Napanganga si Luna. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Joshua. “Ibig bang sabihin nito ay hindi nagtagal pagkatapos makipaghiwalay ni Adrian kay Celia, nakahanap siya ng bagong girlfriend at plano niya nang magpakasal?”Tumango si Joshua. “Sa loob ng isang buwan.”Nakipaghiwalay si Adrian kay Celia ng isang buwan na ang nakalipas.Mas lalong nagulat si Luna dahil dito. “Isang buwan lang ang lumipas, nakipaghiwalay siya kay Celia, sumama siya sa bagong babae, at nagdesisyon siya na magpakasal?”Mas mabilis pa ito kaysa kela Sean at Denise.Gayunpaman, sina Sean at Denise ay bata pa na hindi pa alam ang pag ibig, kaya naiintindihan ni Luna kung ano ang nararamdaman nila; para humanap ng dalawang mainit na puso sa malamig na Saigen City ay madaling rason para ilaan nila ang buhay nila para sa isa’t isa.Gayunpaman, ang sitwasyon ni Adrian at ang babaeng si Jacqueline Grace ay iba; nakipaghiwalay siya sa girlfriend niya ng dalawampung taon, si Celi
Akala ni Luna ay pareho lang ang sagot ni Joshua sa sagot niya.Tutal, noong nagpakasal sila, si Luna lang ang may gusto kay Joshua, at ginagamit lang siya ni Joshua para lumaban sa pamilya nito.Hindi minahal ni Joshua si Luna sa mga oras na ‘yun, kaya hindi magugulat si Luna kung walang naalala si Joshua tungkol sa kasal nila.Kaya naman, wala siyang inaasahan masyado mula sa sagot ni Joshua, ngunit sa ikinagulat niya…Ngumiti si Joshua dahil dito. “Syempre naman. Naaalala ko pa rin ang dress na suot mo noong araw na ‘yun; ito ay isang puting bedazzled dress.”“Sa mga oras na ‘yun, hindi pa ipinakita ni Aura ang tunay na kulay niya, at kayong dalawa ay magkasundo pa. Noong una, pumili siya ng puting satin strapless dress para sayo, pero naisip mo na kulang pa ito. Sinabi mo pa…”Tinaas niya ang kamay niya at niyakap niya si Luna at nilagay niya ang ulo nito sa balikat niya. “Sinabi mo pa na dahil minsan ka lang magpapakasal, ang dress na susuotin mo dapat ay maganda at nakakaak
Huminto si Luna at lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Sigurado ka ba dito?”Kahit na ang kasal ni Adrian ay tamang pagkakataon para mabunyag ang tunay na kulay niya, ang lahat ng mga kamag anak at kaibigan ni Joshua ay nandoon. Ang gawin ito ay para mabunyag ang drama nila Adrian at Rianna sa harap ng lahat ng kilala sila.Ito ay walang pinagkaiba sa pagbukas ng bandage at ipakita sa lahat ang lumang sugat niya.Tama lang ba ito?“Sigurado ako dito.” Ang tingin ni Joshua ay tila nasa malayong lugar. “Si Adrian ay isang walang hiyang lalaki; kung hindi ko siya haharapin sa harap ng lahat, magpapatuloy siya sa katayuan niya bilang tatay ko at pagsasamantalahan niya silang lahat.”Nakita niya na ang tunay na kulay ni Adrian pagkatapos ng pagkamatay ni Granny Lynch noong nakalipas na taon. Pagkatapos nito, hindi lang sa binawi niya ang mga asset sa pangalan nila Adrian at Michael, tumanggi rin siya na ibigay kay Adrian ang kahit anong pera maliban sa basic na allowance.Sa kany
8 p.m. na nang makarating ang eroplano sa Banyan City.Sina Anne at John ay hinihintay na sila kasama ang baby nila.Nang makita niya si Luna, nilagay ni Anne ang baby sa braso ni John at tumakbo siya patungo kay Luna. “Luna!”Sina Luna at Joshua ay naglalakad ng magkahawak ang kamay palabas ng terminal, at nang makita nila na tumatakbo si Anne patungo sa direksyon nila, agad niyang binitawan ang kamay ni Joshua para salubungin si Anne.Yumakap ng malaki si Anne kay Luna. “Hindi ako makapaniwala na umuwi ka na! Balak ko sanang bisitahin ka sa Merchant City! Sinabi sa akin ni Bonnie na may mga bagay ka pang dapat ayusin at hindi ka pa makakabalik sa Merchant City. Sinabi ko pa nga sa kanya na mangako siya na sabihin sa akin kapag bumalik ka na para lilipad kami nila John at sosorpresahin ka namin! Bakit bigla kayong nagdesisyon na bumalik?”Hindi mapigilan ni Luna na ngumiti sa tunog ng sabik na boses ni Anne. “Bumalik ako kasi kailangan ko.”Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay n
Tumango si Joshua. “Tara na.”Nakahinga ng malalim si John, pagkatapos ay naglakad siya patungo sa tabi ni Anne at kinuha niya ang bata mula dito. “Tara na, lahat tayo.”Sumagot si Anne at kumapit siya sa braso ni Luna. “Tara na pala! Ang lugar na inihanda namin ni John para sa inyo ay pribado at eksklusibo; walang makakahanap sa inyo doon!”Kumunot ang noo ni Luna at lumingon siya para tumingin ng kakaiba kay Anne. “Ikaw ang naghanda ng tutuluyan namin?”Ito ay ang Banyan City—teritoryo ni Joshua, at marami siyang pagmamay ari na lugar dito sa bayan, kaya bakit nag abala sina Anne at John na maghanap ng lugar na tutuluyan nila?Hindi lang ‘yun, nag abala pa sila na maghanap ng lugar na pribado at eksklusibo?“Ako ang nagrequest nito.” Ngumiti si Joshua nang makita niya na nalilito si Luna. “Tinawagan ko si John bago tayo umalis ng Saigen City dahil dito.”Kumunot ang noo ni Luna sa pagkalito. “Bakit?”“Dahil ayaw kong malaman ng kahit sino na bumalik ako.” Sinuot ni Joshua ang
Kakaiba ang pakiramdam ni Luna sa sinabi ni Anne. “Ang tunay na pagkakakilanlan ni Shelly?”‘Bakit hindi ko narinig kay Bonnie ang tungkol dito?’ Ito ang naisip niya.Habang sinasamahan niya si Gwen sa Saigen City, hindi siya tumigil sa pakikipag usap sa mga tao sa Merchant City. Sina Rosalyn at Charles ay tumutulong sa pag alaga ng tatlong mga anak niya. Lagi rin siyang kinakausap nila Bonnie at Jim.Nasa video call pa siya kasama si Bonnie nitong umaga at nag uusap sila tungkol sa lawsuit. Gayunpaman, hindi niya pa narinig si Bonnie na binanggit ang kahit anong tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ni Shelly.“Oo…” Tinikom ni Anne ang labi niya at tumingin siya kay Joshua, pagkatapos ay kay Luna. “Hindi niyo… ba alam?”Si Shelly ang nawawalang anak nila Luna at ni Joshua; si Bonnie ang nagsabi sa kanya tungkol dito. Paano ito naging posible na hindi ito sinabi ni Bonnie kela Luna at Joshua?“Alam ko,” Sumagot si Joshua na tila wala siyang pakialam bago pa sumagot si Luna. “Babang
Baka inaasahan na ni Joshua na mangyari ito, sa punto na hindi na siya nagulat nang sabihin ito ni John sa kanya. Ang ginawa niya lang ay kumunot ang noo at tumingin sa tanawin sa labas ng bintana.“Tama ka. Ito ang rason kung bakit bumalik ako para tapusin ito ngayon,” Ang sabi niya.Nalito si John. “Tutulong ba kayo kay Adrian para ayusin ang utang niya?”Ngumisi si Joshua at sinabi niya ng malamig, “Siya dapat ang responsable sa utang niya dahil siya ang nanghiram ng pera. Anak niya ako, pero wala akong obligasyon para tulungan siya na bayaran ang utang niya.”Umupo siya ng mas komportable. Malamig ang mga mata niya. “Syempre, umaasa ako na makita kung paano siya kikilos kapag naipit siya ng mga inuutangan niya.”Nakilala din ni Adrian si Rianna noong naipit siya. Isang hindi magaling na businessman si Adrian, ngunit si Rianna ay isang henyo sa business. Sa tulong ni Rianna, lumago ang Lynch Group at lumaki ito.Sa mga oras na ‘yun, hindi inaasahan ni Rianna na ang buhay niya
Hindi nagtagal, ang kotse nila ay dumating sa lugar na inihanda ni John para kela Luna at Joshua. Isa itong lugar na nasa city center, may dalawang bedroom dito. Kahit na maliit lang ang lugar, ang disenyo ng lugar ay komportable, katulad nito ang buhay ni Luna noong nakatira siya sa ibang bansa kasama ang tatlong mga bata.“Si Anne ang pumili ng lugar na ito,” Ipinagmamalaki ito ni John nang makita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Luna. “Sinabi niya na sa nakalipas na limang taon na tumira kayo sa labas ng bansa, tumira ka sa ganitong lugar. Ngayon at nakipag balikan na kayo ni Mr. Lynch, hindi ka na titira sa isang maliit na lugar. Magandang ideya na maalala mo ang mga panahong ‘yun sa maikling pagpunta niyo dito.”Tumingin siya ng natutuwa kay Anne pagkatapos itong sabihin. “Mapagmalasakit talaga lagi si Anne.”Namula si Anne nang marinig niya ang mga salita ni John. Habang karga niya si Sammie gamit ang isang kamay, ginamit niya ang kabilang siko niya para tulakin si John. “Ma