Pagkatapos tumalikod, nakita ni Joshua ang bakas ng dugo sa kumot kung saan nakahiga si Alice kanina.Nagbuntong hininga si Joshua at nagiwan siya ng note sa kama. Pagkatapos, umalis na siya ng kwarto.Samantala, sa loob ng banyo, natuklasan ni Alice na may period pala siya ngayon. Sa sobrang inis niya ay parang gusto niyang ihampas ang ulo niya sa pader.Hindi siya makapaniwala sa maling pagkakataon na ito. Plano niyang akitin si Joshua para siya na ang asawa nito, pero biglang nasira ang plano niya dahil sa menstruation.Nilinis ni Alice ang kanyang sarili at kinalkal niya ang medicine cabinet hanggang sa mahanap niya ang birth control pill. Ininom niya ang pill ng isang lunok. Gagawin niya ang lahat para makasiping niya si Joshua!Lumabas ng banyo si Alice habang nakangiti, ngunit hindi niya na matagpuan si Joshua. Sa halip, may isang bowl lang ng mainit na soup sa mesa sa tabi ng kama, kasama ang isang pack ng mga tampon.May katulong na busy sa pagpalit ng kumot at punda ng
“Wala naman.” Tinikom ni Anne ang mga labi niya. “Tulad ng alam mo, ang ospital namin ang may pinakamagandang plastic surgery department sa buong Banyan City. Nung nakaraan, maraming tao ang naghanap sa amin kung may nakakita sa amin kay Hailey. Iniisip nila na baka dumaan siya sa ospital namin.”Nagpatuloy siya, “‘Yun nga, nabalitaan ko na obsessed ang Hailey na ‘yun sa plastic surgery simula nung iniwan siya ng nobyo niya. Planado ang kasal nila, pero ayaw siyang pakasalan nung lalaki.”Kalmadong sumubo si Luna ng pagkain gamit ang tinidor. “Ang nobyo niya ay walang iba kundi si Joshua Lynch.”Natulala si Anne. “Ibig sabihin… ang taong umagay sa nobyo niya ay…”“Ako.” Ngumiti si Luna kay Anne. “Nakakagulat, hindi ba?”Tumingin pa rin sa kanya si Anne. “Nakakagulat nga talaga.”Natapos na si Luna sa pagkain at binaba niya na ang kanyang kutsara at tinidor. Tumayo siya, kinuha ang kanyang coat, at sinabi niya kay Anne habang sinusuot ito, “Tulad ko, si Ms. Walter ay isang kawawan
Nagkibit balikat si Luna at binalik niya ang phone kay Shannon. “Bumalik na kayo sa trabaho. Hindi dapat kayo tumitingin sa ganitong bagay kapag oras ng trabaho.”Natulala si Shannon. “Director Luna, ayaw niyo po ba… ipaliwanag?”Tumingin sa kanya si Luna. “Bakit ko kailangan magpaliwanag sayo? Baka ganito ko nalang sasabihin: Walang maniniwala sa inyo kahit na magpaliwanag ako, kaya’t bakit ko sasayangin ang lakas ko?” Pagkatapos, tumalikod siya at bumalik siya sa opisina niya ng nakangiti.Sa katotohanan, walang pakialam si Luna kung pumunta si Alice sa media. Wala siyang pakialam kung nakita ng lahat ang article at inisip nilang lahat na isang siyang sakim at selosang babae. Matagal nang wala ang Luna na may pakialam sa opinyon ng iba, na sinusubukan pasayahin ang lahat ng nakikilala niya.Ang gusto niya lang gawin ay tapusin ang mga sketch sa oras para madala niya sa labas sila Neil at Nellie na tulad ng pinangako ni Joshua.Busy ulit siya ng buong araw. Nung dumating na ang o
Mahigpit ang hawak ni Luna kay Granny Lynch habang nakatitig siya ng masama dito. “Peke ang painting na nasira ko. Hindi naman ‘yun ang tunay, kahit na ‘yun man ang tunay, wala kayong karapatan na sermonan ako tungkol dito!”“Director Luna…” Biglang may kumatok sa pinto, at pumasok si Courtney. “Gusto ni Mr. Lynch na…” Tumigil si Courtney nang makita niya ang eksena sa harap niya. Mukhang nag aaway ang dalawang babae. Napunta ang tingin ni Courtney sa galit na ekspresyon ni Luna habang nakahawak sa mga braso ni Granny Lynch.Kahit na nabigla si Courtney, bumalik din siya sa kanyang sarili. Agad siyang lumapit. “Director Luna, bitawan mo si Granny Lynch. Siya ang lola ng CEO!”Pagkatapos niyang sabihin ito, sumimangot si Granny Lynch at tumili siya. “Ang sakit! Masakit! Nabalian ata ako! Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Nabali ata ang buto ko!”Nakakuha ng atensyon ng lahat ng tao sa kwarto ang mga sigaw ni Granny Lynch. Lumapit ang mga empleyado sa pinto ni Luna, sinubukan nila
