Binabalaan ni Alice si Gwen na ‘wag galitin ang pamilya Walter.Ibig sabihin ay may bagay si Gwen na maaaring makasira sa mga Walter.“Wala,” Itinanggi ito ni Gwen. “Paano naman ako magkakaroon ng bagay na ikakasira nila? Kung meron, bakit naman nila ako tatakutin?”Nalilitong tumingin sa kanya si Luna.Gayunpaman, kung sinuri ito ng mabuti, tama nga naman.Kung meron ngang bagay si Gwen na makakasira sa kanila, paano siya tatakutin ng mga ito?Huminga ng malalim si Luna at niyakap niya ang braso ni Gwen. “Tara na.”Palihim na nakahinga ng maluwag si Gwen sa lugar na hindi siya makikita ni Luna. Sa katotohanan, alam niya kung ano ang pinapaalala sa kanya ni Alice.Dahil nakuha ng pinhole camera na magalang na tinawag ni Hailey si Alice na Ms. Hailey.…Naghanda ng piging ang pamilya Walter.Nakaupo si Old Mr. Walter sa main seat, nakangiti, at nakataas ang kanyang wine glass.“Joshua, mabilis ang oras. Sa isang iglap lang, babalik ka na agad sa Banyan City. Ikamusta mo ako
Agad na namutla ang mukha ni Hailey. Nawala ang lahat ng kulay sa mukha niya.Tumingin siya ng balisa kay Alice. Nagpanggap si Alice na hindi napansin ang tingin niya. Yumuko siya at kumain lang ng kalmado.Lumingon siya para tumingin kay Old Mr. Walter.Kahit na hindi masaya si Old Mr. Walter, ito pa rin ang tatay niya sa labas.Klinaro niya ang lalamunan niya at tumingin siya ng malamig kay Hailey. “Hailey, totoo ba ang mga sinasabi ni Mr. Lynch?”Mas maputla pa ang mukha ni Hailey kaysa sa likod niya.Kinagat niya ang mga labi niya. “Hindi totoo ang lahat ng ito!”Pagkatapos, inabot niya ang kamay niya at tumuro siya kay Luna. “Sinusubukan niya akong akusahan! Naiinggit siya simula pa noong ipinanganak ako dahil tagapagmana ako ng mga Walter, kaya’t sadya niyang gawin ang lahat ng ito para isetup ako!”Kumunot ang noo ni Luna dahil sa mga sinabi ni Hailey.Natawa siya dahil dito. Wala pa siyang sinabi mula simula pa lang. Kung walang sinabi si Joshua, hindi niya malalaman n
Kumatok ng mahina si Joshua sa mesa ng isang kamay. “Noong gusto ibunyag ni Ms. Gwen si Ms. Hailey sa press conference, pinigilan ko rin siya. Ginawa ko ito dahil sa relasyon ng mga Lynch at ng mga Walter. Handa akong iligtas ang imahe ng pamilya Walter sa harap ng publiko sa Sea City.”Pagkatapos, tumaas ang mga kilay ni Joshua. “Syempre, kung iniisip ni Ms. Hailey na sinetup ko siya, magagawa ko lang na ibunyag ang ebidensya sa media. Hahayaan ko na ang publiko na manghusga.”Tumingin ng matalas si Joshua kay Hailey ng matalas. “Sila na ang manghusga kung sinetup ko si Ms. Hailey o kung pinupuntirya niya ang staff ko?”Tumahimik ang buong hapagkainan dahil sa mga sinabi niya.Tumingin si Old Mr. Walter kay Alice, na siyang kumakain ng nakayuko. Pagkatapos, tumingin siya kay Hailey, na may maputlang mukha.Tumahol siya ng malamig at hinampas niya ng malupit ang mesa. “Walang kwentang anak, lumuhod ka!”Nabigla si Hailey. Agad siyang lumuhod sa sahig.Sa sobrang galit ni Old Mr.
Tumahimik ang hapagkainan.Tila naging pangit ang ekspresyon ni Mr. Walter. Tumingin siya ng malamig kay Luna at sinabi niya ng hindi magandang tono, “Mukhang iniisip mo talaga ang pamilya Walter, Ms. Luna. Tama ka. Dati, magagamit lang ang kulungan gamit ang permiso ko.”Pagkatapos, sumulyap siya kay Alice, na siyang nakayuko ng sobrang lalim.Naging malamig ang boses niya, “Pero iba na ngayon. Ang kulungan ng pamilya Walter ay hindi lamang nasa kamay ko, pero pati sa anak ko rin.”Hinimas ni Old Mr. Walter ang kanyang balbas. “Kung sabagay, iisa lang ang anak ko. Mamanahin niya ang lahat sa susunod, kaya’t binigyan ko siya ng kapangyarihan sa kulungan. Pero, hindi ko inaasahan na sasamantalahin niya ang kalayaan na binigay ko sa kanya para gawin ang ganitong mga bagay.”Matagal nang inaasahan ni Luna ang ganitong sagot mula kay Old Mr. Walter.Kaya naman, ngumiti siya. “Mukha palang luma na ang balita mula sa labas.”Tumingin sa baba si Luna at kinuha niya ang tasa ng tsaa, um
Ngumiti si Joshua. “Akala ko na may sasabihin ka na.”Nanginig ng kaunti si Alice.Makalipas ang ilang saglit, tumingala siya, ngumiti, at tumingin kay Luna. “Kung hindi ‘yun sinabi ni Joshua, hindi ko malalaman na marami nang ginawa si Ms. Hailey.”Pagkatapos, tinimbang niya ang mga salita niya bago niya sinabi ng nakangiti, “Baka naiinggit lang si Ms. Hailey sa talento ni Ms. Luna? Kung sabagay, isang mahusay na jewelry designer si Luna. Nasa loob din ng jewelry business ang pamilya Walter. Bakit gugustuhin ni Ms. Hailey na burahin ang isang talentadong designer na tulad ni Luna?”Ang malamig niyang pahayag ay hindi binanggit ang dati niyang best friend, si Gwen.Kumunot ng malalim ang noo ni Joshua. Ang dating Luna Gibson niya ay hindi ganitong uri ng tao. Isa siyang mabait at taos pusong babae. Lagi siyang nagmamalasakit sa mga damdamin ng iba.Halimbawa, base sa dating Luna Gibson, ang mga salita na sinabi ni Luna para sa pamilya Larson, ay sasabihin niya rin.Gayunpaman, s
Nang matanggap niya ang tawag ni Hailey, nakaupo si Joshua sa kotse at nasa isa siyang simpleng international meeting.Hindi niya alam kung bakit, pero simula noong hapon kahapon, patuloy na inaatake ang Lynch Group ng mga hacker mula sa ibang bansa.Lahat ng mga ito ay mahuhusay na hacker. Kahit si Joshua ay kailangan ng panahon para iresolba ito.Pagkatapos makapasok ng mga hacker sa firewall ng Lynch Group, dumirecho sila sa core data ng Lynch Group. Tila determinado sila para malugi ang Lynch Group kahit ano ang mangyari.Kasabay nito, si Malcolm Quinn ng Quinn Group ay nagsimula na ring samantalahin ang pagkakataon na ito.Wala pang dalawang araw, inatake na ang Lynch Group mula sa harap at likod.Ang kutob ni Joshua ay may kinalaman ang mga ito kay Luna.Una, si Malcolm at Luna ay mabuting magkaibigan at magiging magkasintahan.Pati, ang hacker… baka ito ang taong laging tumutulong kay Luna.Gayunpaman, ang paninira kay Luna sa internet ay ginawa ni Hailey ng pamilya Wal
Nasa kabilang linya ng phone si Andy, may sinabi siya nang biglang namutla ang mukha ni Gwen.Pagkatapos ng ilang saglit, binaba niya ang phone, tumingin siya ng malapit kay Luna. “Patay na si Hailey Walter. Tumalon siya sa taas ng building.”Tumigas ang bawat muscle sa katawan ni Luna.Si Hailey Walter… ay patay na?Nagpakamatay siya?Napaatras ng ilang hakbang si Luna.Isang oras lang ang nakalipas, kumakain pa ng tanghalian si Hailey kasama nila. Namatay ba siya… nang ganun lang?“Baka nahiya siya sa sarili niya at ayaw niyang pumunta ng ibang bansa?”Nagbuntong hininga si Gwen, “Isang proud na babae si Hailey. Hindi niya matitiis ang ganitong kahihiyan.”Hindi makapaniwala si Luna.Sa loob ng dining room kanina, tila tinanggap ni Hailey ang mga plano ni Old Mr. Walter. Nagempake pa siya, kaya bakit biglang...…Ang memorial service ni Hailey ay ginawa ng simple lang. Parang hindi ito tugma sa pighati na nararamdaman ni Old Mr. Walter kapag namatay ang anak niya.Ipinal
Biglang namutla ang mukha ni Old Mr. Walter.Hindi rin naging maganda ang ekspresyon ni Alice.Makalipas ang ilang saglit, pinunasan ni Old Mr. Walter ang mga luha niya. “Joshua, anong ibig sabihin mo dito? Iniisip mo ba na sasaktan ko ang sarili kong anak?”Nakatitig lang si Joshua. “Wala akong sinabing ganun. Ang gusto ko lang malaman, dahil bago tumalon si Hailey, nakita at kinausap niyo siya. Bilang ang tatay niya, hindi niyo ba napansin ang pagbabago sa ugali niya? O baka hindi niyo man lang napansin ang mga emosyon niya?”Pumangit ang ekspresyon ni Old Mr. Walter dahil sa mga sinabi ni Joshua.“A-Ano… anong balak mong sabihin?”“Ang ibig sabihin ko ay,” Ngumiti si Joshua at sinabi, “Mahina ang kalagayan ng pag iisip ni Hailey. Baka hindi kayo nagbigay pansin sa kalagayan ng pag iisip niya. Ang taong huling nakita ni Hailey bago siya tumalon ay kayo, Uncle Dennis. Ibig sabihin na ikaw lang ang tanging tao na makakapigil sa kanya sa pagtalon. Hindi kayo pwede manisi ng ibang