“Ano ang binabalak niyang sabihin?” Tumingin ng malamig si Joshua kay Adrian at ngumisi siya. “Mr. Lynch, sa tingin mo ba talaga ay si Jacqueline, ang isang magandang babaeng nasa dalawampung taon ang edad, ay papayag na magpakasal sa isang lalaking limampung taong gulang? Sa tingin mo ba ay nakuha mo ang loob niya dahil sa tingin mo ay nakakaakit ka?”Tumingin siya ng malamig sa mukha ni Adrian at sinabi niya ng may malamig na tono, “Sa tingin mo ba talaga ay gusto ka ni Jacqueline kung hindi ikaw si Adrian Lynch, ang tatay ni Joshua Lynch?”Ang tono ni Joshua ay naging sarcastic at hindi mapigilan ng iba na ngumisi dahil dito. Ang katotohanan ay, alam ng lahat na ang isang babae na nasa dalawampung taon ang edad ay hindi magpapakasal sa isang lalaking limampung taon ang edad kung walang ibang motibo ang babae, at lalo na dahil si Adrian ay isang walang kwentang lalaki.Noong bata pa si Adrian, umaasa siya kela Grandpa at Granny Lynch, at nang magpakasal siya kay Rianna, si Rianna
“Sa tingin mo ba talaga na kapag namatay sina Eanne at Carl, hindi lalabas ang katotohanan?” Ngumisi si Joshua na para bang nababasa niya ang iniisip ni Adrian, pagkatapos ay muli niyang pinindot ang phone niya.May isa pang piraso ng balita tungkol kay Rianna ang lumabas sa screen.Ngayon naman, mas matibay ang ebidensya—ito ay ang record mula sa taxi ride ni Rianna sa airport, kung saan tumawag siya ng taxi papunta sa Lynch Mansion.Pagkatapos, lumabas sa screen ang visitation record mula sa mental hospital, kung saan pinakita na nandoon si Rianna, at maraming beses binisita ni Adrian si Rianna pagkatapos mapunta ni Rianna dito.Kasunod nito ang death certificate ni Rianna, at pinakita na pagpapakamatay ang dahilan ng pagkamatay niya.Tumahimik ang lahat nang makita nila ito at pinagsama sama nila ang piraso ng mga impormasyon ng pagkamatay ni Rianna.Sa huli, hindi pala namatay si Rianna noong isinilang si Joshua noong dalawang dekada na ang nakalipas, sa halip, nagpakamatay s
Namutla ng sobra ang mukha ni Adrian. Kumunot ang noo niya at kinagat niya ang kanyang ngipin, “Hoy, tatay pa rin ako ni Michael!”Alam niya na hindi magbabago ang isip ni Celia sa pagbabanggit ng kasal nila, at ang tanging paraan para makumbinsi niya si Celia ay ang gamitin ang anak nila, si Michael, laban kay Celia.Alam niya kung gaano kamahal ni Celia si Michael, at mapapatunayan ni Michael ang sarili niya na may kwenta siya kung ang pagbanggit sa pangalan niya ay kayang magkumbinsi kay Celia na lumipat ng panig at pagtaksilan si Joshua.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Adrian at suminghot siya. “Celia, makakalabas na si Michael ng ilang taon, kaya sigurado ako na ayaw mo siyang… makita ang tatay niya na ganito kapag nakalaya na siya?”Huminto si Celia nang marinig niya ito.Tama si Adrian, ipinagmamalaki ni Michael ang sarili niya ang tatay niyang si Adrian at sa pagiging isang Lynch, at kahit sa sandaling ito, hindi pa sinasabi ni Celia kay Michael ang katotohanan t
May mahinang liwanag sa mga mata ni Celia.Lumingong siya para tumitig kay Luna, ngunit tila wala siyang masabi.Alam ni Luna na naghihintay si Celia ng kumpirmasyon, kaya huminga siya ng malalim at lumingon siya para tumingin kay Luna.Ngumiti si Joshua at tumingin siya kay Luna para magkumpirma.Ngumiti na si Luna, lumingon siya para tumingin kay Celia, at sinabi niya ng mahina, “Aunty Celia, kapag lumapit kayo para ibunyag si Mr. Adrian para kung sino talaga siya, tatratuhin ka ni Joshua ng mabuti sa susunod. Bukod pa dito, kayo ang nanay ng kapatid ni Joshua, at kapag ibinunyag niyo ang katotohanan, alaagaan kayo pareho ni Joshua. Hindi niya kayo hahayaan na ipagtanggol ang sarili niyo ng magisa sa mundong ito.”Napuno ng pag asa ang puso ni Celia.Ang katotohanan ay, wala siyang pakialam kay Adrian—ang mahalaga lang sa kanya ay si Michael!Muntik na siya mahulog sa patibong ni Adrian!Anak niya si Michael, at alam niya ang lahat ng iniisip nito. Ang tanging rason kung baki
Nabigla ang lahat ng tao sa kasal dahil sa sinabi ni Celia, kaya gumawa ito ng kaguluhan. Pinag usapan ito ng lahat at bumulong sila sa isa’t isa.Kahit na tumanda na si Celia at hindi nanatili ang kagandahan niya, madaling makita na isa siyang magandang babae noong bata pa siya.Maraming may akala na isang babae lang siya na nakilala ni Adrian. Sino ang mag aakala na… nagtrabaho siya sa bahay nila bilang katulong noong buntis pa si Rianna. Sa ibang salita, nahulog si Adrian para sa katulong ni Rianna noong buntis si Rianna, at sa oras na ‘yun, naisip niyang patayin si Rianna.Ito ang rason kung bakit nagresign si Celia at iniwan si Rianna, nagsinungaling siya na kailangan niyang umuwi sa bayan niya para magpakasal at magkaroon ng mga anak. Ang walang alam na si Rianna ay akala na magkakaroon ng magandang buhay si Celia.Habang pinag uusapan ito ng mga tao, mas lalo silang naawa para kay Rianna. Ang konklusyon na ito ay kung gaano kabait si Rianna at kung gaano kasama si Adrian sa
Ngayon naman, hindi nagdalawang isip si Celia at pinagsama niya ang lahat ng ebidensya, kasama ang bagay na sinabi ni Adrian sa kanya at kung paano nila binalak na isetup si Rianna… pati ang pagkumbinsi ni Adrian kay Michael na saktan si Granny Lynch noong isang taon na ang nakalipas. Kasama dito ang kung paano ginamit ni Adrian ang pangalan ni Joshua para humiram ng pera mula sa mga tao noong isang taon na ang nakalipas.Nirecord ni Celia ang halos lahat ng sinabi ni Adrian sa kanya sa loob ng bahay.Namutla ang mukha ni Adrian nang marinig niya ang recording. Kinagat niya ang labi niya at humigpit ang kamao niya, lumabas din ang mga ugat sa mukha niya. “Celia Giles! Walang hiya ka para gawin ito sa akin! Nirecord mo ba ang bawat salita na sinabi ko sayo?”Ngumisi si Celia, “Record? Sa tingin mo ba ay kaya ko itong gawin?”Tumingin siya kay Adrian at ngumisi siya ng malamig. “Nakalimutan mo na ba na may mga surveillance camera sa bahay? Natakot ako na nanakawin mo ang pera at gaga
Kumaway si Joshua at sinabi niya sa staff sa tabi ng entablado na buhatin palayo si Adrian, na siyang walang malay sa sahig. Tumingin siya ng malamig kay Jacqueline.“Naniniwala ka ba talaga na ganung klaseng tao ako kung hindi nangyari ang mga nangyari ngayon? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang binabalak mo? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para maging malapit kay Adrian at pati ang paggawa mo ng malaking kasal na ito?”Hindi inaasahan ni Jacqueline na ibubunyag siya ni Joshua sa harap ng marami. Nabigla siya, ngunit hindi siya tumigil sa malamig na pagtingin niya kay Joshua.Ngumiti siya. “Tama ako na hindi ka isang tanga.”Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Sa tingin mo ba ay hindi kita iimbestigahan pagkatapos kong malaman na magpapakasal kayo ni Adrian? Lalo na at magkamukha kayo ni Fiona?”Nang maramdaman ni Jacqueline na kumalma na siya, ngumiti siya. Tumingin siya kay Joshua at sinabi niya, “Totoo ‘yun. Pero….”Tumingin ulit siya kay Joshua bago siya tumingin kay Luna.
Kumunot ang noo ni Luna pagkatapos itong marinig. Tumingin siya ng malamig kay Jacqueline. “Ano ang ibig mong sabihin?”‘Hindi ba’t umuwi si Anne kasama si John pagkatapos nila kaming dalhin ni Joshua sa arkiladong bahay? Ano ang… kinalaman sa akin ng pagkidnap sa kanya?’ Ito ang naisip niya.Kumunot ang noo ni Jacqueline nang makita niya na nalilito si Luna. ‘Ano? ‘Wag mo sabihing nakalimutan mo na. Nagshopping kayo ni Anne nitong hapon. Pagkatapos, pumunta kayong dalawa sa restaurant, at nandoon pa ako…”“Jacqueline!” Sumingit si Joshua sa pag uusap, natatakot siya na maalala ni Luna ang lahat kung pinaalala ni Jacqueline kay Luna ang nangyari nitong hapon. “Alam ko na kapatid ka ni Fiona, pero hindi mo dapat kami sisihin sa pagkamatay niya.”Tutal, gumawa ng patibong si Fiona at balak niyang saktan ng sobra si Luna, ngunit nabigo ang plano niya. Siya ang namatay nang mahulog siya sa bangin.“SIno ang sisisihin ko kung hindi kayong dalawa?” Agad na naiba ang atensyon ni Jacqueli
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya