Binuksan ni Luna ang pinto. Nang lumingon siya at napansing nakatitig sa kanya si Joshua, kumunot ang noo niya. "Pasok ka."Itinuon ni Joshua ang matigas nitong tingin sa kanya. "Kagabi…""Tumigil ka," pagpapahinto ni Luna sa kanya. “Joshua, wala akong pakialam kung naaalala mo man o hindi ang nangyari kagabi, pero hindi na iyon mahalaga. Wala na akong ganang pag-usapan pa ang tungkol dito." Kasabay noon, umupo siya sa sofa at kinuha ang laptop niya. "May iba tayong pag-uusapan."Naningkit ang mga mata ni Joshua, pumasok sa apartment, at isinara ang pinto sa likuran niya."Ina-assume ko na mga tauhan mo ito, tama?" Kinuha ni Luna ang lahat ng impormasyon na ipinadala sa kanya ni Malcolm at ipinakita ang mga larawan kay Joshua.Nagsalubong ang kilay ni Joshua. "Oo tama ka."Gayunpaman, matagal nang hindi nakita ni Joshua ang mga tauhang ito mula nang hilingin ni Adrian na tulungan siya mula nang bumalik siya sa Blue Bay Villa. Ang dahilan ni Adrian ay kailangan niya ang mga ito pa
Lumipat si Joshua sa mas komportableng posisyon at sumandal sa sofa. "Napunta ka sa lahat ng problemang ito para lang hilingin sa akin na ibalik ang mga bata?" matamlay niyang sabi.“Wag mong kalimutan na kahit tinatawag ka ni Neil at Nellie ng Mommy, kami pa rin ni Alice ang tunay na mga magulang nila, pagkatapos ng lahat.”Natahimik ang kwarto.Sa wakas, nagpakawala ng buntong-hininga si Luna at tumawa. "Kung kahit ang kanilang mga tunay na magulang ay tila walang pakialam sa kanila, bakit natin dapat pilitin ang mga bata na ipagpatuloy ang pamumuhay kasama ang kanilang mga magulang?"Nagtaas ng kilay si Joshua, inikot ang ulo, at itinuon ang malalim at matalim na tingin kay Luna. Pagkatapos, sa sandaling nagsimulang hindi mapalagay si Luna mula sa kanyang titig, sumagot si Joshua, “May pakialam pa rin ako kila Neil at Nellie. Hindi ko ipinadala ang mga lalaking ito para bantayan si Aura.""Kung ganon, paano mo ipapaliwanag ang mga larawan?" Kinagat ni Luna ang kanyang mga ngipin.
Sa sobrang awkward ng buong kwarto ay nakakasakal ito.Nagbuntong hininga si Luna at sumulyap siya kay Joshua. “Aamin ako na mali ang pagkakaunawa ko sayo, pero…” Tumingin siya kay Joshua. “Sa tingin ko to kasalanan lahat. Kung sabagay, minsan nagtrabaho para sayo ang mga taong ito, hindi ba?”Tumango si Joshua. “Oo, totoo ‘yun, pero hindi ‘yun ang tinutukoy ko, Luna.” Hindi nawala ang tingin ni Joshua sa mukha ni Lna. “Ikaw ang ina-inahan nila Neil at Nellie. Natutuwa ako na nagmamalasakit ka para sa kanila, pero tandaan mo, sa amin sila ni Alice. Kaya naman, wala kang karapatan para sabihin kung sino ang magulang na nararapat sa kanila.”Pagkatapos ay ngumisi si Joshua at nagpatuloy, “Halimbawa, tulad nitong hindi pagkakaunawa. Hindi ako ang nagpadala sa mga taong ‘yun para protektahan si Aura, pero kahit na ako man, anong karapatan niyo ni Malcolm na atakihin ako para sa mga anak ko?”Napahinto si Luna dahil dito. Naramdaman niya na tumigas ang katawan niya, naging yelo ang dugo
“May alam ka ba kung anong ginagawa bila sa ibang bansa?”Sumimangot si Adrian at kinuha niya ang mga litrato sa mesa. Nakilala niya ang mga lalaki sa litrato—ito ang mga bodyguard na hiniram niya mula kay Joshua. Gayunpaman…“Hindi ako sigurado.” Binaba ni Adrian ang mga litrato. “Ayon sa pagkakaalam ko, dahil binigay mo sa akin ang mga taong ito, ako na ang may huling sabi sa mga gagawin nila.” Umupo siya ng mas komportable, sumandal siya sa upuan, at tumitig siya ng malamig kay Joshua. “Kailangan ng kaibigan ko ng tulong, kaya’t pinahiram ko ang mga tao mo sa kanya para tumulong. Anong problema doon?”Nagbuhos ng wine si Joshua at inikot niya ang baso. Mararamdaman ang lamig sa kanyang mga kilos. “Sinong kaibigan? Si Dennis Walter?”Tumitig ng galit si Adrian, ngunit hindi siya sumagot.“Mukhang tama ang hula ko.” Ngumisi si Joshua. “May itatanong ako, Master Lynch. Alam mo ba kung bakit kailangan ni Dennis ang mga taong ito?”Napahinto si Adrian at tumingala siya para tumitig
