Pagkatapos, dumiretso ng tayo si Yannie at nagpatuloy siya sa hagdan. Sa mga sandaling ito, napansin ni Wendy na bahagyang nakabukas ang pinto ng study room, at may naisip siyang ideya. Mabilis siyang lumapit at hinawakan si Yannie. “Hindi ka pwedeng umakyat! Ayaw kang makita ni Thomas!” Ayaw ni Yannie kapag may ibang tao na humahawak sa kanya ng pisikal, ngunit ang babaeng ito, isang galit na estranghero, ay hinawakan siya bigla! Kumunot ang noo niya at tinulak niya palayo si Wendy. “‘Wag mo akong hawakan!” Naalala niya na hindi gaano malakas ang pagtulak niya, at hindi ito sapat para gumawa ng distansya sa kanila, ngunit— Kablag! Nahulog sa hagdan si Wendy, at nagulat si Yannie dahil dito. “Wendy!” Nang lumabas ng study room si Thomas, nakita niya na bumagsak ng hagdan si Wendy. Kumunot ang noo niya at mabilis siyang lumapit kay Wendy, tinulungan niya itong tumayo. “Ano ang nangyari?” Sa sobrang sakit ng naramdaman ni Wendy ay namutla ang kanyang mukha, at tumulo ang
Nalilito si Wendy sa mga pangyayari. Hindi niya inaasahan na sabihin ni Thomas ang mga ganito sa kanya, lalo na at nasaktan siya. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Thomas ng may nakakaawang ekspresyon. “Thomas, paano mo nagawa ito… Paano mo nasabi sa akin ang ganitong mga bagay? Pinoprotektahan kita! Natatakot ako na ang bastos na babaeng ito ay aabalahin ka, at ito ang rason kung bakit pinigilan ko siya, at tinulak niya ako! Ikaw…” “Ito ba talaga ang nangyari?” Tumingin ng malamig si Thomas kay Wendy. “Maraming taon mo na akong kilala. Alam mo na may kagawian ako na maglagay ng mga surveillance camera sa bahay ko, hindi ba?” Isang simpleng tanong lamang ito, ngunit kinagat niya ang labi niya dahil dito, at mas naging maputla si Wendy kaysa sa pader na nasa likod niya. Tama si Thomas; alam niya na mahilig si Thomas na maglagay ng mga surveillance camera sa bahay. Gayunpaman, naaalala niya na sinabi sa kanya ni Thomas na bagong bili lang ang mansion. Hindi pa din
Tumalikod si Wendy ng labag sa kalooban pagkatapos itong sabihin. Sa tulong ng assistant, naglakad siya ng parang pilay habang palabas ng mansion, iniwan na nakatayo si Yannie sa isang lugar. Kumunot ang noo niya habang pinapanood ang assistant at si Wendy na umalis ng mansyon. Sa totoo lang, hindi dapat siya naghintay para insultuhin si Wendy, lalo na noong sinubukan siyang iset up ni Wendy at napagalitan ito ni Thomas. Bilang biktima ng kaso, normal lang para sa kanya na pagalitan si Wendy noong natalo ito. Ngunit, sa hindi malamang rason, nang makita niya na pinapagalitan ni Thomas si Wendy, nakaramdam siya ng awa para dito. Halata na walang pakialam si Thomas kay Wendy na tulad ng inaakala niya, ngunit kumilos pa rin si Wendy na parang siya ang partner ni Thomas at gusto niyang tulungan si Thomas para palayasin si Yannie habang iniisip niya na humahanga si Yannie para kay Thomas. Magkaibigan na sina Wendy at Thomas ng tatlo o apat na taon na, at ito ang pagtatrato na natang
Biglang nagalit si Yannie sa mga salita ni Thomas habang nakatitig siya ng masama kay Thomas. “Wala kaming relasyon na ganito! Alam mo dapat ito!” Suminghal si Thomas. Tumingin siya kay Yannie ng may malalim na mga mata. “Bakit ko naman ito malalaman? Alam ko ba kung ano ang ginagawa niyong dalawa ng maraming oras sa mansyon kasama si Joshua?” Kinagat ni Yanie ang labi niya at tumitig siya ng galit kay Thomas. “Kalokohan! Inimbitahan niya ako sa bahay niya dahil inutusan niya ako…” Kahit na galit na galit siya ngayon, mabilis na napagtanto ni Yannie ang pagkakamali niya at binago niya ang sinabi niya, “Para gumawa ng gulo para sayo!” Ngumisi si Thomas. “Gagawa ng gulo para sa akin? Ikaw?” Lumapit siya kay Yannei at inipit niya ito sa pagitan ng katawan niya at ng pader. “Sabihin mo sa akin: paano balak ni Joshua na gumawa ng gulo para sa akin? Hmm?” Wala pang isang metro ang layo ng mukha ni Thomas kay Yannie, at sa ganitong lapit, nararamdaman niya ang init ng katawan at hin
Ang lahat ng ng ginawa ni Yannie na may kinalaman kay Thomas sa paglipas ng taong ito ay… hindi lang dahil sa sanggol. Nang biglang… “Sir!” Tumunog ang boses ng assistant ni Thomas habang paakyat ito ng hagdan. Nagulat siya sa kanyang nakita, at kung ano man ang sasabihin niya ay naipit sa kanyang lalamunan. Agad na lumayo si Yannie dahil sa boses ng assistant, at mabilis niyang tinulak ng buong lakas palayo si Thomas, na siyang humahalik sa kanyang collarbone. Pagkatapos, tinaas niya ang kwelyo niya para takpan ang kanyang collarbone at tumakbo siya pababa ng hagdan habang namumula ang kanyang mukha. Natuwa si Thomas mga sa nangyari, tumingin siya sa gilid. Pinunasan niya ang labi niya at ngumiti siya habang pinapanood niya na umalis si Yannie. Natakot ang assistant niya sa itsura ni Thomas ngayon. “S—Sir, hindi po ba tama ang oras ng pagdating ko?” “Ayos lang.” Bumalik sa sarili si Thomas at tumingin siya sa assistant niya ng may maliit na ngiti. “Anong problema?” Yum
Pagkatapos umalis ni Yannie ng mansyon ni Thomas, sabik siyang tumawag kay Luna. “Ms. Luna, hindi niyo na po kailangan mag alala. Hiniling ko na po sa taong nagkalat ng video at ng mga litrato para idelete ang lahat. Mawawala na po sa internet ang mga impormasyon!” “Dapat po kayo maniwala kay Mr. Lynch. Pakiusap, ‘wag niyo po siyang awayin. Pangako po na walang nangyayaring nakakapag hinala sa pagitan namin.” Sa kabilang linya ng phone, hinawakan ni Luna ang phone niya at tumingin siya kay Joshua, na siyang nasa harap niya. Kumunot ang noo niya. “Yannie, ano ang ginawa mo?” Natuklasan ni Nigel na si Thomas ang taong nagkakalat ng balita. Kung sinabi ni Yannie na inayos niya na ito sa pinanggalingan ng balita, ibig sabihin ba nito ay inayos niya na rin ang mga bagay kay Thomas? Gayunpaman… alam ni Luna na sa simula pa lang, ayaw nila Yannie at Thomas ang isa’t isa. Paano nagawa ng babaeng ito na kumbinsihin si Thomas na bawiin ang balita? Isang tuso na lalaki si Thomas, at h
Ang alam lang ni Luna ay malaki siguro ang binayad ni Yannie para kumbinsihin si Thomas na bawiin ang balita at pag uusap sa internet. Kapag nagpatuloy si Joshua sa plano niya para hayaan na lumaki ang gulo sa internet, masisira nito ang reputasyon ni Yannie. Bukod pa dito, iisipin ni Yannie na si Thomas ang nasa likod nito at iisipin niya na walang kwenta ang sakripisyo niya. Masasaktan si Yannie! “Kung ganun, sabihin mo kay Yannie na ako ang nasa likod nito.” Umupo ng mas komportable si Joshua at idinagdag niya, na para bang nababasa niya ang isip ni Luna. “Naniniwala ako na maiintindihan niya ito.” Nagbuntong hininga si Luna. “Sa tingin ko ay hindi mareresolba ang problema kapag sinabi ito sa kanya. Ginawa niya ang makakaya niya para patunayan na inosente ka, pero patuloy ka pa rin sa pagpapalaki nito sa online. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya?” Ano pa man ito, sa tingin ni Luna ay hindi ito tama. Gayunpaman, hindi sang ayon sa kanya si Joshua. “Alam ko na nag aalala
Sa loob ng bahay ni Luke, nag uusap sina Luke at Kate tungkol sa parating na surgery ni Luke. “Sa tingin ko pa rin ay ang pinakamagandang gawin ay gawing mas maaga ang surgery.” Tumingin si Kate sa mukha ni Luke at nagdadalawang isip niyang idinagdag, “Luke, nakita mo naman kung paano humina ang katawan ni Gwen dahil kay Bonnie. Ngayon, wala pa rin siyang alam tungkol kay Joshua at sa babaeng ‘yun. Kapag nalaman niya ang tungkol dito, malulungkot siya ng sobra dahil best friends sila ni Luna, at lalala ang kondisyon niya dahil dito.” “Bukod pa dito, tinatago mo ang kondisyon niya mula sa kanya, at hindi lang sa hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari ngayon, hindi niya rin makokontrol ang mga emosyon niya.” Lumingon si Kate at puno ng mga luha ang kanyang mga mata. “Hindi ko matiis na makita kang umalis, at ayaw ko na umalis ka na agad, pero…” Pinunasan niya ang mga luha niya. “Gusto ko rin ang nakakabuti para kay Gwen. Nagsikap ka at pumayag ka na magsakripisyo sa kanya pa