“Hindi ako masyadong sigurado tungkol dito.” Kumunot ang noo ni Vanessa. “Ang alam ko lang ay ang kapatid niya ay may sariling loan shark company, at nagtatrabaho siya para sa kapatid niya simula nang umalis siya sa school. Hindi ako masyadong malapit sa kanya, pero alam niya na ang pamilya ko ay may sariling business. Kaya naman, minsan niyang inalok ako ng palihim kung gusto kong makipag tulungan sa business, dahil dati kaming magkaibigan, at tutulong siya sa akin para makuha ang pera na inutang sa akin ng mga tao.”Nahihiya na knamot ni Vanessa ang ulo niya at nagpatuloy siya, “Kahit na marami akong pinahiram na pera sa ibang tao, hindi ako humingi ng tulong kay Willow dahil akala ko ay hindi ko talaga kailangan na singilin ang lahat para sa pera, ngayon at ang ilan sa kanila ay may maraming problema.”Sa huli, lumingon siya para tumitig kay Luna. “Pero, dahil ang kaibigan mo ay kinidnap ni Willow, pwede ko gamitin ang pagkakataon na ito para makipagkita sa kanya, at baka may matu
Doon lang napagtanto ni Luna na may mali sa kanyang sinabi.Kakakilala niya lang kay Vanessa ngayon at nag usap lang sila ng saglit. Kaya naman, ang pagtatanong kay Vanessa tungkol sa relasyon nito ay biglaan at bastos.Ngunit, noong hihingi na sana siya ng tawad, ngumiti si Vanessa. “Syempre naman.”Tumingin siya sa direksyon ni Jude, hawak ang kanyang tasa, at ngumiti siya. “Kung hindi, bakit ako magiging desperado para pakasalan siya?”Huminto si Luna at bigla niyang naalala ang sinabi ni Jude sa kanya.Sinabi sa kanya ni Jude na si Vanessa ay gumagamit ng maraming panloloko para pakasalan siya nito, pati na rin ang palayasin ang babaeng mahal ni Jude palabas ng bayan, ang pagpapainom ng gamot kay Jude, at ang sumiping kay Jude habang lasing.Kumunot ang noo ni Luna habang iniisip ito. “Ikaw…”“Tatanungin mo ba ako kung sinubukan ko siyang lokohin para pakasalan ako?” Ngumiti si Vanessa nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ni Luna at nagboluntaryo siyang ibigay ang imporm
Kumunot ang noo ni Luna nang mapansin niya ang gulat sa mukha ni John. “Kilala niyo ba ang isa’t isa?”“Oo.” Ngumiti si Vanessa. “Ang asawa niya ay dating isang plastic surgeon sa hospital, at nakilala ko siya doon at nakausap ko pa siya ng kaunti. Pagkatapos, noong nagsisimula siya ng sarili niyang negosyo, pinahiram ko pa siya ng pera.”Biglang lumingon si Vanesssa para tumitig kay John na para bang bigla siyang may naalala. “Ikaw pala ang asawa ng kaibigan ni Mrs. Lynch?”“Um…” Tumingin si John kay Luna habang sinasabi ito.“Oo, ang nakidnap ay si Dr. Zimmer.” Kumunot ang noo ni Luna, pagkatapos ay ngumiti siya nang mapagtanto niya ang iniisip ni Vanessa. “Muntik ko nang makalimutan—sinabi sa akin ni Anne na nakilala ka na ni Anne sa hospital dati.”Nakahinga na ng maluwag si Vanessa dahil dito. “Si Dr. Zimmer pala ang kinidnap.”Muntik niya nang isipin na nasira ang kasal nila John at Anne at ang asawa ni John na kinidnap ay ibang tao.“Hindi ko alam na sumailalim ka na pala
“Vanessa Chance?” Pagkatapos pumasok ng interrogation room, umupo si Vanessa sa upuan at nagdial siya ng number ni Willow tulad ng sinabi ng pulis.Medyo nagulat si Willow nang matanggal niya ang phone call. “Bakit bigla kang tumawag sa akin?”Alam ni Willow na ang mga mayayamang socialite na tulad ni Vanessa ay ayaw makisama sa mga mababang tao na tulad niya.“Oo, ako nga.” Huminto si Vanessa nang mapansin niya ang gulat sa boses ni Willow at sumagot siya, “Naaalala mo pa rin ba na lumapit ka sa akin noong dalawang taon na ang nakalipas noong sinabi mo na matutulungan mo akong singilin ang pera ko?”Tumahimik ng ilang sandali si Willow, pagkatapos ay tumawa siya. “Oo, pero hindi ba’t sinabi mo sa akin na hindi mo kailangan ng tulong ko?”“Oo, pero kailangan ko ito ngayon,” Ang sabi ni Vanessa, tumingin siya sa pulis sa tabi niya.Sumenyas ang pulis sa kanya na magpatuloy siya sa pakikipag usap at pahabain niya ang pag uusap nila ni Willow.Nakaupo sina Luna at John sa tabi, mas
Tumakbo palapit si Luna at tumingin siya sa direksyon ng signal.Kumunot ang noo niya nang makita niya ang pamilyar na lokasyon.Ang lokasyon ng phone signal ni Willow, na makikita sa screen… ay malapit sa Orchard Manor!Ito ang mansyon na binuo ni Joshua para kay Luna bilang sorpresa, ngunit dahil sa panloloko ni Aura na nagresulta sa pag alis ni Luna, ang mansyon ay inabandona.Pagkatapos, nang makasama si Fiona para iligtas si Nigel, hinayaan ni Joshua na tumira si Fiona doon, at nang sunugin ni Aura ang Blue Bay Villa, sina Joshua, Luna, at ang mga bata ay tumira saglit doon.Makalipas ang isang taon, pagkatapos maayos ang Blue Bay Villa, umalis sila ng Orchard Manor, at ang lugar na ‘yun ay abandonado na ulit.Hindi inaasahan ni Luna na… sina Jacqueline at Willow ay ikukulong si Anne doon!Kumunot ang noo ni Luna habang nakatitig siya sa pamilyar na lokasyon.Ito ang lugar kung saan nabuhay si Fiona bago siya namatay, ngunit dinala ni Jacqueline at Willow si Anne dito… Ito
Pagkatapos, binitawan ni Willow ang kutsilyo, tumunog ito sa sahig, at naglakad na siya palayo.Ang maliit na basement ay mabilis na napuno ng amoy ng dugo.…Pumayag sina Vanessa at Willow na magkita sa isang maliit na restaurant sa malapit sa Orchard Manor.Nagpatuloy sa pakikipag usap si Vanessa kay Willow simula nang lumabas siya ng police station, at habang sinusundan sila ng mga pulis, dumating sila ni Luna sa restaurant, kung saan sumunod si John sa ibang mga pulis patungo sa Orchard Manor para iligtas si Anne.Dahil si Willow ay isang tauhan lang at hindi siya ang mastermind sa likod ng kidnapping, pagkatapos mag usap kela Luna, John, at ng mga pulis, nagdesisyon sila na hayaan si Vanessa na magpatuloy sa pagkuha ng atensyon kay Willow habang ang iba ay hinahanap si Anne.Pagkatapos ng 15 minuto, ang lahat ay nasa taguan nila sa paligid ng restaurant, at tumawag si Vanessa kay Willow.“Malapit na ako!” Tila sabik si Willow sa phone. “Kung hindi dahil sa traffic, nandya
Kinagat ni Luna ang labi niya, naghanap siya ng dahilan para lumabas ng backdoor ng restaurant at tumawag siya kay John.Si Willow ang kumidnap kay Anne, at magkasama sila bago siya nakipagkita kay Vanessa.May bakas ng dugo sa kanyang mga kamay, at sinabi niya pa na pumatay siya ng manok… hindi posibleng hindi mag isip ng maraming bagay si Luna dahil dito.Mahigpit ang hawak niya sa phone at puno ng pawis ang kanyang mga palad. Habang nakikinig siya sa dial tone, tahimik siyang nagdasal ng paulit ulit na sana ay nagbibiro lang si Willow at ayos lang si Anne.Sumama si Anne sa kanya ngayong araw at pumunta lang ito sa banyo para tumulong sa pakikinig sa pag uusap nila Jacqueline, at ito ang rason kung bakit nakidnap si Anne.Sa maraming taon na nakilala niya si Anne, tinulungan siya nito ng maraming beses, at minsan lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magbonding. Kung may masamang nangyari kay Anne dahil sa kanya, paano niya haharapin si John at ang anak ng mga ito?Paano siya
“Ano ba ang pinagsasabi mo, Anne…” Nagsimulang umiyak si John habang tinanggal niya ang coat niya at nilagay niya ito sa katawan ni Anne. “Anne, kumapit ka. Dadalhin kita sa hospital ngayon! May masayang kinabukasan pa na naghihintay para sa atin, at bata pa si Samme, hindi ka pwedeng…” Pumipiyok ang boses niya. “Hindi mo kami pwedeng iwanan! Anne, kumapit ka…” Binuhat ni John si Anne mula sa sahig at tumakbo siya palabas ng basement na parang isang baliw, dumiretso siya sa isang kotse ng pulis na nakapark sa labas. Dahil nasa kotse ng pulis sila, walang humarang sa daan nila, at ang biyahe nila mula sa Orchard Manor ay maayos. Maingat na niyakap ni John si Anne palapit at hinalikan niya ang maputlang mukha nito. “Makakaligtas ka dito, sigurado ako. Kakayanin mo ito. Anne, hindi kami mabubuhay ni Sammie kung wala ka, hindi kami…” Pinunasan niya ang mga luha niya habang sinasabi ito.Simula nang makilala niya si Anne, ang direksyon ng buhay nila ay naging madali, wala silang pa