Ang sinabi ni Joshua ay parang isang bato na bumagsak sa isang payapang lawa. May maingay na kaguluhan mula sa madla.May ilang nag aalala na seryoso talaga si Joshua tungkol sa hindi pagtulong sa utang ni Adrian at kailangan nilang harapin si Adrian. Ang hula ng iba ay may nangyari sa pagitan nila Joshua at Adrian. Ang ilan ay may hula na nagpapanggap lang si Joshua sa pagputol ng koneksyon niya kay Adrian dahil lang ayaw niyang bayaran ang utang ni Adrian.May iba’t ibang mga hula ang dumating.Nakatayo si Luna sa tabi ni Joshua at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito. Alam niya na para sa iba, si Joshua ay malupit at makapangyarihan, ngunit may malambot na puso rin si Joshua.Ang hiling ni Joshua ay ang family bonding. Ang hiling niya ay ang pagmamahal at pagmamalasakit ni Adrian na parang isang normal na tatay.Sa buong buhay niya, sinubukan niyang tiisin si Adrian kahit na paulit ulit siyang sinasaktan nito. Pero, hindi tama na ang nasa kulungan lang ay si Michael pagkat
Tumahimik ang buong kwarto dahil sa sinabi ni Joshua habang nakatingin sila sa dalawang lalaki sa entablado.Alam ng lahat sa Banyan City na si Rianna, ang pinakamakapangyarihang businesswoman sa lungsod, ay namatay dahil sa komplikasyon habang nanganganak, at sa mga oras na ‘yun, naghost pa si Adrian ng memorial para kay Rianna.Sa libing, umiyak ng malakas si Adrian, sinasabi niya na si Rianna ay isang babaeng hindi makasarili at pinili nito na gamitin ang buhay nito para magpatuloy ang angkan ng mga Lynch.Ito ang rason kung bakit pagkatapos ng maraming taon, ang lahat ng nasa Banyan City ay may impresyon na bagay talaga para sa isa’t isa sina Adrian at Rianna, at kung hindi sana namatay si Rianna, magkasma sana sila ng masaya ng habang buhay. Ngunit, sa mga sandaling ito…Ang sinabi ni Joshua ay sumira sa impresyon ng lahat.“Mr. Lynch, hindi mo pwedeng siraan ang tatay mo gamit ang maling akusasyon dahil lang ayaw mong bayaran ang utang samin!” Biglang may sumigaw mula sa mad
Nakalagay sa kopya ng medical report ni Rianna na habang buntis siya, walang problema ang panganganak niya at dapat siyang sumailalim sa normal vaginal delivery tulad ng orihinal na plano.Gayunpaman, si Adrian ang nagpilit na magkaroon ng Cesarean delivery si Rianna.Bukod pa dito, nakadokumento din na binalaan ng mga doctor si Adrian sa komplikasyon na mangyayari kapag sumailalim si Rianna sa Cesarean delivery dahil sa kondisyon ni Rianna, at magkakaroon ng malaking chansa ng pagkamatay dahil dito, ngunit hindi sumuko si Adrian.Sa araw ng surgery ni Rianna, halos namatay si Rianna sa table tulad ng prediksyon ng mga doctor, ngunit buti na lang, ang kapatid niyang si Eanne ay dumating sa eksena at iniligtas ang buhay niya.Buhay pa rin si Rianna sa mga oras na ‘yun, ngunit nakalagay sa medical report na namatay siya dahil sa komplikasyon sa surgery.Pagkatapos, may sunod sunod na litrato ng libing ni Rianna na lumabas sa screen, kasama rin ang pag iyak ni Adrian na para bang isa
Tumahimik ang buong kwarto nang marinig nila ang boses ng babaeng ito.Lumingon sila para tumingin sa direksyon ng boses.Sa mga oras na ito, pumasok ng kwarto si Celia, ang buong suot niya ay puti.“Sino siya?”“Sa tingin ko ay siya ang ex-wife ni Adrian, Celia ata ang pangalan…”“Siya ba si Celia Giles, ang pangalan ng babaeng nakasulat sa hotel record kanina?”“Oo, sa tingin ko ay siya nga! Siya ang sumiping kay Adrian sa araw ng libing ni Rianna!”Nakarating na si Celia sa entablado habang nagbubulungan ang mga madla at umakyat siya hanggang sa makarating na siya sa harap ni Joshua.“Adrian, sinasabi mo na hindi sapat ang ebidensya ni Joshua para patunayan niya ang sarili niya, hindi ba?” Kung ganun, sa tingin mo ba ay sapat na patunay na ako?”Nagkagulo ang buong kwarto dahil dito.Lumingon si Adrian para tumingin sa babaeng nakatayo sa harap ni Joshua, maputla ang mukha niya, at sinabi niya ng may nanginginig na boses, “Celia, higit sa dalawampung taon na tayong nagsama
Huminto si Celia, hindi niya maintindihan kung bakit siya ang sinasabihan ni Jacqueline bigla, at agad siyang tumingin ng malamig kay Jacqueline. “Ano pala ang ginawa ko? Sabihin mo sa akin, iha—ano ang ginawa ko para matanggap ko ang pambubugbog ng mga tauhan ni Adrian na parang isa akong kriminal?”Hindi mapigilan ni Jacqueline na ngumisi nang marinig niya ito. Nilabas niya ang phone niya, hinanap niya ang isang recording, at pinindot niya ang play.“Ikaw iha, sinabi ko na ito sayo—higit sa dalawang dekada na kaming magkasama ni Adrian, at kung hindi mo ako bibigyan ng sapat na pera, magpapatuloy ako sa panggugulo sa inyong dalawa ng habang buhay! P*ta ka, isinilang ko ang anak ni Adrian para sa kanya, at kahit na nasa kulungan si Michael ngaon, hindi mo siguro alam na nandoon siya dahil sinalo niya ang paninisi sa tatay niya!”“Sa tingin mo ba talaga ay kayang patayin ni Michel si Granny Lynch ng magisa lang? Ito ang sasabihin ko sayo—kung hindi mo ako bibigyan ng dalawang milyon
“Ano ang binabalak niyang sabihin?” Tumingin ng malamig si Joshua kay Adrian at ngumisi siya. “Mr. Lynch, sa tingin mo ba talaga ay si Jacqueline, ang isang magandang babaeng nasa dalawampung taon ang edad, ay papayag na magpakasal sa isang lalaking limampung taong gulang? Sa tingin mo ba ay nakuha mo ang loob niya dahil sa tingin mo ay nakakaakit ka?”Tumingin siya ng malamig sa mukha ni Adrian at sinabi niya ng may malamig na tono, “Sa tingin mo ba talaga ay gusto ka ni Jacqueline kung hindi ikaw si Adrian Lynch, ang tatay ni Joshua Lynch?”Ang tono ni Joshua ay naging sarcastic at hindi mapigilan ng iba na ngumisi dahil dito. Ang katotohanan ay, alam ng lahat na ang isang babae na nasa dalawampung taon ang edad ay hindi magpapakasal sa isang lalaking limampung taon ang edad kung walang ibang motibo ang babae, at lalo na dahil si Adrian ay isang walang kwentang lalaki.Noong bata pa si Adrian, umaasa siya kela Grandpa at Granny Lynch, at nang magpakasal siya kay Rianna, si Rianna
“Sa tingin mo ba talaga na kapag namatay sina Eanne at Carl, hindi lalabas ang katotohanan?” Ngumisi si Joshua na para bang nababasa niya ang iniisip ni Adrian, pagkatapos ay muli niyang pinindot ang phone niya.May isa pang piraso ng balita tungkol kay Rianna ang lumabas sa screen.Ngayon naman, mas matibay ang ebidensya—ito ay ang record mula sa taxi ride ni Rianna sa airport, kung saan tumawag siya ng taxi papunta sa Lynch Mansion.Pagkatapos, lumabas sa screen ang visitation record mula sa mental hospital, kung saan pinakita na nandoon si Rianna, at maraming beses binisita ni Adrian si Rianna pagkatapos mapunta ni Rianna dito.Kasunod nito ang death certificate ni Rianna, at pinakita na pagpapakamatay ang dahilan ng pagkamatay niya.Tumahimik ang lahat nang makita nila ito at pinagsama sama nila ang piraso ng mga impormasyon ng pagkamatay ni Rianna.Sa huli, hindi pala namatay si Rianna noong isinilang si Joshua noong dalawang dekada na ang nakalipas, sa halip, nagpakamatay s
Namutla ng sobra ang mukha ni Adrian. Kumunot ang noo niya at kinagat niya ang kanyang ngipin, “Hoy, tatay pa rin ako ni Michael!”Alam niya na hindi magbabago ang isip ni Celia sa pagbabanggit ng kasal nila, at ang tanging paraan para makumbinsi niya si Celia ay ang gamitin ang anak nila, si Michael, laban kay Celia.Alam niya kung gaano kamahal ni Celia si Michael, at mapapatunayan ni Michael ang sarili niya na may kwenta siya kung ang pagbanggit sa pangalan niya ay kayang magkumbinsi kay Celia na lumipat ng panig at pagtaksilan si Joshua.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Adrian at suminghot siya. “Celia, makakalabas na si Michael ng ilang taon, kaya sigurado ako na ayaw mo siyang… makita ang tatay niya na ganito kapag nakalaya na siya?”Huminto si Celia nang marinig niya ito.Tama si Adrian, ipinagmamalaki ni Michael ang sarili niya ang tatay niyang si Adrian at sa pagiging isang Lynch, at kahit sa sandaling ito, hindi pa sinasabi ni Celia kay Michael ang katotohanan t