Nasa kabilang linya ng phone si Andy, may sinabi siya nang biglang namutla ang mukha ni Gwen.Pagkatapos ng ilang saglit, binaba niya ang phone, tumingin siya ng malapit kay Luna. “Patay na si Hailey Walter. Tumalon siya sa taas ng building.”Tumigas ang bawat muscle sa katawan ni Luna.Si Hailey Walter… ay patay na?Nagpakamatay siya?Napaatras ng ilang hakbang si Luna.Isang oras lang ang nakalipas, kumakain pa ng tanghalian si Hailey kasama nila. Namatay ba siya… nang ganun lang?“Baka nahiya siya sa sarili niya at ayaw niyang pumunta ng ibang bansa?”Nagbuntong hininga si Gwen, “Isang proud na babae si Hailey. Hindi niya matitiis ang ganitong kahihiyan.”Hindi makapaniwala si Luna.Sa loob ng dining room kanina, tila tinanggap ni Hailey ang mga plano ni Old Mr. Walter. Nagempake pa siya, kaya bakit biglang...…Ang memorial service ni Hailey ay ginawa ng simple lang. Parang hindi ito tugma sa pighati na nararamdaman ni Old Mr. Walter kapag namatay ang anak niya.Ipinal
Biglang namutla ang mukha ni Old Mr. Walter.Hindi rin naging maganda ang ekspresyon ni Alice.Makalipas ang ilang saglit, pinunasan ni Old Mr. Walter ang mga luha niya. “Joshua, anong ibig sabihin mo dito? Iniisip mo ba na sasaktan ko ang sarili kong anak?”Nakatitig lang si Joshua. “Wala akong sinabing ganun. Ang gusto ko lang malaman, dahil bago tumalon si Hailey, nakita at kinausap niyo siya. Bilang ang tatay niya, hindi niyo ba napansin ang pagbabago sa ugali niya? O baka hindi niyo man lang napansin ang mga emosyon niya?”Pumangit ang ekspresyon ni Old Mr. Walter dahil sa mga sinabi ni Joshua.“A-Ano… anong balak mong sabihin?”“Ang ibig sabihin ko ay,” Ngumiti si Joshua at sinabi, “Mahina ang kalagayan ng pag iisip ni Hailey. Baka hindi kayo nagbigay pansin sa kalagayan ng pag iisip niya. Ang taong huling nakita ni Hailey bago siya tumalon ay kayo, Uncle Dennis. Ibig sabihin na ikaw lang ang tanging tao na makakapigil sa kanya sa pagtalon. Hindi kayo pwede manisi ng ibang
Lumaki ang mga mata ni Luna. Tumingin siya kay Joshua ng nalilito. “Anong ibig sabihin mo?”“Ang ibig sabihin ko ay,” Sumingkit si Joshua at sinabi niya, “Ang taong namatay ay impostor lang. Ang tunay na Hailey Walter ay buhay pa rin. Ibang iba ang babaeng ito sa Hailey na kilala ko, sa sobrang iba ay parang ibang tao na talaga siya.”Hindi lang sa itsura niya. Pati na rin sa pagkatao.Tinatrato dati ni Hailey si Luna Gibson bilang isang karibal. Tuwing makikita niya si Luna Gibson, mapupuno ang mga mata niya ng kasuklaman at poot.Subalit, ngayon, magkaibigan sina Hailey at Alice. Mas malapit pa kaysa kay Gwen, na minsan naging best friend ni Luna.Kumunot ang noo ni Luna. “Kung ang namatay ay hindi ang tunay na si Hailey, edi… nasaan ang tunay na Hailey? Saan siya nagtatago?”Kumunot ang noo ni Joshua dahil sa tanong ni Luna.Makalipas ang ilang sandali, nagsalubong ang kilay ni Joshua at tumingin siya kay Luna. “Iimbestigahan ko ito, pero dinala kita dito dahil may kailangan
Lumubog ang puso ni Luna.Ang taong pumoprotekta kay Aura ay mula sa pamilya Lynch.Noon, maraming beses na sinubukan na saktan ni Aura sina Neil at Nellie.Kung hindi dahil sa pagsasakripisyo ni Neil sa sarili niya at nakisama kay Aura, hindi nila makukuha ang ebidensya na sinusubukan silang ipahamak ni Aura.Alam ni Joshua ang lahat ng tungkol dito.Gayunpaman, sa labas, gusto niya na pagbayaran si Aura, sa katotohanan, palihim siyang nagpadala ng mga tao para protektahan siya?Medyo nahilo si Luna.Ito ay...“Kaya po, Mommy, handa pong kalabanin ni Uncle Malcolm ang masamang lalaking si Joshua hindi lang po dahil inaapi kayo sa Sea City. Gusto niya rin po humanap ng hustisya para sa amin ni Nellie.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya.Muli niyang narinig ang mga sinabi ni Joshua kanina sa kotse.“Bibigyan kita ng oportunidad para pigilan sila. Kung hindi, babalik ako sa Banyan CIty bukas, hindi na sila makakapagyabang. May kakayahan ako para harapin ito.”Naniniwala talag
