“Walang tao na tatawanan ka.” Tila alam ni Joshua ang iniisip ni Luna.Ngumiti siya. “Nandito ako.”Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua mula sa salamin. Ang determinasyon at pagiging seryoso sa mga mata niya ay guminhawa sa puso ni Luna.Kinagat ni Luna ang labi niya. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, tinanong niya, “Kamusta si Jacqueline?”Sa isang mapayapang ekspresyon, tumingin siya sa mukha ni Luna at sinabi niya, “Patay na siya.”“Patay… na siya?” Nabigla si Luna at tumingin siya kay Joshua na tila hindi siya makapaniwala. “Paano nangyari ‘yun?”Nang hulihin siya ng mga pulis, nakangiti pa rin si Jacqueline sa mga pulis habang sinasabi nito kung paano siya sinubukang patayin ni Luna. Kahit na dumudugo ang tiyan ni Jacqueline, ang isip nito ay klaro pa rin at buhay pa ito.“Paano siya namatay sa isang gabi lang?” Ang naisip niya.“Hindi siya namatay dahil sinaksak mo siya sa tiyan. May pumasok sa hospital at pinatay siya.” Kumunot ang noo ni Joshua.Hin
Baka nga hindi inaasahan ni Joshua na biglang itatanong ni Luna ang kinaroroonan ni John. Nabigla siya at tahimik siyang umiling.“Hindi. Umalis siya kasama si Sammie at ang katawan ni Anne pagkatapos pumanaw ni Anne kahapon. Naghanap ako sa lahat ng lugar—sa bawat train station, airport, harbor, at highway. Pero…”Nagbuntong hininga siya. “Hindi ko pa rin mahanap ang kahit anong bahid ng pag alis niya. Baka nasa bayan pa rin siya. Hindi lang natin mahanap kung saan siya nagtatago. ‘Wag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat para hanapin siya.”Dahil nangako siya kay John na hindi niya hahanapin kung saan sila pupunta ni Sammie, naisip niya na hindi na niya dapat sabihin kay Luna ang tungkol sa pangako. Mas mabuti nang—walang makakaalam na nakipagkita siya kay John.“Sige.” Dumilim ang liwanag sa mga mata ni Luna pagkatapos itong malaman. “Sigurado ako na ayaw niya na ulit tayo makita o ayaw niyang mahanao siya… Kung hindi mo siya mahanap, hayaan mo na.”Nalaman na siguro ng buong b
Kinurot ni Joshua ang noo niya sa inis nang marinig niya ito. “Ang katotohanan ay, walang kailangan pumunta sa inyo.”Dahil patay na si Jacqueline, wala nang may sakdal sa hearing ni Luna. Hindi lang ‘yun, lahat ng surveillance tape kagabi ay kinuha ng mga pulis bilang ebidensya, at dahil ang lahat ng nasa kasal ay nagsabi na si Jacqueline ang nakumbinsi kay Luna sa punto na nawala sa kontrol si Luna…Ibig sabihin ay hindi gaano magdurusa si Luna, kahit na kaharap ni Luna ang judicial prosecution sa huli.Tutal, ginawa niya ang lahat ng ito para sa bestfriend niya, na siyang malapit sa kanyang puso.“Hindi na kailangan?” Suminghal si Jim dahil dito. “Kung hindi kami pupunta ngayon, kailan namin siya pupuntahan para makita siya? Kapag natapos na ang sentensya niya sa kulungan?”“Kalokohan ito, Joshua Lynch! Hindi lang sa nabigo ka na protektahan si Luna, ngayon at nasa kulungan siya, ayaw mo kaming papuntahin para bisitahin siya!”“Balak mo bang magpatuloy na itago ito mula sa ami
Tumango si Joshua, ngumiti siya ng mabait kay Rosalyn, pagkatapos ay nilagpasan niya ang mga ito at dumireho siya sa mga bata.“Daddy!” Tinaas ni Nellie ang mga kamay niya nang makita niya na palapit si Joshua at dumirecho siya para yumakap. “Namiss ko po kayo ng sobra!”Ngumiti si Joshua habang lumuhod siya para buhatin si Nellie. “Miss na rin kayong lahat ni Daddy.”Hindi mapigilan ni Nellie na ngumuso nang marinig niya ito. “Ano po ang ibig niyong sabihin, namimiss niyo po kaming lahat, hindi lang po ako?”Hinawakan niya ang stroller ni Shelly gamit ang maliit niyang mga daliri. “Sinasabi niyo po ba na hindi niyo po ako mahal simula nang dumating si Shelly?”Hindi mapigilan ni Joshua na tumawa nang makita niya ang pagseselos sa mukha ni Nellie. “Ang ibig sabihin ko ay kayong lahat, sweetheart.”Hinalikan niya sa pisngi si Nellie at sinabi niya, “Kayong apat, pati na rin ang Mommy niyo, ay ang mga baby ko. Mahal ko kayong lahat ng pantay pantay, at hindi magbabago ito kahit na
Tumakbo sila Neil at Nellie patungo kay Joshua nang marinig nila ito at pumila sila para tumitig kay Joshua, tila naghihintay marinig ang kanyang sagot.Kahit si Shelly ay tila naintindihan ang mga kilos ng kapatid niya at tumitig siya kay Joshua ng hindi pumipikit.Nagbuntong hininga si Joshua, tumingin siya sa apat na mga bata. “Ayos lang ang nanay niyo, pero…”Tinaas niya ang kamay niya para hawakan ang kamay ni Nellie. “Sa kasamaang palad, kailangan muna lumayo sa atin ni Mommy. Kaya niyo bang maghintay sa pagbabalik ni Mommy?”Kinagat ni Nellie ang labi niya at lumingon siya para tumitig kay Joshua ng luhaan. “Opo! Hindi lang po ‘yun, sigurado din po ako na maghihintay po sina Nigel, Neil, at Shelly sa pagbabalik niya!”Habang sinasabi niya ito, naglakad siya ng mabilis patungo sa stroller at dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ng kapatid niyang babae. “Kahit na wala si Mommy, aalagaan ko si little Shelly! Kapag bumalik siya, makikita niya na isang mabuting ate ako!”Ngum
Pumikit si Luna, bumalik ang mga alaala niya ni Anne. Ang mga gabi na sumama sa kanya si Anne, ang oras na pinanood nila ng sabay ang buwan…Pagkatapos ng pagkamatay ni Anne, maraming araw na dumating sa isip ni Luna ang nakangiting mukha ni Anne.Alam niya na ayaw ni Anne na sisihin niya ang sarili niya dahil sa mabait ito. Naisip niya pa na hawak ni Anne ang kamay niya, sinasabi sa kanya na hindi niya ito kasalanan, puno ng kabaitan at pagmamahal.Gayunpaman, nabigo ito na alisin ang katotohanan na siya ang rason kung bakit patay na ang bestfriend niya. Tuwing iniisip niya ito, ang sakit ay lumalamon sa kanya sa punto na naisip niya na isang pagkakamali na buhay pa rin siya.“Luna.” Nakita ni Jim ang lungkot sa mga mata ng kapatid niya. Kumunot ang noo niya habang hawak niya ang kamay ni Bonnie para pigilan siya sa pagsabi ng kahit anong may kinalaman kay Anne.“Lumipad din papunta dito sina Dad at Mom. Pinahahalagahan ka ng lahat nag aalala kami sayo. Gusto nilang sumama sa ami
Kumunot ang noo ni Jim at tumingin siya kay Bonnie. “Sa tingin mo ba ay magiging masaya si Luna kapag ginawa natin ‘yun?”Huminto si Bonnie pagkatapos ng sinabi ni Jim. Pagkatapos nito, umiling siya ng tahimik. “Magagalit siya sa atin.”Si John ang asawa ni Anne at tatay ni Sammie. Siya ang taong pinahahalagahan ni Anne ng lubos sa mundong ito.Wala na ang nanay ni Sammie, at kung pinakulong nila si John sa pagpatay kay Jacqueline, mawawala ang oras na lumaki si Sammie kasama ang tatay niya dahil lang gusto nilang iligtas si Luna.Hindi papayag si Luna dito.“Ito ang rason kung bakit hindi natin pwedeng hayaan na sumuko si John sa pulis.” Tumingin si Jim sa malayo. “Pero, kailangan pa rin natin siyang hanapin.”Nalilito si Bonnie. “Kung hindi natin siya kukumbinisihin na sumuko, bakit natin siya hahanapin?”Hindi magtatagal, paghihinalaan na ng mga pulis si John, at dadalhin lang nila ang mga pulis sa kanya kapag hinanap nila ito.“Mapapanatag si Luna kapag alam natin kung nasa
“SIge! Hindi mo siya hahanapin, tama ba?” Kumunot ng malalim ang noo ni Jim nang makita niya ang ugali ni Joshua. “Kaya ko siyang hanapin. Gagamitin ko ang kapangyarihan ng pamilya ko at ng Craig Group para hanapin siya!”“Kahit na nasa kabilang dulo ng mundo siya, hahanapin ko siya. Gusto kong sabihin niya mismo kay Luna na si Luna ang tumanggap ng sisi para sa kanya!”Pagkatapos nito, naglakad siya palabas ng galit.Bam! Sumara ng malakas ang pino.Nanatiling nakaupo si Joshua habang nakatingin siya sa direksyon kung saan umalis si Jim. Ang kamay niya ay nakahawak sa kanyang noo.“Daddy.” Biglang bumukas ulit ang pinto. Ngayon naman, ang taong pumasok ay si Neil. Tila may umaabala sa kanya.Pumasok siya, sinara niya ang pinto, at umakyat siya sa upan sa harap ni Joshua para umupo. “Pinatay po ba talaga ni Uncle John ‘yung masamang babae?”Nabigla si Joshua. Matagal sigurong nakatayo si Neil sa labas para marinig ang pag uusap sa pagitan nila ni Jim. Kumunot ang noo niya at lum