa si Fiona.Dahil kasama ni Christian si Fiona, hindi kailangang mag alala ni Joshua.Huminga ng malalim si Joshua at pagod siyang umupo sa upuan niya.“Magpadala ka ng mga tao na palihim na magbabantay kay Fiona.”…Nang makabalik si Luna sa opisina, may maliit na bote ng iodine sa mesa niya.Ito pa rin ang bote na nasa opisina ni Joshua kanina.Nagpadala ba si Joshua ng tao para dalhin ito?Mapagpanggap talaga.Sumingkit ang mga mata ni Luna. Kinuha niya ang bote ng iodine at itatapon niya na sana ito.Sa mga sandaling ito, pumasok si Shannon. Nakita niya ang mga kilos ni Luna, lumaki ang mga mata niya at pinigilan niya si Luna.“Director Luna, ano pong ginagawa mo? Hindi po ba may sugat kayo? Dinala po ni Zayne ang iodine para gamutin niyo po ang sugat niyo. Maliit na bagay lang po ito. Kayo po…”Bahagyang tumigas ang kamay ni Luna, na nakahawak sa bote ng iodine.Binalik niya ang kamay n
Paglabas ng Lynch Group Tower, agad na tumawag si Luna ng taxi papunta sa hospital.Nang marinig na may emergency, mabilis na nagmaneho ang driver, nakarating sila ng hospital sa loob ng 20 minuto. Paglabas ng kotse, pumunta agad si Luna sa hospital. Habang may pila sa elevator, sumuko na agad si Luna sa pagsakay ng elevator at umakyat na lang siya ng hagdan.Hindi nagtagal, nakarating na siya sa ika-13 na palapag.Ito ang palapag kung saan pipirma ng agreement ang donor, ayon sa sinabi ni Anne sa phone niya.Habang humihingal, yumuko si Luna at tumingin siya sa oras.Mabuti na lang at umabot siya sa oras! Siguradong hindi pa umaalis ang donor!“Hindi ba’t ito si Ms. Luna? Bakit pagod ka?” May babaeng puno ng mapanglait na salita na tumunog sa tainga niya.Kumunot ang noo ni Luna at napalingon siya.Sa harap niya, nakahalukipkip si Fiona habang nakatingin kay Luna ng malamig.“Bakit nandito ka?” Alam niya na nasa hospital si Fiona, ngunit hindi ba’t wala dapat siya sa depart
“Kung sabagay, magkadugo pa rin kami. Pwede ko ba siyang makita?”Medyo namroblema ang doctor.“Uh… Wala sa hospital ang bata sa ngayon. Kung gusto mo siyang bisitahin, baka kailangan mong tawagan ang nanay niya. Para dalhin ka ng nanay niya doon.”Nang marinig ang pinag uusapan nila, halos sigurado na si Luna na ang lalaking ito ang donor na magdodonate ng bone marrow cells kay Nigel!Pilit ni Luna na pigilan ang pagkasabik sa puso niya. Gusto niyang kausapin ang lalaki, ngunit natatakot siya na sa sobrang sabik niya ay baka may mapansin ang lalaki na may kakaiba.Naaalala niya pa rin na sinabi ng doctor na ayaw malaman ng iba ang tunay niyang pagkakakilanlan.“Sige. Pwede mo bang ibigay ang number ng nanay sa akin? Ako na mismo ang tatawag sa kanya.”Tumango ang doctor. “Posible naman, pero…”“‘Wag kang mag alala. Hindi ko babanggitin ang mga nanagyari ngayong araw.”Pagkatapos isave ni Christian ang phone number ng nanay ng bata, inisip niya kung paano lalapitan ang anak ni
Humigpit ang hawak ni Luna sa phone niya.“P—Pamangkin… ka ni Joshua?”Alam niya na ang tao na tumawag sa kanya ay ang lalaking nakita niya kanina.Hindi niya inaasahan na ang donor ay kamag anak ni Joshua.Kung iisipin ito ng mabuti, tama nga naman.Anak ni Joshua si Nigel. Mataas ang posibilidad na tugma ang bone marrow ng mga kamag anak ni Joshua kay Nigel.“Hello?” Ang tanong ni Christian nang wala siyang matanggap na sagot mula kay Luna.“Nandito ako.” Huminga ng malalim si Luna, at mahigpit ang hawak niya sa phone nya. “Oras na rin naman na ng tanghalian. Bakit hindi tayo kumain ng sabay? Malapit ako sa hospital.”Medyo nabigla si Christian sa kabilang linya ng phone. “Nagkataon nga po naman. Nasa hospital po ako. HIndi po ako mula sa Banyan City, kaya’t hindi po ako pamilyar sa lugar na ‘to. Bakit hindi po ikaw ang magdesisyon kung saan po tayo magkita?”Tumango si Luna. “Hihintayin kita sa Raindrop Paradise sa tapat ng hospital.”Pagkatapos, agad na binaba ni Luna ang