Baka inaasahan na ni Joshua na mangyari ito, sa punto na hindi na siya nagulat nang sabihin ito ni John sa kanya. Ang ginawa niya lang ay kumunot ang noo at tumingin sa tanawin sa labas ng bintana.“Tama ka. Ito ang rason kung bakit bumalik ako para tapusin ito ngayon,” Ang sabi niya.Nalito si John. “Tutulong ba kayo kay Adrian para ayusin ang utang niya?”Ngumisi si Joshua at sinabi niya ng malamig, “Siya dapat ang responsable sa utang niya dahil siya ang nanghiram ng pera. Anak niya ako, pero wala akong obligasyon para tulungan siya na bayaran ang utang niya.”Umupo siya ng mas komportable. Malamig ang mga mata niya. “Syempre, umaasa ako na makita kung paano siya kikilos kapag naipit siya ng mga inuutangan niya.”Nakilala din ni Adrian si Rianna noong naipit siya. Isang hindi magaling na businessman si Adrian, ngunit si Rianna ay isang henyo sa business. Sa tulong ni Rianna, lumago ang Lynch Group at lumaki ito.Sa mga oras na ‘yun, hindi inaasahan ni Rianna na ang buhay niya
Hindi nagtagal, ang kotse nila ay dumating sa lugar na inihanda ni John para kela Luna at Joshua. Isa itong lugar na nasa city center, may dalawang bedroom dito. Kahit na maliit lang ang lugar, ang disenyo ng lugar ay komportable, katulad nito ang buhay ni Luna noong nakatira siya sa ibang bansa kasama ang tatlong mga bata.“Si Anne ang pumili ng lugar na ito,” Ipinagmamalaki ito ni John nang makita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Luna. “Sinabi niya na sa nakalipas na limang taon na tumira kayo sa labas ng bansa, tumira ka sa ganitong lugar. Ngayon at nakipag balikan na kayo ni Mr. Lynch, hindi ka na titira sa isang maliit na lugar. Magandang ideya na maalala mo ang mga panahong ‘yun sa maikling pagpunta niyo dito.”Tumingin siya ng natutuwa kay Anne pagkatapos itong sabihin. “Mapagmalasakit talaga lagi si Anne.”Namula si Anne nang marinig niya ang mga salita ni John. Habang karga niya si Sammie gamit ang isang kamay, ginamit niya ang kabilang siko niya para tulakin si John. “Ma
Ngumiti si Joshua nang mabanggit ni Luna ang nawawalang anak nila. “Ang anak natin ay babalik sa atin kapag naging isang taong gulang na siya.”Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kay Joshua. “Bakit sigurado ka? May nahanap ka bang impormasyon tungkol sa kanya?”“Oo.” Tumango si Joshua ng hindi nagdadalawang isip, ngunit hindi niya sinabi ang katotohanan kay Luna. “Sinisigurado lang namin. Ang resulta ay lalabas sa loob ng ilang araw.”Sa totoo lang, ang resulta ng paternity test nila Joshua, Luna, at Shelly ay lumabas na. Si Shelly nga ay ang tunay na anak nila, at ang puso niya ay sabik nang makuha niya ang resulta. Hindi niya inaasahan na si Jim ang kumuha sa anak nila pagkatapos itong kidnapin ni Hunter.Sa mga oras na ‘yun, hindi pa maganda ang relasyon nila Luna at Jim, at mukhang hindi pagbibigyan ni Luna si Jim. Sa sitwasyon na ‘yun, hindi sasabihin ni Jim kay Luna o kay Joshua na kinuha niya si Shelly.Sino ang mag aakala na mawawala ang mga alaala ni Jim pagkatapos?
Ang litrato ay may mukha na pamilyar kela Luna at Joshua. Nabigla si Luna at tumingin siya ng gulat kay Joshua. “Siya… Siya si Jacqueline?”“Mula sa impormasyon na natanggap ko, siya nga.” habang nakatingin sa litrato, sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Paano nangyari na magkamukha sila?”Nabigla si Luna habang nakatitig ang mga mata niya sa litrato. ‘Ang babaeng ito… Kamukha niya si Fiona!’Dati, gusto ni Fiona si Joshua na gawin siya nitong pekeng girlfriend, kapalit nito ay magdodonate siya ng bone marrow niya kay Nigel. Pagkatapos, gumawa siya ng gulo sa pagitan nila Luna at Joshua. Kahit na nahulog at namatay siya nang mahulog siya sa gusali, naaalala pa rin ni Luna ang mukha na ito pagkatapos ng ginawa ni Fiona kay Luna.‘Ang asawa ni Adrian ay kamukha ni Fiona. Nagkataon lang ba ito, o….’ Ang nasa isip ni Joshua pagkatapos niya tumingin sa impormasyon ni Jacqueline.Mula sa impormasyon, limang taon na mas matanda si Jacqueline kaysa kay Fiona, ngunit mula sila ni Fiona sa p
Tumawa ng malakas si Joshua sa sinabi ni Luna. Tinaas niya ang kamay niya para himasin ang ulo ni Luna habang nagsalita siya, “Madali malaman ng kahit sino na wala siyang tunay na damdamin para kay Adrian. Sa tingin mo ba ay isang babaeng nasa dalawampu ang edad ay pakakasalan ang isang lalaking nasa higit sa limampung taong gulang na?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya at sinabi niya kay Joshua, “HIndi naman ito imposible. Hindi problema ang edad sa tunay na pagmamahal.”“Pero hindi ba’t masyadong mabilis para mahulog ka ng tunay na kayang lampasan ang hangganan ng edad sa loob lang ng isang buwan?”“Tama naman…” Kinuha ni Luna ang phone sa kamay ni Joshua para buksan ang impormasyon ni Jacqueline at binasa niya ang lahat ng ito. “Sa tingin mo ba ay… kadugo niya si Fiona?”“Hindi ko alam.” Inagaw ito pabalik ni Joshua ng nakangiti. Malalaman natin bukas ng gabi.”‘Kung ginagamit ni Jacqueline si Adrian para maging malapit sa akin para maghiganti para kay Fiona… Ang reaksyon niya
Nang marinig ni Luna ang pag uusap sa pagitan nila Joshua at Celia sa kabilang pinto, hindi niya mapigilan na maging malungkot para kay Joshua. Siya ang nakakaintindi kay Joshua dahil siya ang asawa nito.Simula pa noong bata si Joshua, wala siyang natanggap na pagmamahal o pagmamalasakit sa kanyang mga magulang. Kahit na mukha siyang proud at malamig, sa loob ng kanyang puso, naghahanap siya ng isang pamilyang mapagmahal.Kung dismayado talaga siya kay Adrian at sumuko na siya dito, hindi siya magbibigay ng sapat na pera kay Adrian para suportahan ang buhay nito pagkatapos ng isang taon na nakakulong si Michael sa bilangguan.May maliit na pag asa siya na magbabago si Adrian. Gayunpaman, nawala ang pag asa niya nang matuklasan niya ang tunay na rason kung bakit namatay si Rianna.Sa mga sandaling ito, si Joshua ang anak na sumuko na sa tatay niya at sinabi niya kay Celia na sisirain niya si Adrian.“Alam ko…” Bumalik sa katotohanan si Luna dahil sa boses ni Celia.“Noong sinabi
Nahihiyang kinamot ni Luna ang ulo niya at binuksan niya ang pinto para umalis ng bedroom. “Kailan mo pa nalaman na nasa likod ako ng pinto?”“Sa simula pa lang.” Ngumiti si Joshua at sumenyas siya kay Luna na lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.Huminto ng ilang sandali si Luna bago siya lumapit kay Joshua at umupo sa tabi nito.Nanatili sa sofa si Joshua, at habang nakangiti, hinila at niyakap niya si Luna at hinalikan niya ito sa noo. “Pareho ka pa rin tulad ng dati. Gumawa ka ng ingay mula sa pagbangon mo at sa paglalakad mo papunta sa pinto. Hindi ito narinig ni Celia dahil matanda na siya, pero sa tingin mo ba ay hindi ko ito maririnig?”Namula ang mukha ni Luna. Tinikom niya ang mga labi niya at tumingin siya sa baba. “Gumawa ba… talaga ako ng maraming tunog?”“Oo,” Tumawa si Joshua at niyakap niya si Luna habang nakatingin siya sa harap. “Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?”Tumango si Luna. “Kaya nga lang…”Sa puntong ito, sumikat na ang araw. Pagkatapos lumipad mula s
Pagkatapos ng tanghalian, umupo si Joshua sa sofa at tumawag siya kay Jude.Sa sobrang saya ni Jude na mabalitaan na bumalik na si Joshua ay halos gusto niyang pumasok sa phone para yakapin si Joshua. “Nasaan kayo? Susunduin ko kayo ngayon! ‘Wag kang mag alala—pangako na hindi ko ito ipapaalam sa tatay mo, at gagawin ko ang lahat para maiwasan din ang mga reporter! ‘Wag kang mag alala, kaibigan ko! Ibigay mo sa akin ang address mo ngayon!”Hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti nang marinig niya ang pagkasabik sa boses ni Jude. “Ito ang rason kung bakit hindi ako humingi ng tulong at sa halip ay tumulong ako kay John.”Kilala nila ang isa’t isa ng maraming taon na, at kilala lang ni Joshua si John mula kela Luna at Anne. Kaya naman, humingi dapat ng tulong si Joshua mula kay John noong nagdesisyon siyang bumalik sa Banyan City, ngunit hindi niya ito ginawa, ito ang rason kung bakit sa tingin niya ay hindi niya dapat hinayaan na si Jude ang gumawa nito.“Bakit wala kang tiwala sa akin