Tumigil sa paglalakad si Joshua at sinabi niya, “Dahil lang pinagtatanggol ko si Luna, sa tingin mo na ay nahulog ako sa kanya?” Ngumiti siya ng mapanglait at dinagdag niya, “Eh ikaw, Tay? Pinagtatanggol mo rin naman si Hailey. Ibig sabihin ba ay nahulog ka na para sa kanya?”Nagalit si Adrian sa sandali na marinig niya ang mga sinabi ni Joshua. Hinampas niya ang mesa at sumigaw siya, “Ang lakas ng loob mo para sabihin ‘yan, Joshua. Matagal na kaming magkaibigan ni Dennis. Parang anak ko na rin si Hailey! Bukod pa dito, patay na siya—ang lakas ng loob mo na magsalita ng walang galang.”Tumawa si Joshua. “Walang makakasabi kung patay ba talaga siya o hindi, pero…” Tumalikod siya at tumingin kay Adrian. “Sayo ko natutunan ito, Tay.”Sa sobrang galit ni Adrian ay hirap siyang huminga. “Lintik ka! Ang lakas ng loob mo para kausapin ang tatay mo ng ganito?”“Kung lintik ako, ano ka, Master Lynch?” Ang sagot ni Joshua bago siya tumalikod at umalis ng kwarto, sinara niya ng malakas ang pi
Tumahimik sila Neil at Nellie nang marinig nila ang mga sinabi ni Nigel.Nagbuntong hininga rin si Luna. “Mag iisip rin ako ng paraan.” Pagkatapos ay pinagaan niya ang loob ng dalawang bata bago niya binaba ang tawag, tila pagod siya.Tama si Nellie. Kahit na walang lakas ng loob si Alice na tratuhin ang mga bata tulad noong kinidnap niya ang mga ito, papairapan niya pa rin ang mga buhay nito sa loob ng Blue Bay Villa.Hindi niya kayang gumawa ng masama sa mga bata habang nandyan si Joshua, ngunit anong mangyayari kapag malayo si Joshua sa bahay?Pinag isipan niya ito ng ilang saglit, pagkatapos ay wala na siyang magawa kundi tawagan si Joshua.“May problema ba?” Tila wala sa good mood si Joshua. May bahid ng pagkairita sa tono niya nang sagutin niya ang phone.Sumimangot si Luna at sinubukan niyang dumirecho sa punto. “Naalala ko na sinabi mo sakin dati na nag aaral si Mrs. Lynch ng jewelry design, tama ba?”Sumandal sa upuan si Joshua at pumikit siya, sinubukan niyang pigilan
Dumilim ang kinang sa mga mata ni Luna nang marinig niya ang sagot ni Joshua. Nanginig ang kamay niya.Huminga ng malalim si Luna at sinubukan niyang ayusin ang sarili para hindi marinig ni Joshua na naapektuhan siya dahil dito. “Mr. Lynch, kahit na iniisip mo na nag aalala lang ako, may mga rason pa rin ako para gawin ito.”“Dahil payag ako na ibigay kay Mrs. Lynch ang lahat ng puri para sa pagsisikap ko, hindi ba’t isang bonus na ito para sa inyo? Kung nangyari ‘yun, pwede siyang magtrabaho sa Lynch Group ng hindi natatakot sa opinyon ng iba…”Sumandal si Joshua sa upuan niya at tumawa siya. “Kung gusto kong magtrabaho para sa akin ang asawa ko, wala akong pakialam sa mga iniisip ng mga empleyado ko.”Tumigas ang kamay ni Luna.Nagpatuloy ng mababang boses si Joshua, “Asawa ko siya; pwede niyang kunin ang kahit anong posisyon na trabaho basta’t pumayag ako. Hindi niya kailangan kumuha ng puri mula sa trabaho na ginagawa mo.”Naramdaman ni Luna na para bang may humampas sa kanya
"Ito na ang magiging opisina ko ngayon"Nanigas si Luna. Pagkatapos ng mahabang oras, nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. "Nandito ka para magtrabaho?" Naiirita siyang tinignan ni Alice. "Syempre!" Hindi alam ni Alice kung bakit siya biglang pinadala ni Joshua na magtrabaho sa departamento ni Luna, at bilang assistant pa nga nito! Natutulog siya ng mahimbing kaninang umaga nang bigla na lang siyang ginising ni Joshua at sinabihan siyang pumasok ng trabaho. Syempre, nainis siya dahil doon, pero hindi siya nangahas na magreklamo. Ang bagay na lalong nagpainis kay Alice ay ang utos ni Joshua. Binilinan soya nito nung una pa lang na kahot anong mangyari ay kailangan niyang sundin kung ano ang ipag-uutos ni Joshua. Ang malala pa nga sa bagay na yun ay hindi siya pinayagan ni Joshua na kunin ang papuri sa gawa ni Luna kapag nakumpleto na ang proyekto. Hindi maunawaan ni Alice ang lahat ng ito. Siya ang asawa ng CEO, parang awa naman! Bakit siya magtatrabaho bilang isang hamak na as