Pumikit si Alice at tinimbang niya ang mga pagpipilian niya.Minsan lang malasing si Joshua, lalo na sa ganitong kondisyon. Minsan lang ang pagkakataon na ito. Hindi niya hahayaan na pakawalan ito.Sa gabi ng party. Nakasiping ni Joshua si Luna, ngunit wala siyang ala ala ng gumising siya nung umaga. Akala niya ay nakasiping niya si Alice, kaya’t nagbago ang isip niya tungkol sa divorce at nagsimula niyang itrato ng mabuti si Alice pagkatapos nito.Pinag isipan ito ni Alice ng ilang saglit bago siya nakapagdesisyon: tatawagin niya si Luna at papapuntahin niya ito sa bisig ni Joshua.Bukod pa dito, kahit na nalaman ni Joshua na nakasiping niya si Luna, hindi siya aamin dito, sa halip, tatratuhin niya ng mas mabuti si Alice dahil sa pagsisisi. Ito ang tamang oportunidad para kay Alice na gumawa ng bitak sa pagitan ng dalawa.Nagbuntong hininga siya at kinuha niya ang phone ni Joshua. Pagkatapos, inayos niya ang sarili niya at nagsend siya ng message kay Luna.Isang espesyal na text
Buong gabi na nasa study room si Joshua kasama si Luna. Nakatulog na rin siya ng mga 4am.Medyo napagod at hindi komportable si Luna pagkatapos nito. Gayunpaman, natatakot siya na magising ang mga bata at malaman nila na wala siya doon, kaya’t dahan dahan siyang lumabas ng study room at pabalik sa kwarto ng mga bata.Pagbukas ni Alice ng pinto ng master bedroom para lumabas, tumingin si Alice sa direksyon na pinanggalingan ni Luna na may ekspresyon ng inggit at hinanakit.Pumasok siya sa study room, hinila ang lasing na Joshua pabalik ng master bedroom, at hiniga ito sa kama nila. Pagkatapos, nagdrawing siya ng peke na chikinini sa buong katawan niya gamit ang makeup, naghubad siya at sumiksik sa pagitan ng mga braso ni Joshua.Ang unang bagay na nakita ni Joshua pagdilat niya nung umaga ay ang natutulog na mukha ni Alice. Humiga ito sa tabi niya, nakahubad, na may ilang pulang chikinini sa dibdib at mga braso nito.Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. Anong nangyari kagabi?“Gising
“8am na. Oras na para gumising siya at mag agahan.”Kumunot ang noo ni Neil dahil sa mga sinabi ni Alice at agad niyang nilabas ang kamay niya para harangan ito. “Hindi. Natutulog pa si Mommy. Hindi namin siya pwedeng gisingin.”Syempre, hindi nakinig sa kanya si Alice. Tumayo si Alice sa tabi ng pinto at sumigaw ng malakas, “Luna! Luna! 8am na, oras na para gumising! Ginawan kita ng agahan! Dapat kang pumunta sa kumpanya ni Joshua ng 9am para sa meeting mo! Luna!”Nakakabingi ang boses ni Alice, at nagising na rin si Luna mula sa pagkakatulog. Bumangon si Luna at tumingin sa oras—8am na. Tatlong oras lamang ang tulog niya.Gayunpaman, alam niya na tama si Alice. May trabaho pa siya, kaya’t gumapang siya pababa ng kama at bumulong, “Salamat. Bababa na rin ako mamaya.”Nang makita na gising na si Luna, may bahid ng tagumpay sa mga mata ni Alice. Tumawa siya at tumitig kay Luna ng may maamo na ekspresyon, sinabi niya, “Ipinagluto kita ng agahan. Kumain ka na habang mainit pa. Bakit
Ano ang ginagawa niya kagabi?Kinagat ni Luna ang labi niya at tumingin siya kay Joshua ng hindi natutuwa. “Ano pa ba sa tingin mo ang ginawa ko kagabi, Mr. Lynch?”Kahit na lasing si Joshua kagabi, nagawa niya pang magtext at imbitahin si Luna, kaya’t bakit siya nagpapanggap.Tumingin ng malamig si Joshua ka Luna at sumagot siya, “Paano ko naman malalaman?”Kagabi pagkatapos ng hapunan, pinaalala niya kay Luna na matulog ng maaga at magpahinga dahil marami silang gagawin kinabukasan. May meeting sila para pag usapan ang impormasyon na nakolekta nila mula sa business trip at para magdesisyon sa mga ilang plano.Bakit hindi siya pinansin ang mga paalala ni Joshua?Bukod pa dito, natulog si Luna sa kwarto ng mga bata kagabi. Natural lang na maaga matutulog ang mga bata, at walang lugar para sa kanya na magtrabaho, kaya’t hindi siguro siya nagtatrabaho buong gabi.Hindi maintindihan ni Joshua kung bakit hindi siya nakatulog kagabi. Gising ba siya buong gabi habang kausap si Theo? D
