Nanginig si Luna nang marinig niya ang dial tone mula sa phone.Thump! Bumagsak ang phone sa sahig.Ang nabiglang si Vanessa ay mabilis na lumapit para saluhin si Luna mula sa pagbagsak. “Ano ang problema?”“Pi…” Tumingin si Luna kay Vanessa, at tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Pinatay ko si Anne.”“Pinatay ko si Anne…”Kung hindi lang siya nainip at nanatili sa maliit na bahay kasama si Joshua, at kung hindi niya niyaya si Anne para magshopping, hindi sana mangyayari ito. Kung pinigilan niya si Anne sa pakikinig sa pag uusap nila Jacqueline at James, hindi sana mangyayari ito.Siya ang pumatay kay Anne. Pinatay niya ang best friend niya—isang napakahalagang kaibigan.Kinagat niya ang labi niya. Napuno siya ng kalungkutan. Dumilim ang paningin niya bago siya nawalan ng malay.Sinuportahan ni Vanessa ang katawan ni Luna at kumunot ng malalim ang noo niya. Ang pulis at may ari ng store ay mabilis na tumawag ng 911. Pagkatapos, tinulungan nila si Vanessa para pahigain si Luna
Hindi pa bumalik ang malay ni Luna kahit na dumating na si Joshua sa hospital.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Vanessa, na siyang nakatayo sa tabi ng pinto. “Ano ang nangyari?”Huminto si Vanessa bago niya sinabi ang nangyari na tulad ng sinabi niya kay Jude.“Hindi tungkol dito ang tinatanong ko.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Tinatanong ko kung bakit niyo ginawa ang desisyon na ito?”Huminto si Vanessa, namutla ang kanyang mukha. “Sa mga oras na ‘yun, akala namin… kailangan lang namin ipain palayo si Willow para maligtas si Anne.”Kumunot ang noo ni Joshua. “Bakit sa hindi kayo nag isip bago kayo nagdesisyon? Kung ang misyon na binigay ni James kay Willow ay ang patayin si Anne, ano sa tingin mo ang gagawin ni Willow para hindi makatakas si Anne sa oras na ipain niyo siya palabas?”Yumuko ng tahimik si Vanessa pagkatapos pakinggan ang sinabi ni Joshua. “Papatayin… niya si Anne para hindi makatakas si Anne.”Hindi niya ito naisip. Sa nakalipas na 20 taon, nabuhay s
Kumunot ng malalim ang noo ni Joshua dahil sa sinabi ni Jude. “Hindi ba’t sinabi mo na hindi ka interesado kay Ms. Chance?”‘Bakit gusto protektahan ni Jude si Vanessa? Ito ay para bang mas malapit pa sila sa isa’t isa kaysa sa isang tunay na magkasintahan.’ Ito ang naisip niya.Pakiramdam ni Jude na para bang may sumasakal sa kanya. Hinawakan niya ang leeg niya, sumagot siya, “Nagiging makatwiran lang ako. Hindi mo pwedeng isisi ang lahat kay Vanessa dahil lang nagmalasakit siyang tumulong. Baka nga may parte siya dito, pero ang tunay na may sala ay ang mga tao na pumatay kay Anne.”Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Vanessa, na sa kanyang gulat, ay hinawakan ang likod ni Jude. “Hindi kalmado si Joshua ngayon. ‘Wag mong pansinin ang sinabi niya.”Pagkatapos, hinawakan ni Jude ang kamay ni Vanessa. “Tara na.”Naglakad siya palabas ng hospital habang hawak ang kamay ni Vanessa.Tumayo ng direcho si Joshua at sumingkit ang mga mata niya, tumitig siya kela Jude at Vanessa hab
“Oo, masyadong pagod lang ako.” Tumingin si Joshua sa orasan. “Maghintay ka dito. Kakausapin ko ang doctor para makalabas ka na ng hospital.Huminto si Luna at sumagot siya, “Sige. At dalian mo. Hindi ba’t alas otso ng gabi magsisimula ang kasal ni Adrian?”Tatlong oras na lang ang natitira.Huminto si Joshua at tumango siya. “Sige.”Tumalikod siya at umalis na siya ng ward.…Sa loob ng opisina ng doctor.“Base sa sinabi niyo, nahimatay si Mrs. Lynch pagkatapos niyang malaman ang pagkamatay ng bestfriend niya, at hindi niya ito maalala pagkatapos niyang gumising…”Tumingin ang doctor kay Joshua at huminga siya ng malalim. “Meron siyang stress response pagkatapos niyang matrauma. Ang balita ng pagkamatay ng bestfriend niya ay masyadong nakakagulat para sa kanya, kaya ang utak niya ay nagdesisyon na alisin ang alaalang ito pagkatapos niyang mahimatay.”Nagsulat ng ilang salita ang doctor sa chart. “Pero, pansamantala lang ito at hindi ito magtatagal. Karaniwan, dapat ay babalik
