Ito ang tanong ni Joshua habang nakasimangot.“Pwedeng may mga motibo siya o isa siyang santo,” Ang sabi ni Jude habang nakasandal siya sa sofa sa opisina ni Joshua. “Pero, mula sa nalalaman ko tungkol sa kanya, sa tingin ko hindi siya santo.”Nakaupo sa upuan si Joshua habang nakatitig siya sa malayo. “Baka may mga motibo siya…”Kung ganun na nga, ano ang layunin niya?Umupo ng mas komportable si Jude sa sofa at tumingin siya kay Joshua. “Alam mo, hindi naman masama ang itsura ko, pero bakit laging ikaw ang hinahabol ng mga babae?”Kinuha ni Joshua ang tasa niya at uminom siya ng kape. “Anong ibig mong sabihin?”“Ang panganay na babae ng mga Walter, si Hailey, ay nawawala.” Humikab si Jude at nag unat siya. Tumaas ang mga kilay niya kay Joshua bago siya nagpatuloy, “Gusto tanungin sa akin ni Mr. Walter kung nakita mo daw si Hailey.”“Hindi.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Matagal ko na siyang hindi nakikita.” Naaalala ni Joshua na ang huling pagkikita nila ay noong kasal nila ni L
“Paano mo naman nalaman na late ako nagtatrabaho?” Ang tanong ni Luna habang kumagat siya sa pagkain na dinala ni Theo.Tumawa si Theo. “Paano kung sabihin ko sayo na kanina pa kita hinihintay sa labas simula pa ng 5 p.m.?Halos mabulunan si Luna sa kinakain niya. “Talaga?”“Syempre hindi, loko.” Sumandal si Theo sa upuan at nag unat siya. “Noong nasa lugar ako ng kaibigan mo kaninang umaga, tinanong ko rin ang number niya. Tumawag ako ngayon lang, at sinabi niya na wala ka pa sa bahay, kaya’t hula ko na nagtatrabaho ka pa rin.”Gumaan ang loob ni Luna nang marinig niya ang paliwanag ni Theo. Kung hindi niya ito narinig, hindi niya alam kung paano siya kikilos kung naghintay si Theo ng higit sa tatlong oras.Inubos niya ng mabilis ang lahat ng natitirang pagkain. ”Tara na.”Tumawa ulit si Theo at tinulungan niyang lininsin ang mga food container. “Tara na. Hinihintay na tayo ng landlord.”Tumango si Luna at sinundan niya si Theo palabas ng opisina. Pinapanood ni Joshua ang lahat
Naalala niya pa rin kung ano ang sinabi sa kanya ni Luna dati.‘Kapag nagkaroon tayo ng mga anak, tuturuan ko sila na maging totoo sa sarili nila. Dapat silang kumilos ng magalang sa publiko, pero kapag nasa bahay sila, pwede nilang gawin ang kahit anong gusto nila.’Mukhang nakalimutan na ni Alice ang pangako niya. Mukhang nababago talaga ng anim na taon ang isang tao, sa sobrang nagbago ay hindi na makilala ni Joshua si Alice.Nagbuntong hininga si Joshua at dinala niya si Alice sa bahay.“Daddy!”“Welcome home po, Daddy! Alam po namin na mahaba ang trabaho niyo ngayong araw!” Pagpasok nila ng bahay, sinalubong sila nila Neil at Nellie. Tumayo ang dalawang bata sa magkabilang dulo ng pinto at yumuko sila kay Joshua habang nakangiti.Agad na sumimangot si Joshua nang makita niya ito. Tumingin siya ng mas malapit sa dalawang bata na nakatayo sa harap niya. Pula at luhaan ang mukha ni Nellie, habang halata sa mukha ni Neil na naubusan na siya ng pasensya. Halata na pinilit ang dal
Nung magsimula nang umiyak si Alice, hindi mapigilan ni Joshua na maawa sa kanya. Nagbuntong hininga siya at niyakap niya ito. “Hindi, ‘wag mong isipin ‘yan. Kasi… busy lang talaga ako sa trabaho.”Tumaas ang ulo niya para punasan ang mga luha sa ilalim ng mga mata ni Alice. “Ayos lang ang lahat. Nandito na ako.”Habang nakayuko si Alice, may matagumpay na kinang na lumabas sa kanyang mga mata. Tumango siya at sinabi niya, “Ayos lang. Kung busy ka, dapat kang magtrabaho. Ang kailangan ko lang malaman ay hindi ka galit sa amin ng mga bata, ‘yun lang.”Hinimas ni Joshua ang likod ni Alice para gumaan ang loob nito. “Paano naman ako magagalit sayo?”Binitawan niya si Alice at yumuko siya para buhatin si Nellie. “Tara, kumain na tayo.”“Sige!” Ang sagot ni Alice. Pinanood niya na pumunta si Joshua sa hapagkainan habang karga nito si Nellie bago siya lumingon at tumingin ng masama kay Neil. “Nirecord mo ako? Hindi ka naman pala talaga isang tanga.”Ngumisi si Neil. “Natuto po ako sa m
