Pagkatapos umalis ni Yannie ng mansyon ni Thomas, sabik siyang tumawag kay Luna. “Ms. Luna, hindi niyo na po kailangan mag alala. Hiniling ko na po sa taong nagkalat ng video at ng mga litrato para idelete ang lahat. Mawawala na po sa internet ang mga impormasyon!” “Dapat po kayo maniwala kay Mr. Lynch. Pakiusap, ‘wag niyo po siyang awayin. Pangako po na walang nangyayaring nakakapag hinala sa pagitan namin.” Sa kabilang linya ng phone, hinawakan ni Luna ang phone niya at tumingin siya kay Joshua, na siyang nasa harap niya. Kumunot ang noo niya. “Yannie, ano ang ginawa mo?” Natuklasan ni Nigel na si Thomas ang taong nagkakalat ng balita. Kung sinabi ni Yannie na inayos niya na ito sa pinanggalingan ng balita, ibig sabihin ba nito ay inayos niya na rin ang mga bagay kay Thomas? Gayunpaman… alam ni Luna na sa simula pa lang, ayaw nila Yannie at Thomas ang isa’t isa. Paano nagawa ng babaeng ito na kumbinsihin si Thomas na bawiin ang balita? Isang tuso na lalaki si Thomas, at h
Ang alam lang ni Luna ay malaki siguro ang binayad ni Yannie para kumbinsihin si Thomas na bawiin ang balita at pag uusap sa internet. Kapag nagpatuloy si Joshua sa plano niya para hayaan na lumaki ang gulo sa internet, masisira nito ang reputasyon ni Yannie. Bukod pa dito, iisipin ni Yannie na si Thomas ang nasa likod nito at iisipin niya na walang kwenta ang sakripisyo niya. Masasaktan si Yannie! “Kung ganun, sabihin mo kay Yannie na ako ang nasa likod nito.” Umupo ng mas komportable si Joshua at idinagdag niya, na para bang nababasa niya ang isip ni Luna. “Naniniwala ako na maiintindihan niya ito.” Nagbuntong hininga si Luna. “Sa tingin ko ay hindi mareresolba ang problema kapag sinabi ito sa kanya. Ginawa niya ang makakaya niya para patunayan na inosente ka, pero patuloy ka pa rin sa pagpapalaki nito sa online. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya?” Ano pa man ito, sa tingin ni Luna ay hindi ito tama. Gayunpaman, hindi sang ayon sa kanya si Joshua. “Alam ko na nag aalala
Sa loob ng bahay ni Luke, nag uusap sina Luke at Kate tungkol sa parating na surgery ni Luke. “Sa tingin ko pa rin ay ang pinakamagandang gawin ay gawing mas maaga ang surgery.” Tumingin si Kate sa mukha ni Luke at nagdadalawang isip niyang idinagdag, “Luke, nakita mo naman kung paano humina ang katawan ni Gwen dahil kay Bonnie. Ngayon, wala pa rin siyang alam tungkol kay Joshua at sa babaeng ‘yun. Kapag nalaman niya ang tungkol dito, malulungkot siya ng sobra dahil best friends sila ni Luna, at lalala ang kondisyon niya dahil dito.” “Bukod pa dito, tinatago mo ang kondisyon niya mula sa kanya, at hindi lang sa hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari ngayon, hindi niya rin makokontrol ang mga emosyon niya.” Lumingon si Kate at puno ng mga luha ang kanyang mga mata. “Hindi ko matiis na makita kang umalis, at ayaw ko na umalis ka na agad, pero…” Pinunasan niya ang mga luha niya. “Gusto ko rin ang nakakabuti para kay Gwen. Nagsikap ka at pumayag ka na magsakripisyo sa kanya pa
Tumango si Luke. “Papunta na si Kate sa airport ngayon para sunduin ang surgical specialist team. Magaganap na ito bukas ng umaga.” Pagkatapos ng ilang sandali, tumahimik sa magkabilang dulo ng linya hanggang sa nagbuntong hininga si Joshua. “Magkita tayo at uminom tayo.” “Hindi.” Ngumiti si Luke. “Bukas na ang surgery. Hindi maganda kung may alak ako sa dugo.” Nagbuntong hininga si Joshua. “Alam mo, pwede kang uminom ng tubig.” “Wala akong oras. Kailangan kong maghanda para sa mangyayari pagkatapos,” Ang sabi ni Luke. “Joshua, masaya ako at naging magkaibigan tayo… pero pareho tayong mga lalaki, at hindi na kailangan ng kalungkutan sa kapag nag iwanan. ‘Wag na tayo magkita. Kapag…” Tumigil siya. “Kapag natapos na ang surgery bukas, pwede niyo akong ihatid ni Jim ng huling beses.” “Masama ang naging buhay ko. Hindi ako ipinanganak sa isang mabuting pamilya, marami akong masamang karanasan, at hindi ako biniyayaan ng maayos na katayuan o trabaho. Wala ako masyadong maibibiga
Kumunot ang noo ni Kate nang marinig niya kung ano ang sinabi ni Jim at tumingin siya ng malamig kay Jim. “Mr. Landry, sa tingin ko ay alam mo kung bakit nandito ang specialist team. Magiging responsable ka ba sa pag delay ng surgery at kondisyon ni Gwen?” “Hindi makakaapekto ang sampung minuto.” Tumingin si Jim sa relo niya. “Kapag pumasok ka sa kose at kinausap mo ako, pwede natin itong ayusin ng sampung minuto. Kung hindi…” Ngumiti si Jim at ngumiti siya. “Kapag nadelay ang surgery at naapektuhan ang kondisyon ni Gwen, nasayo din ang kalahati ng responsibilidad.” Nilabas niya ang phone niya at kinausap niya ang assistant sa airport. “Mukhang hindi sumusunod si Ms. Miller. Bakit hindi niyo muna panatilihin ang specialist team para magkape? Hindi nila kailangan magmadali.” Nagbago ang ekspresyon ni Kate nang mapagtanto niya kung gaano ka seryoso si Jim. Kapag tumanggi siyang makipagtulungan, gagawin ni Jim ang pinangako nito at pipigilan nito ang specialist team sa pag alis sa
“Sampung minuto, at wala akong gagawin sayo. Kailangan rin naman kita harapin, Ms. Miller, pero alam ko kung ano ang prayoridad. Hindi ako gagawa ng gulo para sayo ngayon.” Habang kaharap ang istrikto na ekspresyon ni Jim, huminga ng malalim si Kate at pumasok siya ng kotse. “Ano? Magsalita ka na!,” Suminghal siya sa oras na umupo siya. Hindi nag abala si Jim na aksayahin ang oras niya kay Kate at hinagis niya ang dokumento sa direksyon nito. “Gusto namin ni Joshua na pirmahan mo ito.” Kumunot ang noo ni Kate sa dokumento. Nang buksan niya ito at binasa ang lahat, tumawa siya. “Ang lahat para dito?” Ang laman ng dokumento ay isang agreement document na nagsasabi na si Kate Miller ay dapat igarantisado na ang specialist team mula sa medical organization na pinadala ng pamilya Miller ay dapat tratuhin at magpakita ng propesyonal na ugali habang nasa surgery ni Gwen. Hindi lang sa gusto nila na videohan ang surgery, gusto pa nila idemanda na kapag may ginawa na nakakapag hinal
Tumahimik ang buong kotse. Kumunot ang noo ni Jim habang tumingin siya kay Kate mula sa rearview mirror, puno ng pagdududa ang tingin niya. “Sumama ka… ng higit sa isang taon kay Luke dahil dito?” Hindi niya ito inaasahan. Nagkataon lang ba ito? Gayunpaman, pagkatapos itong isipin ng mabuti, tama naman. Higit sa isang taon na ang nakalipas, humingi ng tulong si Luke mula sa pamilya Miller dahil sa sakit ni Gwen. Kailangan niya ng tulong mula sa medical organization ng pamilya Miller. Bago ito, hindi pa magkakilala ang pamilya Miller at si Luke. Si Luke ay ang gang leader ng Merchant City at Sea City, at ang pamilya Miller ay isang malaking pamilya na makapangyarihan sa Europa. Walang benepisyo sa kanilang relasyon. Kung hindi nangako si Luke sa pamilya Miller, bakit siya tutulungan ng pamilya? Ipinagkatiwala pa ng pamilya Miller si Kate kay Luke at pinadala nila ang pinakamahusay na specialist team nila para kila Luke at Gwen. Ito ang hindi maintindihan nila Joshua at Jim,
Kahit pagkatapos ng surgery nila Gwen at Luke, hindi sila makakatakas. Hindi siya hahayaan… ni Jim Landry na tumakas! Kinagat ni Kate ang labi niya, hindi na siya ulit tumingin kay Jim, at umalis na siya at pumasok sa airport.Ang driver na nasa driver’s seat ay tumingin ng naiinis kay Jim. “Magandang pagkakataon po ito, Sir! Bakit niyo po siya hinayaan na tumakas?” Sumingkit ang mga mata ni Jim at tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Kate. Huminga siya ng malalim. “Alam ko ‘yun. Pero…” Pumikit ang kanyang mga mata. “Ang buhay nila Gwen at Luke ay nasa kamay na ni Kate.” Hindi niya pwedeng sirain ang plano na ginawa ni Luke ng halos isang taon na ang nakalipas dahil sa sama ng loob. “Pero…” Nagbuntong hininga ang driver. “Aalis po siya ng Merchant City kapag tapos na po ang surgery, hindi po ba? Kapag nangyari ‘yun, hindi niyo na po maipaghihiganti si Ma’am?” Nang marinig ni Jim na tinawag ng driver si Bonnie na ‘Ma’am’, ngumiti siya. “Kailangan ko pa rin s