Natigilan si Kate nang marinig iyon.Makalipas ang ilang segundo, inangat niya ang kanyang ulo, tinitigan mismo sa naghahanap na tingin ni Steven, at kinakagat ang kanyang labi dahil sa kaba. "Ano ang ibig mong sabihin, Steven? Wala ka bang tiwala sa akin?"Tumawa si Steven nang makita niya kung paano sinubukang ilihis ni Kate ang responsibilidad. "Ikaw ang hindi nagtiwala sa akin sa una pa lang."Hindi akalain ni Steven na lihim na susubaybayan ng kanyang fiancee ang bawat galaw niya.Kung hindi nito ginawa, paano nito nalaman ang address ng kanyang pribadong tirahan, lalo na't alam nito na nagdala siya ng isang babae pauwi mula sa airport?Hindi gaanong naalala ni Steven ang kanyang unang impresyon kay Kate. Bagama't alam na niya mula pa noong bata pa siya na ang mga pamilyang Hughes at Miller ay malapit at may kasunduan sa kasal, hindi niya kailanman pinapansin ang mga kaugaliang ito.Gayunpaman, nang magising siya pagkatapos ng limang taon ng pagka-coma, sinabi sa kanya ng la
Baka ginawa ito lahat ni Kate para sa ikabubuti ni Steven. Gayunpaman… “Kate.” Hinawakan ni Steven ang mga kamay ni Kate. “Kung… Kung mahal at pinapahalagahan mo talaga ako tulad ng sinasabi mo, bakit hindi ka nag alala noong sinabi ko sayo na masakit ang ulo ko at may mga masasamang panaginip ako?” Nabigla si Kate nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, kinagat niya ang labi niya at sumagot siya, “Kaya kong magpaliwanag. Makikinig ka ba sa akin, Steven?” … Sa hotel. Simula noong bumalik sila mula sa airport, nagkulong si Gwen sa kwarto dahil sa lungkot. Nagaalala si Luna na baka may masamang mangyari, kaya palihim siyang bumaba sa lobby para humingi ng isang kopya ng susi ni Gwen, pagkatapos ay palihim niyang binuksan ang pinto para makita kung ano ang ginagawa ni Gwen. Nakaupo si Gwen sa harap ng kanyang laptop, nagbabasa ng maraming pahina ng impormasyon tungkol kay Steven. Dahil lumaki si Steven sa Saigen City at galing siya sa isa sa mga pinakamayam
Pumikit si Joshua at nagbuntong hininga siya. “Luna, kumalma ka, at ipapaliwanag ko ang lahat.” Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. Umupo siya sa lounge chair sa balkonahe at sumingkit ang mga mata niya at tumitig siya sa bayan na puno ng niyebe sa ibaba. “Sige, nakikinig ako.” Gusto niyang marinig kung ano ang sasabihin ni Joshua tungkol dito. Nagbuntong hininga si Joshua nang mapansin niya ang galit ni Luna at sinabi niya ng mabagal, “Alam ko na galit ka sa akin ngayon, pero pag isipan mo ito: Ano ang reaksyon ni Steven noong nakasalubong mo siya sa airport kanina? Umamin ba siya na siya si Luke, o nakinig siya sa pagbanggit mo ng mga alaala mo kay Luke?” “Tandaan mo kung ano ang reaksyon ni Gwen nang makita niya si Steven kanina at kung ano ang kinikilos niya sa mga nakalipas na araw… Kung ikaw ang nasa lugar ko, lalapit ka ba para sabihin ang katotohanan pagkatapos makita na masama ang kilos ni Gwen sa mga nakalipas na araw tuwing nababanggit si Luke?” Tumahi
Bago pa matapos magsalita si Luna, bumukas ang pinto sa kwarto ni Gwen. Lumabas ng kwarto si Gwen at desperado niyang hinawakan ang mga kamay ni Rachel. “Ano ang nangyari, Dr. Liddell? Si Steven ba ay…” Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata at tumitig siya kay Rachel. “Siya… Siya ba ay si Luke?” Nang makita ni Rachel ang mga mata ni Gwen, kinagat niya ang labi niya at nagbuntong hininga siya. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Gwen. “Gwen, bakit hindi mo muna sabihin sa akin kung kamusta ka na?” Kakatanggap lang ni Gwen ng heart transplant noong nakalipas na dalawang buwan, at nag aalala si Rachel na ang puso ni Gwen ay hindi kakayanin ang mga balita na ibabahagi niya. “Mabuti naman ang kalagayan ko.” Kinagat ni Gwen ang labi niya at tumulo ang luha sa kanyang mukha. “Pakiusap, sabihin mo sa akin ang totoo, Dr. Liddell. Pangako, kakayanin ko ito.” Kumirot ang puso ni Luna nang makita niya ito. Naglakad siya patungo sa kanila at kinuha niya ang tissue at pinunasan niya
Biglang tumahimik ang buong kwarto. Kumunot ang noo ni Rachel at lumingon siya para tumitig kay Gwen na para bang hindi siya makapaniwala. Si Rachel ay isang doctor na dalubhasa sa pag gamot ng mga pasyente na comatose, kaya’t marami na siyang nakita na ganito at kalmado siya sa mga nakakastress na sitwasyon. Sa totoo lang, ang unang impresyon ni Rachel kay Gwen ay hindi maganda. Naalala ni Rachel ang maraming beses na sinubukan ni Gwen na tumakas mula kay Luke habang nasa Merchant City. Hindi lang ‘yun, nasaksihan niya pa na sinubukan ni Gwen na kumbinsihin si Kate na tulungan si Gwen para alagaan si Luke kapag wala na si Gwen. Kaya naman, naisip ni Rachel na si Gwen isang emosyonal na taong mabilis magbago ang isip. Gayunpaman, ang babaeng ito ay kalmadong tinatanong siya tungkol sa pagkamatay ni Luke na kalmado at nagulat si Rachel. Tumingin ulit siya kay Gwen ng nakakunot ang noo. “Akala ko ay pagkatapos makausap si Steven, ang utak mo ay puno lang ng pag iisip kay L
Kung ito nga ang nangyari… maipapaliwanag nito kung bakit malamig ang ugali ni Steven. Kinagat ni Gwen ang labi niya at naramdaman niya na tila umiikot ang ulo niya. Kumirot ang kanyang puso, at napaatras siya. Mabilis na lumapit si Luna para saluhin siya at niyakap siya nito. Pagkatapos umupo sa sofa, lumingon si Luna para tumitig kay Rachel. “Dahil sinabi mo na ang utak ni Steven ay nasa katawan ni Luke ngayon… paano naman si Luke?” Kinagat niya ang labi niya dahil sa kaba at tumingin siya kay Rachel na parang humihingi ng sagot. “Paano pala ang utak ni Luke? Ano ang nangyari sa lahat ng isipan, nakaraan, at kabuuan niya?” Ito rin ang tanong ni Gwen, gusto niyang malaman ang sagot. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya ng puno ng pag asa kay Rachel, umaasa siya na marinig ang sagot na gusto niya, ngunit… Pumikit si Rachel at nagbuntong hininga siya. “Inalis siguro nila ito at inilibing nila ito kasama ang katawan ni Steven.” Pagkatapos, tumahimik siya ng matagal
Tumahimik ang buong kwarto. Kumunot ang noo ni Rachel at tumingin muna siya kay Gwen, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. Sa huli, tumikhim siya at sumagot siya, “Alam ko na pareho kayong ayaw itong tanggapin, pero kailangan ko pa rin itong banggitin sa inyo.” “Si Gwen ay ang girlfriend ni Luke, hindi ang asawa niya. Kaya naman, sa legal na salita, wala siyang karapatan para magsalita para sa organ transplant na ito. Bukod pa dito, hindi obligado si Luke o ang pamilya niya na sabihin ang impormasyon sayo, kaya baka siya o ang kamag anak niya ang pumirma sa kasunduan na ito ng hindi mo nalalaman.” Kinagat ni Luna ang labi niya. “Si Luke ay isang ulila at wala siyang pamilya.” Napahinto si Rachel. “Edi ang tanging tao na kayang makapag desisyon para dito ay si Luke.” “Pero, ayon sa orihinal na plano niya, balak ni Luke na idonate ang puso niya kay Gwen pagkatapos niyang mamatay. Kaya naman, hindi posible na pumirma siya sa kasunduan nito sa pamilya Hughes o pamilya Miller p
Hindi inaasahan ni Rachel na biglang yuyuko si Gwen sa kanya, kaya huminto siya ng ilang sandali dahil sa gulat bago kumunot ang kanyang noo. “Gwen, kaibigan ka ni Luna, kaya kaibigan rin kita.” “Kahit hindi ako mabait sa ibang mga tao, hindi rin gawa sa bato ang puso ko, kaya hindi mo kailangan maging masyadong mabait sa akin.” Nagbuntong hininga siya at idinagdag niya, “Maghintay muna tayo hanggang sa lumabas ang DNA report bukas bago tayo magdesisyon sa dapat natin gawin, ayos lang ba?” Tumango si Gwen. Lumingon siya para tumingin kay Rachel ng huling beses bago siya bumalik sa kanyang kwarto. Pagkatapos isara ni Gwen ang pinto sa likod niya, nagbuntong hininga si Luna at tinapik niya ang balikat ni Rachel. “Nabigla ako dito.” Hindi niya inaasahan na si Rachel, na siyang laging kamado at malamig, ay kakausapin si Gwen ng maamo pagdating sa pasasalamat nito. Hindi lang ‘yun… Sa sobrang paninibago ni Luna ay hindi niya mapigilan na isipin na hindi ito si Rachel, kundi