Habang hawak pa rin ang kamay ng lalaki, dinala ito ni Gwen palabas ng art gallery at pabalik sa kanto kung saan siya nakatira.Sa huli, huminto sila habang sumandal si Gwen sa pader ng bahay, naghihingalo. Samantala, ang lalaking nasa likod niya, ay hindi napagod.Ngumiti siya at tumingin siya kay Gwen. “Tumakbo tayo ng halos limang kanto. Hindi ko alam na mataas pala ang stamina mo.”Saglit na napahinto si Gwen nang marinig niya ang mahimig na boses at mapang asar na tono ng lalaki. Sa isang sandali, hindi niya mapigilan na isipin na… ang lalaking nasa harap niya ay si Luke.Hindi lang ‘yun, gusto niya pang tanggalin ang mask nito para makita kung ito ay si Luke, ngunit pinigilan niya ang sarili niya sa paggawa nito.Imposible na ang lalaking ito ay si Luke—patay na si Luke.Kahit na ang diwa ni Luke ay nanatili sa katawan ni Steven, imposible na pumunta dito si Steven.Ang lalaking nasa harap niya ay isang bodyguard lang na sinubukan protektahan ni Joshua, at ang rason kung b
Seryoso ang boses ng lalaki.Kinagat ni Gwen ang labi niya at hindi niya mapigilan na makonsensya sa pagiging hindi niya makatwiran. Napagtanto ni Gwen na sumobra ulit siya nang marinig niya ang kalungkutan sa tono ng lalaki.Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya sa lalaki.Tumalikod siya dahil naisip niya na mas mabuti kung humingi siya ng tawad ng kaharap ito, ngunit sa kanyang ikinagulat, nang makita ng lalaki na tumalikod siya, tinaas ng lalaki ang kamay nito para tanggalin ang mask.“Sandali lang!” Kumunot ang noo ni Gwen at tumigil siya. “‘Wag mong tanggalin ang mask mo…”Tumigas ang kamay ng lalaki. Kumunot ang noo niya, pagkatapos ay tinanong iya ng may mababang boses, “Bakit hindi?” Pinaghandaan niya na ang sandaling ito. Tutal, walang punto na magpatuloy sila na magkita ng ganito, at naisip niya na mas mabuti na kung ipakita niya ang pagkakakilanlan niya kay Gwen.Hindi niya inaasahan na magbabago ang isip ni Gwen sa huli.“Kasi…” Mabilis na tumalikod si Gwen
Tumawa si Gwen pagkatapos basahin ang message nesinend ni Luna.[Bakit naaalala ko na medyo malapit ka kay Winson noong high school tayo? Bakit ayaw mo sa kanya ngayon? Nag usap pa ba kayo pagkatapos natin grumaduate?Nabigla si Luna nang basahin niya ang message mula sa phone.Kung hindi ito pinaalala sa kanya ni Gwen, makakalimutan niya na malapit siya kay Winson noong nasa high school sila.Noon, bata pa sila at wala pa silang alam. Hindi sila nag abala tungkol sa pag ibig o romansa. Kahit dati, si Luna ay isang mabait na tao at nakasundo niya ang karamihan sa mga classmate niya noong high school.Nang grumaduate sila, tumira siya sa Banyan City dahil kasama niya si Joshua. Pagkatapos, hindi niya na kinausap ang mga high school classmates niya.Sa ilang sandali, nahirapan siyang mag isip ng isasagot niya sa tanong ni Gwen nang biglang itanong ni Gwen kung bakit naisip ni Luna na isang masamang tao si Winson. Syempre, hindi niya pwedeng ibunyag kay Gwen na si Joshua ang nagsabi
”Yay!” pumalakpak ng masaya si Nellie. “Gagawin na naman ni Nigel ang hacking niya! Ang galing niya!”“Oh, at ako hindi magaling?” Tinikop ni Neil ang mga labi niya at pinitik niya ang noo ni Nellie.Hindi niya ito nilakasan, ngunit ang madrama na si Nellie ay nagsimulang umiyak, at tumulo ang luha sa kanyang mata, habang namula ang kanyang mga mata. “Sinaktan ako ni Neil! Paano mo nagawa ito sa akin?”Tinikom ni Neil ang mga labi niya at naglagay siya ng isang piraso ng cake sa harap ni Nellie.Gumising siya ng umaga para mag bake ng cake dahil sinabi ni Nellie kagabi na gusto nito ng cake. Ano pa ba ang magagawa niya? Sanggol pa si Shelly at wala pa siyang alam. Kaya naman, nagpatuloy lang si Neil na pasayahin si Nellie.“Oh my!” Lumaki ang mga mata ni Nellie habang nakuha ng cake ang kanyang atensyon, ngunit may luha pa rin sa kanyang mukha nang magsimula siyang ngumiti. “Alam mo, magaling ka rin naman!”“Hay! Iba ka talaga kay Daddy. Hindi siya magaling magluto, pero hindi ik
[Hindi mo pa narinig ang tungkol sa kanya?]Kumunot ang noo ni Gwen at sumulyap siya sa lalaking nakaupo sa likod niya. Yumuko siya, at nagpatuloy siyang mag text kay Luna.[Ang taong ito ba ay bodyguard talaga na kinuha ni Joshua o isang kaibigan ni Joshua?]Naniniwala si Gwen noong sinabi ni Luna na ang lalaki ay kaibigan ni Joshua, ngunit ngayon ay sinasabi niya na hindi niya pa narinig ang tungkol sa lalaking ito.Kakaiba.Sa ibang salita, klaro kay Joshua na magkaiba ang kaibigan niya sa ibang tao. Hindi siya magkakamali na tawagin ang isang bodyguard bilang kaibigan niya.Kung ang lalaking ito ay kaibigan ni Joshua… bakit hindi siya kilala ni Luna?Sina Joshua at Luna ay malapit sa isa’t isa na si Joshua mismo ang nagsasalita kay Luna kung ilang lalaki o babae ang dadalo sa dinner at kung sino sila kung wala siyang magagawa kundi dahil ang mga client niya sa dinner.Walang mga sikreto sa pagitan nila.Kung ang lalaki sa likod ni Luna ay isang kaibigan ni Joshua, alam na
“Ang noodles niyo, Miss.” Nilagay ng waiter ang noodles ni Gwen sa harap niya, pagkatapos ay ginawa niya ito para sa lalaki.Mula sa ilang metro ang pagitan sa isa’t isa, narinig ni Gwen na kinuha ng lalaki ang tinidor nito, tinanggal ang mask, at nagsimulang kumain.Sa ilang sandal, hindi niya mapigilan na isipin kung ano ang makikita niya kapag tumalikod siya ngayon.Gayunpaman, hindi nagtagal bago niya tanggalin ito sa kanyang isipan.Hindi niya ito pwedeng gawin, lalo na at nangako siya kay Luna na hindi niya pipilitin ang lalaki na magtanggal ng mask kung hindi nito gusto, kaya bakit gusto niyang malaman bigla ang tungkol sa lalaki?Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Gwen, kinuha niya ang tinidor, at nagsimula na rin siyang kumain.Sa mesa sa likod niya, ang lalaki ay ngumiti habang pinapanood siya.Pagkatapos kumain, dalawa silang nagbayad ng magkahiwalay na bills at lumabas sila ng restaurant, pumunta sila sa bayan habang nakasunod ang lalaki sa likod ni Gwen ng il
Nawala ang kulay sa mukha ni Gwen nang marinig niya ito. Lumapit siya at hinawakan niya ang braso ni Winson. “Ano ang sinabi mo?”Sinabi ng tatay niya sa phone na ayos lang ito noong ilang araw na ang nakalipas! Sinabi pa nito na akala ng lahat ay wala na silang koneksyon, walang kahit sino sa mga gangster ang sumubok na hamakin ang tatay niya…“Nakuha ko na ba ang atensyon mo, huh?” Ngumisi si Winson. “Sa huli, tama ako; mahalaga pa rin ang matandang ‘yun sayo. Hindi ako makapaniwala na ang mga tanga sa Sea City ay ay iisipin na wala na kayong koneksyon! Kung hindi ko sinabi sa kanila na tapat ka sa mga tao sa paligid mo, walang kahit sino sa kanila ang huhuli sa kanya!”Nabigla si Gwen nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at lumingon siya para tumingin kay Winson na tila hindi siya makapaniwala. “Ikaw…”Si Winson ang rason kung bakit nahuli ang tatay niya?“Ano ako?” Tumawa si Winson sa malamig na hangin. “‘Wag mo akong sisihin kung walang awa ako. Kung binigyan mo
Sumigaw ng malakas si Winson habang binitawan niya si Gwen at hinawakan niya ang pagkalalaki niya, bumagsak siya sa sahig dahil sa sobrang sakit.Agad na tumalikod si Gwen, balak niyang tingnan ang lalaking may suot ng itim.Noong una, inaasahan niya na makita ang lima o anim na lalaking inaatake ng walang awa ang isang lalaking nakasuot ng ito, ngunit sa ikinagulat niya…Ang anim na mga tauhan ni Winson ay nakahiga sa sahig, hawak nila ang mga parte ng katawan nila habang umuungol sila sa sakit, tulad ni Winson.Ngunit, ang lalaking may suot ng itim ay tila walang galos. Wala pang kahit isang buhok na wala sa pwesto.Nang makita na tumakas si Gwen mula kay Winson, ang lalaki ay lumingon para tumingin sa kanya.Ang nakita lang ni Gwen mula sa malayo ay ang madilim at malupit na mga mata ng lalaking may suot ng itim, ngunit nakita niya ang maliit na bahid ng ngiti sa mga ito.Hindi mapigilan ni Gwen na mabigla dahil dito.Sa hindi malamang rason, naalala niya si Luke.Dati ay m