Ano ang ginagawa niya kagabi?Kinagat ni Luna ang labi niya at tumingin siya kay Joshua ng hindi natutuwa. “Ano pa ba sa tingin mo ang ginawa ko kagabi, Mr. Lynch?”Kahit na lasing si Joshua kagabi, nagawa niya pang magtext at imbitahin si Luna, kaya’t bakit siya nagpapanggap.Tumingin ng malamig si Joshua ka Luna at sumagot siya, “Paano ko naman malalaman?”Kagabi pagkatapos ng hapunan, pinaalala niya kay Luna na matulog ng maaga at magpahinga dahil marami silang gagawin kinabukasan. May meeting sila para pag usapan ang impormasyon na nakolekta nila mula sa business trip at para magdesisyon sa mga ilang plano.Bakit hindi siya pinansin ang mga paalala ni Joshua?Bukod pa dito, natulog si Luna sa kwarto ng mga bata kagabi. Natural lang na maaga matutulog ang mga bata, at walang lugar para sa kanya na magtrabaho, kaya’t hindi siguro siya nagtatrabaho buong gabi.Hindi maintindihan ni Joshua kung bakit hindi siya nakatulog kagabi. Gising ba siya buong gabi habang kausap si Theo? D
Nagbuntong hininga si Lucas.Nang sumapit ang 9am, tapos na si Luna sa pagsusuri ng mga materials para sa meeting.“Shannon, sabihin mo sa lahat na magkakaroon tayo ng department meeting mamaya. Gusto kong ipaliwanag ang lahat ng nakuha ko sa Sea City.”Tumango si Shannon. Ngunit, nang paalis na siya ng opisina ni Luna, huminto siya at tumingin kay Luna. “Director Luna, sigurado po ba kayo na ayaw niyong magpahinga muna?”Alam ng lahat na hindi maganda ang pakiramdam ni Luna. Ang mukha niya ay kasing putla ng pader sa likod niya.Ngumiti si Luna. “Mas importante ang trabaho.”Sumimangot si Shannon at tumingin siya ng kakaiba kay Luna. Alam niya na may mga workaholic na tao, ngunit higit pa dito si Luna.Lumabas ng opisina si Shannon, ngunit makalipas ang ilang sandali, nagdesisyon siya na parang may mali at tumigil siya sa pinto. “Director Luna, bakit hindi ko po kayo gawan ng kape?”Umiling si Luna. “Hindi na kailangan.” Laging pakiramdam ni Luna na masusuka siya kapag naaamoy
Nang sa wakas ay bumalik na si Luna, nalaman niyang nasa ospital siya. Umupo si Anne sa tabi ng kama, bakas sa mukha nito ang pagkabahala at pag-aalala."Anong ginagawa mo dito?" Nagsalubong ang kilay ni Luna at sinubukang tumayo.Agad siyang tinulungan ni Anne at marahang inihiga sa headboard. “Kagagaling lang namin ni John ngayon sa biyahe. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Joshua na hinimatay ka kaya sumugod kami agad. Wala pa akong oras para umuwi!" Sinulyapan ni Anne si Luna na medyo hindi nasisiyahan. “Akala ko business trip lang yun sa Sea City. Anong nangyari? Bakit ka nawalan ng malay?”Ngumiti ng mapait si Luna. "Wala itong kinalaman sa trip."Napabuntong-hininga si Anne. "Alam ko." Sinulyapan niya ang pinto para masigurong walang nakikinig, tapos ay mahinang sinabing, “Sinabi sa akin ng doktor na hindi ka masyadong nakatulog kagabi at hindi ka nag-almusal kaninang umaga. Kaya ka nahimatay. Anong nangyari? Si Joshua ba?"Napatigil sandali si Luna, saka marahang tumango.
