“Pero, sa tingin ko hindi niya ito gagawin. Magiging target ka kapag ginawa niya ‘yun. Kapag nagkamali siya, baka mamatay ka sa mga kamay ni Liam.”Tinawanan ni Luna ang sarili niya, “Kahit na mamatay ako sa mga kamay ni Liam, wala siyang pakialam.”Muling tumahimik ng ilang saglit si Theo.“Sa tingin ko mas mahalaga ka kay Joshua kaysa sa iniisip mo.”At least, nang makita niya na nagtatalo sina Joshua at Alice kung sino ang mag aalaga kay Luna, nakita ni Theo ang katapatan sa mga mata ni Joshua.“‘Yun ay dahil hindi mo siya naiintindihan.”Tumingin si Luna sa labas ng bintana. Ang boses niya ay tila malayo, “Hindi siya nagmamalasakit sa akin ni minsan.”Bago kumain ng agahan, inutusan ni Theo ang doctor para gumawa ng check up kay Luna.Nang masigurado na nila na ayos na si Luna, sinamahan niya si Luna para kumain ng agahan bago niya hinatid ito sa hotel.Nang makarating sila sa hotel, nakasalubong nila si Lucas.“Luna, hahanapin pa lang kita,” Ngumiti si Lucas at sinabi ni
Habang papunta si Luna sa ospital, nasa emergency room si Gwen.Sa labas ng emergency room, luhaan ang mukha ni Andy at malamig ang ekspresyon ni Luke.Si Ben, ang tao na dapat na nandito, ay hindi nagpakita.Paglabas ng elevator, mabilis na lumapit si Luna. “Uncle Andy, ayos lang po ba si Gwen?”Hinawakan ni Andy ang kamay niya at umiyak lang ito. Umiiyak ng malakas si Andy at hindi na siya nagsalita.“Niligtas siya ng mga tao ko.”Nakakunot ang noo ni Luke at tumingin siya kay Luna. Busy siya kay LIam sa abandoned factory kagabi, saglit niya lang nasulyapan si Luna, hindi niya napansin ang itsura nito.Habang tinitingnan niya ng personal si Luna, napagtanto niya na mahuhulog talaga ang isang lalaki sa babaeng ito.Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Agad niyang binitawan ang mga kamay ni Andy. Tumingala siya at tumingin siya kay Luke. “Kamusta si Gwennie?”“Hindi mabuti.” Kumunot ang noo ni Luke. “Nitong umaga, natuklasan ng mga tauhan ko na ang ilan sa mga tauhan ni Liam a
Nang makita na walang sumasagot, mas naging matapang si Alice.Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Andy. “Uncle Andy, nasaan si Ben?”Tumingala si Andy. Tumingin siya kay Alice. Nanginginig ang mga labi niya at hindi siya makapagsalita.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Alice. Ang boses niya ay malamig. “Alice, tumigil ka na sa pagsasalita.”Dito lang nagkaroon ng pagpigil si Alice. “Nagaalala lang ako. Kung sabagay, may malaking bagay na nangyari kay Gwen, hindi maganda na wala dito si Ben.”Sumandal si Luna sa upuan Paulit ulit sa isip niya ang eksena kung saan nag inuman sila ni Gwen kagabi.Mula sa simula pa lang, si Luna ang gumalit sa pamilya Walter. Siya ang rason kung bakit tumalon sa building si Hailey at ang gumalit kay Old Mr. Walter.Bakit nila ito ginawa kay Gwen? Wala namang ginawa si Gwen.Hindi niya rin naman binanggit ang pangalan ng pamilya Walter sa press conference.Kahit na kaibigan siya ni Gwen, hindi nila kailangan hulihin at tratuhin
Habang nakatingin sa divorce papers, nabigla si Gwen.Hindi napigilan na magalit ni Luna. “Ben, anong ibig sabihin nito? Mahirap ang pinagdaanan ni Gwen. Ngayon ang panahon na kailangan ka niya. Anong ginagawa mo?”Walang emosyon ang mga mata ni Ben. “Hindi pa ba halata?”Tumingin si Ben ng malamig kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Gwen. “Isa akong tradisyonal na lalaki. Noong niligtas siya ng iba, nakasiping niya na ang ibang lalaki. ‘Wag mo sabihin hindi mo alam ang tungkol dito? Pati, higit pa ito sa isang lalaki!”Ginitgit ni Ben ang ngipin niya. “Mabuti na lang at hindi ko pa ipinakilala si Gwen sa mga magulang ko. Kung hindi, hindi ko na ulit maitataas ang ulo ko!”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Gwen. “Pirmahan mo na!”Sa sobrang galit ni Luna ay magulo ang paghinga niya.Mahigpit ang kanyang mga kamao. “Ben Zeller, walang puso ka talaga!”“Walang puso?” Nanunuya si Ben. Tumingin siya ng malamig kay Luna. “Itanong mo ‘yan sa sarili mo! Kung hindi kayo na
Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Lumingon siya para tumingin kay Luke.“Malungkot na siya, itigil mo na ang pagbibiro.”Ngumisi si Luke, “Hindi naman dapat malungkot sa isang basura na lalaki na tulad ‘nun, bakit siya maaabala sa biro ng iba?”Kumunot ang noo ni Luna.Nagpapasalamat siya kay Luke sa pagligtas kay Gwen, ngunit ang mga sinabi ni Luke ay… malupit pakinggan.“Luna.” Pagkatapos ng ilang saglit, may sinabi si Gwen habang nakapikit pa rin, “Pwede niyo muna ba akong iwanan, gusto ko munang mapag isa.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. “Pero…”“Umalis na kayo,” Tumawa ng mapait si Gwen, “Nahihiya at malungkot ako. Bigyan niyo muna ako ng lugar para mapagisa.”Huminga ng malalim si Luna. Lumapit siya kay Gwen at tinakpan niya ito ng kumot. Sinabi niya ng may maamong tono, “Pasensya na.”Pagkatapos, tumalikod si Luna at umalis na siya ng kwarto.Sa tabi niya, umiyak ulit si Gwen dahil sa paghingi ng pasensya ni Luna.…Paglabas ni Luna ng patient’s ward, nawalan
Sabay na tumingala sila Luna at Alice. Ang taong may hawak ng kamay ni Alice ay walang iba kung hindi si Joshua na kaalis lang kanina. Nang makita niya ito, kaagad na binawi ni Alice ang kanyang kamay at niyakap ito, umiiyak na para bang sanggol, “Joshua, alam ko na masama ang loob ni Luna, kaya sinubukan kong pagaanin ang loob niya. Pero, sinong mag-aakala na sasampalin niya ako!” Habang nagsasalita siya, tinuro niya ang kanyang mapulang mga mata at luhaang mukha. “Tignan mo! Nagalit ako, kaya sinampal ko din siya, pero gusto pa rin niya akong sampalin kaya…” Maingat siyang hinawakan ni Joshua, inangat ang kanyang tingin sa marka ng palad sa mukha ni Luna. “Alam kong masama ang loob mo, pero hindi ka pa rin dapat manakit ng iabng tao.” Inangat ni Luna ang kanyang mga mata at malamig na tinignan si Joshua ng hindi nagsasalita. Huminga ng malalim si Joshua at malamig na sinabi, “Galing ako sa istasyon ng mga pulis kanina lang at inayos ang lahat. Ang taong dumukot kay Gwen
At doon, nagkibit balikat ang lalake at nilapitan sila. “Kaya, may alam si Gwen tungkol sa Walter family, tama ba?” Sa sandaling lumabas sa bibig ng lalake ang mga salitang iyon, parehong namutla ang mukha nila Luna at Alice. May alam si Alice, pero hindi siya sigurado… Samantala, iniisip ni Luna ang tungkol sa ‘love letter’ na binigay sa kanya ni Gwen kagabi. Medyo naaalala niya na kagabi ay nakuha ni Liam ang kanyang liham, kinuhaan ito ng larawan at pinadala sa kung sino, pagkatapos ay sinunog niya ito. Hindi niya alam kung ano ang laman ng liham. Pero sinasabi sa kanya ng kanyang kutob ay… kung gustong patayin ng Walter family si Gwen, marahil ay may kinalaman ito sa liham! Nung naisip niya ito, napatalon siya na parang isang baliw, pagkatapos ay sumugod papunta sa hospital ward ni Gwen at tinulak pabukas ang pinto. “Gwen!”Tumakbo siya papasok sa loob at hinawakan ang kamay ni Gwen. “Naalala mo ba? Binigyan mo ako ng liham nung nakaraan. Naaalala mo pa ba kung ano a
Kinagat ni Luna ang kanyang labi, nagmamatigas na itinaas ang kanyang mga mata, at tinitigan sa mga mata si Joshua. “Bakit?” Dahil sa may nangyaring ganito kay Gwen, mag-aalala pa rin siya kahit nakabalik na siya sa Banyan City, magiging imposible para sa kanya na magtrabaho dahil dito. Nanatiling walang emosyon ang mga titig ni Joshua. “Kahit na manatili ka dito sa Sea City, ano naman ang magagawa mo para kay Gwen? Patuloy mong sisisihin ang sarili mo, paulit-ulit mong ipapaalala kay Gwen ang nangyari sa kanya para pareho kayong malungkot, ganun?” Walang malay na napaatras si Luna sa mga sinabi ni Joshua. Hindi siya makapaniwala at tinitigan si Joshua, binuka ang kanyang bibig, na may gustong sabihin, pero walang lumalabas sa kanyang bibig. Sumimangot si Joshua, kalmado ang kanyang boses pero malamig. “Una, hindi mo na pwede pang ibalik kung ano ang nangyari sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay ang pigilan siyang makita ang mga taong may kinalaman sa insidenteng ito, ng sa gayo