Nagbuntong hininga si Lucas.Nang sumapit ang 9am, tapos na si Luna sa pagsusuri ng mga materials para sa meeting.“Shannon, sabihin mo sa lahat na magkakaroon tayo ng department meeting mamaya. Gusto kong ipaliwanag ang lahat ng nakuha ko sa Sea City.”Tumango si Shannon. Ngunit, nang paalis na siya ng opisina ni Luna, huminto siya at tumingin kay Luna. “Director Luna, sigurado po ba kayo na ayaw niyong magpahinga muna?”Alam ng lahat na hindi maganda ang pakiramdam ni Luna. Ang mukha niya ay kasing putla ng pader sa likod niya.Ngumiti si Luna. “Mas importante ang trabaho.”Sumimangot si Shannon at tumingin siya ng kakaiba kay Luna. Alam niya na may mga workaholic na tao, ngunit higit pa dito si Luna.Lumabas ng opisina si Shannon, ngunit makalipas ang ilang sandali, nagdesisyon siya na parang may mali at tumigil siya sa pinto. “Director Luna, bakit hindi ko po kayo gawan ng kape?”Umiling si Luna. “Hindi na kailangan.” Laging pakiramdam ni Luna na masusuka siya kapag naaamoy
Nang sa wakas ay bumalik na si Luna, nalaman niyang nasa ospital siya. Umupo si Anne sa tabi ng kama, bakas sa mukha nito ang pagkabahala at pag-aalala."Anong ginagawa mo dito?" Nagsalubong ang kilay ni Luna at sinubukang tumayo.Agad siyang tinulungan ni Anne at marahang inihiga sa headboard. “Kagagaling lang namin ni John ngayon sa biyahe. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Joshua na hinimatay ka kaya sumugod kami agad. Wala pa akong oras para umuwi!" Sinulyapan ni Anne si Luna na medyo hindi nasisiyahan. “Akala ko business trip lang yun sa Sea City. Anong nangyari? Bakit ka nawalan ng malay?”Ngumiti ng mapait si Luna. "Wala itong kinalaman sa trip."Napabuntong-hininga si Anne. "Alam ko." Sinulyapan niya ang pinto para masigurong walang nakikinig, tapos ay mahinang sinabing, “Sinabi sa akin ng doktor na hindi ka masyadong nakatulog kagabi at hindi ka nag-almusal kaninang umaga. Kaya ka nahimatay. Anong nangyari? Si Joshua ba?"Napatigil sandali si Luna, saka marahang tumango.
Alam ni Luna na ang plastic surgery ay maaaring magpabago nang husto sa hitsura ng isang tao. Gayunpaman, ang larawang hawak niya ay talagang hindi kamukha ng Hailey Walter na nakita niya ilang araw lang ang nakakaraan.Si Luna ay sumailalim sa plastic surgery noon, kaya alam niya na kailangan ng maraming oras at pagsisikap para mabago ang hitsura ng isang tao sa isang ganap na kakaibang tao, na ang ibig sabihin ay...Kung ang nasa larawang iyon ay si Hailey Walter, kung ganon ang babaeng namatay ay isang impostor.Napakagat labi si Luna at biglang naalala ang sinabi ni Joshua sa kanya dati sa loob ng kotse."Maaaring hindi ito ang totoong Hailey Walter."“Impostor lang ang namatay. Ang tunay na Hailey Walter ay nasa labas pa rin at nasa kung saan.""Ang babaeng ito ay talagang naiiba sa Hailey na nakikilala ko, kaya't siya ay tila isang ganap na ibang tao."Pinagpawisan ng malamig si Luna nang maisip niya iyon.Kung ang babaeng namatay ay hindi ang tunay na Hailey, kung ganon
Agad namang natigilan sina Joshua at Luna nang marinig iyon. Kumunot ang noo ni Luna at magsasalita na sana nang manuya si Joshua, “Bakit ko siya papakainin?” Inilibot ni Anne ang mga mata sa kanya. “May short-term memory loss ka ba, Mr. Lynch? Bakit hindi mo maalala ang ginawa mo? Ikaw—""Anne," pinigil siya ni Luna bago pa siya matapos. Sumandal siya sa headboard at binigyan si Anne ng isang mahinang ngiti. “Diba sabi mo pumunta ka dito kaagad at wala ka man lang oras para umuwi? Okay na ako ngayon kaya umuwi ka na." Kinagat ni Anne ang kanyang mga labi. Alam niyang ayaw ni Luna na banggitin niya ang ginawa ni Joshua. Bumuntong-hininga siya at malungkot na tumingin kay Luna. "Sige, mag-iingat ka." Kasabay nun, pinandilatan nya si Joshua bago siya tumalikod at umalis, pakalampag na sinara ang pinto. Naiwan silang dalawa ni Joshua at Luna sa ward. Bumuntong-hininga si Luna, kinuha ang lunchbox na inilapag ni Anne sa mesa sa tabi ng kama, at kumain. Itinaas niya ang lunchbox