Noong una, ang isip ni Luna ay napuno ng mga pandidiri para kay Kate, ngunit sa sandali na marinig niya ito, lumingon siya ng natutuwa. “Nahanap mo na sila?” “Oo.” Ngumiti si Joshua at hinila niya ng malapit si Luna, nilagay niya ang ulo ni Luna sa dibdib niya. Laging nagiging panatag ang loob niya tuwing nararamdaman niya ang hinga ni Luna sa dibdib niya. “Nakumpirma ko na ang pagkakakilanlan nila, pero kailangan ko pa rin hintayin ang DNA result.” “Kailangan ko pa ng oras para makuha ang DNA sample ng mga magulang ni Riley, pero kapag nakuha ko na ang mga resulta, ipapaalam ko ang tunay na pagkakakilanlan nila sayo.” Kinagat ni Luna ang labi niya at tumango siya. Sa totoo lang, gusto niyang ibunyag ni Joshua ang pagkakakilanlan ng mga magulang ni Riley, ngunit dahil nakapag desisyon na si Joshua, rerespetuhin niya ang desisyon na ito. Gayunpaman… Pumikit siya at sumandal siya sa dibdib ni Joshua, pinapakinggan niya ang tibok ng puso nito. “Kung nahanap na ang mga magula
Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Joshua at hinila niya si Luna palapit sa kanya. “Ang dapat nating gawin ngayon ay ang ayusin natin ang sarili natin para sa kasal nila Bonnie at Jim.” Huminto si Luna nang marinig niya ito, pagkatapos ay tumango siya. “Tama ka.” Malapit nang gumising si Bonnie, at lahat sila ay niloko si Jim para isipin nito na ang kasal na ito ay para sa pagpanaw ni Bonnie, ngunit ang katotohanan ay… Ginawa nila ang plano na ito para gumising si Bonnie habang nasa kasal. Dalawang araw na lang ang natitira bago ang araw ng kasal. Ibinigay ni Luna ang lahat ng trabaho niya kay Joey sa parating na dalawang araw habang ginamit niya ang oras na ito para tulungan sina Yannie, Gwen, at ang tatlong bata na maghanda para sa kasal nila Bonnie at Jim. Minsan, sumasama rin sina Rosalyn at Charles sa paghahanda na ito. Bilang mga bida ng event, sina Jim at Harvey ay nagpapalipas ng oras kasama si Bonnie. Iniisip nila na baka mamatay na si Bonnie, kaya’t hin
Lumingon si Jim para tumingin kay Bonnie, na siyang nakahiga ng walang kibo sa kama habang nakapikit, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Harvey, na siyang nakangiti. “Na… Naramdaman mo rin ito?” Kung guni guni niya lang ito, hindi nila ito mararamdaman ng sabay ni Harvey, kaya… Sabik na tumingin si Jim sa mukha ni Bonnie. Kahit na sinabi ni Rosalyn sa kanya na isang linggo na lang ang natitira kay Bonnie, binanggit ni Rosalyn na baka may himala na mangyari! Himala ba ito? Gigising na ba si Bonnie? Nakatitig ng mabuti si Jim sa mukha ni Bonnie para makita ang kahit anong senyales na gigising na si Bonnie, ngunit… Isang minuto ang lumipas, tatlong minuto. Sampu, at naging tatlumpung minuto. Sa huli, isang oras ang lumipas. Kahit na hanggang kalahating oras bago ang kasal, nang dumating sina Luna, Gwen, at Yannie para tulungan si Bonnie na magsuot ng wedding dress, wala pa ring senyales na gigising siya. Nakapikit ang mga mata ni Bonnie, at walang ekspresyon a
Nag aalala si Luna na aksidente niyang mabubunyag ang katotohanan at masisira ang plano ni Joshua. Biglang napansin ni Gwen na kumunot ang noo ni Bonnie, at napupunta sa isang tabi ang kanyang ulo. Mukhang malapit nang gumising si Bonnie!! Tatlumpung minuto na lang bago ang oras ng pagkagising ni Bonnie, ngunit posible na gigising siya ng mas maaga. Bukod pa dito, baka narinig niya rin ang pag amin ni Jim. Itinikom ni Gwen ang kanyang mga labi, hinila niya palayo si Jim, at dinala niya si Bonnie lagpas kay Jim. “Mr. Landry, sampung minuto lang para magpalit ng damit, at kung gusto mong ibuhos ang puso mo sa kanya, pwede mo itong gawin pagkatapos ng kasal. Pakiusap, magbihis ka na sa tuxedo mo, at pwede mong gawin ang matamis na pag amin mo pagkatapos ng kasal.” Pagkatapos, tumingin siya kay Luna at sinabi niya, “Tara na, Luna.” Agad na bumalik sa sarili si Luna at tinulungan niya si Gwen na dalhin si Bonnie sa changing room. “Muntik na nating mabunyag.” Sumandal si Luna s
