Pagsapit ng gabi, nakatanggap ng impormasyon si Luna mula kay Malcolm. Detalyado ito. Pinakita nito ang impormasyon ng bawat isa sa mga tao na pumoprotekta kay Aura.Namukhaan niya ang ilang sa mga taong ito. Nakilala niya pa ang mga ito dati.Mga tao nga talaga ito ni Joshua.Naging malamig ang puso niya habang binubuklat ang mga dokumento.Ang lahat ng mga taong ito ay malapit kay Joshua. Paano nagawa ng mga lalaking ito na protektahan si Aura ng walang utos ni Joshua?Habang iniiisp ito, binuksan ni Luna ang computer, at hinawakan ang noo niyaKilala niya na ng maraming taon si Joshua. Minsan niyang inakala na kilala niya na ito.Sa nakalipas na anim na taon, ang mga ginawa ni Joshua sa kanya para kay Aura ay isang malaking sampal sa kanya, nahulog siya sa impyerno.Makalipas ang anim na taon, muling inakala niya na kilala niya na si Joshua. Bumalik siya sa lalaking ito, habang may kinukuha na maaaring makagamot kay Nigel.Gayunpaman, napagtanto niya na hindi niya pa kilala
Natulog ng matagal si Luna. Tila hindi siya magising sa kanyang panaginip.Napanaginipan niya na hinila siya pababa ng isang kotse habang wala siyang malay.Hindi niya maidilat ang kanyang mga mata, ngunit nararamdaman niya na ang mga binti niya ay hinihila sa sahig. Dumudugo ito at masakit na masakit.Narinig niya ang tunog ng nag uusap na mga lalaki. Hindi niya marinig kung ano ang pinag uusapan nila, ngunit narinig niya na irerape at papatayin siya. Gusto niyang buksan ang kanyang mga mata, ngunit hindi niya ito magawa kahit anong gawin niya.Sa huli, nagising siya nang buhusan siya ng malamig na tubig.Dumilat siya at napagtanto niya na ang lahat ng ito ay hindi isang ilusyon o panaginip.Sa mga sandaling ito, nasa loob siya ng isang abandoned factory. Ang hangin ay amoy kalawang, gas, at amag.Ang mga kamay ay binti niya ay nakatali. Nakatali siya sa upuan at hindi siya makagalaw.Madilim ang ilaw sa factory.May mga maskuladong lalaki na nakatayo sa harap niya, nakangi
Hindi sila nag tawagan nila Theo simula pa noong umaga.Joshua…Kahit sa mga sandaling ‘yun, iniisip niya pa rin si Joshua.Hindi niya malalaman ang tungkol dito. Pati, kahit na alam niya, hindi niya ililigtas si Luna.Habang iniisip ito, tumulo ng tuluyan ang mga luha niya.Ayaw niyang mamatay. At least, hindi bago siya makahanap ng gamot para kay Nigel. Ayaw niyang mamatay!Gayunpaman, ano ang magagawa niya sa mga sandaling ito?Nagbabayad ng utang si Liam. Ayaw niya ng pera. Ano pa ba ang pwede ialok ni Luna sa kanya?Wala.Pumikit si Luna. Baka nga, ito ay tadhana...Bang! Sa sandali na hahawakan na ng mga lalaki si Luna gamit ang madumi nilang mga kamay, may malakas na tunog na nanggaling mula sa labas ng abandoned factory.Biglang tumayo si Liam.“Tumigil kayong lahat!”Agad na tumigil ang mga lalaki sa ginagawa nila. “Boss, ano ‘yun?”“Ang tunog na ‘yun… parang may mali!”Kumunot ang noo ni Liam. May gusto sana siyang sabihin, nang may itim na Hummer na bunagga
Nagkagulo sa loob ng abandoned factor.Inutusan ni Luke na itali ng mga tauhan niya si Liam habang tumalikod siya para tinginan si Joshua na karga si Luna.Ang matangkad na hugis ni Joshua ay mabagal na papunta sa entrance ng factory.Kumunot ang noo ni Luke. “Joshua, aalis ka lang ba ng ganun?”Tumigil sa paglalakad si Joshua. “May kailangan ka pa ba?”“Kasi,” Tumawa ng mahina si Luke. Nagsindi siya ng sigarilyo sa bibig niya at sinabi niya ng astig, “Malaking pabor ang ginawa mo para sa akin para hulihin si Liam. Hindi ka pa ba hihingi ng ibang pabor?”“Hindi na.” Huminga ng malalim si Joshua. Yumuko siya at tumingin kay Luna, na siyang nanginginig sa mga braso niya. “Pumunta ako dito para lang sa kanya.”Pagkatapos, nagpatuloy siya sa papunta sa labas.Nang makita niya na paalis si Joshua, humithit si Luke sa kanyang sigarilyo. Tumingin siya sa isa sa mga taong nasa tabi niya. “Sinabi niya na empleyado niya ang babaeng ‘yun, hindi ba?”Tumango ang mga tauhan niya. “Opo.”“