Alam ni Luna na ang plastic surgery ay maaaring magpabago nang husto sa hitsura ng isang tao. Gayunpaman, ang larawang hawak niya ay talagang hindi kamukha ng Hailey Walter na nakita niya ilang araw lang ang nakakaraan.Si Luna ay sumailalim sa plastic surgery noon, kaya alam niya na kailangan ng maraming oras at pagsisikap para mabago ang hitsura ng isang tao sa isang ganap na kakaibang tao, na ang ibig sabihin ay...Kung ang nasa larawang iyon ay si Hailey Walter, kung ganon ang babaeng namatay ay isang impostor.Napakagat labi si Luna at biglang naalala ang sinabi ni Joshua sa kanya dati sa loob ng kotse."Maaaring hindi ito ang totoong Hailey Walter."“Impostor lang ang namatay. Ang tunay na Hailey Walter ay nasa labas pa rin at nasa kung saan.""Ang babaeng ito ay talagang naiiba sa Hailey na nakikilala ko, kaya't siya ay tila isang ganap na ibang tao."Pinagpawisan ng malamig si Luna nang maisip niya iyon.Kung ang babaeng namatay ay hindi ang tunay na Hailey, kung ganon
Agad namang natigilan sina Joshua at Luna nang marinig iyon. Kumunot ang noo ni Luna at magsasalita na sana nang manuya si Joshua, “Bakit ko siya papakainin?” Inilibot ni Anne ang mga mata sa kanya. “May short-term memory loss ka ba, Mr. Lynch? Bakit hindi mo maalala ang ginawa mo? Ikaw—""Anne," pinigil siya ni Luna bago pa siya matapos. Sumandal siya sa headboard at binigyan si Anne ng isang mahinang ngiti. “Diba sabi mo pumunta ka dito kaagad at wala ka man lang oras para umuwi? Okay na ako ngayon kaya umuwi ka na." Kinagat ni Anne ang kanyang mga labi. Alam niyang ayaw ni Luna na banggitin niya ang ginawa ni Joshua. Bumuntong-hininga siya at malungkot na tumingin kay Luna. "Sige, mag-iingat ka." Kasabay nun, pinandilatan nya si Joshua bago siya tumalikod at umalis, pakalampag na sinara ang pinto. Naiwan silang dalawa ni Joshua at Luna sa ward. Bumuntong-hininga si Luna, kinuha ang lunchbox na inilapag ni Anne sa mesa sa tabi ng kama, at kumain. Itinaas niya ang lunchbox
Pagkasabi pa lang ni Luna ay napabuntong-hininga siya at inilayo ang ulo kay Joshua, senyales na ayaw na niyang ituloy pa ang topic. Sa halip, sinabi niya, “Naaalala ko noong nasa Sea City tayo, may sinabi ka tungkol kay Hailey Walter. Hinala mo na ang babaeng namatay ay hindi ang tunay na Hailey at, sa halip, ay isang impostor."Tumango si Joshua. "Oo, sinabi ko yon sa iyo."Nagpadala rin siya ng mga tao upang humanap ng ebidensya para suportahan ang kanyang hinala. Gayunpaman, walang mahanap ang kanyang mga tauhan. Ang Walters ay ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa Sea City, kaya natural na ginawa nila ang lahat upang takpan ang kanilang mga bakas.Bumuntong hininga si Luna at sumulyap sa kanya. "Naniniwala na ako sa iyo ngayon.""Ano?" Si Joshua. "Bakit mo ba ibinalita ito bigla?"Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata at magsasalita na sana nang may marinig siyang katok sa kanyang pinto. Ilang sandali pa, umalingawngaw ang boses ni Alice, “Luna, nandiyan ka ba? Balita ko nahi
Tumulo ang luha sa mga mata ni Alice. Nakagat niya ang kanyang labi at sinamaan ng tingin sina Natasha at Joseph. “Sinabi ko na sa inyo na hayaan nyo akong pumunta mag-isa. Ngayon, tingnan kung ano ang inyong ginawa. Na-misinterpret ni Joshua ang intensyon ko!"Ngumuso si Alice at inabot ang lalagyan ng thermal food kay Joshua. “Nagluto ako ng sopas para kay Luna. Dahil sa tingin mo ay may lihim na motibo kami ng aking mga magulang para bisitahin siya, aalis na kami ngayon din!"Kasabay nun, tumalikod na si Alice. Akmang aalis na siya, gayunpaman, sumimangot si Joshua at hinawakan ang kanyang pulso.“Dahil wala kang anumang lihim na motibo sa pagbisita kay Luna, bakit ka aalis ngayon? Patawad at hindi kita naintindihan at mali ang interpretasyon ko.“ sabi ni Joshua, napako ang tingin niya kay Alice.Nanlamig ang puso ni Luna nang marinig iyon.Sa lahat ng mga taon na nakilala niya si Joshua, bilang asawa man niya o bilang bagong pagkakakilanlan nito, hindi pa niya ito narinig na
Napangiti si Natasha at ikiniling ang kanyang ulo palayo, ang kanyang mga mata ay puno ng paghamak. "Sayang ang masarap na sopas!"Napabuntong-hininga si Alice at hinawakan ang kamay ni Natasha. "Mama, huwag po sana kayong magsalita ng ganyan. Ang dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si Luna ay dahil sa trabaho. Nagbigay siya ng labis na pagsisikap sa trabaho at labis na pinahirapan ang sarili, kaya ang paggawa ng kanyang sopas ay ang pinakamaliit na magagawa ko."Dahil doon, sinulyapan niya si Luna ng masamang tingin. "Tama ba ako, Luna?"Napakagat labi si Luna ngunit hindi umimik. Pakiramdam niya ay may tumadtad sa kanyang puso gamit ang kutsilyo.Sa wakas ay natikman niya ang luto ng kanyang ina ngunit hindi niya maipakita ang kasiyahan dahil sa takot na malantad ang kanyang sarili.Ang kanyang tunay na ina ay nakatayo mismo sa kanyang harapan. Gayunpaman, hindi lamang nito siya hindi pinansin, ngunit ipinakita rin niya ang kanyang pagmamahal sa iba— sa isang impostor.Nakit
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya