Ang balita tungkol kay Luna, ang asawa ni Joshua Lynch, na sinubukan na pumaslang sa isang kasal, ay kumalat ng napakabilis sa Banyan Cty.Ang lahat ay sabik sa balita na ito, hinihintay nila kung paano tutulungan ni Joshua, ang pinakamakapangyarihang lalaki sa Banyan City, ang asawa niya na makatakas sa problemang ito.“Nakita ko po ang balita, Daddy.”Nakatanggap ng phone call si Joshua mula kay Nigel pagkatapos niya bumalik sa villa nang gabing ‘yun. Kahit na pitong taong gulang pa lang siya, mature na si Nigel at kalmado niyang pinaliwanag sa tatay niya, “Nakita ko sa internet ang lahat ng tungkol sa pagwawala ni Mommy, pero para unahan ko na kayo, nagsinungaling ako kela Neil at Nellie tungkol dito, at pinakialaman ko ang internet dito kela lolo, lola, at sa bahay ni uncle Jim para walang kahit sino sa kanila ang makatanggap ng balita mula sa Banyan City. ‘Wag po kayong mag alala, kontrolado ko na po ito.”Lumubog ang puso ni Joshua nang marinig niya ito. Sumandal siya sa pade
Sa sumunod na umaga, iidlip sana si Joshua sa sofa pagkatapos magtrabaho ng buong gabi sa kanyang phone.Ito ay si Jude.Sinagot ito ni Joshua, kinurot niya ang kilay niya dahil sa pagod. “Ano ang problema?”“Joshua!” Ang sabi ni Jude mula sa kabilang linya. “Nasaan ka kagabi?”Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya sa sala na walang laman. “Sa bahay, siyempre.”Bago ito, sila ni Luna ay tumutuloy sa rental unit na binook nila sa tulong ni John, para ang pagbabalik nila sa Banyan City ay mananatiling sikreto, ngunit dahil ang lahat sa Banyan City ay alam na bumalik sila at nasaksihan nila na muntik nang pumatay si Luna, nagdesisyon si Joshua na hindi na magpatuloy sa rental unit at sa halip ay bumalik siya sa bahay niya sa Blue Bay Villa.Dahil matagal nang inabandona ang Blue Bay Villa, wala ang karamihan sa mga katulong na nagtatrabaho doon, may ilan na lang ang natira para linisin ang villa. Alas singko ng umaga, at ang mga maglilinis ay hindi pa dumarating, kaya si Josh
“Oo, ako ito.”Ito ay walang iba kundi si John, na siyang nawala kahapon kasama ang katawan ni Anne at ang anak nila, si Sammie. Sa mga sandaling ito, nakatayo siya sa harap ng pinto ni Joshua habang may hawak na payong sa ilalim ng ulan, pula ang mga mata. “Ako ang pumatay kay Jacqueline.”Gusto ni John na maghiganti kay Jacqueline simula nang malaman niya ang tungkol sa pagkamatay ni Anne, ngunit hindi niya inaasahan na si Luna, ang tao na sinisi niya sa pagkamatay ni Anne, ay isusugal ang lahat, pati ang katayuan at kinabukasan, para patayin si Jacqueline sa harap ng maraming tao…Siya dapat ang pumatay, siya lang.Kaya naman, pagkatapos makita ang balita kagabi, nagdesisyon si Joshua na hindi na magtago at sa halip ay pumunta siya sa hospital para patayin si Jacqueline. Kung hindi dahil inaresto si Willow, pinatay niya na rin sana ito.Nagbuntong hininga si Joshua habang tumitig siya sa mukha ni John. “Tama ako na ikaw ‘yun.”Walang record na umalis sina John o Sammie sa baya
“Sige,” Ang sagot ni Joshua pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan.“Hindi na dapat kayo magtagal. Pinaghihinalaan ako ng mga pulis dahil patay na si Jacqueline. Parating na sila dito para hanapin ako,” Ang sabi niya.Binigyan niya ng name card si John. “Isa itong name card ng may ari ng isang logistic company. Malaki ang utang niya sa akin. Dalhin mo ang pangalan na ito sa kanya, at malalaman niyang kaibigan kita. Panghahawakan ko ang pangako ko at hindi ko tatanungin ang may ari kung saan ang kinaroroonan niyo ni Sammie, kahit kailan.”Huminto si John at tumango siya habang humigpit ang hawak niya habang hawak ang name car sa kanyang palad. “Paalam.”“Mag ingat ka,” Ang sabi ni Joshua.Lumingon si John at ginamit niya ang itim na baseball cal para itago ang mukha niya habang naglalakad siya at hawak ang payong. Pagdating niya sa kalsada, may dumaan na isang kotse ng pulis.Madilim ang umaga, at umuulan pa. Ang mga pulis ay busy sa paghahanap sa kinaroroonan ni Joshua, kaya
“Walang tao na tatawanan ka.” Tila alam ni Joshua ang iniisip ni Luna.Ngumiti siya. “Nandito ako.”Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua mula sa salamin. Ang determinasyon at pagiging seryoso sa mga mata niya ay guminhawa sa puso ni Luna.Kinagat ni Luna ang labi niya. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, tinanong niya, “Kamusta si Jacqueline?”Sa isang mapayapang ekspresyon, tumingin siya sa mukha ni Luna at sinabi niya, “Patay na siya.”“Patay… na siya?” Nabigla si Luna at tumingin siya kay Joshua na tila hindi siya makapaniwala. “Paano nangyari ‘yun?”Nang hulihin siya ng mga pulis, nakangiti pa rin si Jacqueline sa mga pulis habang sinasabi nito kung paano siya sinubukang patayin ni Luna. Kahit na dumudugo ang tiyan ni Jacqueline, ang isip nito ay klaro pa rin at buhay pa ito.“Paano siya namatay sa isang gabi lang?” Ang naisip niya.“Hindi siya namatay dahil sinaksak mo siya sa tiyan. May pumasok sa hospital at pinatay siya.” Kumunot ang noo ni Joshua.Hin
Baka nga hindi inaasahan ni Joshua na biglang itatanong ni Luna ang kinaroroonan ni John. Nabigla siya at tahimik siyang umiling.“Hindi. Umalis siya kasama si Sammie at ang katawan ni Anne pagkatapos pumanaw ni Anne kahapon. Naghanap ako sa lahat ng lugar—sa bawat train station, airport, harbor, at highway. Pero…”Nagbuntong hininga siya. “Hindi ko pa rin mahanap ang kahit anong bahid ng pag alis niya. Baka nasa bayan pa rin siya. Hindi lang natin mahanap kung saan siya nagtatago. ‘Wag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat para hanapin siya.”Dahil nangako siya kay John na hindi niya hahanapin kung saan sila pupunta ni Sammie, naisip niya na hindi na niya dapat sabihin kay Luna ang tungkol sa pangako. Mas mabuti nang—walang makakaalam na nakipagkita siya kay John.“Sige.” Dumilim ang liwanag sa mga mata ni Luna pagkatapos itong malaman. “Sigurado ako na ayaw niya na ulit tayo makita o ayaw niyang mahanao siya… Kung hindi mo siya mahanap, hayaan mo na.”Nalaman na siguro ng buong b
Kinurot ni Joshua ang noo niya sa inis nang marinig niya ito. “Ang katotohanan ay, walang kailangan pumunta sa inyo.”Dahil patay na si Jacqueline, wala nang may sakdal sa hearing ni Luna. Hindi lang ‘yun, lahat ng surveillance tape kagabi ay kinuha ng mga pulis bilang ebidensya, at dahil ang lahat ng nasa kasal ay nagsabi na si Jacqueline ang nakumbinsi kay Luna sa punto na nawala sa kontrol si Luna…Ibig sabihin ay hindi gaano magdurusa si Luna, kahit na kaharap ni Luna ang judicial prosecution sa huli.Tutal, ginawa niya ang lahat ng ito para sa bestfriend niya, na siyang malapit sa kanyang puso.“Hindi na kailangan?” Suminghal si Jim dahil dito. “Kung hindi kami pupunta ngayon, kailan namin siya pupuntahan para makita siya? Kapag natapos na ang sentensya niya sa kulungan?”“Kalokohan ito, Joshua Lynch! Hindi lang sa nabigo ka na protektahan si Luna, ngayon at nasa kulungan siya, ayaw mo kaming papuntahin para bisitahin siya!”“Balak mo bang magpatuloy na itago ito mula sa ami
Tumango si Joshua, ngumiti siya ng mabait kay Rosalyn, pagkatapos ay nilagpasan niya ang mga ito at dumireho siya sa mga bata.“Daddy!” Tinaas ni Nellie ang mga kamay niya nang makita niya na palapit si Joshua at dumirecho siya para yumakap. “Namiss ko po kayo ng sobra!”Ngumiti si Joshua habang lumuhod siya para buhatin si Nellie. “Miss na rin kayong lahat ni Daddy.”Hindi mapigilan ni Nellie na ngumuso nang marinig niya ito. “Ano po ang ibig niyong sabihin, namimiss niyo po kaming lahat, hindi lang po ako?”Hinawakan niya ang stroller ni Shelly gamit ang maliit niyang mga daliri. “Sinasabi niyo po ba na hindi niyo po ako mahal simula nang dumating si Shelly?”Hindi mapigilan ni Joshua na tumawa nang makita niya ang pagseselos sa mukha ni Nellie. “Ang ibig sabihin ko ay kayong lahat, sweetheart.”Hinalikan niya sa pisngi si Nellie at sinabi niya, “Kayong apat, pati na rin ang Mommy niyo, ay ang mga baby ko. Mahal ko kayong lahat ng pantay pantay, at hindi magbabago ito kahit na