Pagsapit ng gabi, nakatanggap ng impormasyon si Luna mula kay Malcolm. Detalyado ito. Pinakita nito ang impormasyon ng bawat isa sa mga tao na pumoprotekta kay Aura.Namukhaan niya ang ilang sa mga taong ito. Nakilala niya pa ang mga ito dati.Mga tao nga talaga ito ni Joshua.Naging malamig ang puso niya habang binubuklat ang mga dokumento.Ang lahat ng mga taong ito ay malapit kay Joshua. Paano nagawa ng mga lalaking ito na protektahan si Aura ng walang utos ni Joshua?Habang iniiisp ito, binuksan ni Luna ang computer, at hinawakan ang noo niyaKilala niya na ng maraming taon si Joshua. Minsan niyang inakala na kilala niya na ito.Sa nakalipas na anim na taon, ang mga ginawa ni Joshua sa kanya para kay Aura ay isang malaking sampal sa kanya, nahulog siya sa impyerno.Makalipas ang anim na taon, muling inakala niya na kilala niya na si Joshua. Bumalik siya sa lalaking ito, habang may kinukuha na maaaring makagamot kay Nigel.Gayunpaman, napagtanto niya na hindi niya pa kilala
Natulog ng matagal si Luna. Tila hindi siya magising sa kanyang panaginip.Napanaginipan niya na hinila siya pababa ng isang kotse habang wala siyang malay.Hindi niya maidilat ang kanyang mga mata, ngunit nararamdaman niya na ang mga binti niya ay hinihila sa sahig. Dumudugo ito at masakit na masakit.Narinig niya ang tunog ng nag uusap na mga lalaki. Hindi niya marinig kung ano ang pinag uusapan nila, ngunit narinig niya na irerape at papatayin siya. Gusto niyang buksan ang kanyang mga mata, ngunit hindi niya ito magawa kahit anong gawin niya.Sa huli, nagising siya nang buhusan siya ng malamig na tubig.Dumilat siya at napagtanto niya na ang lahat ng ito ay hindi isang ilusyon o panaginip.Sa mga sandaling ito, nasa loob siya ng isang abandoned factory. Ang hangin ay amoy kalawang, gas, at amag.Ang mga kamay ay binti niya ay nakatali. Nakatali siya sa upuan at hindi siya makagalaw.Madilim ang ilaw sa factory.May mga maskuladong lalaki na nakatayo sa harap niya, nakangi
Hindi sila nag tawagan nila Theo simula pa noong umaga.Joshua…Kahit sa mga sandaling ‘yun, iniisip niya pa rin si Joshua.Hindi niya malalaman ang tungkol dito. Pati, kahit na alam niya, hindi niya ililigtas si Luna.Habang iniisip ito, tumulo ng tuluyan ang mga luha niya.Ayaw niyang mamatay. At least, hindi bago siya makahanap ng gamot para kay Nigel. Ayaw niyang mamatay!Gayunpaman, ano ang magagawa niya sa mga sandaling ito?Nagbabayad ng utang si Liam. Ayaw niya ng pera. Ano pa ba ang pwede ialok ni Luna sa kanya?Wala.Pumikit si Luna. Baka nga, ito ay tadhana...Bang! Sa sandali na hahawakan na ng mga lalaki si Luna gamit ang madumi nilang mga kamay, may malakas na tunog na nanggaling mula sa labas ng abandoned factory.Biglang tumayo si Liam.“Tumigil kayong lahat!”Agad na tumigil ang mga lalaki sa ginagawa nila. “Boss, ano ‘yun?”“Ang tunog na ‘yun… parang may mali!”Kumunot ang noo ni Liam. May gusto sana siyang sabihin, nang may itim na Hummer na bunagga
Nagkagulo sa loob ng abandoned factor.Inutusan ni Luke na itali ng mga tauhan niya si Liam habang tumalikod siya para tinginan si Joshua na karga si Luna.Ang matangkad na hugis ni Joshua ay mabagal na papunta sa entrance ng factory.Kumunot ang noo ni Luke. “Joshua, aalis ka lang ba ng ganun?”Tumigil sa paglalakad si Joshua. “May kailangan ka pa ba?”“Kasi,” Tumawa ng mahina si Luke. Nagsindi siya ng sigarilyo sa bibig niya at sinabi niya ng astig, “Malaking pabor ang ginawa mo para sa akin para hulihin si Liam. Hindi ka pa ba hihingi ng ibang pabor?”“Hindi na.” Huminga ng malalim si Joshua. Yumuko siya at tumingin kay Luna, na siyang nanginginig sa mga braso niya. “Pumunta ako dito para lang sa kanya.”Pagkatapos, nagpatuloy siya sa papunta sa labas.Nang makita niya na paalis si Joshua, humithit si Luke sa kanyang sigarilyo. Tumingin siya sa isa sa mga taong nasa tabi niya. “Sinabi niya na empleyado niya ang babaeng ‘yun, hindi ba?”Tumango ang mga tauhan niya. “Opo.”“