“Magkakasama ulit kayo ni Uncle Andy.”Pagkatapos ay itinabi ni Hailey ang phone at umalis na siya. Sa sandaling umalis siya, nakatanggap ng tawag si Gwen mula kay Alice.“Gwennie…” Ang boses ni Alice sa kabilang linya ng phone ay parang umiiyak. “Salamat talaga at tinulungan mo ako! BFF kita!”Kinagat ni Gwen ang labi niya. “Walang anuman…”Sabik na nakipag kwentuhan si Alice kay Gwen bago niya binaba ang phone.“Gwennie.”Nakahiga si Ben sa kama, at tumingin siya ng naaawa kay Gwen. “Balak mo talaga… na ipahiya si Luna sa press conference bukas ng umaga?”Pumikit si Gwen. “Wala akong choice.”Kahit na bestfriend niya si Luna noong high school, wala pa rin silang sapat na kapangyarihan para kontrahin sila Alice.Si Alice ay may suporta ni Hailey, habang si Hailey ay may suporta ng pamilya Walter, na may sapat na kapangyarihan para kontrolin ang buong Sea City.Hindi siya pwedeng awayin.…Humiga si Luna sa sofa at nakatulog siya ng hindi niya namamalayan.Makalipas ang ma
Masyadong tamad si Luna para magpatuloy sa kalokohan ni Alice.Tumingin siya sa babaeng sinusubukan siyang asarin. “Kung ganun nga, Mrs. Lynch, dapat mo siyang bantayan. Kung hindi…”Ngumiti si Luna habang lumapit siya kay Alice at bumulong sa tainga nito, “Kung hindi, kapag may ibang babae na dumating at inagaw si Mr. Lynch, mawawalan ng saysay ang lahat ng kasinungalingan mo.”Tumalikod si Luna at umalis, iniwan niya si Alice na may galit at gulat sa mga mata nito.Nakatayo lang sa lugar si Alice habang pinapanood na umalis si Luna. Mahigpit ang kanyang mga kamao.Naging mas mayabang na si Luna!…Sa lobby sa baba, nakaupo si Luna sa sofa habang may suot na trench coat at hinihintay na dumating si Theo.Medyo inaantok siya, kaya’t pumikit siya para magpahinga ng kaunti sa sofa.“Saan pumunta si boss ngayong araw?”“Hindi ko alam. Kahit anong tawag namin sa kanya, ‘yung assistant niya lang ang sumasagot, pero hindi natin pwede sundan ang mga salita ng assistant mula kay boss
Pagpasok nila ng kwarto, hinugasan ni Theo ang mga prutas at nilagay niya ang mga ito sa harap ni Luna.“Anong plano mong gawin? Kanina lang, habang nasa phone call, mapilit si Ben. Sinabi niya na ginagawa lang nila ito para mabuhay. Hindi nila kakanselahin ang press conference bukas, at pupunta si Gwen tulad ng plano at ikukwento ang istorya mo.”Lumingon si Luna para tumingin kay Theo at ngumiti siya. “Sinasabi mo ba na kailangan ko rin mag follow-up ng eksplenasyon?”Napahinto si Theo bago siya tumango.“Pero, ayaw ko.”Ngumiti si Luna at niyakap niya ang mga tuhod niya. Tumingin siya sa malayo. “Theo, pwede bang humingi ng pabor?”…Sa sumunod na araw.Natuloy ang plano ni Gwen na press conference sa maliit na auditorium na malapit sa Ocean Ray High School.Ang maliit na auditorium ay punong puno ng tao.Nasa maliit na venue ang mga reporter habang patuloy silang kumukuha ng litrato ni Gwen sa entablado.Si Gwen, habang nakaupo sa entablado, ay nakasandal sa upuan at nak
Hindi nahanap ni Theo si Andy.Malamang ay inaasahan na ng pamilya Walter na may mga tao na susubukang itakas si Andy Larson, kaya’t dinala nila si Andy sa ibang lugar bago pa ito mangyari.Sa mga sandaling ito, kahit anong gawin nila, huli na sila.Tumingin si Luna kay Gwen na nasa entablado, walang emosyon ang mukha niya.Halata sa mga mata ni Luna na nawalan na siya ng pagasa.Wala siyang karapatan at wala siya sa posisyon para sisihin si Gwen.Kung sabagay, para kay Gwen, isa lang siyang high school best friend na matagal niyang hindi nakita.Gayunpaman, ang taong hostage ng pamilya Walter ay ang tatay niya.Sakim ang lahat ng tao, tulad ni Luna. Ang lahat ng ginagawa niya ay para magamot ang sakit ni Nigel.Habang nalilito si Luna, nagsimula na si Gwen, “Matagal na akong hindi natutuwa kay Luna.”Tumingin ng malamig si Gwen sa camera ng mga reporter, at ang tono niya ay pareho sa mga mata niya.“Nung nasa Banyan City siya, maraming balita at tsismis na inaakit niya si J
Ngumiti si Gwen sa camera ng reporter. “Ito ang katotohanan.”Hindi nakumbinsi ang ilan sa mga reporter. “Pero, Ms. Gwen, ang mga litrato na nilabas niyo nung nakaraan ay halatang gumagawa ng istorya. Sinabi niyo rin sa lahat na may affair sina Luna at Joshua. Paano niyo ito maipapaliwanag?”Huminga ng malalim si Gwen at tumawa siya, “Masasabi ko lang na tinatakot ako ng isang tao. Para sa kung sino ito, sasabihin ko sa susunod. Hindi ko pa pwedeng sabihin ang katotohanan tungkol dito, dahil may mga bagay pa akong kailangan siguraduhin.”Pagkatapos, ngumiti si Gwen at tumayo siya. Yumuko siya sa camera. “Paumanhin sa sinabi ko kahapon. Humihingi rin ako ng paumanhin sa kaibigan ko, si Luna. Mula sa simula pa lang, kinakalaban ko na siya. Lagi ko siyang pinupuntirya, pero wala siyang pakialam, at pinagbigyan niya pa ako at nakipagkaibigan pa siya sa akin. Masaya talaga ako.”Nasa entablado si Gwen, ngumiti siya ng maliwanag na tulad ng debut niya dati.“Ang rason kaya’t pinili ko a
Agad na naging pangit ang ekspresyon ni Alice.Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng masama sa babaeng reporter. “Hindi pa ako nag utos sa iba para pilitin na painumin si Luna. Saan mo nabalitaan ito?”Habang nakaharap sa masamang tingin at tono ni Alice, tumawa ng mahina ang babaeng reporter, “Sinasabi niyo na walang nangyari na ganito?”Pagkatapos, ngumiti ang mga reporter. “Pero iba ang sinasabi ng mga nakasaksi.”Sumingkit si Alice.Halata na pinaghandaan ito ng reporter.Kaya naman, nagbago ng plano si Alice. “Syempre, nangyari ‘yun.”Malambing niyang hinawakan ang kamay ni Luna. “Mabuting magkaibigan kami ni Luna, kaya’t binibiro ko lang siya. Kinuha siya ng isang tao habang lasing kagabi. Nagpadala pa ng mga tao ang asawa ko para hanapin siya.”Hindi komportable si Luna sa init ng kamay ni Alice.Kumunot ang noo niya at sinubukan niyang hilahin ang kamay niya, ngunit hindi niya ito magawa.Kumunot ang noo ng babaeng reporter. May gusto pa sana siyang sabihin, ngunit
Nagsend siya ng message.[Nilipat ng mga Walter si Andy ngayong umaga. Habang nililipat siya, nakasunod kami ni Lucas sa kanila. Ayos lang si Andy, ako na ang bahala. Matatapos na lahat ng ito ngayon.]Tumingin sa phone si Luna at tumitig siya sa huling pangungusap. [Matatapos na lahat ng ito ngayon.]Ang tatay ni Gwen ay kinulong at halos hindi na nakatakas. Halos pinatay ni Gwen ang sarili niyang tatay.Halos nasira na rin ang buhay ni Gwen.Ang lahat ng ito ay may kapalit lang na isang mensahe na sinabi, [Matatapos na lahat ng ito ngayon.]Nanatili lang sa pwesto si Luna. Nakita niya na tumakbo si Alice papunta sa kay Joshua at niyakap ang braso nito.Nararamdaman niya na para bang sinaksak ang puso niya. Paulit ulit.Mahal at protektado ni Joshua si Alice.Sino ba siya? Wala lang siya. Maging dati man o ngayon.Hindi niya inisip na kapag bumalik siya kay Joshua bilang si Luna Gibson, tulad ni Alice, tatratuhin din ba siya ng mabuti?Akala niya ay imposible ito.Pwedeng
Ilang saglit na tahimik si Lucas sa kabilang linya ng phone.“Luna, sana ay ‘wag mo ibuhos ang mga emosyon mo kay Mr. Lynch. Nagdala siya ng mga grupo ng tao para iligtas si Andy Larson nitong umaga. Kung hindi dahil sa kanya, ang mga sinabi ng kaibigan mo sa press conference ay sapat na para hindi niya makita ng habang buhay ang tatay niya. Wala ring choice si Mr. Lynch. Kung sabagay, maganda ang relasyon ng mga Walter at ng mga Lynch. May mga bagay na hindi pwedeng gawin.”Pagkatapos, nagbuntong hininga si Lucas. “Dapat kang pumunta mamayang gabi, kung hindi, pagsisisihan mo ito.”Kumunot ang noo ni Luna. May gusto pa siyang sabihin, ngunit binaba na ni Lucas ang phone.“Pupunta ka ba mamayang gabi?” Pagbaba niya ng phone, maingat na tinanong ni Gwen si Luna.Pumikit si Luna at nagbuntong hininga siya, “Oo.”Kung hindi siya pupunta, paano niya malalaman kung ano ang gagawin ni Joshua kung hindi?Dahil lang maganda ang mga relasyon ng mga Lynch at mga Watler, kaya itong gawin n