Nang makarating na sina Luna at Bonnie sa mall, nakatayo na si Jason sa entrance habang may dalang malaking bouquet ng mga rosas.Halos isang buwan na hindi nakita ni Luna si Hason.Noong nasa Sea City sila, may suot si Jason na dark blue jacket na pang labas. Magaspang ang balbas niya at mukha siyang isang masamang tao.Ngayon, si Jason, na umakyat sa puno ng pera na si Bonnie, ay may suot na puting suit at mukha siyang malinis.Malaki ang bouquet ng mga rosas na dala niya. Mukhang may 99 na rosas dito.Ang dami at kalidad ng bouquet ay hindi mabibili ni Jason, na isang tipo ng tao na laging nagsisikap para sa pera.Ang inisip pa ni Luna ay ang mga rosas na binili ni Jason para kay Bonnie ay galing siguro sa pera ni Bonnie.Habang iniisip ito, tumingin si Luna kay Bonnie. “Bumaba na tayo.”Sa loob ng kotse, tumingin si Bonnie kay Jason na may hawak na bouquet ng mga rosas. Ang unang emosyon na naramdaman niya ay hindi kasiyahan, kundi pagkairita.Noon, kapag binigyan siya ni
Hindi naniniwala si Jason sa kahit isang salita na sinabi ni Luna.“Luna.”Naglakad ng ilang hakbang si Bonnie bago niya naalala si Luna.Pinasa niya ang bouquet ng mga rosas sa security guard sa tabi. Nang pagtalikod niya para kausapin si Luna, nakita niya kung gaano kalupit ang titig ni Jason kay Luna.Huminto ang puso ni Bonnie nang makita niya ang titig na ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya si Jason na may ganitong ekspresyon.Napalapit si Bonnie at hinawakan niya ang kamay ni Luna. Nilagay niya ang sarili niya sa harap ni Luna, hinarangan siya. “Jason, isang hindi pagkakaunawaan ang pagkulong sa akin ni Luna sa mental hospital. Binitawan ko na ‘yun. Sana ay ikaw rin. Sumama siya sa atin para kunin ang singsing natin. ‘Wag mo na siyang hanapan ng mali.”Gumaan lamang ang ekspresyon ni Jason nang marinig niya ang mga salita ni Bonnie.Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Luna. Ngumiti siya. “Salamat sa tulong mo, Ms. Luna, nag abala ka pa para samahan kami ni
“Dahil sa nangyari noong anim na taon na ang lumipas, natakot ako sayo. Baka kung dati, kapag tinakot mo ako, matatakot talaga ako sayo, pero ngayon…”Ngumiti si Luna. Elegante niyang kinuha ang baso ng tubig at uminom dito.“Sa tingin mo ba ay natatakot pa rin ako sa mga banta mo?”Nawala na sa kanya si Neil at mawawala na sa kanya si Nigel. Kahit si Nellie ay naging depressed at autistic.Mas lalala pa ba ang buhay niya?Pati, minsan, kapag iniisip ni Luna na kung naging matapang siya dati at hinarap niya ng direcho si Jason, hindi ang iwasan lang ito, magbabago kaya ang mga nangyari?Kaya naman, sa mga sandaling ito, nagdesisyon siya na sisimulan niya kay Jason.Papagbayarin niya si Jason, at si Joshua na sumusuporta dito!“Ito kaya!” Habang may matinding labanan sina Luna at Jason, sabik na lumapit si Bonnie. Pinakita niya sa dalawa ang diamond ring sa daliri niya.“Mas gusto ko ito!”Kumunot ang noo ni Luna, pagkatapos ay ngumiti siya. “Ito ay design ko.”Agad na lumaki
“Mr. Lynch, mahilig po ba kayong magshopping dito sa mall? Kung ganun po, pwede po namin kayong samahan lagi…”…Habang nakikita na nag aagawan ang mga lalaki sa atensyon, hindi napigilan ni Luna na kumunot ang noo niya.Naisip niya ang babaeng nasa mall kanina.Bakit maging lalaki man o babae, desperado sila para maging malapit kay Joshua?Namumukod ang pagpapanggap ni Joshua.Baka dahil naramdaman ni Joshua ang titig sa kanya ni Luna, kumunot ang noo niya at tumingin siya sa direksyon ni Luna.Nagkatinginan sila.Kumunot ang noo ni Luna. Agad siyang tumingin palayo.Sumingkit ang mga mata ni Joshua at sinulyapan niya si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kila Bonnie at Jason sa tabi ni Luna.Nandoon siya nung una dahil gusto niyang iklaro kung ano ang relasyon ni Luna kila Bonnie at Jason, ngunit nang makarating siya sa mall, nilapitan siya ng mga lalaking ‘yun.Sino ang mag aakala na…Nagkataon na kumakain din sila dito.“Lahat kayo.”Tumawa ng mahina si Joshua. Tumingin
