Pagkatapos ng tanghalian, umupo si Joshua sa sofa at tumawag siya kay Jude.Sa sobrang saya ni Jude na mabalitaan na bumalik na si Joshua ay halos gusto niyang pumasok sa phone para yakapin si Joshua. “Nasaan kayo? Susunduin ko kayo ngayon! ‘Wag kang mag alala—pangako na hindi ko ito ipapaalam sa tatay mo, at gagawin ko ang lahat para maiwasan din ang mga reporter! ‘Wag kang mag alala, kaibigan ko! Ibigay mo sa akin ang address mo ngayon!”Hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti nang marinig niya ang pagkasabik sa boses ni Jude. “Ito ang rason kung bakit hindi ako humingi ng tulong at sa halip ay tumulong ako kay John.”Kilala nila ang isa’t isa ng maraming taon na, at kilala lang ni Joshua si John mula kela Luna at Anne. Kaya naman, humingi dapat ng tulong si Joshua mula kay John noong nagdesisyon siyang bumalik sa Banyan City, ngunit hindi niya ito ginawa, ito ang rason kung bakit sa tingin niya ay hindi niya dapat hinayaan na si Jude ang gumawa nito.“Bakit wala kang tiwala sa akin
Naaliw si Jude dahil dito. “Ang sinasabi mo ba ay—ang asawa mo ay maganda o hindi? Una, sinasabi mo na maganda siya kahit walang makeup, pero ngayon ay sinasabi mo na hindi siya mapapansin sa madla kung lumabas siya ng walang makeup?”Sinabi ni Jude, “Narinig mo ba ito, Luna? Isa siyang ipokrita!”Tumawa si Luna dahil dito. “Ayos lang sa akin. Baka hindi ako maganda sa pananaw ng iba, pero basta sa tingin niya ay maganda ako, ‘yun lang ang mahalaga.”Pagkatapos, kinuha niya ang coat niya at tumalikod siya. “Mauuna na ako ngayon!”Nagbuntong hininga si Jude nang marinig niya na sumara ang pinto sa likod niya. “Ang katotohanan ay, naiinggit ako sa relasyon niyo ni Luna, pero…”Huminto siya at sinabi niya, “Ayaw ko talaga makasama si Miss Chance, pero ang babaeng mahal ko ay pinalayas ng Banyan City ng mga magulang niya dahil sa family background niya. Ang katotohanan ay, kailangan mo maging maswerte para makahanap ng taong magmamahal sayo na nababagay sayo.”Ngumiti si Joshua dahil
Nabigla si Luna. “Ito ba ang babaeng nilasing ka at niloko ka para magsiping kayo?”Nawala ang kulay sa mukha ni Jude nang marinig niya ito. “Oo, tama.”“Medyo maganda siya.” Tumingin si Luna kay Vanessa, pagkatapos ay tumingin siya kay Jude. “Bagay kayong dalawa.”Gumulong ang mga mga mata ni Jude. “Gwapo naman ako, kaya syempre bagay ako sa kahit sino.”Pagkatapos, tila para ba patunayan ang punto niya, lumipat ang atensyon niya kay Anne at sinabi niya, “Bagay din kami ng kaibigan mo.”Si Anne, na siyang nakikinig ng tahimik, hindi niya inaasahan na siya ang maging pokus ng pag uusap. Mabilis siyang kumaway at sinabi niya, “Hindi mo ito pwedeng sabihin ng basta basta, Mr. Smith. May isang taong gulang na anak ako sa asawa ko.”Huminto si Jude, pagkatapos ay tumingin siya kay Anne. “Sayang naman. Kung single ka, baka pag isipan ko na makilala ka mula kay Luna.”Ngumiti si Anne dahil dito. “Sa kasamaang palad, lumipas na ang pagkakataon mo, Mr. Smith.”Pagkatapos, tumingin siya
Kumunot ang noo ni LUna.“Kilala mo ba sila?” Sumunod ang tingin ni Anne kay Luna, nakita niya rin ang magkasintahan na pumasok sa pinto. Gayunpaman hindi niya makita ang mukha ng babae mula sa kanyang inuupuan at nakita niya lang kung sino ang lalaki.Tumaas ang mga kilay niya dahil dito. “Uy, hindi ba’t si James Shore ‘yan?”Nabigla si Luna at napatingin siya kay Anne. “Kilala mo ba siya?”“Oo.” Tinikom ni Anne ang mga labi niya. “Siya ang leader sa isa sa mga local gang dito sa Banyan City, nakaakyat siya sa pwesto niya nitong nakalipas na dalawang taon. Pumunta pa siya minsan sa kumpanya ni John para takutin ang mga empleyado doon. Kung hindi tumawag ng pulis si John, sigurado ako na sinaktan na ni James ang mga empleyado.”Nabigla si Luna dahil dito. “Ano ang nangyari pagkatapos? Sinubukan niya bang maghiganti pagkatapos tumawag ni James ng pulis?”Kadalasan, maghihiganti ang mga taong tulad nila sa tao na nagsumbong sa kanila sa pulis pagkatapos nilang pakawalan.“Hindi si
