Lumingon si Joshua nang marinig niya ang boses ni Theo. Sa sandali na magkasalubong ang tingin nila Luna at Theo, dumilim ang ekspresyon niya.Nakita rin sila ni Alice. Tinikom ni Alice ang mga labi niya at sinabi niya kay Joshua, “Tingnan mo. Kahapon lang nagkakilala sina Luna at Theo Allen, pero nandito na sila sa isang breakfast date. Tsk.”Hindi napigilan ni Joshua na sumimangot dahil sa tono ni Alice. Matapos ang ilang saglit, lumapit siya sa dalawa at umupo siya sa isang upuan na katabi ni Luna. “Makikiupo kami.”Walang magawa si Alice kung hindi sumunod na lang, ngunit napansin niya na ang natitirang upuan na lamang ay ang sa tabi ni Theo. Umupo siya ng may mabigat na loob.Sa sandali na umupo si Alice, napansin niya na parang may mali. Wala masyadong tao sa cafe, at maraming mesa na walang nakaupo. Hindi naman nila kailangan na umupo sa mesa nila Luna at Theo. Bukod pa dito, kahit na kailangan nila, umupo dapat si Joshua sa tabi niya sa halip na sa tabi ni Luna.Kinuha ni
Umikot ang mga mata ni Alice. Ano ang mararating mo kapag gumawa ka ng agahan?Sasagot sana si Alice, ngunit nakita niya kung paano nakatingin si Joshua kay Luna. Agad na may alarm na tumunog sa utak niya. Sadya siguro itong sinabi ni Luna!Ngumiti si Alice. “Ganun ang iniisip ko dati. Kahit na maliit na gawain lang ito, pakiramdaman ko na may nakakamit akong malaking bagay kapag pinaglulutuan ko ang pamilya ko.” Huminga siya ng malalim bago siya nagpatuloy, “Sa kasamaang palad… Natuklasan ko na hindi ko kayang protektahan ang mga taong mahal ko. Isa akong malaking kabiguan. Simula noon, kahit anong gawin ko, pakiramdam ko ay wala na akong nakakamit.”Nang marinig ni Joshua ang mga salitang ito, agad niyang tiningnan si Alice. Tama siya. Alam ni Joshua na hindi niya maiisip ang pinagdaanan ni Alice nitong mga nakalipas na anim na taon.Kahit na nagbago na siya at hindi na siya ang babaeng kinahulugan ni Joshua, naramdaman ni Joshua na hindi niya na dapat pagdudahan si Alice, hindi
“Binisita ko pa ang puntod niya. Nung matuklasan ko na buhay pa siya, agad akong pumunta sa Banyan City para mag imbestiga. Noong nakalipas na ilang araw, tinawagan ako ng assistant ni Joshua at sinabi sa akin na maghost ng isang art show para kay Alice.”Kinagat ni Luna ang labi niya. “Kaya… Ang rason kung bakit nanatili ka sa Banyan City ay gusto mong personal na pasalamatan si Alice?”Pinagdudahan ito ni Luna dahil simula nung magkita sina Theo at Alice, hindi nagpakita si Theo na gusto niyang makipag usap sa babaeng ‘yun.“May gusto lang muna akong siguraduhin nung una,” Ang sabi ni Theo habang nilagay niya ang baso sa kanyang mga labi para uminom. “Nung matuklasan ko na namatay si Luna Gibson noong nakalipas na anim na taon, nagdadalamhati ako, kaya’t inaral ko ang lahat ng tungkol sa kanya at tiningnan ko pa ang mga social media profile at blogs niya. Hindi ako naniniwala na ang babaeng kasama ni Joshua ay ang tunay na Luna Gibson. Kahit na sinasabi niya na siya si Alice ngayo
8:29 a.m. Pumasok si Luna sa design department at may isang minuto pa siya.Pagpasok niya, kumindat sa kanya si Shannon. “May naghihintay po sa inyo sa opisina niyo. Matagal na po siyang naghihintay.”Kumunot ang noo ni Luna sa pagka lito at binuksan niya ang pinto. Nakasandal si Joshua sa upuan ni Luna, ang tingin niya ay nakapokus sa mga draft at sketch na nakakalat sa mesa.Nang marinig ni Joshua na pumasok si Luna, tumingin siya at napangisi. “Pumasok ka ng opisina na isang minuto lang ang sobra. Obsessed ka ba sa lalaking ‘yun?”Huminto si Luna at ngumiti siya ng magalang. Pumunta siya sa tabi ni Joshua at inagaw niya ang draft na hawak nito. “Una sa lahat, hindi ako late. Ikalawa, hindi ako sumuway sa mga panuntunan ng kumpanya. Bukod pa dito, personal na bagay na kung sino ang pinili kong kaibigan at samahan kumain ng agahan, hindi ba, Mr. Lynch?”Hindi napigilan na sumimangot ni Joshua dahil sa malupit na pag uugali ni Luna. “Ano ang sinabi ko sayo kagabi? Sinabi ko na hin
