Tumingin si Joshua kay Luna. “Sa kanya ka dapat humingi ng tawad.”Napahinto ang butler, pagkatapos ay lumapit siya ng nagdadalawang isip kay Luna. “Ms. Luna, pa—”“Hindi ko kailangan ang paghingi mo ng tawad.” Tumingala ng mapagmataas si Luna habang nakatingin siya ng malamig sa tusong mukha ng butler. “Ang lakas ng loob mo na ikalat ang masamang balita sa akin, ang paninira mo, ang pag insulto mo, lahat ng ito ay desisyon mo?”“Syempre.” Tumingin ang butler kay Luna. “Maliban sa akin at sa anak ko, may iba pa bang tao?”Tumawa ng malamig si Luna at hindi niya na sinagot ang tanong at hindi niya tinanggap ang paghingi ng tawad. Tumingin siya kay Joshua, na nakatayo sa malayo habang hawak nito si Alice. “Kung nagdesisyon si Mr. Lynch na hayaan na lang ito, wala nang punto na ituloy ko ito.”“Hindi maganda ang pakiramdam ko. Kalimutan niyo na lang na pumunta ako sa piging na ito.”Pagkatapos, hindi niya pinansin ang reaksyon ng madla sa likod niya at umalis na siya ng hall.Hindi
Nagpatuloy ang piging hanggang madaling araw.Hindi ito ang unang pagpunta ni Joshua sa Sea City, pero para sa isang hindi malaman na rason, masigla at mainit ang pagtanggap sa kanya. Pumila sila para tagayan si Joshua, habang inuubos ang sunod sunod na baso...Sa huli, halos mawalan na siya ng malay, wala siyang tigil sa pagsabi ng pangalan ni Luna Gibson, at dinala siya ni Lucas papunta sa hotel.“Ako na ang bahala sa kanya.” Dinala siya ni Lucas sa kwarto niya. Sa kasunod sa likod niya, sinabi ni Alice ng mahina, “Salamat sa trabaho mo.”Habang nakahiga si Joshua sa kama, sumimangot si Lucas. “Ma’am, bakit hindi na lang po ako ang mag alaga kay Mr. Lynch? Sa anim na taon na wala po kayo, inalagaan ko po siya tuwing lasing siya. ‘Wag po kayong mag alala, magpahinga na rin po kayo.”Nakatayo siya at pumunta siya sa banyo para kumuha ng twalya, balak niyang punasan ang mukha ni Joshua.Sa sandali na binuksan niya ang gripo, may kamay na humawak sa kamay niya.Ngumiti si Alice at
Sa kabilang linya ng phone, mabait at mahinay ang boses ni Nigel, “Mag usap na lang po tayo kapag may oras po kayo!”Pagkatapos, binaba ng batang lalaki ang phone.Walang magawa si Luna kundi pumunta ng pinto at buksan ito.Sa sandali na bumukas ang pinto, agad na naglakad ang lalaki, at amoy alak ang katawan niya. Sa lasing na kalagayan, humiga siya sa kama ni Luna. “Honey, gusto ko ng tubig…”Tumigas ang katawan ni Luna dahil sa pagtawag sa kanya ni Joshua. Hindi pa siya… tinawag na Honey ni Joshua dati.Ang marinig ito ay isa sa mga pangarap na sinulat niya sa kanyang diary. At ngayon, natupad ang pangarap niya makalipas ang anim na taon habang lasing si Joshua.“Gusto ko ng tubig…” Habang nakahiga sa kama, bumuka ang bibig ng lalaki at humiling ulit ito. Walang magawa si Luna kundi isara ang pinto at ipagsalin ng tubig si Joshua.May hawak siya na isang baso ng tubig at lumapit siya ng mabagal kay Joshua. “Heto, uminom ka.”Tumango si Joshua, umupo ng masunurin, sumandal sa
Mahabang mahaba na panahon na niyakap ni Joshua si Luna.Halos makatulog na si Joshua sa kama habang yakap si Luna, ngunit naalala niya na hindi niya ito kwarto. Pagkatapos humiga ng mahabang panahon, tumayo siya ng nanginginig at balak niyang bumalik sa kanyang kwarto.Tumingin si Luna sa hindi matatag na paa ni Joshua at humina ang paninindigan niya.Huminga siya ng malalim, isinandal ang bigat ni Joshua sa balikat niya , at mabagal na naglakad palabas ng kwarto. Ang pinto sa kabilang kwarto ay nakabukas pa rin.Nagbuntong hininga si Luna. Nakalimutan siguro ni Joshua na isara ang pinto noong umalis siya.Tinulungan niya si Joshua papunta ng kwarto nito. Sinara niya ang pinto, tumalikod, at kumuha ng isang baso ng tubig. Habang sinusuri ang kondisyon ni Joshua, umalis siguro ng kwarto si Joshua dahil hindi ito makahanap ng tubig sa kwarto nito.Naglagay siya ng baso ng tubig sa mesa, nilagyan niya ng kumot si Joshua at tumalikod siya para umalis.Bago pa siya makalayo, hinila
...Nung gabing ‘yun, may mahabang panaginip si Joshua, isang makatotohanan na panaginip na bumalik sa kanya si Luna Gibson. Pinainom siya nito ng tubig habang tinawag niya ito na Honey.Sila pa ay...Sa panaginip niya, tinawag niya si Luna Gibson, at sinagot pa siya nito. Hindi ang awkward at hindi natural na sagot ni Alice, sa halip ay isang natural at maayos na sagot.Pumikit ang lalaki at pinag isipan niya ito ng matagal.Kung… naging totoo lang sana ang panaginip.Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang mata niya at nakita niya ang magandang dekorasyon ng kwarto ng hotel. Ngunit, hindi lang siya ang natutulog sa malaki at malambot na kama. Nandoon din… si Alice, na nakasuot lamang ng underwear.Nakahiga ito sa braso niya na parang isang kuting.Sa sahig malapit sa kama, may mga gamit na tissue at ang kanilang mga damit.Kinurot ni Joshua ang noo niya. Nang makita niya mga nasa paligid niya, imposible para sa kanya na hindi malaman ang mga nangyari.Totoo ba ang lahat ng
Ang orihinal na schedule ni Joshua sa araw na ito ay para bisitahin ang maraming jewelry company sa Sea City para sa ibang survey.Ang oras na pinagkasunduan nila ay 9am, ngunit lumipas na ang 10am at hindi pa nagpaparamdam si Joshua.Habang nakaupo siya sa kwarto, nagdalawang isip si Luna ng mahabang sandali at inisip niya kung lalapit ba siya para magtanong. Kung hindi sila lalabas, hindi na dapat siya maghintay.“Joshua, salamat sa pagsama mo sa akin ngayong araw, pero hindi naman na masakit.” Paglapit niya ng pinto at bago pa siya kumatok, narinig niya ang mahinang reklamo ni Alice mula sa loob, “Hindi ba’t pumunta ka dito para sa business? Dapat kang pumunta.”“Hindi, magkakansela ako para sayo,” Tila maamo ang boses ng lalaki. “Saan pa ba masakit? Imamasahe kita.”“Heto, masakit ito. Kasalanan mo lahat ng ito…”“Sige, bibigyan kita ng masahe.”...Ang isa ay mahinay, maamo, at medyo nagrereklamo, na parang humihingi ng atensyon. Habang ang isa naman ay mapagmahal, puno ng
“Alam ni Alice na pinuntahan kita.”Nangutya si Luna at isinara niya ang pinto. “Nung kailan lang, ang tawag sa akin ni Mrs. Lynch na kabit mo. Kailan pa ba siya naging mapagpatawad?”Sumimangot si Joshua, ngunit hindi siya sumagot.Sumenyas siya na umupo si Luna sa sofa. “Dahil sa mga rason, nagreschedule ng pagbisita para bukas.”Inabot niya ang mga dokumento kay Luna. “Ito ang ilan sa mga main factory. Dapat mong maintindihan ang design at mga raw material na kailangan. Bukas, bantayan mo ang mga materyales na ibinigay ng mga factory. At…”Inabot niya kay Luna ang isa pang dokumento. “Tandaan mo ang istilo ng design at ang target audience ng ilan sa mga kumpanyang ito.”Nang makita ni Luna na sabik si Joshua sa pakikipag usap tungkol sa business, nagdesisyon na siya na hindi na banggitin ang mga personal na problema. Masusi niyang binasa ang mga dokumento, pagkatapos ay minarkahan niya ang mga parte na kailangan ng atensyon. “Kuha ko na.”“Aalis tayo ng 9am bukas. Dapat natin
Nanigas si Luna. Hindi niya naisip na mapapansin ni Joshua ang kanyang kwintas. Lagi siyang nag-iingat at iniiwasan na makipag-usap sa kwintas kapag nasa paligid ito.Kagabi, binuksan niya ang mikropono ng kwintas ng sa gayon ay marinig ni Nigel ang lahat nung nasa cocktail party siya. Hindi niya naisip na mapapansin ni Joshua ang kanyang kilos at pagdududahan ang kwintas na suot niya.Alam ni Joshua na tama ang hula niya nung napansin niya ang gulat na gulat na ekspresyon ni Luna. Nanningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Luna. Pinagmasdan niya ang bawat kilos ni Luna kagabi, hindi niya hinawakan ang kanyang phong ng buong gabing iyon. Kung ganun ay paano niya nakakausap ang hacker? Naintriga si Joshua dito, kaya tinignan niya ang mga surveillance tapes ng cocktail party. Ayon sa nakita niya sa footage ay bukod sa sandali na kung saan hinawakan ni Luna ang kanyang kwintas, wala na siyang ipinakita pang kakaibang kilos. Kaya niya pinagdudahan ang kwintas nito ay hindi