Sina Gwen at Wilson ay dumiretso sa art show sa oras na pumasok sila sa exhibition center.Marami nga talagang mga artwork ni Theo na nakalagay doon, at ang una ay ang portrait ni Luna na ipininta niya.“Isa siyang talentadong lalaki,” Hindi mapigilan ni Winson na sabihin ito habang nakatingin siya sa painting.‘Oh my. Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Theo na hulihin ang kagandahan ni Luna!” Ang naisip ni Gwen habang tumitig siya sa painting.Kahit na isang painting lang ito ng likod ni Luna habang hinahabol ang isang saranggola, suot ang isang simpleng white dress, hindi mapigilan ni Gwen na isipin ang mga alaala niya na kasama si Luna.May punto na masaya sila at walang pakialam sa mundo…Sino ang mag aakala na ang ilang taon pagkatapos ng panahong ito, muntik nang mamatay si Luna, napilitan sumailalim sa plastic surgery, at nakaranas siya ng mga masasamang pangyayari na tulad ng mawala ang bestfriend niya at ang makulong dahil sa attempted murder?”Samantala, si Gwen naman
Paano siya hahayaan ni Winson ng basta basta lang?Habang mas nagagalit si Gwen, mas humihigpit ang hawak ni Winson. “Tara na, Gwen. Wala ka namang ibang gagawin ngayong araw, kaya bakit hindi mo ako samahan sa art show? Sige na, matagal na tayong magkakilala. Ganito ba talaga ang gusto mong gawin sa akin?”Ngumisi si Gwen habang tumingin siya ng malamig kay Winson. “Oo, matagal na taong magkakilala, dati tayong malapit noong high school, pero hindi ito isang rason para pigilan mo ako sa pag alis!”Tutal, matagal na silang hindi nag uusap, at sa opinyon ni Gwen, magkakilala na lang sila sa halip na magkaibigan sa puntong ito.Ang rason lang kung bakit pumayag siya na sumama kay Winson ay dahil naalala niya pa rin si Winson mula sa mga araw nila sa high school. Kung hindi niya nakilala si Winson, isang estranghero lang si Winson sa kanya.Ano ang punto ng panonood ng art show kasama ang isang tao na hindi niya na masyadong kilala?Habang iniisip ito, kinagat ni Gwen ang labi niya
“Oo.” Ang lalaking nakasuot ng itim ay huminto ng ilang sandali nang marinig niya ang tuwa sa boses ni Gwen, pagkatapos ay tumingin siya dito at tumango siya. “Nasaktan ka ba?”“Hindi.” Umiling si Gwen. “Ikaw ba?”Sinuri ni Gwen ang braso nito, na siyang nakabalot ng gauze, at kumunot ang noo niya. “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako.” Lumingon ang lalaki at tumingin siya kay Winson, na siyang nakahawak sa braso nito. “Paano mo nasabi na kilala mo siya?”Sa puntong ito, sa sobrang sakit ng braso ni Winson ay namutla ang mukha niya, at hindi siya makapagsalita maliban sa pag ungol niya sa sakit.“Sinasabi niya na girlfriend niya ang babaeng ito,” Ang sabi ng isa sa mga manonood. “Naisip namin na hinaharass siya, pero sinabi ng lalaki na boyfriend siya nung babae… at tinawag niya ang pangalan ng lalaki, kaya naisip namin na magkakilala sila.”Sumang ayon ang ilan sa mga manonood. “Oo, naisip namin na may kakaibang nangyayari, at nagtataka kami kung totoo ang sinasabi ng lalaki… Tutal
Habang hawak pa rin ang kamay ng lalaki, dinala ito ni Gwen palabas ng art gallery at pabalik sa kanto kung saan siya nakatira.Sa huli, huminto sila habang sumandal si Gwen sa pader ng bahay, naghihingalo. Samantala, ang lalaking nasa likod niya, ay hindi napagod.Ngumiti siya at tumingin siya kay Gwen. “Tumakbo tayo ng halos limang kanto. Hindi ko alam na mataas pala ang stamina mo.”Saglit na napahinto si Gwen nang marinig niya ang mahimig na boses at mapang asar na tono ng lalaki. Sa isang sandali, hindi niya mapigilan na isipin na… ang lalaking nasa harap niya ay si Luke.Hindi lang ‘yun, gusto niya pang tanggalin ang mask nito para makita kung ito ay si Luke, ngunit pinigilan niya ang sarili niya sa paggawa nito.Imposible na ang lalaking ito ay si Luke—patay na si Luke.Kahit na ang diwa ni Luke ay nanatili sa katawan ni Steven, imposible na pumunta dito si Steven.Ang lalaking nasa harap niya ay isang bodyguard lang na sinubukan protektahan ni Joshua, at ang rason kung b
Seryoso ang boses ng lalaki.Kinagat ni Gwen ang labi niya at hindi niya mapigilan na makonsensya sa pagiging hindi niya makatwiran. Napagtanto ni Gwen na sumobra ulit siya nang marinig niya ang kalungkutan sa tono ng lalaki.Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya sa lalaki.Tumalikod siya dahil naisip niya na mas mabuti kung humingi siya ng tawad ng kaharap ito, ngunit sa kanyang ikinagulat, nang makita ng lalaki na tumalikod siya, tinaas ng lalaki ang kamay nito para tanggalin ang mask.“Sandali lang!” Kumunot ang noo ni Gwen at tumigil siya. “‘Wag mong tanggalin ang mask mo…”Tumigas ang kamay ng lalaki. Kumunot ang noo niya, pagkatapos ay tinanong iya ng may mababang boses, “Bakit hindi?” Pinaghandaan niya na ang sandaling ito. Tutal, walang punto na magpatuloy sila na magkita ng ganito, at naisip niya na mas mabuti na kung ipakita niya ang pagkakakilanlan niya kay Gwen.Hindi niya inaasahan na magbabago ang isip ni Gwen sa huli.“Kasi…” Mabilis na tumalikod si Gwen
Tumawa si Gwen pagkatapos basahin ang message nesinend ni Luna.[Bakit naaalala ko na medyo malapit ka kay Winson noong high school tayo? Bakit ayaw mo sa kanya ngayon? Nag usap pa ba kayo pagkatapos natin grumaduate?Nabigla si Luna nang basahin niya ang message mula sa phone.Kung hindi ito pinaalala sa kanya ni Gwen, makakalimutan niya na malapit siya kay Winson noong nasa high school sila.Noon, bata pa sila at wala pa silang alam. Hindi sila nag abala tungkol sa pag ibig o romansa. Kahit dati, si Luna ay isang mabait na tao at nakasundo niya ang karamihan sa mga classmate niya noong high school.Nang grumaduate sila, tumira siya sa Banyan City dahil kasama niya si Joshua. Pagkatapos, hindi niya na kinausap ang mga high school classmates niya.Sa ilang sandali, nahirapan siyang mag isip ng isasagot niya sa tanong ni Gwen nang biglang itanong ni Gwen kung bakit naisip ni Luna na isang masamang tao si Winson. Syempre, hindi niya pwedeng ibunyag kay Gwen na si Joshua ang nagsabi
”Yay!” pumalakpak ng masaya si Nellie. “Gagawin na naman ni Nigel ang hacking niya! Ang galing niya!”“Oh, at ako hindi magaling?” Tinikop ni Neil ang mga labi niya at pinitik niya ang noo ni Nellie.Hindi niya ito nilakasan, ngunit ang madrama na si Nellie ay nagsimulang umiyak, at tumulo ang luha sa kanyang mata, habang namula ang kanyang mga mata. “Sinaktan ako ni Neil! Paano mo nagawa ito sa akin?”Tinikom ni Neil ang mga labi niya at naglagay siya ng isang piraso ng cake sa harap ni Nellie.Gumising siya ng umaga para mag bake ng cake dahil sinabi ni Nellie kagabi na gusto nito ng cake. Ano pa ba ang magagawa niya? Sanggol pa si Shelly at wala pa siyang alam. Kaya naman, nagpatuloy lang si Neil na pasayahin si Nellie.“Oh my!” Lumaki ang mga mata ni Nellie habang nakuha ng cake ang kanyang atensyon, ngunit may luha pa rin sa kanyang mukha nang magsimula siyang ngumiti. “Alam mo, magaling ka rin naman!”“Hay! Iba ka talaga kay Daddy. Hindi siya magaling magluto, pero hindi ik
[Hindi mo pa narinig ang tungkol sa kanya?]Kumunot ang noo ni Gwen at sumulyap siya sa lalaking nakaupo sa likod niya. Yumuko siya, at nagpatuloy siyang mag text kay Luna.[Ang taong ito ba ay bodyguard talaga na kinuha ni Joshua o isang kaibigan ni Joshua?]Naniniwala si Gwen noong sinabi ni Luna na ang lalaki ay kaibigan ni Joshua, ngunit ngayon ay sinasabi niya na hindi niya pa narinig ang tungkol sa lalaking ito.Kakaiba.Sa ibang salita, klaro kay Joshua na magkaiba ang kaibigan niya sa ibang tao. Hindi siya magkakamali na tawagin ang isang bodyguard bilang kaibigan niya.Kung ang lalaking ito ay kaibigan ni Joshua… bakit hindi siya kilala ni Luna?Sina Joshua at Luna ay malapit sa isa’t isa na si Joshua mismo ang nagsasalita kay Luna kung ilang lalaki o babae ang dadalo sa dinner at kung sino sila kung wala siyang magagawa kundi dahil ang mga client niya sa dinner.Walang mga sikreto sa pagitan nila.Kung ang lalaki sa likod ni Luna ay isang kaibigan ni Joshua, alam na
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya