Habang nakatingin sa divorce papers, nabigla si Gwen.Hindi napigilan na magalit ni Luna. “Ben, anong ibig sabihin nito? Mahirap ang pinagdaanan ni Gwen. Ngayon ang panahon na kailangan ka niya. Anong ginagawa mo?”Walang emosyon ang mga mata ni Ben. “Hindi pa ba halata?”Tumingin si Ben ng malamig kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Gwen. “Isa akong tradisyonal na lalaki. Noong niligtas siya ng iba, nakasiping niya na ang ibang lalaki. ‘Wag mo sabihin hindi mo alam ang tungkol dito? Pati, higit pa ito sa isang lalaki!”Ginitgit ni Ben ang ngipin niya. “Mabuti na lang at hindi ko pa ipinakilala si Gwen sa mga magulang ko. Kung hindi, hindi ko na ulit maitataas ang ulo ko!”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Gwen. “Pirmahan mo na!”Sa sobrang galit ni Luna ay magulo ang paghinga niya.Mahigpit ang kanyang mga kamao. “Ben Zeller, walang puso ka talaga!”“Walang puso?” Nanunuya si Ben. Tumingin siya ng malamig kay Luna. “Itanong mo ‘yan sa sarili mo! Kung hindi kayo na
Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Lumingon siya para tumingin kay Luke.“Malungkot na siya, itigil mo na ang pagbibiro.”Ngumisi si Luke, “Hindi naman dapat malungkot sa isang basura na lalaki na tulad ‘nun, bakit siya maaabala sa biro ng iba?”Kumunot ang noo ni Luna.Nagpapasalamat siya kay Luke sa pagligtas kay Gwen, ngunit ang mga sinabi ni Luke ay… malupit pakinggan.“Luna.” Pagkatapos ng ilang saglit, may sinabi si Gwen habang nakapikit pa rin, “Pwede niyo muna ba akong iwanan, gusto ko munang mapag isa.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. “Pero…”“Umalis na kayo,” Tumawa ng mapait si Gwen, “Nahihiya at malungkot ako. Bigyan niyo muna ako ng lugar para mapagisa.”Huminga ng malalim si Luna. Lumapit siya kay Gwen at tinakpan niya ito ng kumot. Sinabi niya ng may maamong tono, “Pasensya na.”Pagkatapos, tumalikod si Luna at umalis na siya ng kwarto.Sa tabi niya, umiyak ulit si Gwen dahil sa paghingi ng pasensya ni Luna.…Paglabas ni Luna ng patient’s ward, nawalan
Sabay na tumingala sila Luna at Alice. Ang taong may hawak ng kamay ni Alice ay walang iba kung hindi si Joshua na kaalis lang kanina. Nang makita niya ito, kaagad na binawi ni Alice ang kanyang kamay at niyakap ito, umiiyak na para bang sanggol, “Joshua, alam ko na masama ang loob ni Luna, kaya sinubukan kong pagaanin ang loob niya. Pero, sinong mag-aakala na sasampalin niya ako!” Habang nagsasalita siya, tinuro niya ang kanyang mapulang mga mata at luhaang mukha. “Tignan mo! Nagalit ako, kaya sinampal ko din siya, pero gusto pa rin niya akong sampalin kaya…” Maingat siyang hinawakan ni Joshua, inangat ang kanyang tingin sa marka ng palad sa mukha ni Luna. “Alam kong masama ang loob mo, pero hindi ka pa rin dapat manakit ng iabng tao.” Inangat ni Luna ang kanyang mga mata at malamig na tinignan si Joshua ng hindi nagsasalita. Huminga ng malalim si Joshua at malamig na sinabi, “Galing ako sa istasyon ng mga pulis kanina lang at inayos ang lahat. Ang taong dumukot kay Gwen
At doon, nagkibit balikat ang lalake at nilapitan sila. “Kaya, may alam si Gwen tungkol sa Walter family, tama ba?” Sa sandaling lumabas sa bibig ng lalake ang mga salitang iyon, parehong namutla ang mukha nila Luna at Alice. May alam si Alice, pero hindi siya sigurado… Samantala, iniisip ni Luna ang tungkol sa ‘love letter’ na binigay sa kanya ni Gwen kagabi. Medyo naaalala niya na kagabi ay nakuha ni Liam ang kanyang liham, kinuhaan ito ng larawan at pinadala sa kung sino, pagkatapos ay sinunog niya ito. Hindi niya alam kung ano ang laman ng liham. Pero sinasabi sa kanya ng kanyang kutob ay… kung gustong patayin ng Walter family si Gwen, marahil ay may kinalaman ito sa liham! Nung naisip niya ito, napatalon siya na parang isang baliw, pagkatapos ay sumugod papunta sa hospital ward ni Gwen at tinulak pabukas ang pinto. “Gwen!”Tumakbo siya papasok sa loob at hinawakan ang kamay ni Gwen. “Naalala mo ba? Binigyan mo ako ng liham nung nakaraan. Naaalala mo pa ba kung ano a
Kinagat ni Luna ang kanyang labi, nagmamatigas na itinaas ang kanyang mga mata, at tinitigan sa mga mata si Joshua. “Bakit?” Dahil sa may nangyaring ganito kay Gwen, mag-aalala pa rin siya kahit nakabalik na siya sa Banyan City, magiging imposible para sa kanya na magtrabaho dahil dito. Nanatiling walang emosyon ang mga titig ni Joshua. “Kahit na manatili ka dito sa Sea City, ano naman ang magagawa mo para kay Gwen? Patuloy mong sisisihin ang sarili mo, paulit-ulit mong ipapaalala kay Gwen ang nangyari sa kanya para pareho kayong malungkot, ganun?” Walang malay na napaatras si Luna sa mga sinabi ni Joshua. Hindi siya makapaniwala at tinitigan si Joshua, binuka ang kanyang bibig, na may gustong sabihin, pero walang lumalabas sa kanyang bibig. Sumimangot si Joshua, kalmado ang kanyang boses pero malamig. “Una, hindi mo na pwede pang ibalik kung ano ang nangyari sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay ang pigilan siyang makita ang mga taong may kinalaman sa insidenteng ito, ng sa gayo
Kahit na naging isa na siyang tao na hindi niya gusto, hindi naman niya pwedeng abandunahin at iwanan ito. Ito ang responsibilidad niya bilang isang asawa at bilang isang ama. Pero hindi niya talaga maunawaan. “Natatandaan ko pa, ikaw at si Gwen ay magkalamesa at matalik na magkaibigan sa buong tatlong taon niyo sa high school. Nung nangyari sa kanya ito, akala ko ay magiging ganun din katulad kay Luna ang reaksyon mo.” Biglang natigilan si Alice.Isang segundo ang lumipas, lumingon siya at humarap sa mga buton ng elevator. “Hindi naman talaga kami magkaibigan, magkalamesa lang. Bukod doon, hindi na kami nakapag-usap pa pagkatapos ng high school. Para sa akin, si Gwen ay isa na lamang dating kaklase na ilang taon na ring hindi ko nakita.” Kumunot ang kilay ni Joshua. “Pero inaway pa nga ni Gwen si Luna para sayo.” “Iyon ay dahil sa alam niya na kinasal ako sa isang mayaman na lalake at gusto niyang pataasin ang posisyon niya sa lipunan,” walang pakundangan na sinabi ni Alice
Walang malay na nakahiga si Luna sa hotel hanggang 3 pm ng hapon. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Neil nung 3 pm ng hapon. Ang boses ng munting bata ay nanggaling sa kabilang linya ng phone. Mukha itong sabik na sabik. “Mommy, gaano ka kalayo? Miss ka na namin ni Nellie!”Nang marinig niya ang boses ng kanyang anak, lumambot at natunaw ang puso ni Luna. Hinawakan niya ang kanyang phone ng mga ilang segundo ng tahimik, saka niya hininaan ang kanyang boses at sumagot, “Hindi pa… makakabalik ngayon si Mommy. Nandito pa din ako sa Sea City.” Sa kabilang linya, huminto ang munting bata, pagkatapos ay kaagad naging kalmado ang boses nito. “May problema po ba kayo?” “Naaksidente ang isa sa mga kaibigan ni Mommy.”Napakamaunawain ng munting bata na nasa kabilang linya ng phone. Tinikom niya ang kanyang bibig. “Nauunawaan ko po. Ipapaliwanag ko na lang po ang sitwasyon kay Nellie ng maayos, mauunawaan naman niya ito at hindi siya magagalit sayo o kaya ay gagawa ng gulo tungkol
Hindi siya nagtangkang mag-isip pa, ang tanging nagawa niya na lang ay kagatin ang kanyang labi at tanungin nang mahina si Neil, "May iba pa bang sinabi ang kapatid mo?" "Wala po." Kumunot ang noo ni Neil. "Mommy, may problema po ba?" "Wala, wala naman." Huminga nang malalim si Luna pagkatapos ay nakipag-usap sa kanya sandali at nagmadaling tinapos ang tawag. Pagkalapag niya ng phone, matagal bago kumalma si Luna. Pagkatapos, sa wakas ay nakaipon na siya ng tapang at pinindot ang buton para paganahin ang kwintas na gamit niya para makausap si Nigel. "Mommy." Sa sandaling kumonekta na ang signal, narinig ang seryosong boses ni Nigel mula sa kabilang linya. "Nagpadala na ako ng email sa Sea City, nakadetalye roon ang sari-saring iligal na gawain ng Walter family sa lahat ng mga taon iyon. Wag kang mag-alala, mapaparusahan ang mga taong nanakit kay Aunt Gwen."Bahagyang nanginig ang kamay ni Luna na nakahawak sa kwintas. “Nigel…”"Alam ko ang lahat." Huminga nang malalim ang