“Natatakot lang ako na may mga tagong sugat si Luna.”Nagbuntong hininga ang doctor dahil sa mga sinabi ni Alice, “Sinuri ko talaga siya ng masiyasat. Ito lang ang mga sugat niya, pero…”Hinawakan ng doctor ang baba niya. “Nakapagtataka nga na ang malupit na si Liam ay sasaktan lang siya ng ganito.”Tumango si Alice. “Hmm, nagtataka nga rin ako.”Kinidnap ni Liam si Luna ng mahabang panahon, bakit ito lang ang naranasan ni Luna?Ayon sa pagkilos at trabaho ni Liam, sa oras na dumating na sila Joshua, patay na dapat si Luna.Nasa good mood si Alice habang iniisip na patay na si Luna, ito ang rason kung bakit sadya siyang nakasuot ng maganda at nagmadali papunta dito.Inaasahan niya na may makita siyang patay na katawan. Sino ang mag aakala na...Nang marinig ang mga sinabi ng doctor, gumaan ang ekspresyon ni Joshua.Kalmado siyang tumingin kay Luna, na siyang nasa ilalim pa ng IV drip. Pagkatapos, tumingin siya sa oras.“Halos one-thirty na ng madaling araw. Alice, bumalik ka
Nakatulog si Luna ng buong gabi.Napanaginipan niya na pinahiya siya ng maraming lalaki. Napanaginipan niya na ang bangkay niya ay tinapon sa kagubatan.Napanaginipan niya na masayang sinagasaan nila Joshua at Alice ang bangkay niya at masaya silang bumalik ng Banyan City,Gumising siya mula sa masamang panaginip habang sumisigaw ng takot.“Nagkaroon ka ba ng masamang panaginip?”Nung bumalik na siya sa sarili niya, tumunog ang boses ni Theo sa tainga niya.Dumilat si luna. Nasa isang lugar siya na hindi pamilyar sa kanya. Amoy disinfectant ang mga puting pader at kama.Kinurot niya ang noo niya at bumangon siya mula sa kama. “Nasa…”“Ospital ka,” Sumagot si Theo habang nagbubuhos ng tubig. “Inatake at kinidnap ka kagabi. Nung tumagal, niligtas ka at pinadala sa ospital.”Pagkatapos, ipinasa niya ang baso ng tubig kay Luna. “May naaalala ka ba?”Tinanggap ni Luna ang baso ng tubig. Nag isip siya ng ilang saglit. “Medyo.”Kagabi...Pagkatapos ihatid si Gwen, nakatulog siya
“Pero, sa tingin ko hindi niya ito gagawin. Magiging target ka kapag ginawa niya ‘yun. Kapag nagkamali siya, baka mamatay ka sa mga kamay ni Liam.”Tinawanan ni Luna ang sarili niya, “Kahit na mamatay ako sa mga kamay ni Liam, wala siyang pakialam.”Muling tumahimik ng ilang saglit si Theo.“Sa tingin ko mas mahalaga ka kay Joshua kaysa sa iniisip mo.”At least, nang makita niya na nagtatalo sina Joshua at Alice kung sino ang mag aalaga kay Luna, nakita ni Theo ang katapatan sa mga mata ni Joshua.“‘Yun ay dahil hindi mo siya naiintindihan.”Tumingin si Luna sa labas ng bintana. Ang boses niya ay tila malayo, “Hindi siya nagmamalasakit sa akin ni minsan.”Bago kumain ng agahan, inutusan ni Theo ang doctor para gumawa ng check up kay Luna.Nang masigurado na nila na ayos na si Luna, sinamahan niya si Luna para kumain ng agahan bago niya hinatid ito sa hotel.Nang makarating sila sa hotel, nakasalubong nila si Lucas.“Luna, hahanapin pa lang kita,” Ngumiti si Lucas at sinabi ni
Habang papunta si Luna sa ospital, nasa emergency room si Gwen.Sa labas ng emergency room, luhaan ang mukha ni Andy at malamig ang ekspresyon ni Luke.Si Ben, ang tao na dapat na nandito, ay hindi nagpakita.Paglabas ng elevator, mabilis na lumapit si Luna. “Uncle Andy, ayos lang po ba si Gwen?”Hinawakan ni Andy ang kamay niya at umiyak lang ito. Umiiyak ng malakas si Andy at hindi na siya nagsalita.“Niligtas siya ng mga tao ko.”Nakakunot ang noo ni Luke at tumingin siya kay Luna. Busy siya kay LIam sa abandoned factory kagabi, saglit niya lang nasulyapan si Luna, hindi niya napansin ang itsura nito.Habang tinitingnan niya ng personal si Luna, napagtanto niya na mahuhulog talaga ang isang lalaki sa babaeng ito.Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Agad niyang binitawan ang mga kamay ni Andy. Tumingala siya at tumingin siya kay Luke. “Kamusta si Gwennie?”“Hindi mabuti.” Kumunot ang noo ni Luke. “Nitong umaga, natuklasan ng mga tauhan ko na ang ilan sa mga tauhan ni Liam a
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya