“Oo, ako ito.”Ito ay walang iba kundi si John, na siyang nawala kahapon kasama ang katawan ni Anne at ang anak nila, si Sammie. Sa mga sandaling ito, nakatayo siya sa harap ng pinto ni Joshua habang may hawak na payong sa ilalim ng ulan, pula ang mga mata. “Ako ang pumatay kay Jacqueline.”Gusto ni John na maghiganti kay Jacqueline simula nang malaman niya ang tungkol sa pagkamatay ni Anne, ngunit hindi niya inaasahan na si Luna, ang tao na sinisi niya sa pagkamatay ni Anne, ay isusugal ang lahat, pati ang katayuan at kinabukasan, para patayin si Jacqueline sa harap ng maraming tao…Siya dapat ang pumatay, siya lang.Kaya naman, pagkatapos makita ang balita kagabi, nagdesisyon si Joshua na hindi na magtago at sa halip ay pumunta siya sa hospital para patayin si Jacqueline. Kung hindi dahil inaresto si Willow, pinatay niya na rin sana ito.Nagbuntong hininga si Joshua habang tumitig siya sa mukha ni John. “Tama ako na ikaw ‘yun.”Walang record na umalis sina John o Sammie sa baya
“Sige,” Ang sagot ni Joshua pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan.“Hindi na dapat kayo magtagal. Pinaghihinalaan ako ng mga pulis dahil patay na si Jacqueline. Parating na sila dito para hanapin ako,” Ang sabi niya.Binigyan niya ng name card si John. “Isa itong name card ng may ari ng isang logistic company. Malaki ang utang niya sa akin. Dalhin mo ang pangalan na ito sa kanya, at malalaman niyang kaibigan kita. Panghahawakan ko ang pangako ko at hindi ko tatanungin ang may ari kung saan ang kinaroroonan niyo ni Sammie, kahit kailan.”Huminto si John at tumango siya habang humigpit ang hawak niya habang hawak ang name car sa kanyang palad. “Paalam.”“Mag ingat ka,” Ang sabi ni Joshua.Lumingon si John at ginamit niya ang itim na baseball cal para itago ang mukha niya habang naglalakad siya at hawak ang payong. Pagdating niya sa kalsada, may dumaan na isang kotse ng pulis.Madilim ang umaga, at umuulan pa. Ang mga pulis ay busy sa paghahanap sa kinaroroonan ni Joshua, kaya
“Walang tao na tatawanan ka.” Tila alam ni Joshua ang iniisip ni Luna.Ngumiti siya. “Nandito ako.”Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua mula sa salamin. Ang determinasyon at pagiging seryoso sa mga mata niya ay guminhawa sa puso ni Luna.Kinagat ni Luna ang labi niya. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, tinanong niya, “Kamusta si Jacqueline?”Sa isang mapayapang ekspresyon, tumingin siya sa mukha ni Luna at sinabi niya, “Patay na siya.”“Patay… na siya?” Nabigla si Luna at tumingin siya kay Joshua na tila hindi siya makapaniwala. “Paano nangyari ‘yun?”Nang hulihin siya ng mga pulis, nakangiti pa rin si Jacqueline sa mga pulis habang sinasabi nito kung paano siya sinubukang patayin ni Luna. Kahit na dumudugo ang tiyan ni Jacqueline, ang isip nito ay klaro pa rin at buhay pa ito.“Paano siya namatay sa isang gabi lang?” Ang naisip niya.“Hindi siya namatay dahil sinaksak mo siya sa tiyan. May pumasok sa hospital at pinatay siya.” Kumunot ang noo ni Joshua.Hin
Baka nga hindi inaasahan ni Joshua na biglang itatanong ni Luna ang kinaroroonan ni John. Nabigla siya at tahimik siyang umiling.“Hindi. Umalis siya kasama si Sammie at ang katawan ni Anne pagkatapos pumanaw ni Anne kahapon. Naghanap ako sa lahat ng lugar—sa bawat train station, airport, harbor, at highway. Pero…”Nagbuntong hininga siya. “Hindi ko pa rin mahanap ang kahit anong bahid ng pag alis niya. Baka nasa bayan pa rin siya. Hindi lang natin mahanap kung saan siya nagtatago. ‘Wag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat para hanapin siya.”Dahil nangako siya kay John na hindi niya hahanapin kung saan sila pupunta ni Sammie, naisip niya na hindi na niya dapat sabihin kay Luna ang tungkol sa pangako. Mas mabuti nang—walang makakaalam na nakipagkita siya kay John.“Sige.” Dumilim ang liwanag sa mga mata ni Luna pagkatapos itong malaman. “Sigurado ako na ayaw niya na ulit tayo makita o ayaw niyang mahanao siya… Kung hindi mo siya mahanap, hayaan mo na.”Nalaman na siguro ng buong b
Kinurot ni Joshua ang noo niya sa inis nang marinig niya ito. “Ang katotohanan ay, walang kailangan pumunta sa inyo.”Dahil patay na si Jacqueline, wala nang may sakdal sa hearing ni Luna. Hindi lang ‘yun, lahat ng surveillance tape kagabi ay kinuha ng mga pulis bilang ebidensya, at dahil ang lahat ng nasa kasal ay nagsabi na si Jacqueline ang nakumbinsi kay Luna sa punto na nawala sa kontrol si Luna…Ibig sabihin ay hindi gaano magdurusa si Luna, kahit na kaharap ni Luna ang judicial prosecution sa huli.Tutal, ginawa niya ang lahat ng ito para sa bestfriend niya, na siyang malapit sa kanyang puso.“Hindi na kailangan?” Suminghal si Jim dahil dito. “Kung hindi kami pupunta ngayon, kailan namin siya pupuntahan para makita siya? Kapag natapos na ang sentensya niya sa kulungan?”“Kalokohan ito, Joshua Lynch! Hindi lang sa nabigo ka na protektahan si Luna, ngayon at nasa kulungan siya, ayaw mo kaming papuntahin para bisitahin siya!”“Balak mo bang magpatuloy na itago ito mula sa ami
Tumango si Joshua, ngumiti siya ng mabait kay Rosalyn, pagkatapos ay nilagpasan niya ang mga ito at dumireho siya sa mga bata.“Daddy!” Tinaas ni Nellie ang mga kamay niya nang makita niya na palapit si Joshua at dumirecho siya para yumakap. “Namiss ko po kayo ng sobra!”Ngumiti si Joshua habang lumuhod siya para buhatin si Nellie. “Miss na rin kayong lahat ni Daddy.”Hindi mapigilan ni Nellie na ngumuso nang marinig niya ito. “Ano po ang ibig niyong sabihin, namimiss niyo po kaming lahat, hindi lang po ako?”Hinawakan niya ang stroller ni Shelly gamit ang maliit niyang mga daliri. “Sinasabi niyo po ba na hindi niyo po ako mahal simula nang dumating si Shelly?”Hindi mapigilan ni Joshua na tumawa nang makita niya ang pagseselos sa mukha ni Nellie. “Ang ibig sabihin ko ay kayong lahat, sweetheart.”Hinalikan niya sa pisngi si Nellie at sinabi niya, “Kayong apat, pati na rin ang Mommy niyo, ay ang mga baby ko. Mahal ko kayong lahat ng pantay pantay, at hindi magbabago ito kahit na
Tumakbo sila Neil at Nellie patungo kay Joshua nang marinig nila ito at pumila sila para tumitig kay Joshua, tila naghihintay marinig ang kanyang sagot.Kahit si Shelly ay tila naintindihan ang mga kilos ng kapatid niya at tumitig siya kay Joshua ng hindi pumipikit.Nagbuntong hininga si Joshua, tumingin siya sa apat na mga bata. “Ayos lang ang nanay niyo, pero…”Tinaas niya ang kamay niya para hawakan ang kamay ni Nellie. “Sa kasamaang palad, kailangan muna lumayo sa atin ni Mommy. Kaya niyo bang maghintay sa pagbabalik ni Mommy?”Kinagat ni Nellie ang labi niya at lumingon siya para tumitig kay Joshua ng luhaan. “Opo! Hindi lang po ‘yun, sigurado din po ako na maghihintay po sina Nigel, Neil, at Shelly sa pagbabalik niya!”Habang sinasabi niya ito, naglakad siya ng mabilis patungo sa stroller at dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ng kapatid niyang babae. “Kahit na wala si Mommy, aalagaan ko si little Shelly! Kapag bumalik siya, makikita niya na isang mabuting ate ako!”Ngum
Pumikit si Luna, bumalik ang mga alaala niya ni Anne. Ang mga gabi na sumama sa kanya si Anne, ang oras na pinanood nila ng sabay ang buwan…Pagkatapos ng pagkamatay ni Anne, maraming araw na dumating sa isip ni Luna ang nakangiting mukha ni Anne.Alam niya na ayaw ni Anne na sisihin niya ang sarili niya dahil sa mabait ito. Naisip niya pa na hawak ni Anne ang kamay niya, sinasabi sa kanya na hindi niya ito kasalanan, puno ng kabaitan at pagmamahal.Gayunpaman, nabigo ito na alisin ang katotohanan na siya ang rason kung bakit patay na ang bestfriend niya. Tuwing iniisip niya ito, ang sakit ay lumalamon sa kanya sa punto na naisip niya na isang pagkakamali na buhay pa rin siya.“Luna.” Nakita ni Jim ang lungkot sa mga mata ng kapatid niya. Kumunot ang noo niya habang hawak niya ang kamay ni Bonnie para pigilan siya sa pagsabi ng kahit anong may kinalaman kay Anne.“Lumipad din papunta dito sina Dad at Mom. Pinahahalagahan ka ng lahat nag aalala kami sayo. Gusto nilang sumama sa ami
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya