Parang nakangiti ang mga mata ni Luna habang nagsasalita. Nakakarelax din ang tono niya.Gayunpaman, siya lamang ang makakaalam kung gaano siya kawalang pag-asa at kung gaano kalamig ang kanyang puso.Kahit na alam niya ang mga plano at kaayusan ni Joshua, hindi niya direktang maharap si Joshua. Naghihintay pa rin si Nigel na iligtas niya.Hindi niya maaaring hayaan ang kanyang panandaliang emosyon na sirain ang kanyang buong plano!Sa pag-iisip na iyon, maaari lamang gamitin ni Luna ang ganitong paraan ng pagpapanggap na relax para mapalapit kay Joshua. Binalewala niya ang pangyayari.Kung tutuusin, sumiping siya sa kanya—nasaksihan ito ng lahat sa ibaba. Hinulaan niya na hindi na siya maaaring ipadala ni Joshua sa mga escort na iyon.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Luna na si Joshua ay patuloy na mag-bobobobohan sa kanya.Bahagyang nanliit ang mga mata ni Joshua. Tiningnan niya ito ng medyo kumplikadong tingin. “Anong pinag-sasabi mo?”Natigilan si Luna. Tumingin siya kay Josh
Nang marinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo, napapikit si Joshua at napabuntong-hininga.Sa sandaling iyon, tumunog ang kanyang telepono.Balita mula kay Lucas sa ibaba."Sir, na-check ko na. Kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya si Theo, at inaakusahan niya tayo ng sinasadyang pagpinsala kay Luna. Ayon sa kanyang salaysay, dalawang grupo ang humahabol sa kanila kung saan na-trap sila ni Luna mula sa harap at likod. Kinailangan nilang ipaglaban ang kanilang buhay upang makatakas. Sinabi rin niya…”Natahimik sandali si Lucas. Dahan-dahan niyang nilinis ang kanyang lalamunan."Sinabi din niya na nagdala kami ng limang escort at nagplano kami na gamitin ang mga escort para dungisan si Luna, pagkatapos ay kukuha ng video sa kanya para takutin siya."Nagsalubong ang kilay ni Lucas. “Di nakapagtataka na artist siya. Anong matingkad na imahinasyon ang mayroon siya…”Bahagyang nakakunot ang kanyang mga kilay, mas hinigpitan ni Joshua ang paghawak sa phone.Napatingin siya sa banyo
Lumingon si Luna at tumingin sa labas ng bintana. Hindi siya naglakas-loob na salubungin ang tingin ni Joshua.Huminga ng malalim si Joshua at tumingin sa likod ng ulo niya."Kagabi, nag-aalala ako na baka gumawa si Theo ng hindi nararapat na bagay sa iyo pagkatapos ka niyang kunin habang lasing ka, kaya pinahanap kita kay Lucas."Halos tumawa ng malakas si Luna.Lumingon siya at malamig na tumingin kay Joshua. "Mr. Lynch, sinusubukan mo ba akong patawanin? Dahil nag-aalala ka na baka may gawin sa akin si Theo, pinahabol mo si Lucas at limang iba pang escort para dumihan ako at kunan ng litrato para makaganti ka para kay Alice?”Tiningnan siya ni Luna na may malamig na galit sa mga mata. "Mr. Lynch, ganyan ka ba lagi kalupit sa mga babaeng nakaka-sex mo?"Nagdilim ang mga mata ni Joshua.Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Sinusubukan ko lang ipaliwanag sa iyo. Wala akong na-hire na escort kagabi. Sina Zach, Yuri, at ilan pang bodyguards lang ang kinuha ni Lucas.”Malamig na ti
Gayunpaman…Nakalimutan niyang nasaktan ito dahil sa kanya.Hindi niya sinasadya."Hindi na kailangan." Tumingin sa kanya si Joshua na may madilim na mga mata. Lumingon siya sa likod na compartment ng sasakyan at kumuha ng isang pakete ng tissue. Naglabas siya ng kapirasong tissue.Kumunot ang noo ni Luna at pinagmamasdan ang bawat kilos nito, at sinabing, "Dapat mong harapin ito kapag nakabalik ka na sa hotel. Hindi ito mapupunasan ng tissue ng malinis."Hindi mapigilan ni Joshua na mapangiti sa sinabi ni Luna."Walang tubig sa utak ko."Iniabot nito sa kanya ang tissue. "Punasan mo yan."Bahagyang natigilan si Luna, hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.Nang makitang hindi siya tumugon, napakunot ang noo ni Joshua at tumalikod. Gumamit siya ng tissue at pinunasan ng pilit ang bibig ni Luna.Ang puting tissue ay tininang pula ng sariwang dugo.Noon lang naalala ni Luna na noong hinalikan siya nito ng puwersa kanina ay kinagat niya ang labi nito.Kinagat niya ang kany
Namula agad si Luna.Itinuon niya ang kanyang mga mata sa mga bakas ng kagat sa kaliwang balikat ni Joshua.Nang sila ay nasa lalim ng pagsinta, napakagat siya sa balikat nito dahil sa galit sa mga bagay na ginawa niya noong nakaraang gabi. Nag-iwan ito ng marka.Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya noon. Marahil ay nadama niya na dahil handa si Joshua na tratuhin siya nang ganoon dahil kay Alice, mag-iiwan siya ng marka sa katawan ni Joshua para makita ni Alice!Gayunpaman…Kung ang totoo ay gaya ng sinabi ni Joshua na may gumagaya sa kanya, kumukuha ng mga escort para habulin si Luna...Siya ay nasa isang malaking pagkatalo.Hindi lang siya ang gumawa ng unang hakbang, hinayaan siyang kainin siya ni Joshua, ngunit nag-iwan din siya ng marka sa katawan nito.Kung nakita ito ni Alice at nagalit, ito ay isang malaking problema.Sa isiping iyon, nagdilim ang mga mata ni Luna. Maingat niyang binihisan ang mga sugat nito habang bumubulong, "Galit ako ng oras na yun...
"Bakit sa pagkakataong ito pinili niyang protektahan ka?"Lumingon si Luna sa isang tabi; hindi siya naglakas loob na tumingin kay Joshua. "Gaya ng sabi ko, dahil ito kay Theo."Masyadong agresibo ang tingin ni Joshua.Ang kanyang mapanganib na titig ay nagparamdam kay Luna na para bang malalantad ang kanyang sikreto sa susunod na segundo."Sa tingin mo ba bibilhin ko iyon?" Ngumisi si Joshua. “Si Theo talaga ay isang artista na gusto nina Gwen at Ben, pero ang pangunahing dahilan kung bakit nila gusto si Theo ay dahil kay Alice. Dahil gusto siya ni Alice, nakilala nilang dalawa ang gawa ni Theo at nagustuhan nila ang kanyang sining.”Napatingin si Joshua sa mukha ni Luna. Gusto niyang makita kung anong klaseng tao ito sa mukha nito."Hindi pagtataksilan nina Ben at Gwen si Alice dahil kay Theo."Napakagat labi si Luna. Hindi niya alam ang isasagot sa sandaling iyon, kaya huminga siya ng malalim at lumingon sa kanya. “Hindi mo sinabi sa akin. Kinuha mo ba ang mga lalaking iyon p
Nag-browse ulit si Luna sa balita. Habang binabasa niya ang mga iyon, mas lalo siyang nasasakal.Hindi lang pangalan ni Gwen ang binanggit sa balita, kundi may voice recording pa nya.Pinindot niya ang voice recording gamit ang nanginginig na mga kamay.Sa sandaling iyon, umalingawngaw sa buong silid ang mahinahon at walang emosyong boses ni Gwen. “Tama, ako ang nag-expose sa kanila. Handa akong pasanin ang legal na pananagutan para sa mga larawang ito na aking na-publish. Kung may hindi nararapat na pag-iibigan sina Luna at Joshua, magdaraos ako ng press conference bukas at ipapaliwanag ang lahat sa lahat nang malinaw.“Bukas, alas nuwebe ng umaga, sa maliit na auditorium malapit sa Ocean Ray High School ng Sea City, magdaraos ako ng maliit na press conference. Tinatanggap ko ang lahat ng mga kaibigan na nag-aalala tungkol sa pakikialam ni Luna sa kasal ni Joshua na dumalo. Sasagutin ko lahat ng tanong ninyo."Doon natapos ang recording.Napabuntong-hininga si Luna habang hawak
Marahil ay napagtanto na medyo hindi maganda ang kapaligiran, hindi man lang umimik si Lucas. Inilapag niya ang tanghalian sa coffee table at mabilis na umalis.Muling sumara ang pinto.Inangat ni Luna ang ulo at ini-scan ang pagkain sa mesa.Ito ay pagkain na karaniwan niyang gusto, ngunit wala siyang mood para sa pagkain sa sandaling iyon.Naku, siya ay sobrang gutom. Maaaring nagdurusa ang kanyang damdamin, ngunit hindi nito napigilan ang kanyang gutom.Huminga ng malalim si Luna at bumangon sa sofa. Pumunta siya sa coffee table at umupo para kumuha ng pagkain.Ang bango ng mga ulam ang gumising sa gana ni Luna, at agad niyang kinuha ang kanyang mga kagamitan sa kubyertos at kumain ng gutom.Sa kalagitnaan, sa wakas ay hindi na siya gaanong gutom.Kasabay nito, bigla niyang naalala na wala ring pagkain si Joshua na katabi niya.Kinagat niya ang kanyang mga labi at walang malay na ibinaling ang kanyang ulo.Matikas na sumandal si Joshua sa sofa. Ang isang kamay ay nasa tabi
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya