Ang surgery ni Gwen ay magaganap ng 10 ng umaga. Kaya naman, dinala ni Luna si Bonnie sa ward ng maaga. Sisihin ang sakit o ang heartbreak. Ano man ito, hindi nakapag pahinga ng maayos si Gwen kagabi at mukha siyang pagod. Sa sandali na pumasok si Luna at nakita niya ang kondisyon ni Gwen, balisa siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. âGwen, aâayos ka lang ba?â Alam niya na may malaking surgery si Gwen ngayon, at isa itong organ transplant surgery. Kagabi, umalis na si Luke ng Merchant City. Ang tao na magdodonate ng organ kay Gwen ay dumating na. Sina Joshua at Jim ay nanonood sa kabilang dulo ng surgery, habang sina Luna at Bonnie ay pinapanood si Gwen at ang surgery nito. âAyos lang ako.â Ngumiti ng mahina si Gwen kay Luna. âSinabi ng doctor na pagkatapos ng surgery ngayong araw, gagaling na rin ako. Hindi na magiging masama ang pakiramdam ko.â Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ka y Bonnie. âAyos ka lang ba?â âAyos lang ako.â Habang nasa wheelchair si Bonnie
Alas diyes ng umaga, sa Central Hospital ng Merchant City, may dalawang surgery na ginawa ng sabay. Ang isa ay ang organ transplant surgery para kay Gwen. Ang isa naman ay ang pagtanggal ng mga organ mula kay Luke. Nanatili sina Joshua at Jim sa labas ng surgery room ng may mabigat na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Ang pinakamalungkot na bagay sa mundo ay ang panoorin na mamatay ang kaibigan mo at wala kang magawa. Kaya nilang pigilan si Luke mula sa pagligtas kay Gwen, at wala sa kanila ang makakapag-alis ng malalim na damdamin ni Luke para kay Gwen. Ang tanging bagay na pwede nilang gawin ay ang maghintay para sa bangkay ni Luke na ilabas sa hospital at bigyan ito ng matinong libing. âKung may kambal lang na kapatid si Luke,â Ang bulong ni Jim habang nakasandal siya sa upuan. Kung may kambal na kapatid si Luke, ang kambal niya rin ba ay isang tugma na organ donor para kay Gwen? Hindi kayaâĶ Lumingon si Joshua at tumingin siya ng malamig kay Jim. âAno naman kung mag
âLulu, mayâĶ balita na ba?â Bago sumailalim sa surgery, pinasa ni Gwen ang phone niya kay Luna, sinabi niya na bantayan ito ni Luna. Nag aalala siya na hindi niya matatanggap ang tawag ni Luke, natatakot siya na mag aalala si Luke sa kanya. Habang nakatingin sa tingin ni Gwen na puno ng pag asa, hindi mapigilan ni Luna na tumingin palayo, hindi niya kayang tumingin sa mga mata ni Gwen. âHind. BusyâĶ ata si Luke.â Hindi tumawag o nagtext si Luke. Ngunit hindi alam ni LunaâĶ na nakalibing na si Luke ng magisa. Akala niya ay pumunta lang si Luke sa Sea City para asikasuhin ang problema niya at gusto niyang bigyan ng pagkakataon si Gwen para tumakas, kayaât hindi tumawag si Luke kay Gwen. Ayaw niyang madismaya si Gwen, kayaât hindi niya mapigilan na idagdag, âTatawagan ka siguro niya kapag tapos na siya sa problema niya.â âSana nga.â Pumikit si Gwen dahil sa lungkot, hinayaan niya na itulak siya papunta sa ward habang nararamdaman niya na lumamig ang kanyang puso. Gayunpaman, na
Kumunot ang noo nila Luna at Bonnie nang marinig nila ang mga sinabi ni Sean. Tinanong ni Luke kung patay na si Luke sa halip na tanungin kung bakit sinabi ni Luna na âbaka patayâ na si Luke. Mula sa tanong na ito, ibig sabihin ay may alam siya tungkol sa pagkawala ni Luke, kayaât nagtanong siya sa kanila. Sumingkit ang mga mata ni Luna kay Sean. âOo, patay na si Luke. Hindi mo ba napansin na hindi pa bumabalik si Luke sa Merchant City ng higit sa isang buwan na?â Nagpapagaling lang si Sean sa Merchant City. Wala siyang channel para malaman ang mga balita tungkol sa Sea City. Sinabi lang ito ni Luna para magsinungaling kay Sean. Gusto niyang malaman kung bakit direkta ang sagot ni Sean na para bang may alam siyang ibang katotohanan. Gayunpaman, hindi inaasahan ni Luna na magbubuntong hininga si Sean at sinabi nito, âLagi kong iniisip na peke ang transplant agreement dahil hindi ko inaasahan na ang isang tao ay pipiliin na mamatay kahit na maunlad na ang buhay nila. Hindi
âWalang nangyayari sa akin, at hindi rin mataas ang lebel ng edukasyon ko. Hindi ako pwede maging katulad ni Jim o ni Joshua, mga henyo sa negosyo, pero may lakas ako para lumaban. PeroâĶâ Nagbuntong hininga si Sean. âSayang at wala na si Luke. Masyado pa siyang bataâĶâ Pagkatapos, tumingin siya ng seryoso kay Luna. âGumaling na ba si Gwen? Hindi siya masyadong malungkot at sinisisi ang sarili niya pagkatapos ng heart transplant ni Luke, hindi ba?â Inosenteng akala ni Sean na noong sinabi ni Luna na patay na si Luke at noong sinabi ni Bonnie na binigay ni Luke ang puso niya para kay Gwen, alam na nila ang tungkol sa nilalaman ng kasunduan. Kahit na nangako siya kay Luke na gawin itong isang sikreto, naisip ni Sean na dahil patay na si Luke at alam na nila Luna at Bonnie ang tungkol dito, wala na siyang rason para itago ang sikreto. Gayunpaman, hindi niya alam na nilinlang lang siya nina nila Luna at Bonnie. âMaayosâĶ na si Gwen.â Hinawakan ni Luna ang dibdib niya. Pinigilan
Nang makita na paalis na si Luna, kumunot ang noo ni Bonnie at hinawakan niya ang braso ni Luna. âSasama ako sayo.â âPapapuntahin ko si Jim sa bahay ni Joshua. Mag uusap tayo ng maayos.â Huminto ng ilang sandali si iLuna bago siya tumango. âSige.â Nang makita na paalis na ang mga babae na kakarating lang, medyo nalito si Sean. âMâMay nangyayari ba?â Tumahimik siya ng ilang sandali, pinag isipan niya ang usapan nila Luna at Bonnie. âKayong dalawa, âwag niyong sabihin na hindi niyo alam ang tungkol kay Luke?â Kung hindi, bakit balisa sila na hanapin sina Joshua at Jim pagkatapos nila marinig ang tungkol kay Luke? Habang pinag iisipan ito ni Sean, mas lalo niyang naisip na ito ang rason. Medyo nataranta siya. âSinabi niyong dalawa na gusto niyo akong bisitahin, pero isa lang pala itong pakana para sabihin ko ito sa inyo?â Huminto sa paglalakad si Bonnie at lumingon siya para tumingin kay Sean. âHindi, Sean. Totoo, nandito kami para makita ka. Tutal, higit sa isang buwa
Dinala ni Kate ang medical team ng pamilya Miller at umalis sa Merchant City, pabalik sa pinanggalingan nila.Saka, nagmamadali siyang umalis, hindi man lang nag-abalang ipaliwanag nang maayos ang nangyayari sa kanya.Habang lumilipad ang isip ni Luna, lumabas si Sean, na nagpalit mula sa kanyang hospital gown sa komportableng kaswal na damit.Nang makitang tulala si Luna na nakatingin sa kanya, medyo napangiti siya. "May problema ba?""Wala." Tumigil sandali si Luna bago natauhan. Sinama niya sina Bonnie at Sean, nagtanong habang umaalis, "Nga pala, Sean, nakontak mo ba si Kate sa buong oras na ito?"Si Kate ay minsang nakausap niya noon sa Merchant City.At ito rin ang babaeng nanakit kay Bonnie noon, na halos dahilan para hindi na magising si Bonnie. Bukod dito, ipinakalat niya kay Thomas Howard ang tsismis tungkol sa hindi totoong pag-iibigan nina Joshua at Yannie, at ang tsismis ay naglaho kaagad.Naalala ni Luna ang lahat ng mga resulta na kailangan niyang ayusin. Ilang be
Natigilan si Luna sa sinabi ni Sean. "Nakita mo si Yannie sa telebisyon?"Paano ito naging posible?Si Yannie ang assistant niya, pero pagkaraan ng ilang panahon, nag-resign siya.Kung tutuusin, mahirap para sa kanya dahil hindi siya pamilyar sa disenyo ng alahas. Gayunpaman, nakahanap din siya ng trabahong mas angkop para sa kanya na may magandang suweldo.Nakita ni Luna kung paano nahirapan si Yannie na makatrabaho si Samson at ang iba pa sa studio noon. Talagang mahirap para kay Yannie ang pagtatrabaho sa isang grupo ng mga batang talentado.Araw-araw pagkatapos ng trabaho, siya ang huling umaalis. Ang karaniwang Yannie; na kailanman ay masipag at seryoso.Gayunpaman, mayroong maraming mga bagay na hindi maaaring makamit sa pamamagitan lamang ng pagsusumikap.Kaya naman, nang magbitiw si Yannie, hindi siya pinigilan ni Luna. Si Luna ay taos-puso na nais na siya ay maging mas mahusay sa hinaharap.Maya-maya, tinanong ni Luna si Mrs. Flores tungkol sa kalagayan ni Yannie nang
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si âAndie Larsonâ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, âSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.âTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, âOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?âKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. âSinabi ba talaga âyun ni Miss Moore?âTumango si Robyn. âNakasalubong ko rin sa elevator âyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!âHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, âTalaga? Nagkataon nga naman.ââTama ka! Maliit ang mundo natin!â Tumango si Robyn. âHindi lang âyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayâĶâNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. âSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?âTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. âOo.âHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. âDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.ââSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.âLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. âSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?âHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. âOâĶ Oo.âBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, âMiss, kilalaâĶ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?âSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. âSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.âPagkatapos, tumingin siya kay Luna. âHindi ba, Luna?âNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. âOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.âPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. âKamusta na ang
âUmâĶâNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. âHindi baât sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.ââNakidnap silang pareho, at ang lalaki na âyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking âyun, patay na dapat siya ngayon.ââSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.âPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, âGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.âNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. âAng âkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?âAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
âHindi ko kailangan ng special treatment.â Ngumiti si John kay Tara. âAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.âKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong âpinsanâ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?âHello, Luna.â Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. âAno ang ginagawa mo dito?âNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaât isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. âMiss Moore!âTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. âAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasâĶ Ayos lang ba siya ngayon?âKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaât sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, âNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.âPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. âNabalitaan ko na may sakit ka?âTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. âOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.âPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. âSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baât sinabi ko sayo na âwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?âTumawa si John. âMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.âMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
âAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.â Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking âyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. âPero JohnâĶ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?âNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, âSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. âWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.âPagkatapos, tumingin siya