Pagkatapos basahin ang text message, kumunot ng malalim ang noo ni Joshua. Sa kanyang palagay, kung hindi inaasikaso ni John ang libing ni Anne sa hospital, nasa bahay siya at pinapagaan ang loob ni Sammie habang sinasabihan ang kanilang mga kamag anak.‘Bakit umalis si John kasama si Sammie, pati na rin ang katawan ni Anne?’ Ito ang naisip niya.Nagsend ng isa pang text message si Jude nang hindi sumagot si Joshua. [Ano ang dapat nating gawin?][Sa tingin ko ay aalis ng lungsod si John kasama si Sammie, pati na rin ang katawan ni Anne. Nagpadala na ako ng mga tauhan para maghanap sa airport at bus station. Sa tingin ko ay hindi sila makakaalis ng maikling panahon.]Sumagot si Joshua, [‘Wag na.]Habang nakasimangot, sinabi niya, [Kung gusto umalis ni John kasama ang katawan ni Anne at Sammie, ‘wag mo silang pigilan.]Baka mas mabuti nang umalis si John sa lungsod na ito kasama sina Anne at Sammie. At least, hindi na mahahanap ni Luna si Anne kapag umalis si John, at mas magiging
Ang tanawin sa labas ng bintana ay malabo.Nabigla si Luna at tumingin siya ng nalilito kay Joshua, “Joshua, ano ang pinagsasabi mo? Paano naman mangyayari na gagawa ka ng bagay na hindi ko kaya pagbigyan?”Noong nakalipas na pitong taon, akala ni Luna na si Joshua ang may sala, isang bagay na hindi niya kayang pagbigyan.Makalipas ang pitong taon, nalaman niya na ang katotohanan at isang hindi pagkakaunawaan lang ito. Ang lalaking tinitingnan niya ay hindi gumawa sa kanya ng makakasakit talaga sa kanya. Kung may ginawa man si Joshua, hindi niya ito intensyon.Kaya naman, nahirapan si Luna na isipin kung ano ang magagawa ni Joshua para hindi niya ito pagbigyan.Huminto si Joshua nang makita niya ang pagkalito sa mga mata ni Luna. Sa huli, hindi niya matiis na sabihin kay Luna ang katotohanan. “Ang ibig kong sabihin ay… mahaba pa ang kinabukasan natin. Sa oras na ito, pagbibigyan mo ba ako… kung may ginawa ako na sa tingin mo ay hindi pwedeng pagbigyan?”Huminto si Luna. Huminga s
Nang mapansin ni Bonnie na wala si Anne, ang ibang tao sa group chat ay napansin din na may mali.[Yannie: Tumawag ako kay Anne ngayon, pero hindi siya sumagot. Busy ba siya?][Bonnie: Imposible. Hindi siya nagtatrabaho ngayon, at sanggol pa lang si Sammie. Kadalasan, siya ang unang sumasagot sa group chat…][Rachel: Baka may ginagawa siya. ‘Wag kayong mag alala. Ano ang masamang mangyayari sa kanya sa bahay niya? Bukod pa dito, nasa Banyan City din si Luna. Malalaman niya kung may masamang nangyari kay Anne.]Naalala ni Bonnie na si Luna ay nasa parehong lungsod kung nasaan si Anne. Kaya naman, mabilis niyang nagtanong sa group chat.[Bonnie: Uy, Luna. Hindi sumasagot si Anne sa mga message. Magkasama ba kayo?]Pagkatapos magsuot ng isa pang evening gown, umalis ng fitting room si Luna at gusto niyang magsend ng litrato sa group chat ulit. Ito ang oras na nakita niya ang mga message sa group chat. Huminto siya at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.Sa huli, nagtext lang
Hindi gumaan ang loob ni Luna dahil sa sinabi ni Joshua. Sa halip, mas lalo siyang nairita. Sa hindi malamang rason, may kutob siya na may tinatago si Joshua mula sa kanya.Gayunpaman, alam niya na hindi niya ito makukuha mula kay Joshua kung ayaw nitong sabihin ito sa kanya. Sa huli, nagbuntong hininga siya at sumunod siya kay Joshua sa kotse para magpaayos ng buhok at makeup.Sa hindi malamang rason, ang stylist ay mas maingat ngayong araw. Halos dalawang oras para maayos ang buhok at makeup ni Luna. Nang matapos na siya, tumawag na si Joshua kay Rosalyn at sinabi ang tungkol sa sitwasyon ni Luna.Habang naririnig niya ang tunog sa likod niya, tumingin siya lugar kung saan galing si Luna. Lumaki ang mga mata niya sa gulat nang makita niya si Luna.Matagal na simula nang makita niya si Luna na nakasuot ng maganda. Kung hindi siya nagpalipas ng oras para makalimutan ni Luna ang tungkol kay Anne, hindi niya pipilitin si Luna na magpaganda…Dumating ulit si Anne sa isip niya nang ma
Sa litrato, ang mukha ni Anne ay puno ng pasa. Tinali siya sa upuan at mukhang nasa isang madilim na basement siya. May kalawang at lumot sa sulok ng litrato.May message na kasama sa litrato.[‘Wag kang maingay tungkol dito. Kapag hindi kayo dumalo ni Joshua sa kasal ngayon, mamamatay si Anne.]Halos tumalon ang puso ni Luna sa sandali na makita niya ang litrato.‘Anne… Sino ang ang kumidnap sa kanya?!’ Kinagat niya ang labi niya.Napalingon siya kay Joshua, na siyang nasa phone at hindi nalalayo sa kanya. Kumirot ang puso ni Luna.Tama ang kutob niya. Nasa isang gulo si Anne! Kakaiba ang kinikilos ni Joshua dahil dito!Huminga ng malalim si Luna at sumagot siya sa message.[Sino ka? Saan mo kinidnap si Anne? Nasaan ka? Pupunta ako dyan!]Dahil ang estranghero ay gusto na dumalo sina Joshua sa kasal, sigurado siya na ang mga tao na kumidnap kay Anne ay sinusubukan na pilitin si Joshua na magpakita sa kasal.[Kung gusto mong dumalo si Joshua ng kasal, ako dapat ang kunin mo—h
Sa sobrang gulat ni Luna ay hindi siya makapagsalita nang mapalibutan sila ni Joshua.Bago pa sila dumating, sinabi ni Joshua sa kanya na palihim na ginamit ni Adrian ang pangalan ni Joshua para humiram ng pera noong wala sila sa Banyan City.Ngunit, hindi inaasahan ni Luna na halos 80% ng mga bisita na dumalo sa kasal ay mga tao na inutangan ni Adrian. Ang mga tao na nagpahiram ng pera kay Adrian ay halos lahat ng mula sa upper class ng Banyan City!Nakatitig ang gulat na Luna sa eksena at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Joshua.Tumingin ng walang pakialam si Joshua sa mga taong nasa paligid niya at sinabi niya, “Nandito ba kayo para dumalo sa kasal nila Adrian at Jacqueline o para mangolekta ng utang?”Nagkaroon ng katahimikan sa kasal.Hindi nagtagal, may babaeng sumigaw mula sa madla, “Ano ang problema doon? Hindi ba pwedeng dumalo kami ng kasal at mangolekta ng utang sa amin?”Mabilis na sumunod ang iba sa kanya.“Tama! Nandito kami para dumalo sa kasal at para kol
“Ang kasal na ito ay walang kwenta kung hinayaan ko silang harapin mismo si Adrian.”Ngumiti si Joshua nang mabasa niya ang iniisip ni Luna. Tinaas niya ang kamay niya at hinimas niya ang ulo ni Luna. “Tara na. Higit sa isang taon na simula nang magkita kami ng tatay ko.”Tumingin ng nalilito si Luna kay Joshua dahil hindi niya alam kung ano ang plano ni Joshua. Gayunpaman, hindi ito ang tamang oras para itanong ang tungkol dito.Kumunot ang noo niya at naglakad siya kasama si Joshua patungo sa entablado.…“Sinabi ko na sayo na pupunta siya dito.” Tumingin ng malamig si Jacqueline kela Luna at Joshua mula sa gitna ng entablado. Napuno ng kamuhian ang mga mata niya. “Dumating na sila.”Kung mahalaga ang buhay ng kaibigan ni Luna para kay Luna, siguradong darating siya.“Jacqueline, ang galing mo!” Nasabik si Adrian nang makita niya na dumalo sina Joshua at Luna sa kasal. “Nandito sila tulad ng sinabi mo! Ang galing mo!”Ngumiti si Jacqueline. “Hindi naman ako ganun kagaling, pe
“Tatay.”Nakatayo sina Joshua at Luna sa harap ng entablado.Ngumiti siya ng kakaiba. “Matagal tayong hindi nagkita.”“Oo, matagal na nga.” Mabilis na bumaba si Adrian mula sa entablado at kinamayan niya ng sabik si Joshua nang makita niya na nakatayo sina Joshua at Luna sa harap ng entablado. “Nandito talaga kayong dalawa! Sinabi ng Aunt Jacqueline mo na pupunta ka dito, pero hirap akong paniwalaan ito… pero tama siya! Mahalaga pa rin ako para sayo!”Tumingin si Joshua kay Adrian. Nang sabihin ni Adrian ang ‘Aunt Jacqueline’, kumunot ang noo niya.Base sa edad nila, magkasing edad lang dapat sina Jacqueline at Joshua.‘Nagpapakasal siya sa isang babaeng kaedad ko at inaasahan niya ako na tawagin ko siyang aunt…’ Sumingkit ang mga mata niya.Kahit na hindi siya masaya, mabait pa rin siyang tumingin kay Jacqueline. “Ms. Grace.”Ngumiti si Jacqueline. “Mr. Lynch, nagkita na rin tayo sa wakas.”Halos isang taon niyang nagsikap para sa araw na ito. Simula nang malaman niya na sina