Umikot ang mga mata ni Neil at sumandal siya sa sofa na parang tinatamad. Nagbuntong hininga si Joshua. “Kasalanan lahat ito ni Luna. Pinamihasa ka niya.”“Wala pong kinalaman ito kay Mommy. Sige po, uupo na ako ng maayos.” Hindi matiis ni Neil na marinig na pinupuna ang nanay niya, kaya’t umupo siya ng diretso. “Sige po. Ano po ang gusto niyong pag usapan?”“Si Alice ang nanay mo.” Tumingin ng seryoso si Joshua kay Neil. “Siyam na buwan niya kayong dinala sa sinapupunan niya at napunta pa siya sa isang aksidente habang buntis siya. Hindi naging madali para sa kanya ang buhay. Alam ko na matagal na panahon na kayong pinalaki ni Luna, pero hindi ibig sabihin nito na pwede kayong maging bastos kay Alice. Siya ang tunay na nanay niyo. Pareho kayong matalinong bata, kaya’t sigurado ako na maiintindihan niyo kung bakit wala siya para sa inyo. Pero ngayon bumalik na siya, dapat niyo siyang tratuhin ng may respeto na tulad ng nararapat sa kanya.”Umikot muli ang mga mata ni Neil. Syempre,
Tumingin ng nalilito si Neil kay Joshua. “Akala ko po sinabi niyo na hindi namin siya pwede tawagan.:Ngumisi si Joshua. “Kailan ka pa ba nakinig sa akin? Sa tingin mo hindi ko napansin ang bagong signal-jamming device na nilagay mo sa bahay?”Agad na yumuko si Neil sa kahihiyan. Noong pinakawalan si Luna mula sa kulungan, inutusan sila ni Joshua na ‘wag tawagan si Luna at binalaan pa sila na ita-track ang cellular signals nila kapag kinausap nila si Luna ng palihim.Walang magawa si Neil kundi humingi ng tulong mula kay Nigel para maginstall ng signal jammer sa loob ng bahay. Kapag bumukas ito, ang signal na ginamit nila para tawagan ang nanay nila ay hindi madedetect.Ngunit, hindi inaasahan ni Neil na matutuklasan ni Neil ang tungkol dito.“Okay, kaya… Pwede ko po siyang tawagan?” Ang maamong tanong ni Neil, tila nahihiya siya na nabunyag na ang plano niya. Tumalikod siya at sinubukan niyang tumakas ng kwarto.“Sandali lang.” Istrikto siyang pinahinto ni Joshua bago siya nakal
Binaba ni Alice ang tasa sa mesa at yumakap siya sa balikat ni Joshua. Nagsalita siya ng mahina sa tainga ni Joshua. “Akala ko ba wala ka nang trabaho ngayong gabi?”Kumunot ang noo ni Joshua. Normal para sa mag asawa ang ganito, pero tila nainis at nairita siya sa pagkilos ni Alice. Baka dahil matagal na silang nalayo sa isa’t isa, o baka dahil may nagbago.Pinag isipan ito ni Joshua bago niya tinanggal ang mga braso ni Alice na nasa balikat niya. Nabigla si Alice. Tila hindi ito napansin ni Joshua at sa halip ay kinuha niya ang tasa para uminom.Pagkatapos ng ilang higop, bumalik na siya sa sarili. “Alice, matulog ka na ngayon. Gusto ko pang tapusin ang ilang trabaho…”Sumimangot si Alice at tumingin siya ng galit. “Joshua, mas importante pa ba ang trabaho mo kaysa sa akin? Simula nung bumalik ako, hindi mo pa ako sinamahan ng tayo lang! Akala ba malapit tayo dati. Bakit nagbago?”Agad na kumunot ang noo si Joshua. Sumingkit siya at tumingin siya ng malapit kay Alice. “Sa tingin
Pagkatapos tumalikod, nakita ni Joshua ang bakas ng dugo sa kumot kung saan nakahiga si Alice kanina.Nagbuntong hininga si Joshua at nagiwan siya ng note sa kama. Pagkatapos, umalis na siya ng kwarto.Samantala, sa loob ng banyo, natuklasan ni Alice na may period pala siya ngayon. Sa sobrang inis niya ay parang gusto niyang ihampas ang ulo niya sa pader.Hindi siya makapaniwala sa maling pagkakataon na ito. Plano niyang akitin si Joshua para siya na ang asawa nito, pero biglang nasira ang plano niya dahil sa menstruation.Nilinis ni Alice ang kanyang sarili at kinalkal niya ang medicine cabinet hanggang sa mahanap niya ang birth control pill. Ininom niya ang pill ng isang lunok. Gagawin niya ang lahat para makasiping niya si Joshua!Lumabas ng banyo si Alice habang nakangiti, ngunit hindi niya na matagpuan si Joshua. Sa halip, may isang bowl lang ng mainit na soup sa mesa sa tabi ng kama, kasama ang isang pack ng mga tampon.May katulong na busy sa pagpalit ng kumot at punda ng