Pagkasabi pa lang ni Luna ay napabuntong-hininga siya at inilayo ang ulo kay Joshua, senyales na ayaw na niyang ituloy pa ang topic. Sa halip, sinabi niya, “Naaalala ko noong nasa Sea City tayo, may sinabi ka tungkol kay Hailey Walter. Hinala mo na ang babaeng namatay ay hindi ang tunay na Hailey at, sa halip, ay isang impostor."Tumango si Joshua. "Oo, sinabi ko yon sa iyo."Nagpadala rin siya ng mga tao upang humanap ng ebidensya para suportahan ang kanyang hinala. Gayunpaman, walang mahanap ang kanyang mga tauhan. Ang Walters ay ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa Sea City, kaya natural na ginawa nila ang lahat upang takpan ang kanilang mga bakas.Bumuntong hininga si Luna at sumulyap sa kanya. "Naniniwala na ako sa iyo ngayon.""Ano?" Si Joshua. "Bakit mo ba ibinalita ito bigla?"Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata at magsasalita na sana nang may marinig siyang katok sa kanyang pinto. Ilang sandali pa, umalingawngaw ang boses ni Alice, “Luna, nandiyan ka ba? Balita ko nahi
Tumulo ang luha sa mga mata ni Alice. Nakagat niya ang kanyang labi at sinamaan ng tingin sina Natasha at Joseph. “Sinabi ko na sa inyo na hayaan nyo akong pumunta mag-isa. Ngayon, tingnan kung ano ang inyong ginawa. Na-misinterpret ni Joshua ang intensyon ko!"Ngumuso si Alice at inabot ang lalagyan ng thermal food kay Joshua. “Nagluto ako ng sopas para kay Luna. Dahil sa tingin mo ay may lihim na motibo kami ng aking mga magulang para bisitahin siya, aalis na kami ngayon din!"Kasabay nun, tumalikod na si Alice. Akmang aalis na siya, gayunpaman, sumimangot si Joshua at hinawakan ang kanyang pulso.“Dahil wala kang anumang lihim na motibo sa pagbisita kay Luna, bakit ka aalis ngayon? Patawad at hindi kita naintindihan at mali ang interpretasyon ko.“ sabi ni Joshua, napako ang tingin niya kay Alice.Nanlamig ang puso ni Luna nang marinig iyon.Sa lahat ng mga taon na nakilala niya si Joshua, bilang asawa man niya o bilang bagong pagkakakilanlan nito, hindi pa niya ito narinig na
Napangiti si Natasha at ikiniling ang kanyang ulo palayo, ang kanyang mga mata ay puno ng paghamak. "Sayang ang masarap na sopas!"Napabuntong-hininga si Alice at hinawakan ang kamay ni Natasha. "Mama, huwag po sana kayong magsalita ng ganyan. Ang dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si Luna ay dahil sa trabaho. Nagbigay siya ng labis na pagsisikap sa trabaho at labis na pinahirapan ang sarili, kaya ang paggawa ng kanyang sopas ay ang pinakamaliit na magagawa ko."Dahil doon, sinulyapan niya si Luna ng masamang tingin. "Tama ba ako, Luna?"Napakagat labi si Luna ngunit hindi umimik. Pakiramdam niya ay may tumadtad sa kanyang puso gamit ang kutsilyo.Sa wakas ay natikman niya ang luto ng kanyang ina ngunit hindi niya maipakita ang kasiyahan dahil sa takot na malantad ang kanyang sarili.Ang kanyang tunay na ina ay nakatayo mismo sa kanyang harapan. Gayunpaman, hindi lamang nito siya hindi pinansin, ngunit ipinakita rin niya ang kanyang pagmamahal sa iba— sa isang impostor.Nakit
Kinuha ni Luna ang tissue kay Joshua at pinunasan ang mga luha sa mukha niya. "Wala akong pakialam kung ano ang iniisip nila," mahinang hikbi niya.Hindi iyon ang unang pagkakataon na hindi siya naiintindihan nina Natasha at Joseph."Na miss..." Ngumuso si Luna at iniangat ang ulo para pigilan ang pagpatak ng mga luha. "Na-miss ko lang ang Mama ko."Nanigas ang buong katawan ni Joshua. Kumunot ang noo niya at lumingon para tignan siya. "Na miss mo ang Mama mo?"“Oo.” Tumango si Luna. “Sa tuwing nagkakasakit ako, lagi akong ginagawan ng Mama ko ng sabaw ng manok. Ang sabi niya, ang chicken soup ay mabuti para sa ating katawan, kaya mas mabilis akong gagaling kung iinom ako ng marami nito. Noong bata pa ako, hindi ako mahilig uminom ng chicken soup, at palagi niyang inuubos ang mahabang panahon na kinukumbinsi ako na inumin ito. Nagustuhan ko ito habang lumalaki ako, ngunit hindi ko na ito nainom pa." Kasabay nito, huminga siya ng malalim at idinagdag, “Ang pag-inom ng sopas na nilut
Nang tuluyang magising si Luna ay gabi na.Naamoy niya ang mahina at kakaibang pabango na pagmamay-ari ni Joshua at naririnig ang click-clack ng mga daliri ng isang tao sa keyboard.Kumunot ang noo ni Luna at medyo nahihirapang iminulat ang mga mata.Ang una niyang nakita ay ang matalas na profile ni Joshua. May ginagawa itong trabaho sa kotse, nakasandal ang laptop sa harapan niya.Mayroon siyang isang pares ng depenidong kilay, mahabang pilikmata, at perpektong hugis ng mga labi. Aminado si Luna na kahit na isang masamang lalaki si Joshua, gwapo talaga siya.Hindi kataka-taka na handa si Alice na talikuran ang kanyang dating pagkatao at magpanggap na si Luna Gibson para lamang makuha ang kanyang pag-ibig at pagmamahal.Panay ang tingin ni Luna kay Joshua, malalim ang iniisip, nang bigla itong ngumiti. "Ano ang tinitignan mo?"Dahil sa mahinang boses nito, napatalon si Luna sa gulat. Nang sa wakas ay bumalik na siya, nakalingon na si Joshua at nakatingin sa kanya. "Nakatulog ka
Binuksan ni Luna ang pinto. Nang lumingon siya at napansing nakatitig sa kanya si Joshua, kumunot ang noo niya. "Pasok ka."Itinuon ni Joshua ang matigas nitong tingin sa kanya. "Kagabi…""Tumigil ka," pagpapahinto ni Luna sa kanya. “Joshua, wala akong pakialam kung naaalala mo man o hindi ang nangyari kagabi, pero hindi na iyon mahalaga. Wala na akong ganang pag-usapan pa ang tungkol dito." Kasabay noon, umupo siya sa sofa at kinuha ang laptop niya. "May iba tayong pag-uusapan."Naningkit ang mga mata ni Joshua, pumasok sa apartment, at isinara ang pinto sa likuran niya."Ina-assume ko na mga tauhan mo ito, tama?" Kinuha ni Luna ang lahat ng impormasyon na ipinadala sa kanya ni Malcolm at ipinakita ang mga larawan kay Joshua.Nagsalubong ang kilay ni Joshua. "Oo tama ka."Gayunpaman, matagal nang hindi nakita ni Joshua ang mga tauhang ito mula nang hilingin ni Adrian na tulungan siya mula nang bumalik siya sa Blue Bay Villa. Ang dahilan ni Adrian ay kailangan niya ang mga ito pa
Lumipat si Joshua sa mas komportableng posisyon at sumandal sa sofa. "Napunta ka sa lahat ng problemang ito para lang hilingin sa akin na ibalik ang mga bata?" matamlay niyang sabi.“Wag mong kalimutan na kahit tinatawag ka ni Neil at Nellie ng Mommy, kami pa rin ni Alice ang tunay na mga magulang nila, pagkatapos ng lahat.”Natahimik ang kwarto.Sa wakas, nagpakawala ng buntong-hininga si Luna at tumawa. "Kung kahit ang kanilang mga tunay na magulang ay tila walang pakialam sa kanila, bakit natin dapat pilitin ang mga bata na ipagpatuloy ang pamumuhay kasama ang kanilang mga magulang?"Nagtaas ng kilay si Joshua, inikot ang ulo, at itinuon ang malalim at matalim na tingin kay Luna. Pagkatapos, sa sandaling nagsimulang hindi mapalagay si Luna mula sa kanyang titig, sumagot si Joshua, “May pakialam pa rin ako kila Neil at Nellie. Hindi ko ipinadala ang mga lalaking ito para bantayan si Aura.""Kung ganon, paano mo ipapaliwanag ang mga larawan?" Kinagat ni Luna ang kanyang mga ngipin.
Sa sobrang awkward ng buong kwarto ay nakakasakal ito.Nagbuntong hininga si Luna at sumulyap siya kay Joshua. “Aamin ako na mali ang pagkakaunawa ko sayo, pero…” Tumingin siya kay Joshua. “Sa tingin ko to kasalanan lahat. Kung sabagay, minsan nagtrabaho para sayo ang mga taong ito, hindi ba?”Tumango si Joshua. “Oo, totoo ‘yun, pero hindi ‘yun ang tinutukoy ko, Luna.” Hindi nawala ang tingin ni Joshua sa mukha ni Lna. “Ikaw ang ina-inahan nila Neil at Nellie. Natutuwa ako na nagmamalasakit ka para sa kanila, pero tandaan mo, sa amin sila ni Alice. Kaya naman, wala kang karapatan para sabihin kung sino ang magulang na nararapat sa kanila.”Pagkatapos ay ngumisi si Joshua at nagpatuloy, “Halimbawa, tulad nitong hindi pagkakaunawa. Hindi ako ang nagpadala sa mga taong ‘yun para protektahan si Aura, pero kahit na ako man, anong karapatan niyo ni Malcolm na atakihin ako para sa mga anak ko?”Napahinto si Luna dahil dito. Naramdaman niya na tumigas ang katawan niya, naging yelo ang dugo
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya