“Diyos ko…”Nang mapunta ang mga daliri ni Luna sa painting, sumigaw si Alice, “‘Yan ang paboritong painting ni Mr. Allen! Luna, kahit na ayaw mo sa akin, hindi mo kailangan sirain ang painting na ‘to dahil lang gusto ko ‘yan!”Wala masyadong tao sa exhibition hall pag gabi, at madilim sa lugar na kinatatayuan nila, kaya’t walang nakapansin sa kaguluhan nilang dalawa.Dahil sa sigaw ni Alice, napunta ang atensyon ng lahat ng tao sa kani.Bago pa makatayo ng maayos si Luna, narinig niya na ang mga boses at tumingin na sa kanya ng mapamuna ang mga tao.“Bakit ka pumunta sa isang art exhibition kung hindi mo pinapahalagahan ang art?”“Ang alam ko may umalok kay Master Allen ng sampung milyon na dolyar para bilihin ang art na ito pero tumanggi siya!”“Diyos ko, kaya niya bang bayaran ito?”“Baliw talaga ang mga babaeng selosa, sinira niya niya ‘yan dahil lang gusto ‘yan ng ibang tao?”…Klaro ang mga pag uusap ng madla.Ngumiti ng peke si Luna.Hindi niya pinansin ang mga boses
Sa isang sulok sa second floor, may kausap siya sa phone.At ang direksyon kung saan siya nakatingin… ay ang direksyon kung saan tinulak ni Alice si Luna!Sa isang saglit, naging kasing putla ng isang multo ang mukha ni Luna.“Si Mr. Lynch ang sponsor namin, at asawa niyo siya, siguradong magiging tapat at patas siya.”Pagkatapos, agad na inutusan ng manager ang staff niya. “Imbitahin niyo dito si Mr. Lynch!”Agad na naging pangit ang ekspresyon ni Alice.Pinagsisisihan niya ang ginawa niya ngayon.Nakita siya ni Joshua na tinutulak si Luna.Kakabalik niya lang sa tabi ni Joshua, at hindi pa sila malapit sa isa’t isa, kapag napansin ni Joshua na hindi siya kasing bait ng tulad ng pagpapanggap niya...Paghihinalaan ba siya ni Joshua?“Ms. Luna.”Kalmadong tumingin ang manager. “Kung intensyonal mo na sinira ang painting o sinet up ka, malalaman natin ang katotohanan kapag dumating na si Mr. Lynch.”Tumayo sa lugar si Luna at humigpit ang mga kamao niya sa kanyang gilid. Sine
Huminto si Joshua sa paglalakad.Tumalikod siya, may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, tumingin siya sa lalaking nasa likod niya at sinabi, “Master Allen, nagkakamali ata kayo…”Sa tabi ni Theo, mabilis na lumapit ang manager. “Ang tao po na sumira ng painting niyo ay si Ms. Luna at hindi si Mrs. Lynch.”Ngumiti ng maliit si Theo, tumingin siya sa direksyon ni Luna. “Bakit hindi mo sinabi na sinet up ka? Dahil lang ba nagbayad siya ng sampung milyon para sayo?”Namutla si Luna.Tumingala siya at tumingin kay Theo, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua.Malamig at walang ekspresyon ang mukha ng lalaki.“Dahil wala pong tumatayo sa panig ko.”Makalipas ang ilang saglit, tumingala siya at tumingin kay Joshua, binigkas niya ng bawat salita, “Walang CCTV recording, at nanatiling tahimik ang tanging saksi, kahit anong sabihin ko, walang maniniwala sa akin.”“Bakit naman walang maniniwala sayo?”Tumawa ng mahina si Theo, lumapit siya kay Luna, at tumingin siya ng kalmado kay
Tumingin si Joshua sa direksyon kung saan umalis sina Luna at Theo, magkahawak ang kanilang mga kamay. Ilang minuto pa lamang silang nagkakilala, ngunit magkahawak na sila ng kamay na parang magkasintahan!Hindi napigilan ni Joshua na sumimangot ng makita niya ito.“Joshua… Wala ka ba talagang nakita?” Ang tanong ni Alice habang pababa sila sa hagdan, nakahawak pa rin siya sa braso ni Joshua.Tumitig lang ng blanko si Joshua sa harap. “Ano sa tingin mo?”Kinagat ni Alice ang mga labi niya at tumahimik siya. Matapos ang ilang saglit, nagsalita siya, “Sa totoo lang, kasi—”“Alam ko,” Muli siyang siningitan ni Joshua. “Alam ko na gusto mong maghiganti kay Luna dahil sa pagkidnap sa mga anak mo, pero ito ang una at huling beses, Alice.”Huminga ng malalim si Joshua bago siya nagpatuloy, “Kung may sama ng loob ka pa rin sa kanya, hindi mo na dapat siya pinalaya. Ngayon at pinalaya mo na siya, hindi ka na dapat naghihiganti sa kanya.” Ang boses niya ay mababa at seryoso.Kabadong kina
“Nagtataka lang po ako,”Ang sabi ni Luna habang nasa passenger seat siya at tumingin siya sa kalsada sa harap. “Paano niyo po nalaman na hindi ako ang sumira ng painting niyo?”Ngumiti si Theo habang humigpit ang hawak niya sa manibela. “Paano kapag sinabi ko sayo, naniniwala ako na hindi ganitong klaseng tao si Moon?”Nabigla si Luna sa sagot ni Theo bago siya tumawa. “Pamilyar sa akin si Mr. Allen?”“Interesado rin ako sa jewelry design dati, at sinubukan ko rin ‘yun dati, pero sumuko rin ako sa huli dahil masyadong mahirap para sa akin. Sa mga panahong ‘yun, nag research din ako, at nakita ang mga gawa mo. Higit pa sa sikat ang pangalan ni Moon sa industriya ng jewelry design.”Nabigla si Luna nang marinig niya ito, ngunit pagkatapos pag isipan ng ilang saglit, inisip niya na tama lang ito. Kung hindi siya nakilala ni Theo bilang si Moon, baka hindi siya niligtas nito kanina, at baka hindi rin siya ihatid pauwi.Ngumiti ng maliit si Luna. “Ang liit nga naman ng mundo.”“Mabuti
“‘Wag kang magtiwala sa lahat ng nakikilala mo…” Inulit ito ni Luna at ngumisi siya. “Mukhang magandang payo nga. Pero, maraming magaling na sinungaling dyan. Sa sobrang galing nila ay kahit na kailangan ang katotohanan, nagsinungaling pa rin sila at sinabi na wala silang nakita.”Tumingala si Luna at tumingin siya ng masama kay Joshua. “Tama ba, Mr. Lynch?”Dumilim ang ekspresyon si Joshua. Nanatili siyang tahimik bago siya umamin, “Pasensya na sa nangyari kanina, pero may mga rason ako. Si Alice—”“Alam ko ang mga rason mo. Dahil ba hindi mo kayang aminin na gumawa ng masama ang perpekto mong asawa?” Ang siningit ni Luna, nangingibabaw na ang galit niya. “Naiintindihan talaga kita, Joshua.”“Maraming sinakripisyo si Luna Gibson para sa kasal niyo, pero may binigay ka ba pabalik? Tuwing gabi, naghintay siya sayo para umuwi hanggang hatinggabi. Hindi siya masaya at masama pa ang pagtrato sa kanya ng pamilya mo, pero hindi siya nag salita para lang hindi sumama ang loob mo. Maganda
Ito ay ang surveillance footage ng pagset up sa kanya ni Alice! Nakuha ng kamera ang lahat mula sa magandang anggulo ng mukha ni Alice pati ang tunog ng buong pangyayari.Natulala si Luna sa computer screen bago niya biglang naalala ang sinabi ni Theo.‘Nag didisplay ako ng mga pekeng artwork ko at tinatago ko sila sa lugar na hindi makikita ng surveillance camera. Pero, may mga nakatago na camera sa loob nila...”...“Luna, Luna!”Sa sumunod na umaga, nagising si Luna sa patuloy na pagkatok ni Anne. Kinuskos niya ang mga mata niya at bumaba siya ng kama. “Anong problema?”Kagabi, pagkatapos panoorin ni Luna ang footage, sinend niya ang video kay Nigel. Tinawagan siya ni Nigel para palubagin ang loob niya, at umabot sa ilang oras ang tawagan nila. Kaya naman, nakatulog na si Luna ng 2am.Gumising na siya ng 7am.“May taong nandito para sayo! Theo daw ang pangalan niya. Sinabi niya na nandito daw siya para mag agahan kasama ka at para ihatid ka sa trabaho!!”Agad na tumayo si L
Lumingon si Joshua nang marinig niya ang boses ni Theo. Sa sandali na magkasalubong ang tingin nila Luna at Theo, dumilim ang ekspresyon niya.Nakita rin sila ni Alice. Tinikom ni Alice ang mga labi niya at sinabi niya kay Joshua, “Tingnan mo. Kahapon lang nagkakilala sina Luna at Theo Allen, pero nandito na sila sa isang breakfast date. Tsk.”Hindi napigilan ni Joshua na sumimangot dahil sa tono ni Alice. Matapos ang ilang saglit, lumapit siya sa dalawa at umupo siya sa isang upuan na katabi ni Luna. “Makikiupo kami.”Walang magawa si Alice kung hindi sumunod na lang, ngunit napansin niya na ang natitirang upuan na lamang ay ang sa tabi ni Theo. Umupo siya ng may mabigat na loob.Sa sandali na umupo si Alice, napansin niya na parang may mali. Wala masyadong tao sa cafe, at maraming mesa na walang nakaupo. Hindi naman nila kailangan na umupo sa mesa nila Luna at Theo. Bukod pa dito, kahit na kailangan nila, umupo dapat si Joshua sa tabi niya sa halip na sa tabi ni Luna.Kinuha ni