Sa mga oras na ito, nagta type ng message si Joshua para kay Lucas, medyo nakakunot ang noo niya habang ginagawa ito. Lumingon siya at ngumiti siya kay Luna. “Sige. Baka gumaan ang loob mo kapag nagshopping ka.” Tumango si Luna. Nang paakyat na siya para magpalit ng mga damit, tinawagan siya ni Joshua mula sa likod, “Meron kang number ni Yannie, hindi ba? Pwede mo ba itong ibigay sa akin? Kailangan ko siyang hanapin.” Huminto sa paglalakad si Luna, kumunot ang noo niya habang lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Wala kang number ni Yannie?” Sino si Joshua Lynch? Ang lalaking may kontrol sa Merchant City. Kung gusto niyang malaman ang number ni Yannie, madali itong mahahanap ni Lucas sa loob ng ilang minuto lang. Hindi niya kailangan tanungin si Luna. “Medyo busy si Lucas.” Ngumiti si Joshua, tila pati ang mga mata niya ay nakangiti. “Pati, nandito ako, sinasabi ko sayo na kailangan ko hanapin si Yannie.” Walang masabi si Luna habang nakatingin siya kay Joshua. “Bakit mo
Nabigla si Yannie sa utos ni Joshua, tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. “Mr. Lynch, seryoso… po ba kayo?” Nitong umaga, sinabi ni Luna sa kanya na lumayo mula kay Thomas, at tumanggi siya dito. Ngayon naman, gusto ni Joshua na maging malapit siya kay Thomas?” “Oo. Pagkatapos itong pag isipan, ikaw ang tamang tao para gumawa nito,” Ang sagot ni Joshua. Nakita ni Joshua kung paano nakaharap ni Yannie si Thomas nitong umaga. Sinabi pa ni Thomas na gusto niyang makasama si Yannie ng mas madalas habang pinilit sila nito na mangako na dapat ay kasama ni Yannie si Luna kapag may pinag uusapan sila tungkol sa negosyo. May oras dapat si Yannie para maging malapit kay Thomas. Bukod pa dito, mababawasan ang pag iingat ni Thomas dahil alam niya na kinamumuhian siya ni Yannie. Hindi iisipin ni Thomas na gusto ni Yannie na maging malapit sa kanya dahil sa ibang rason. Kaya naman, si Yannie ang pinakamagandang pagpipilian. Tumayo si Joshua at naglabas siya ng it
Kahit na handang gumastos si Joshua na 148,000 dollars para kumuha ng buhok at kuko ni Thomas, ang trabaho na ito ay hindi basta basta. Gayunpaman, mahirap para kay Yannie na kumita ng ganito kalaking halaga, kahit na magtrabaho siya ng sagad. Mas gugustuhin niya pa na gawin ito at kumita ng pera sa madaling panahon. Dahil dito, huminga ng malalim si Yannie at tumingin siya ng tapat kay Joshua. “Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko.” Nagdalawang isip siya ng matagal bago niya kinuha ang itim na card sa mesa at inilagay niya ito sa bulsa niya. “Salamat po sa pagtitiwala niyo sa akin, Mr. Lynch.” Tumalikod siya at handa nang umalis. Ngunit, pagkatapos ng ilang hakbang, may katanungan na lumabas sa kanyang isip. “Mr. Lynch, hindi ko po alam kung pwede akong magtanong, pero…” “Gusto mong malaman kung bakit ko gustong kunin ang DNA ispesimen mula kay Thomas,” Sumingit si Joshua bago pa matapos magsalita si Yannie. Tumango si Yannie. “Opo, gusto ko pong… malaman.” Kadalasa
Sa oras na dumating si Luna sa entrance ng shopping mall, masayang nakikipag usap si Gwen kay Kate tungkol kay Luke. Interesado si Kate sa lahat ng tungkol kay Luke, habang hindi naman nahihiya si Gwen na ibahagi kay Kate ang lahat ng nalalaman niya. Masaya silang nag uusap, at mula sa malayo, sila ay mukhang matalik na magkaibigan na matagal nang kilala ang isa’t isa. Si Luna lang ang may alam na si Gwen ay hindi isang tao na madali magkaroon ng kaibigan. Ang tanging rason kung bakit naging malapit si Gwen kay Kate, na siyang minamatahan ang boyfriend ni Gwen… ay dahil pakiramdam ni Gwen na si Kate ang pinakamabuting tao na papalit sa kanya kapag tumakas nasiya mula kay Luke. Mula sa malayo, tumingin si Luna sa kanila at hindi niya malaman kung sino ang nakakaawa sa kanila. Doon lang napansin ni Gwen si Luna. “Luna!” Ngumiti siya at kumaway siya kay Luna. “Halika dito!” Itinago ni Luna ang mga emosyon niya at naglakad siya papunta sa kanila. Dahil dumating na si Luna, si
