Kahit pagkatapos ng surgery nila Gwen at Luke, hindi sila makakatakas. Hindi siya hahayaan… ni Jim Landry na tumakas! Kinagat ni Kate ang labi niya, hindi na siya ulit tumingin kay Jim, at umalis na siya at pumasok sa airport.Ang driver na nasa driver’s seat ay tumingin ng naiinis kay Jim. “Magandang pagkakataon po ito, Sir! Bakit niyo po siya hinayaan na tumakas?” Sumingkit ang mga mata ni Jim at tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Kate. Huminga siya ng malalim. “Alam ko ‘yun. Pero…” Pumikit ang kanyang mga mata. “Ang buhay nila Gwen at Luke ay nasa kamay na ni Kate.” Hindi niya pwedeng sirain ang plano na ginawa ni Luke ng halos isang taon na ang nakalipas dahil sa sama ng loob. “Pero…” Nagbuntong hininga ang driver. “Aalis po siya ng Merchant City kapag tapos na po ang surgery, hindi po ba? Kapag nangyari ‘yun, hindi niyo na po maipaghihiganti si Ma’am?” Nang marinig ni Jim na tinawag ng driver si Bonnie na ‘Ma’am’, ngumiti siya. “Kailangan ko pa rin s
Nang marinig ang mga salita ni Luke, naglaho ang liwanag sa mga mata ni Gwen. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya ng nagdadalawang isip kay Luke. “Kailangan mong…. umalis ngayong araw? Hindi mo ba pwedeng utusan ang mga tauhan mo na—” “Hindi,” Muling sumingit ng malamig si Luke. Malamig ang tono niya at parang wala siya sa sarili. “Surgery lang ito. Sumailalim ka na sa maraming surgery sa nakalipas na taon. Kaya mo yan.” Nang marinig ang mga salita ni Luke, napatingin si Gwen kay Luke. May problema kay Luke, nararamdaman ito ni Gwen. May itinatago si Luke. Hindi pa siya kinausap ni Luke ng ganito dati. Tuwing nagpapakita siya ng takot tungkol sa isang parating na surgery, kahit na hindi siya makakasama ni Luke, yayakapin siya ni Luke at papagaanin nito ang loob niya. Kahit na possessive si Luke sa kanya, lagi siya nitong pinapanatili sa tabi nito. Sa nakalipas na taon, trinato siya ni Luke ng mabuti. Nalilito siya sa biglang pagbabago ng ugali ni Luke sa kanya. “M
Kung wala si Luke, makakapag simula ng bagong buhay si Gwen. Hindi kailangan ni Gwen na maging babae ng isang gang leader. Walang magbibigay atensyon o pupuna sa kanya, walang magbabanggit ng nakaraan niya sa punto na araw araw siyang susundan nito. Habang iniisip ito, pumayag si Luke na maglaho sa mundong ito. Papayag siya na isakripisyo ang lahat para kay Gwen. Ang mahalaga lang ay ang mabuhay ng masaya si Gwen. Nararapat lang ito para kay Gwen. Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luke at nilagay niya ang isang bowl sa drawer sa tabi. Naglakad ulit siya papunta sa tabi ni Gwen, at niyakap niya ito ng mahigpit. “Aalagaan ko ang sarili ko. Dapat kang magpahinga. Makinig ka sa doctor, at magpagaling ka.” Habang pinalibutan si Gwen ng init ng katawan ni Luke, kinagat niya ang labi niya at pinigilan niya ang kanyang mga luha. “Oo.” Lumingon si Gwen at tumingin siya sa bintana, sinubukan niya na pigilan ang pagtulo ng mga luha. “Luke, masaya talaga ako at nakilala kita.
Sabik na niyakap ni Gwen ang baywang ni Luke. Tumulo ang kanyang mga luha. Ayaw niyang iwanan si Luke; ito ang nasa isip niya. Ilang araw bago ito, iniisip niya kung paano niya iiwan si Luke, alam niya na ito ang pinakamagandang desisyon para sa kanila, ngunit… namiss niya si Luke. Hanggang ngayon. Dahil dito, naghanap siya ng dahilan para sa sarili niya, sinasabi niya sa sarili niya na ito ay dahil lagi siyang pinahahalagahan ni Luke masyado, kaya’t wala siyang pagkakataon para umalis. Gayunpaman, sa mga sandaling ito, kapag umalis talaga si Luke, wala na siyang dahilan para magsinungaling sa sarili niya! Pumikit si Gwen. Tumulo ang mga luha niya sa damit ni Luke, naramdaman ni Luke ang init nito. “Pwede bang huwag ka nang umalis?” “Luke, ako ay… matagal nang nasa tabi mo. Kahit minsan ay hindi ako naging makasarili, pero ngayon, hayaan mo ako na maging makasarili!” “Ayaw kong umalis ka! Hindi pwede!” Sumikip ang puso ni Luke dahil sa mga luha at pag iyak ni Gwen. Yu
Ang surgery ni Gwen ay magaganap ng 10 ng umaga. Kaya naman, dinala ni Luna si Bonnie sa ward ng maaga. Sisihin ang sakit o ang heartbreak. Ano man ito, hindi nakapag pahinga ng maayos si Gwen kagabi at mukha siyang pagod. Sa sandali na pumasok si Luna at nakita niya ang kondisyon ni Gwen, balisa siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. “Gwen, a—ayos ka lang ba?” Alam niya na may malaking surgery si Gwen ngayon, at isa itong organ transplant surgery. Kagabi, umalis na si Luke ng Merchant City. Ang tao na magdodonate ng organ kay Gwen ay dumating na. Sina Joshua at Jim ay nanonood sa kabilang dulo ng surgery, habang sina Luna at Bonnie ay pinapanood si Gwen at ang surgery nito. “Ayos lang ako.” Ngumiti ng mahina si Gwen kay Luna. “Sinabi ng doctor na pagkatapos ng surgery ngayong araw, gagaling na rin ako. Hindi na magiging masama ang pakiramdam ko.” Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ka y Bonnie. “Ayos ka lang ba?” “Ayos lang ako.” Habang nasa wheelchair si Bonnie
Alas diyes ng umaga, sa Central Hospital ng Merchant City, may dalawang surgery na ginawa ng sabay. Ang isa ay ang organ transplant surgery para kay Gwen. Ang isa naman ay ang pagtanggal ng mga organ mula kay Luke. Nanatili sina Joshua at Jim sa labas ng surgery room ng may mabigat na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Ang pinakamalungkot na bagay sa mundo ay ang panoorin na mamatay ang kaibigan mo at wala kang magawa. Kaya nilang pigilan si Luke mula sa pagligtas kay Gwen, at wala sa kanila ang makakapag-alis ng malalim na damdamin ni Luke para kay Gwen. Ang tanging bagay na pwede nilang gawin ay ang maghintay para sa bangkay ni Luke na ilabas sa hospital at bigyan ito ng matinong libing. “Kung may kambal lang na kapatid si Luke,” Ang bulong ni Jim habang nakasandal siya sa upuan. Kung may kambal na kapatid si Luke, ang kambal niya rin ba ay isang tugma na organ donor para kay Gwen? Hindi kaya… Lumingon si Joshua at tumingin siya ng malamig kay Jim. “Ano naman kung mag
“Lulu, may… balita na ba?” Bago sumailalim sa surgery, pinasa ni Gwen ang phone niya kay Luna, sinabi niya na bantayan ito ni Luna. Nag aalala siya na hindi niya matatanggap ang tawag ni Luke, natatakot siya na mag aalala si Luke sa kanya. Habang nakatingin sa tingin ni Gwen na puno ng pag asa, hindi mapigilan ni Luna na tumingin palayo, hindi niya kayang tumingin sa mga mata ni Gwen. “Hind. Busy… ata si Luke.” Hindi tumawag o nagtext si Luke. Ngunit hindi alam ni Luna… na nakalibing na si Luke ng magisa. Akala niya ay pumunta lang si Luke sa Sea City para asikasuhin ang problema niya at gusto niyang bigyan ng pagkakataon si Gwen para tumakas, kaya’t hindi tumawag si Luke kay Gwen. Ayaw niyang madismaya si Gwen, kaya’t hindi niya mapigilan na idagdag, “Tatawagan ka siguro niya kapag tapos na siya sa problema niya.” “Sana nga.” Pumikit si Gwen dahil sa lungkot, hinayaan niya na itulak siya papunta sa ward habang nararamdaman niya na lumamig ang kanyang puso. Gayunpaman, na
Kumunot ang noo nila Luna at Bonnie nang marinig nila ang mga sinabi ni Sean. Tinanong ni Luke kung patay na si Luke sa halip na tanungin kung bakit sinabi ni Luna na ‘baka patay’ na si Luke. Mula sa tanong na ito, ibig sabihin ay may alam siya tungkol sa pagkawala ni Luke, kaya’t nagtanong siya sa kanila. Sumingkit ang mga mata ni Luna kay Sean. “Oo, patay na si Luke. Hindi mo ba napansin na hindi pa bumabalik si Luke sa Merchant City ng higit sa isang buwan na?” Nagpapagaling lang si Sean sa Merchant City. Wala siyang channel para malaman ang mga balita tungkol sa Sea City. Sinabi lang ito ni Luna para magsinungaling kay Sean. Gusto niyang malaman kung bakit direkta ang sagot ni Sean na para bang may alam siyang ibang katotohanan. Gayunpaman, hindi inaasahan ni Luna na magbubuntong hininga si Sean at sinabi nito, “Lagi kong iniisip na peke ang transplant agreement dahil hindi ko inaasahan na ang isang tao ay pipiliin na mamatay kahit na maunlad na ang buhay nila. Hindi