“Kung sabagay, magkadugo pa rin kami. Pwede ko ba siyang makita?”Medyo namroblema ang doctor.“Uh… Wala sa hospital ang bata sa ngayon. Kung gusto mo siyang bisitahin, baka kailangan mong tawagan ang nanay niya. Para dalhin ka ng nanay niya doon.”Nang marinig ang pinag uusapan nila, halos sigurado na si Luna na ang lalaking ito ang donor na magdodonate ng bone marrow cells kay Nigel!Pilit ni Luna na pigilan ang pagkasabik sa puso niya. Gusto niyang kausapin ang lalaki, ngunit natatakot siya na sa sobrang sabik niya ay baka may mapansin ang lalaki na may kakaiba.Naaalala niya pa rin na sinabi ng doctor na ayaw malaman ng iba ang tunay niyang pagkakakilanlan.“Sige. Pwede mo bang ibigay ang number ng nanay sa akin? Ako na mismo ang tatawag sa kanya.”Tumango ang doctor. “Posible naman, pero…”“‘Wag kang mag alala. Hindi ko babanggitin ang mga nanagyari ngayong araw.”Pagkatapos isave ni Christian ang phone number ng nanay ng bata, inisip niya kung paano lalapitan ang anak ni
Humigpit ang hawak ni Luna sa phone niya.“P—Pamangkin… ka ni Joshua?”Alam niya na ang tao na tumawag sa kanya ay ang lalaking nakita niya kanina.Hindi niya inaasahan na ang donor ay kamag anak ni Joshua.Kung iisipin ito ng mabuti, tama nga naman.Anak ni Joshua si Nigel. Mataas ang posibilidad na tugma ang bone marrow ng mga kamag anak ni Joshua kay Nigel.“Hello?” Ang tanong ni Christian nang wala siyang matanggap na sagot mula kay Luna.“Nandito ako.” Huminga ng malalim si Luna, at mahigpit ang hawak niya sa phone nya. “Oras na rin naman na ng tanghalian. Bakit hindi tayo kumain ng sabay? Malapit ako sa hospital.”Medyo nabigla si Christian sa kabilang linya ng phone. “Nagkataon nga po naman. Nasa hospital po ako. HIndi po ako mula sa Banyan City, kaya’t hindi po ako pamilyar sa lugar na ‘to. Bakit hindi po ikaw ang magdesisyon kung saan po tayo magkita?”Tumango si Luna. “Hihintayin kita sa Raindrop Paradise sa tapat ng hospital.”Pagkatapos, agad na binaba ni Luna ang
Kung sabagay, alam ng lahat na pinapahalagahan ni Joshua ang asawa niya, si Luna Gibson.Kung nagustuhan siya ni Luna, magiging mabuti na ang mga susunod.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Christian. Nagpanggap siya na umiling siya na parang wala siyang magawa.“May dalawang bagay po ako na gusto kong gawin nitong nakaraan, pero hindi ko po agad kailangan magawa pareho. Basta’t makamit ko po ang isa sa mga ito, magiging masaya na po ako.”“Ang una po ay,” Ang sabi niya, tumingin siya kay Luna habang sinabi niya, “Gusto ko po mapunta sa relasyon kasama ang isang magandang babaeng tulad niyo, Ms. Luna.”“Ang pangalawa po ay para mag invest ang uncle ko, si Joshua, sa bago ko pong kumpanya.”Ngumiti siya at tumingin siya kay Luna. “Alin po doon ang tutulunnan niyo po ako na matupad?”Sadyang pinili ni Christian ang mga salita niya. Iniisip niya na si Luna, ang nanay ng dalawang bata at isa sa kanila ay sasailalim sa operasyon, ay hindi pipiliin na mapunta sa isang 19 taong
“Mga Isda, gulay, manok, baboy…”Sa seafood market, naghahanap si Luna sa phone niya ng pagkain na makakatulong sa pagdaloy ng dugo na sinend sa kanya ni Anne, habang tinutulak ang cart ng pagkain, at pumipili ng nararapat na sangkap.May bisita siya ngayong gabi, at matagal na rin siyang hindi nakapagluto ng masarap para kila Nellie at Nigel.Sina Christian at Nigel, na parehong sasailalim sa operasyon, ay minsan lang makakakain ng magkasama. Kailangan ay may gawin siyang mabuti para sa kanila.Inalis ni Luna ang mga sangkap na hindi kinain ni Christian nitong hapon habang humanap rin siya ng iba’t ibang pagkain na gusto ng isang 19-taong gulang na lalaki at dalawang anim na taong gulang na bata.Habang nakatingin sa phone at nakayuko, bumangga ang cart niya sa isang tao sa harap.Thud! Nasaktan ang babae sa harap ni Luna. “Aray! Tingnan mo ang dinadaanan mo!”Bumalik sa sarili si Luna at agad siyang humingi ng tawad.“Pasensya na po.”Sa sandali na lumingon siya, napagtant