Ito ang tanong ni Joshua habang nakasimangot.“Pwedeng may mga motibo siya o isa siyang santo,” Ang sabi ni Jude habang nakasandal siya sa sofa sa opisina ni Joshua. “Pero, mula sa nalalaman ko tungkol sa kanya, sa tingin ko hindi siya santo.”Nakaupo sa upuan si Joshua habang nakatitig siya sa malayo. “Baka may mga motibo siya…”Kung ganun na nga, ano ang layunin niya?Umupo ng mas komportable si Jude sa sofa at tumingin siya kay Joshua. “Alam mo, hindi naman masama ang itsura ko, pero bakit laging ikaw ang hinahabol ng mga babae?”Kinuha ni Joshua ang tasa niya at uminom siya ng kape. “Anong ibig mong sabihin?”“Ang panganay na babae ng mga Walter, si Hailey, ay nawawala.” Humikab si Jude at nag unat siya. Tumaas ang mga kilay niya kay Joshua bago siya nagpatuloy, “Gusto tanungin sa akin ni Mr. Walter kung nakita mo daw si Hailey.”“Hindi.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Matagal ko na siyang hindi nakikita.” Naaalala ni Joshua na ang huling pagkikita nila ay noong kasal nila ni L
“Paano mo naman nalaman na late ako nagtatrabaho?” Ang tanong ni Luna habang kumagat siya sa pagkain na dinala ni Theo.Tumawa si Theo. “Paano kung sabihin ko sayo na kanina pa kita hinihintay sa labas simula pa ng 5 p.m.?Halos mabulunan si Luna sa kinakain niya. “Talaga?”“Syempre hindi, loko.” Sumandal si Theo sa upuan at nag unat siya. “Noong nasa lugar ako ng kaibigan mo kaninang umaga, tinanong ko rin ang number niya. Tumawag ako ngayon lang, at sinabi niya na wala ka pa sa bahay, kaya’t hula ko na nagtatrabaho ka pa rin.”Gumaan ang loob ni Luna nang marinig niya ang paliwanag ni Theo. Kung hindi niya ito narinig, hindi niya alam kung paano siya kikilos kung naghintay si Theo ng higit sa tatlong oras.Inubos niya ng mabilis ang lahat ng natitirang pagkain. ”Tara na.”Tumawa ulit si Theo at tinulungan niyang lininsin ang mga food container. “Tara na. Hinihintay na tayo ng landlord.”Tumango si Luna at sinundan niya si Theo palabas ng opisina. Pinapanood ni Joshua ang lahat
Naalala niya pa rin kung ano ang sinabi sa kanya ni Luna dati.‘Kapag nagkaroon tayo ng mga anak, tuturuan ko sila na maging totoo sa sarili nila. Dapat silang kumilos ng magalang sa publiko, pero kapag nasa bahay sila, pwede nilang gawin ang kahit anong gusto nila.’Mukhang nakalimutan na ni Alice ang pangako niya. Mukhang nababago talaga ng anim na taon ang isang tao, sa sobrang nagbago ay hindi na makilala ni Joshua si Alice.Nagbuntong hininga si Joshua at dinala niya si Alice sa bahay.“Daddy!”“Welcome home po, Daddy! Alam po namin na mahaba ang trabaho niyo ngayong araw!” Pagpasok nila ng bahay, sinalubong sila nila Neil at Nellie. Tumayo ang dalawang bata sa magkabilang dulo ng pinto at yumuko sila kay Joshua habang nakangiti.Agad na sumimangot si Joshua nang makita niya ito. Tumingin siya ng mas malapit sa dalawang bata na nakatayo sa harap niya. Pula at luhaan ang mukha ni Nellie, habang halata sa mukha ni Neil na naubusan na siya ng pasensya. Halata na pinilit ang dal
Nung magsimula nang umiyak si Alice, hindi mapigilan ni Joshua na maawa sa kanya. Nagbuntong hininga siya at niyakap niya ito. “Hindi, ‘wag mong isipin ‘yan. Kasi… busy lang talaga ako sa trabaho.”Tumaas ang ulo niya para punasan ang mga luha sa ilalim ng mga mata ni Alice. “Ayos lang ang lahat. Nandito na ako.”Habang nakayuko si Alice, may matagumpay na kinang na lumabas sa kanyang mga mata. Tumango siya at sinabi niya, “Ayos lang. Kung busy ka, dapat kang magtrabaho. Ang kailangan ko lang malaman ay hindi ka galit sa amin ng mga bata, ‘yun lang.”Hinimas ni Joshua ang likod ni Alice para gumaan ang loob nito. “Paano naman ako magagalit sayo?”Binitawan niya si Alice at yumuko siya para buhatin si Nellie. “Tara, kumain na tayo.”“Sige!” Ang sagot ni Alice. Pinanood niya na pumunta si Joshua sa hapagkainan habang karga nito si Nellie bago siya lumingon at tumingin ng masama kay Neil. “Nirecord mo ako? Hindi ka naman pala talaga isang tanga.”Ngumisi si Neil. “Natuto po ako sa m