Pagkatapos, binitawan ni Willow ang kutsilyo, tumunog ito sa sahig, at naglakad na siya palayo.Ang maliit na basement ay mabilis na napuno ng amoy ng dugo.…Pumayag sina Vanessa at Willow na magkita sa isang maliit na restaurant sa malapit sa Orchard Manor.Nagpatuloy sa pakikipag usap si Vanessa kay Willow simula nang lumabas siya ng police station, at habang sinusundan sila ng mga pulis, dumating sila ni Luna sa restaurant, kung saan sumunod si John sa ibang mga pulis patungo sa Orchard Manor para iligtas si Anne.Dahil si Willow ay isang tauhan lang at hindi siya ang mastermind sa likod ng kidnapping, pagkatapos mag usap kela Luna, John, at ng mga pulis, nagdesisyon sila na hayaan si Vanessa na magpatuloy sa pagkuha ng atensyon kay Willow habang ang iba ay hinahanap si Anne.Pagkatapos ng 15 minuto, ang lahat ay nasa taguan nila sa paligid ng restaurant, at tumawag si Vanessa kay Willow.“Malapit na ako!” Tila sabik si Willow sa phone. “Kung hindi dahil sa traffic, nandya
Kinagat ni Luna ang labi niya, naghanap siya ng dahilan para lumabas ng backdoor ng restaurant at tumawag siya kay John.Si Willow ang kumidnap kay Anne, at magkasama sila bago siya nakipagkita kay Vanessa.May bakas ng dugo sa kanyang mga kamay, at sinabi niya pa na pumatay siya ng manok… hindi posibleng hindi mag isip ng maraming bagay si Luna dahil dito.Mahigpit ang hawak niya sa phone at puno ng pawis ang kanyang mga palad. Habang nakikinig siya sa dial tone, tahimik siyang nagdasal ng paulit ulit na sana ay nagbibiro lang si Willow at ayos lang si Anne.Sumama si Anne sa kanya ngayong araw at pumunta lang ito sa banyo para tumulong sa pakikinig sa pag uusap nila Jacqueline, at ito ang rason kung bakit nakidnap si Anne.Sa maraming taon na nakilala niya si Anne, tinulungan siya nito ng maraming beses, at minsan lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magbonding. Kung may masamang nangyari kay Anne dahil sa kanya, paano niya haharapin si John at ang anak ng mga ito?Paano siya
“Ano ba ang pinagsasabi mo, Anne…” Nagsimulang umiyak si John habang tinanggal niya ang coat niya at nilagay niya ito sa katawan ni Anne. “Anne, kumapit ka. Dadalhin kita sa hospital ngayon! May masayang kinabukasan pa na naghihintay para sa atin, at bata pa si Samme, hindi ka pwedeng…” Pumipiyok ang boses niya. “Hindi mo kami pwedeng iwanan! Anne, kumapit ka…” Binuhat ni John si Anne mula sa sahig at tumakbo siya palabas ng basement na parang isang baliw, dumiretso siya sa isang kotse ng pulis na nakapark sa labas. Dahil nasa kotse ng pulis sila, walang humarang sa daan nila, at ang biyahe nila mula sa Orchard Manor ay maayos. Maingat na niyakap ni John si Anne palapit at hinalikan niya ang maputlang mukha nito. “Makakaligtas ka dito, sigurado ako. Kakayanin mo ito. Anne, hindi kami mabubuhay ni Sammie kung wala ka, hindi kami…” Pinunasan niya ang mga luha niya habang sinasabi ito.Simula nang makilala niya si Anne, ang direksyon ng buhay nila ay naging madali, wala silang pa
Pinaalis na ni Vanessa si Willow nang magring ang phone ni Luna. Umupo silang dalawa sa upuan at nagdasal sila na ayos lang si Anne habang nakatingin sila sa direksyon kung saan umalis si Willow.Si John ang tumatawag kay Luna.“Ayos lang ba ang lahat?” Nang sagutin ang phone, balisang tinanong ni Luna, “Nahanap niyo ba si Anne?”“Oo.” Tumunog ang boses ni John… malamig ito sa kabilang linya ng phone. “Patay na si Anne.”Nagyelo ang dugo ni Luna nang marinig niya ang impormasyon na ito. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang phone at nanginig ang kamay niya. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, ang boses niya ay nanginginig at sinabi niya, “John, ito ba… ay isang biro lang?”“Sa tingin mo ba ay makikipagbiro ako sayo?” Ang galit na sinabi ni John. “Nang dumating kami sa hospital, sinabi ng doctor na masyadong maraming dugo ang nawala kay Anne at huli na ang lahat. Hindi na siya maliligtas.”“Tandaan mo ito, Luna: Ang pagkamatay ni Anne ay dahil sayo.”Kung hindi pinili nila Luna at
Nanginig si Luna nang marinig niya ang dial tone mula sa phone.Thump! Bumagsak ang phone sa sahig.Ang nabiglang si Vanessa ay mabilis na lumapit para saluhin si Luna mula sa pagbagsak. “Ano ang problema?”“Pi…” Tumingin si Luna kay Vanessa, at tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Pinatay ko si Anne.”“Pinatay ko si Anne…”Kung hindi lang siya nainip at nanatili sa maliit na bahay kasama si Joshua, at kung hindi niya niyaya si Anne para magshopping, hindi sana mangyayari ito. Kung pinigilan niya si Anne sa pakikinig sa pag uusap nila Jacqueline at James, hindi sana mangyayari ito.Siya ang pumatay kay Anne. Pinatay niya ang best friend niya—isang napakahalagang kaibigan.Kinagat niya ang labi niya. Napuno siya ng kalungkutan. Dumilim ang paningin niya bago siya nawalan ng malay.Sinuportahan ni Vanessa ang katawan ni Luna at kumunot ng malalim ang noo niya. Ang pulis at may ari ng store ay mabilis na tumawag ng 911. Pagkatapos, tinulungan nila si Vanessa para pahigain si Luna
Hindi pa bumalik ang malay ni Luna kahit na dumating na si Joshua sa hospital.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Vanessa, na siyang nakatayo sa tabi ng pinto. “Ano ang nangyari?”Huminto si Vanessa bago niya sinabi ang nangyari na tulad ng sinabi niya kay Jude.“Hindi tungkol dito ang tinatanong ko.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Tinatanong ko kung bakit niyo ginawa ang desisyon na ito?”Huminto si Vanessa, namutla ang kanyang mukha. “Sa mga oras na ‘yun, akala namin… kailangan lang namin ipain palayo si Willow para maligtas si Anne.”Kumunot ang noo ni Joshua. “Bakit sa hindi kayo nag isip bago kayo nagdesisyon? Kung ang misyon na binigay ni James kay Willow ay ang patayin si Anne, ano sa tingin mo ang gagawin ni Willow para hindi makatakas si Anne sa oras na ipain niyo siya palabas?”Yumuko ng tahimik si Vanessa pagkatapos pakinggan ang sinabi ni Joshua. “Papatayin… niya si Anne para hindi makatakas si Anne.”Hindi niya ito naisip. Sa nakalipas na 20 taon, nabuhay s
Kumunot ng malalim ang noo ni Joshua dahil sa sinabi ni Jude. “Hindi ba’t sinabi mo na hindi ka interesado kay Ms. Chance?”‘Bakit gusto protektahan ni Jude si Vanessa? Ito ay para bang mas malapit pa sila sa isa’t isa kaysa sa isang tunay na magkasintahan.’ Ito ang naisip niya.Pakiramdam ni Jude na para bang may sumasakal sa kanya. Hinawakan niya ang leeg niya, sumagot siya, “Nagiging makatwiran lang ako. Hindi mo pwedeng isisi ang lahat kay Vanessa dahil lang nagmalasakit siyang tumulong. Baka nga may parte siya dito, pero ang tunay na may sala ay ang mga tao na pumatay kay Anne.”Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Vanessa, na sa kanyang gulat, ay hinawakan ang likod ni Jude. “Hindi kalmado si Joshua ngayon. ‘Wag mong pansinin ang sinabi niya.”Pagkatapos, hinawakan ni Jude ang kamay ni Vanessa. “Tara na.”Naglakad siya palabas ng hospital habang hawak ang kamay ni Vanessa.Tumayo ng direcho si Joshua at sumingkit ang mga mata niya, tumitig siya kela Jude at Vanessa hab
“Oo, masyadong pagod lang ako.” Tumingin si Joshua sa orasan. “Maghintay ka dito. Kakausapin ko ang doctor para makalabas ka na ng hospital.Huminto si Luna at sumagot siya, “Sige. At dalian mo. Hindi ba’t alas otso ng gabi magsisimula ang kasal ni Adrian?”Tatlong oras na lang ang natitira.Huminto si Joshua at tumango siya. “Sige.”Tumalikod siya at umalis na siya ng ward.…Sa loob ng opisina ng doctor.“Base sa sinabi niyo, nahimatay si Mrs. Lynch pagkatapos niyang malaman ang pagkamatay ng bestfriend niya, at hindi niya ito maalala pagkatapos niyang gumising…”Tumingin ang doctor kay Joshua at huminga siya ng malalim. “Meron siyang stress response pagkatapos niyang matrauma. Ang balita ng pagkamatay ng bestfriend niya ay masyadong nakakagulat para sa kanya, kaya ang utak niya ay nagdesisyon na alisin ang alaalang ito pagkatapos niyang mahimatay.”Nagsulat ng ilang salita ang doctor sa chart. “Pero, pansamantala lang ito at hindi ito magtatagal. Karaniwan, dapat ay babalik