Napuno ng pagdududa ang mukha ni Gwen nang itanong niya ito. Hindi mapigilan ni Luke na ngumiti habang tumingin siya sa kabadong tingin ni Gwen. “Ano ba ang dapat kong marinig?” Pagkatapos sumandal siya sa frame ng pinto at itinaas niya ang baba ni Gwen, pinilit niya itong tumingin sa kanya. May sinabi ka ba kay Luna na ayaw mong marinig ko?” Sinasadya itong itanong ni Luke, ngunit para kay Gwen, naisip niya na walang narinig kahit ano si Luke. Nakahinga na siya ng maluwag. “Wala. Kausap ko lang is Luna tungkol sa mga pambabaeng bagay na hindi mo dapat marinig.” Ngumisi si Luke at lumapit siya para halikan sa labi si Gwen. “Malapit na ang oras. Dapat niyo nang dalhin si Bonnie sa hall.” Pagkatapos, lumapit siya sa tainga ni Gwen at sinabi niya ng mababa at mapanuksong boses, “Kung may gusto kang pag usapan na pribado, pwede mo sabihin sa akin sa kama mamayang gabi.” Tumigas ang buong katawan ni Gwen nang marinig niya ito, at makalipas ang ilang sandali, namula ang kanyan
Nakakaaliw dapat ang makita ang mag-ama na magkasama sa altar, ngunit mahirap tumawa para sa kahit sino dahil sa seryosong mukha nila. Ang mood sa kwarto ay mabigat at mahirap huminga. Nang makita ni Jim na parating na si Bonnie, huminga siya ng malalim at lumapit siya dito, hawak niya ang bouquet sa kanyang mga kamay. Sa huli, lumuhod siya sa isang tuhod sa harap ni Bonnie at sinabi niya, “Bonnie, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, sana ay makita ulit kita sa susunod na buhay ko.” “Kapag dumating ang pagkakataon na ‘yun, pwedeng mawala ang mga alaala mo at makalimutan mo ang lahat ng tungkol sa akin; pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa akin dahil ito ang utang ko sayo.” “Nangangako ako na kahit ano ang pagtrato mo sa akin, tatayo lang ako sa tabi mo hanggang sa dulo ng panahon.” Pagkatapos, nilagay niya ang bouquet sa kandungan ni Bonnie, pumikit siya, at hinalikan niya ang kamay ni Bonnie. Habang pinapanood ito, hindi mapigilan ni Luna na sumandal sa dibdib ni Josh
Nabigla ang lahat sa pangungusap na ito. Pakiramdam ni Luna na para bang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Paano nangyari ito? Hindi ba’t sinabi ni Rosalyn na hindi nalason si Bonnie at gigising si Bonnie ngayong gabi? Bakit wala pa ring malay si Bonnie, at ang malala ay… tumigil si Bonnie sa paghinga? “Bonnie…” Si JIm, na handa na sa sandaling ito, ay sinubukan na pakiramdaman ang paghinga ni Bonnie. Pagkatapos, nanatili siyang tahimik at sa halip ay niyakap niya ng mahigpit ang mga binti ni Bonnie. Maliban kela Jim at Harvey, ang lahat ng nasa kwarto ay may gulat na ekspresyon sa kanilang mga mukha, pati si Rosalyn. “Hindi—hindi maaari!” Sumingkit ang mga mata ni Rosalyn at tumayo siya mula sa wheelchair. Hindi siya magkakamali sa gamot niya! Maliban kung… Maliban kung may nilagay si Nikki sa injection noong nilason niya si Bonnie! Gayunpaman, ang alam ni Nikkie ay isang tunay na lason ito at hindi siya magdadagdag ng kahit ano sa gamot. Habang iniisip ito, s
“Saan po kayo pupunta?” Tumunog ang isang boses ng bata mula sa likod ni Joshua bago pa niya maibaba ang phone. Agad siyang tumalikod para makita si Neil, may suot na magandang suit. “Daddy, hindi po ba’t hindi tama na umalis kayo sa ganitong oras?” Kumunot ang noo ni Joshua bago siya ngumiti. Lumapit siya kay Neil at umupo siya para magpantay na ang mga tingin nila. “Ano ang hindi tama doon?”Naipit ang hininga ni Neil nang makaharap niya ang malamig na titig ng tatay niya, ngunit sumagot pa rin siya ng masunurin, “Daddy, nasa nakamamatay an sitwasyon po ang buhay ni Aunt Bonnie ngayon, at ginagawa po ng buong pamilya ni Mommy ang lahat para maligtas siya… kaya hindi po maganda kapag umalis kayo ngayon.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumingin siya sa batang nasa harap niya. Sa tatlong mga bata, si Nigel ang tahimik, at kahit na siya ay isang mature at mapagkakatiwalaan na bata, tila wala siyang pakialam sa balanse sa relasyon ng mga tao. Si Nellie ang pinakabata at