“Lalapit ako para makinig sa pag uusap nila.” Kumindat si Anne kay Luna. “Kung ang babaeng ito ay may kinalaman kay Fiona at nandito siya para maghiganti sa inyo ni Joshua, siguradong makikilala ka niya, pero para naman sa akin…”Nagpatuloy siya ng may masayang tingin. “Kahit na best friends tayong dalawa, kami ni John ay masyadong malayo sa mundo niyo ni Joshua, at minsan lang kami lumabas sa publiko na magkasama. Kahit si Fiona ay hindi malalaman ang tungkol sa pagkakaibigan natin, kaya hindi ito malalaman ng babaeng ‘yun. Mas mabuti kung ako ang makinig sa halip na ikaw!”Pagkatapos, ibinaba niya ang tasa, nagpanggap siya na kailangan niya pumunta sa banyo, at sinasadya niyang lagpasan ang mesa nila Jacqueline at James.Tama siya; hindi siya naaalala ni Jacqueline. Nang lumagpas siya sa mesa, ang tingin ni Jacqueline ay hindi nagbago at nagpatuloy ito sa pakikipag usap kay James.Hindi nagtagal, tumunog ang phone ni Luna dahil sa mga message ni Anne, na sinend niya mula sa banyo
“Ako ang bahala.” Agad na tumayo si Jude nang marinig niya ang balisa sa boses ni Luna at naglakad siya patungo sa counter ng restaurant.“Umupo ka muna, Mrs. Lynch.” Mabilis na sumenyas si Vanessa sa upuan. “‘Wag kang mag alala, ayos lang siguro ang kaibigan mo.”Tumingin si Luna kay Vanessa at tatanggi sana siya sa alok nang makita niya ang ngiti sa mukha ni Vanessa. Pagkatapos magdalawang isip, nagdesisyon siya na umupo.Dahil umalis si Jude para tingnan ang surveillance tapes, ang tanging bagay na pwede niyang gawin ay ang hintayin siya.Pagkatapos umupo, nilabas ni Luna ang phone niya at tumawag siya kay Joshua. “Tiningnan ni Jude ang surveillance tapes. Pwede mo ba akong tulungan ihack ang system para tingnan ang mga surveillance camera sa kalsada para makita kung saan pumunta si Anne? Imposible na umalis si Anne na hindi nagsasabi—may nangyari siguro.”Kumunot ang noo ni Joshua, nilabas niya ang laptop niya, at nagsimula siyang magtype ng code. “Bakit ako ang pinili mong ta
“Ano ‘yun?” Kumunot ang noo ni Luna, mabilis niyang tinanong habang nilagay niya sa speaker mode si Joshua.“Kinidnap si Anne.” Nagbuntong hininga si Jude at nagpatuloy siya, “Mula sa surveillance tapes, may babaeng nakasuot ng itim na kumidnap sa kanya at itinakas siya mula sa back door.”Pagkatapos, naglabas siya ng isang piraso ng papel mula sa bulsa niya at ibinigay niya ito kay Luna. “Natagpuan ito ng mga empleyado mula sa back door.”Nabigla si Luna, pagkatapos ay kinuha niya ang isang piraso ng papel mula kay Jude.May nakasulat dito, [‘Wag kang mag alala, Ms. Luna, hindi namin sasaktan ang kaibigan mo, pero hindi namin masisigurado kung ano ang gagawin namin kung hindi ka dumalo sa kasal ngayong gabi.]Nabigla si Luna dahil dito.Ano ang binabalak ng taong ito? Kinidnap ba nila si Anne para lang takutain si Luna para dumalo sa kasal nila Adrian at Jacqueline?“May nahanap rin ako mula sa surveillance tapes,” Ang sabi ni Joshua, nakakunot ang kanyang noo, nang marinig niy
“Hindi ako masyadong sigurado tungkol dito.” Kumunot ang noo ni Vanessa. “Ang alam ko lang ay ang kapatid niya ay may sariling loan shark company, at nagtatrabaho siya para sa kapatid niya simula nang umalis siya sa school. Hindi ako masyadong malapit sa kanya, pero alam niya na ang pamilya ko ay may sariling business. Kaya naman, minsan niyang inalok ako ng palihim kung gusto kong makipag tulungan sa business, dahil dati kaming magkaibigan, at tutulong siya sa akin para makuha ang pera na inutang sa akin ng mga tao.”Nahihiya na knamot ni Vanessa ang ulo niya at nagpatuloy siya, “Kahit na marami akong pinahiram na pera sa ibang tao, hindi ako humingi ng tulong kay Willow dahil akala ko ay hindi ko talaga kailangan na singilin ang lahat para sa pera, ngayon at ang ilan sa kanila ay may maraming problema.”Sa huli, lumingon siya para tumitig kay Luna. “Pero, dahil ang kaibigan mo ay kinidnap ni Willow, pwede ko gamitin ang pagkakataon na ito para makipagkita sa kanya, at baka may matu