Pagkatapos ng ilang sandali, humikab si Kate at sinubukan niyang iwasan ang tanong. “Hindi… Wala namang partikular na bagay. Sinasabi ko lang ‘yun, ‘yun lang.” Tumitig si Luna sa maputlang mukha ni Kate. Nang may sasabihin na sana siya, narinig niya ang boses ni Gwen mula sa malayo. “Hoy, kayong dalawa! ‘Wag kayong tamad. Tulungan niyo akong tingnan ito!” Ito ang pinakamagandang dahilan para tumakas si Kate mula sa tanong ni Luna. Mabilis siyang lumapit. “Papunta na ako!” Kumunot ang noo ni Luna habang pinapanood niya si Kate na maglakad patungo kay Gwen.… Pagkauwi niya ng bahay, sinabi niya kay Joshua na ayaw niya kay Kate. “Ayaw ko lang sa kanya. Alam niya na mahal nila Luke at Gwen ang isa’t isa, pero ayaw niya pa ring umatras.” Sa mga oras na ‘yun, binabasa ni Joshua ang isang email mula sa laptop niya. Ang email na ito ay kompirmasyon na ang mga propesyonal na mag ooperate kela Luke at Gwen ay mula sa isang medical organization mula sa ibang bansa. Ang tunay na nagm
Noong una, ang isip ni Luna ay napuno ng mga pandidiri para kay Kate, ngunit sa sandali na marinig niya ito, lumingon siya ng natutuwa. “Nahanap mo na sila?” “Oo.” Ngumiti si Joshua at hinila niya ng malapit si Luna, nilagay niya ang ulo ni Luna sa dibdib niya. Laging nagiging panatag ang loob niya tuwing nararamdaman niya ang hinga ni Luna sa dibdib niya. “Nakumpirma ko na ang pagkakakilanlan nila, pero kailangan ko pa rin hintayin ang DNA result.” “Kailangan ko pa ng oras para makuha ang DNA sample ng mga magulang ni Riley, pero kapag nakuha ko na ang mga resulta, ipapaalam ko ang tunay na pagkakakilanlan nila sayo.” Kinagat ni Luna ang labi niya at tumango siya. Sa totoo lang, gusto niyang ibunyag ni Joshua ang pagkakakilanlan ng mga magulang ni Riley, ngunit dahil nakapag desisyon na si Joshua, rerespetuhin niya ang desisyon na ito. Gayunpaman… Pumikit siya at sumandal siya sa dibdib ni Joshua, pinapakinggan niya ang tibok ng puso nito. “Kung nahanap na ang mga magula
Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Joshua at hinila niya si Luna palapit sa kanya. “Ang dapat nating gawin ngayon ay ang ayusin natin ang sarili natin para sa kasal nila Bonnie at Jim.” Huminto si Luna nang marinig niya ito, pagkatapos ay tumango siya. “Tama ka.” Malapit nang gumising si Bonnie, at lahat sila ay niloko si Jim para isipin nito na ang kasal na ito ay para sa pagpanaw ni Bonnie, ngunit ang katotohanan ay… Ginawa nila ang plano na ito para gumising si Bonnie habang nasa kasal. Dalawang araw na lang ang natitira bago ang araw ng kasal. Ibinigay ni Luna ang lahat ng trabaho niya kay Joey sa parating na dalawang araw habang ginamit niya ang oras na ito para tulungan sina Yannie, Gwen, at ang tatlong bata na maghanda para sa kasal nila Bonnie at Jim. Minsan, sumasama rin sina Rosalyn at Charles sa paghahanda na ito. Bilang mga bida ng event, sina Jim at Harvey ay nagpapalipas ng oras kasama si Bonnie. Iniisip nila na baka mamatay na si Bonnie, kaya’t hin
Lumingon si Jim para tumingin kay Bonnie, na siyang nakahiga ng walang kibo sa kama habang nakapikit, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Harvey, na siyang nakangiti. “Na… Naramdaman mo rin ito?” Kung guni guni niya lang ito, hindi nila ito mararamdaman ng sabay ni Harvey, kaya… Sabik na tumingin si Jim sa mukha ni Bonnie. Kahit na sinabi ni Rosalyn sa kanya na isang linggo na lang ang natitira kay Bonnie, binanggit ni Rosalyn na baka may himala na mangyari! Himala ba ito? Gigising na ba si Bonnie? Nakatitig ng mabuti si Jim sa mukha ni Bonnie para makita ang kahit anong senyales na gigising na si Bonnie, ngunit… Isang minuto ang lumipas, tatlong minuto. Sampu, at naging tatlumpung minuto. Sa huli, isang oras ang lumipas. Kahit na hanggang kalahating oras bago ang kasal, nang dumating sina Luna, Gwen, at Yannie para tulungan si Bonnie na magsuot ng wedding dress, wala pa ring senyales na gigising siya. Nakapikit ang mga mata ni Bonnie, at walang ekspresyon a