“Sabihin mo sa akin—anong mangyayari kapag nagreport ako sa pulis ngayon?”Agad na namutla ang mukha ni Yvonne dahil sa mga sinabi ni Luna.Ang lalaking may hawak kay Yvonne ay tumingin sa kanya. Hindi niya mapigilan na sumingkit ang mga mata niya at tumingin siya ng malupit kay Luna.“Wala ka talaga puso, p*ta ka! Kaya pala namatay ang anak mo!”Hinawakan niya si Yvonne para gumaan ang loob nito habang nakaturo siya kay Luna at sinigaw niya, “Matagal nang natapos ang lahat ng ito, pero gusto mo pa ring sisihin ang asawa ko? Bakit namatay ang anak mo pero hindi ang iba? Dahil masama ka at marami ka nang ginawang masama!”“Nabalitaan ko na meron kang higit sa isang anak. Baka dahil lagi kang masama, pati ang ibang mga anak mo ay—”Nagalit si Luna dahil sa mga sinabi niya.Bago pa siya matapos sa pagsasalita, galit na kinuha ni Luna ang mga gamit sa tabi niya at hinagis niya ito sa lalaki.“Sige, ulitin mo pa ang sinabi mo!”Nasaktan ang lalaki, ngunit binalewala niya lang ito,
Si Joshua ang pinakasikat na tao sa Banyan City.Nang marinig ang mga sinabi ni Yvonne, hinanap ng mga manonood si Joshua at medyo nag hiwahiwalay sila.Nakatulak sa sahig si Luna. Sa sandali na lumingon siya, nakita niya na hawak ni Fiona ang dibdib niya habang hinihinila ang braso ni Joshua sa labas ng madla.Nakatulak ang katawan ni Luna sa malamig at matigas na sahig. Nakita niya na gusto ni Joshua na pumunta noong una, pero tumigil siya dahil sa mga sinabi ni Fiona.Pumikit si Luna. Lumubog ang puso niya.Nakita siguro ni Joshua ang nangyayari, kaya’t lumapit siya. Gayunpaman, dahil sa sinabi ni Fiona, tumalikod siya.Ito ba talaga ang lalaking minahal niya ng napakaraming taon?Alam ni Joshua na bubugbugin na si Luna. Alam niya niya rin na hindi kaya ni Luna sina Yvonne at ang asawa nito.Ngunit, iniwan ni Joshua ang lahat ng pag aalala niya at tumalikod siya, dahil lang sa sinabi ni Fiona.Tatama na ang sampal ng matabang asawa ni Yvonne sa mukha ni Luna.Pumikit si Lu
Madaling makita na si Luna ang may kailangan ng pagmamalasakit at proteksyon ni Joshua.Sa halip, ang nangyari ay…Hindi alam ni Christian kung saan galing ang pakiramdam na ito, pero huminga siya ng malalim at determinado niyang kinarga si Luna.Nang makita na nasa ere siya, sumigaw si Luna at tumingin siya kay Christian, na bumubuhat sa kanya. Nagsimula siyang kumawala.“Ano ang ginagawa mo? Ibaba mo ako!”“Ibaba po kita? Kaya niyo po bang maglakad ng mag isa?”Lumibot ang mga mata ni Christian at naglakad siya lagpas ng madla habang karga si Luna sa mga bisig niya. “Hindi nga po kayo makatayo ng mag isa. Anong punto po ng pagpapanggap niyo na malakas kayo?”Kinagat ni Luna ang labi niya, hindi na siya nagsalita. Totoo naman, hindi siya makatayo ng mag isa. Hindi niya alam kung dahil masyado siyang nagalit kanina, o masyadong marami ang lakas na ginamit niya para saktan si Yvonne, o baka naman sumama ang pakiramdam niya nang makita niyang yakap ni Joshua si Fiona.Kahit ano p
Dinala ni Christian si Luna sa malapit na hospital.May suot na manipis na damit si Luna dahil sa mainit na panahon, kahit na hindi malala ang mga sugat niya, may mga gasgas din siya. Pati, madumi ang sahig sa seafood market. Kung pumasok ang dumi sa sugat niya at hindi ito naasikaso, magiging malala ang kahihinatnan.Pagpunta nila ng hospital, agad na ginamot ng doctor ang mga sugat ni Luna.Gumawa ng bula ang disinfectant sa sugat ni Luna.Sumimangot ng malalim si Christian. Naramdaman niya ang sakit sa sugat habang nakatingin siya dito.Sa kabilang palad, si Luna, na ang sugat ay nililinis, ay hindi man umimik.Nabigla si Christian nang makita niya ito. Palihim siyang kumuha ng video at sinend niya ito kay Joshua.Nang matanggap ni Joshua ang video ni Christian, pauwi na si Joshua kasama si Fiona.Nakasandal siya sa backseat, at nakahiga sa kandungan niya si Fiona, tulog na ito.Pinanood ni Joshua ang video, at pinakita dito ang isang doctor na nililinis ang sugat ng isan