Hindi inaasahan ni Rachel na biglang yuyuko si Gwen sa kanya, kaya huminto siya ng ilang sandali dahil sa gulat bago kumunot ang kanyang noo. “Gwen, kaibigan ka ni Luna, kaya kaibigan rin kita.” “Kahit hindi ako mabait sa ibang mga tao, hindi rin gawa sa bato ang puso ko, kaya hindi mo kailangan maging masyadong mabait sa akin.” Nagbuntong hininga siya at idinagdag niya, “Maghintay muna tayo hanggang sa lumabas ang DNA report bukas bago tayo magdesisyon sa dapat natin gawin, ayos lang ba?” Tumango si Gwen. Lumingon siya para tumingin kay Rachel ng huling beses bago siya bumalik sa kanyang kwarto. Pagkatapos isara ni Gwen ang pinto sa likod niya, nagbuntong hininga si Luna at tinapik niya ang balikat ni Rachel. “Nabigla ako dito.” Hindi niya inaasahan na si Rachel, na siyang laging kamado at malamig, ay kakausapin si Gwen ng maamo pagdating sa pasasalamat nito. Hindi lang ‘yun… Sa sobrang paninibago ni Luna ay hindi niya mapigilan na isipin na hindi ito si Rachel, kundi
Naaliw si Luna sa nanginginig na boses ni Theo. Nagbuntong hininga siya at muli siyang tumingin sa banyo, pagkatapos ay bumulong siya, “Nakita ko si Rachel na tumanggi sa phone call mo kanina.” Kinurot niya ang noo niya sa pagkayamot. “Sa tingin ko ay hindi siya papayag na sumama sa akin sa airport para sunduin ka.” Nagbuntong hininga si Theo nang marinig niya ito. “‘Yun ang rason kung bakit tumawag ako sayo; umaasa ako na makukumbinsi mo siya na makita ako…” Napuno ng pagkadismaya ang boses ni Theo. “Tutal, pumunta ako dito para lang makita siya, at gusto kong malaman niya kung gaano siya kahalaga para sa akin—mas higit pa sa pagpapahalaga ng fiance niya.” Hindi alam ni Luna kung ano ang isasagot niya dito. Malapit siya kay Caleb. Kaya naman, alam niya na ang engagement nila Rachel at Caleb ay peke—silang dalawa ay magkaibigan lamang. Kailangan ni Caleb ang engagement na ito para itago ang katotohanan na hindi siya mahilig sa babae, at gusto lang ni Rachel na pigilan si
Naghintay si Theo sa entrance ng airport sa kanyang manipis na damit ng halos kalahating oras. Nang isipin niya na baka mamatay na siya sa lamig, may isang kotse na huminto sa harap niya. Lumabas si Thomas sa kotse, tumingin siya sa lalaking may suot na manipis na trench coat sa klima na ito, at hindi niya mapigilan na ngumisi. “Diyos ko, isa kang sikat na sikat na artist. Bakit ang laki mong tanga?” Tumingin si Theo sa kanya, nakakunot ang noo. Naaalala niya ang taong ito; isa itong celebrity na sabi-sabi ay kasintahan ang isang katulong na nagtatrabaho para kay Luna. Hindi lang ‘yun, nabunyag noong magtagal na isa siyang pinsan ni Joshua. Dumilim ang ekspresyon ni Theo nang mapagtanto niya ito. Dahil si Thomas ang pumunta, ibig sabihin ay nandito rin si Joshua, ngunit hindi naman siya tumawag kay Joshua para sa tulong. Ibig sabihin ay si Luna ang nagpadala sa kanya. Ang rason kung bakit humingi ng tulong si Luna sa kanila ay… hindi niya nabago ang isip ni Rachel tungk
Bumuka ang sugat na gustong iwasan ni Theo dahil sa sinabi ni Joshua. Dumilim ang ekspresyon, at lumingon siya para tumitig sa bintana, umiwas siya sa tingin ni Joshua. “Pareho.” Lumingon si Thomas para tumingin kay Joshua. “Bakit mo kailangan patamaan ang sugat niya ng ganun?” Pagkatapos, tumingin siya kay Theo ng naaawa at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala. Kailangan ng oras at pasensya para hintayin na magbago ang isip ng babaeng mahal mo.” Ngumisi si Joshua at tumaas ang kilay niya kay Thomas. “Nagulat ako at ikaw ang nagsabi niyan.” Sinabi ni Thomas na kailangan maghintay para magbago ang isip ng isang babae, ngunit hindi siya nagpakita ng kahit anong senyales ng pasensya sa paghuli sa puso ni Yannie. Umikot ang mga mata ni Thomas kay Joshua, ngunit hindi siya sumagot. Si Lucas, na siyang nakaupo sa driver seat, ay tumawa dahil dito. “Ito po ang unang beses na nakita ko na nagbiruan kayo ni Mr. Howard, Sir.” Sina Joshua at Thomas ay naging busy sa trabaho nila simula
Nakatayo si Gwen sa harap ng pinto ni Rachel, hawak niya ang isang tray ng muffins na binake niya. Ngumiti siya kay Rachel at sinabi niya, “Dr. Rachel, six-thirty na ng umaga ngayon. Sinabi sa akin ni Luna na maaga kang gumigising, kaya naisip ko na gising ka na ngayon.” Binigyan niya ng muffin si Rachel at sinabi niya, “Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, kaya nagdesisyon ako na gawin na lang ito. Sana ay sapat na ito!” Tinikom ni Rachel ang mga labi niya dahil dito. “Gwen, kaibigan ka nila Luna at Theo, ibig sabihin ay kaibigan din kita.” “Ang rason kung bakit pumunta ako sa Saigen City ay dahil napansin ko na kamukha si Steven ni Luke sa litrato na nakalagay sa file niya. Ito ang rason kung bakit lumipad ako papunta dito para makita kung ano ang nangyayari.” Kinuha niya ang muffin mula kay Gwen at nagpaliwanag siya, “Hindi mo kailangan maging magalang sa akin, at hindi mo ako kailangan pasalamatan ng ganito. Ito ang ginagawa dapat ng isang kaibigan—at isang doctor.” Pagka
Dahil alam niya na na ang DNA Diagnostic Center ang tumatawag, sinagot ni Rachel ang phone call at nilagay niya ito sa speaker para marinig din ito ni Gwen. Tumunog ang boses ng operator na parang robot, “Nagsend na kami ng digital copy ng DNA report sa inyong email, pero kung kailangan niyo ang orihinal na dokumento, pwede kayong pumunta sa center namin para kunin ito.” “Salamat,” Ang sagot ni Rachel bago niya ibinaba ang phone. Habang ginagawa niya ito, napatingin siya kay Gwen. Ang mukha ni Gwen ay namula sa pagkasabik at paghihintay, ngunit hindi siya kumilos para pumasok sa kwarto ni Rachel. Kahit na sabik siya, maingat pa rin si Gwen para hindi sumobra sa kilos niya. Paano magagawa ng isang tao na saktan ang isang mahinang babae? Nagbuntong hininga si Rachel, hinawakan niya ang kamay ni Gwen, at hinila niya ito papasok sa kwarto. Pagkatapos, binuksan niya ang kanyang laptop. Umupo si Gwen sa upuan, direcho ang kanyang likod, at sa sobrang paghihintay niya ay hindi
Tumigas ang buong katawan ni Gwen nang marinig niya ito. Lumingon siya para tumitig ng tulala kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Rachel. Sa huli, kinagat niya ang labi niya at umupo siya sa dulo ng kama ni Rachel. “Hindi ko kaya." Kung hindi niya nalaman ang tungkol sa nangyari kay Luke at Steven, tatratuhin niya na si Steven ay si Luke at susubukan niyang ibalik ang mga ‘alaala’ ni Luke tungkol sa kanya. Gayunpaman, nang malaman niya ang katotohanan, hindi niya na ito magagawa. Habang iniisip na si Steven ay gamit ang katawan ni Luke ng walang permiso at nawala na ang kabuuan ni Luke… nasuklam siya sa punto na hindi niya na kayang tingnan si Steven ng tulad ng dati. Kung si Steven ay dumating sa harap niya, baka patayin niya ito. Sa sitwasyon na ito, hindi niya magawa na magpanggap na si Steven ay si Luke na para bang walang nangyari. Hindi niya ito magagawa! “Gwen…” Kinagat ni Luna ang labi niya at hinawakan niya ang braso ni Gwen, may balak siyang sabihin, ngu
“Steven?” Akala ni Gwen ay guniguni niya lang ang marinig ang boses ni Steven mula sa phone call. Mahigpit niyang hinawakan ang phone niya at kinagat niya ang labi niya. “Bakit mo… ako hinahanap?” “Gusto kong kausapin ka tungkol kay Luke.” Ang lalaking nasa kabilang linya ay hindi na nagsalita pa ng iba. Sa huli, huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Kausap ko si Kate ng buong gabi, at alam ko na ang lahat ngayon. Gusto kong makipagkita sayo at mag usap tayo. Hindi ito maganda para sa kahit sino kung nagpatuloy tayo sa hindi pagkakaunawaan na ito.” Napahinto si Gwen dahil sa sinabi ni Steven. Kinagat niya ang labi niya at hindi na siya sumagot. Sa huli, tumango siya. “Saan tayo magkikita?” “Nasa cafe ako malapit sa hotel mo.” Tila gumaan ang loob ni Steven nang pumayag si Gwen na makipagkita sa kanya. “Ito ang contact number ko. Ipapadala ko sayo ang lokasyon.” “Sige.” Huminga ng malalim si Gwen at ibinaba niya ang phone. Nang lumingon siya, nakita niya sina Luna at Rach