Namutla ang mukha ni Jason dahil sa mga sinabi ni Joshua.Umubo siya at yumuko siya para uminom ng tsaa. “Mukhang mali po ang pagkaka alala niyo?”“Ah, ganun ba?” Nanunuya si Joshua. Tumingin siya ng malamig kay Jason.Pagkatapos, tumingin si Joshua kay Luna. “Sinabi niya na mali ang pagkaka alala ko.”Sumingkit ang mga mata ni Luna. Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay niya sa ilalim ng mesa.Anong palabas ang ginagawa nila Joshua at Jason? Ang isa ay pinagbibintangan ang isa habang ang isa ay sinusubukan na umiwas.Pinag usapan muna ba nila na magbalikan ng sagot sa harap ni Luna?Pinagsikapan talaga ni Joshua para lokohin siya!Tumikhim si Luna at agad siyang tumayo. “Bakit ka pa kayo nag abala na magpanggap sa harap ko?”Tumingin siya kay Joshua, pagkatapos kay Jason. Malamig ang mga mata niya.“Ayaw ko ang mga taong nagpapanggap sa harap ko. Pwede kayong magpanggap sa sarili niyo kung gusto niyo!”Pagkatapos, humingi ng tawad si Luna kay Bonnie, tumalikod siya, at umali
Pagkatapos ng aksidente ni Luna, matagal na nag imbestiga ang mga pulis at si Joshua.Sa huli, nahanap lang nila nag truck na ninakaw.Noon, hindi makita ng klaro ang mukha ng driver dahil sinira ang traffic surveillance.Ngumiti si Jason at inamin niya ito ng tumatawa, “Syempre po, ako ‘yun.”Pagkatapos, nilagay ni Jason ang parehong kamay sa likod ng ulo niya para mag relax. Tumingin siya ng basta basta kay Joshua. Nakakunot ng mahigpit ang noo ni Joshua.“Bakit po kayo nagpapanggap na gulat kayo, Mr. Lynch? Noon, binayaran po ng kumpanya niyo ang pagtakas ko. Kung hindi po ikaw, sino po ang kayang magbayad ng limandaang libong dolyar para sa isang walang kwentang taong tulad ko?”“Alam ko po na gusto niyong pasayahin si Luna ngayon, gusto niyong pong magpanggap na wala kayong kinalaman sa nangyari sa kanya. Pwede niyo naman po akong bigyan ng isa o dalawang daang libo para sumakay ako sa inyo at itago ang sikreto.”Pagkatapos, tumaas ang mga kilay ni Jason at tumingin siya ka
Mali ang pagkakaunawa?Tumikhim si Luna ng malamig. Tumingin siya kay Bonnie.“Baka naniniwala ka nga sa mga sinasabi ni Jason, pero ako hindi.”Naramdaman ni Luna na sinabi lang ni Jason kay Bonnie na hindi niya kilala si Joshua dahil sinusubukan niyang itago ang mga bagay na ginawa ni Joshua.Kumunot ang noo ni Bonnie.“Luna, kahit na nagsinungaling sa akin si Jason tungkol sa ibang mga bagay, hindi niya kailangan magsinungaling tungkol dito. Ikaw…”Bago pa matapos sa pagsasalita si Bonnie, nagring ang phone niya.Ito ay si Jason.Habang nakaupo sa restaurant, malamig na nakatingin si Jason sa kanila sa labas sa pamamagitan ng bintana.“Tapos ka na ba? Kakain ba tayo o hindi?”Medyo malupit ang tono ni Jason. Tumigil ang puso ni Bonnie. “Oo, oo, kakain tayo!”Pagkatapos, agad niyang binaba ang phone at hinila si Luna pabalik ng restaurant.Pagkatapos ihain ng mga waiter ang mga pagkain, sinabi ni Bonnie kay Luna na kumain na.Konti lang ang kinain ni Luna.Sa buong kain
Tumawa ng malakas si Jason.“Alam na ng buong bayan ang tungkol sa kasal namin ni Bonnie. Sa tingin mo ba ay matagumpay akong magpapakasal kay Bonnie kung hindi pumayag ang asawa ko?”Tahimik ng ilang saglit si Luna. Makalipas ang ilang sandali, tumawa siya.“Tama ka. Bagay nga kayo. Natural na wala din masyadong prinsipyo ang asawa mo.”“Prinsipyo? Ano ‘yun?” Tumikhim ng malamig si Jason at humalukipkip siya. “May prinsipyo ka nga, pero mas maganda ba ang buhay mo kaysa sa amin?”Ang mga salita ni Jason ay parang isang kutsilyo na tumusok sa puso ni Luna.Oo. May mga prinsipyo siya, pero mas maganda ba ang buhay niya kumpara sa iba?Dalawa sa apat na anak niya ay patay na. Ang mga buhay naman, ang isa sa kanila ay may malalang sakit, ang isa naman ay autistic.Ang mga taong nanakit sa kanya ay namumuhay ng malaya.Napuno si Luna ng pagkamuhi. Gusto niyang lumapit para patayin si Jason!Gusto niyang buksan ang dibdib nila Jason at Joshua. Para makita kung may puso nga talaga