“‘Wag kang mag alala.”Kumunot ang noo niya, lumapit siya kay Luna at niyakap niya ito para gumaan ang loob ni Luna. “Magsisimula na ang kasal sa loob ng tatlong oras, kaya kailangan muna natin pumunta doon. Kapag naayos na ang lahat kay Adrian, sasamahan kita para hanapin si Anne, okay?”Binanggit ng doctor na mahalaga na hindi malaman ni Luna ang tungkol sa pagkamatay ni Anne. Kaya naman, hindi niya muna sasabihan si Luna tungkol sa nangyari kay Anne.“Hindi.” Kinagat ni Luna ang labi niya at tinaas niya ang kamay niya, yumakap siya sa katawan ni Joshua. Sinabi niya ng mahina, “Hindi ko alam kung bakit, pero nag aalala ako sa kanya. Pakiramdam ko na may nakalimutan ako, at may kinalaman ito sa kanya.”Lumingon siya. “Joshua, pwede mo ba akong dalhin sa kanya? Magiging maayos lang ako kapag nakita ko siya mismo.”Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ito. ‘Si Anne ay…’“May mas magandang ideya ako.” Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, sinabi niya, “Magpapada
Pagkatapos basahin ang text message, kumunot ng malalim ang noo ni Joshua. Sa kanyang palagay, kung hindi inaasikaso ni John ang libing ni Anne sa hospital, nasa bahay siya at pinapagaan ang loob ni Sammie habang sinasabihan ang kanilang mga kamag anak.‘Bakit umalis si John kasama si Sammie, pati na rin ang katawan ni Anne?’ Ito ang naisip niya.Nagsend ng isa pang text message si Jude nang hindi sumagot si Joshua. [Ano ang dapat nating gawin?][Sa tingin ko ay aalis ng lungsod si John kasama si Sammie, pati na rin ang katawan ni Anne. Nagpadala na ako ng mga tauhan para maghanap sa airport at bus station. Sa tingin ko ay hindi sila makakaalis ng maikling panahon.]Sumagot si Joshua, [‘Wag na.]Habang nakasimangot, sinabi niya, [Kung gusto umalis ni John kasama ang katawan ni Anne at Sammie, ‘wag mo silang pigilan.]Baka mas mabuti nang umalis si John sa lungsod na ito kasama sina Anne at Sammie. At least, hindi na mahahanap ni Luna si Anne kapag umalis si John, at mas magiging
Ang tanawin sa labas ng bintana ay malabo.Nabigla si Luna at tumingin siya ng nalilito kay Joshua, “Joshua, ano ang pinagsasabi mo? Paano naman mangyayari na gagawa ka ng bagay na hindi ko kaya pagbigyan?”Noong nakalipas na pitong taon, akala ni Luna na si Joshua ang may sala, isang bagay na hindi niya kayang pagbigyan.Makalipas ang pitong taon, nalaman niya na ang katotohanan at isang hindi pagkakaunawaan lang ito. Ang lalaking tinitingnan niya ay hindi gumawa sa kanya ng makakasakit talaga sa kanya. Kung may ginawa man si Joshua, hindi niya ito intensyon.Kaya naman, nahirapan si Luna na isipin kung ano ang magagawa ni Joshua para hindi niya ito pagbigyan.Huminto si Joshua nang makita niya ang pagkalito sa mga mata ni Luna. Sa huli, hindi niya matiis na sabihin kay Luna ang katotohanan. “Ang ibig kong sabihin ay… mahaba pa ang kinabukasan natin. Sa oras na ito, pagbibigyan mo ba ako… kung may ginawa ako na sa tingin mo ay hindi pwedeng pagbigyan?”Huminto si Luna. Huminga s
Nang mapansin ni Bonnie na wala si Anne, ang ibang tao sa group chat ay napansin din na may mali.[Yannie: Tumawag ako kay Anne ngayon, pero hindi siya sumagot. Busy ba siya?][Bonnie: Imposible. Hindi siya nagtatrabaho ngayon, at sanggol pa lang si Sammie. Kadalasan, siya ang unang sumasagot sa group chat…][Rachel: Baka may ginagawa siya. ‘Wag kayong mag alala. Ano ang masamang mangyayari sa kanya sa bahay niya? Bukod pa dito, nasa Banyan City din si Luna. Malalaman niya kung may masamang nangyari kay Anne.]Naalala ni Bonnie na si Luna ay nasa parehong lungsod kung nasaan si Anne. Kaya naman, mabilis niyang nagtanong sa group chat.[Bonnie: Uy, Luna. Hindi sumasagot si Anne sa mga message. Magkasama ba kayo?]Pagkatapos magsuot ng isa pang evening gown, umalis ng fitting room si Luna at gusto niyang magsend ng litrato sa group chat ulit. Ito ang oras na nakita niya ang mga message sa group chat. Huminto siya at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.Sa huli, nagtext lang