Dinala ni Courtney si Luna at Theo sa opisina ni Joshua. Nang makarating sila, nakaupo si Granny Lynch sa sofa habang gumagawa ng eksena. “Joshua, matanda na ako, at hindi na kasingtibay ng dati ang mga buto ko. Mahigpit ang hawak sakin nung babaeng Luna kanina. Akala ko mababali na ang mga buto ko!” “May halagang sampung milyong dolyar ang painting! Hindi maliit na halaga ‘yun. Paano mo nabayaran ‘yun ng basta basta lang? Alam mo ba na pwede kong bumili ng isang buong set ng alahas ni Moon sa ganung halaga?” Narinig nila Luna at Theo ang mga reklamo ni Granny Lynch mula sa labas ng pinto. Nakinig dito si Theo ng may seryosong ekspresyon. Ngunit, pagkatapos ng ilang saglit, tumingin siya kay Luna ng naaaliw. “Mukhang fan rin si Granny Lynch ng mga gawa mo.” Ngumisi si Luna ngunit hindi siya sumagot. Mahinang kumatok sa pinto si Courtney bago siya pumasok ng kwarto. “President Lynch, nandito na po si Director Luna.” Nakaupo si Joshua sa upuan niya habang kurot niya ang kanya
Alam ni Luna na nagsisinungaling si Granny Lynch sa sarili niya.“Sinabi niyo po na hindi pa po kayo sinuway ni Mr. Lynch? Noong mga nakalipas na taon, gusto niyo po na pakasalan niya si Hailey Walter, pero sa halip, pinakasalan niya po si Luna Gibson. Nang mamatay po si Luna Gibson, gusto niyo po na magpakasal pa rin si Mr. Lynch kay Hailey, pero naengage po siya kay Aura Gibson. Binigay niyo po ang basbas kay Aura, pero sa huli, naghiwalay po sila.” Tumitig si Luna kay Granny Lynch. “Buong buhay po kayong sinusuway ni Mr. Lynch. Kailan pa po ba siya nakinig sa inyo?”Akala ni Luna ay tatahimik na si Granny Lynch at mababalikan niya na ito sa pagsira ng sketch niya. Ngunit, sa kanyang ikinagulat, tumawa lang si Granny Lynch.“Walang katotohanan ang mga sinabi mo. Ang katotohanan, hindi ako ang may gusto na pakasalan ni Joshua si Hailey Walter—hiling ‘yun ng tatay niya. Mukhang hindi mo alam kung gaano kalaki ang respeto sa akin ni Joshua.” Mayabang na nagpatuloy si Granny Lynch, “N
Kinuha ni Granny Lynch ang cheke mula kay Theo at tingingnan niya ito. Ang ekspresyon niya ay parang nalilito. Bakit nakapirma ang pangalan ni Joshua sa baba?Ngumiti si Theo. “Ang rason kung bakit po ako nandito, maliban sa pagsundo kay Luna mula sa trabaho, ay dahil gusto ko po itong ibalik kay Joshua.”Sumimangot si Granny Lynch nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari. Pagkatapos ng ilang saglit, lumaki ang mga mata niya at tumingin siya kay Theo. “Ito ba ang cheke na binayad ni Joshua kay Mr. Allen? Ikaw ba…”“Ako po si Theo Allen.” Ngumiti si Theo kay Granny Lynch. “Gusto ko rin po ipaliwanag sa inyo, Granny, na ang tunay na painting na may halagang sampung milyong dolyar ay nasa study room ko pa rin. Hindi ko po ‘yun nilalagay sa publiko. Ang nasirang painting ng araw na ‘yun ay isang peke.”Tumingin siya sa gulat na mukha ni Granny Lynch at nagpatuloy siya, “Nang matuklasan po ni mr. Lynch na nasira ang painting, agad niya pong ibinigay ang cheke bilang kabayaran. Pero,
Sa kasamaang palad, dahil nagretire na si Moon, ang lahat ng alahas na ginawa niya ay tumaas na ng sobra sa presyo. Halos imposible nang makuha niya ang mga ito dahil sa sobrang taas ng presyo.Sinabi ni Theo na ang babaeng nasa harap niya ngayon ay mismong si Moon. Natural na hindi ito pinaniniwalaan ni Granny Lynch.“Bakit naman po naging imposible?” Ngumisi ang mga labi ni Theo. “Magiging kaibigan po ba siya ng isang sikat na artist na tulad ko kung hindi ko po alam na siya si Moon?”Mas lalong namutla ang mukha ni Granny Lynch. Tumingin siya kay Theo at sinabi niya habang nanginginig ang boses, “Edi… ang drawing na pinunit ko.”“Higit po sa milyon milyon ang sketch na ‘yun.”Naubos ang dugo sa mukha ni Granny Lynch. Nang makita niya na hindi ito itinanggi ni Joshua, natiyak niya na totoo nga talaga ang sinasabi ni Theo.Tumingin si Joshua sa gulat na mukha ng lola niya at kinuha niya ang kanyang phone. Tumawag siya at sinabi niya sa taong nasa kabilang linya, “Pumunta ka sa o